webnovel

Break The Playboy's Heart

HOW TO BREAK A PLAYBOY'S HEART? Step 1: Get his attention Step 2: Get close to him Step 3: Make him fall for you Step 4: Seduce him Step 5: If you succeed in steps 3-4, show your love and affection for him (the fake kind of course) Step 6: If he falls for you even deeper, tell him the truth (that you just played with him) Step 7: Break his heart! ?❤️? 1,004 • 321 comments • 112 shares ?Like ?Comment ➡️Share Nigel Madrid Siya dapat ang paglaruan ko, pero bakit parang ako ang pinaglaruan?

IamInfinityGirl · Teen
Not enough ratings
5 Chs

2: Apology

Zandra Garcia

active 5 hours ago

5:48 PM

You:

Hi babe ;)

seen

You:

Ganon ba ako kaimportante para mag-online ka bigla-bigla?

seen

You:

bakit ayaw mo ako sagutin?

seen

Seen ng seen eh

seen

You:

Anyway, pupunta ako diyan sa bahay niyo mamaya

Zandra Garcia:

Wtf

Wala kang dahilan para pumunta dito kaya huwag mo nang gawin

You:

ayun nagchat rin!

at may dahilan ako

basta pupunta ako diyan mamaya

hintayin mo na lang ako diyan

bye :)

Zandra Garcia:

masasampal lang ikaw ng magulang ko

kaya geh

punta ka

masaya namang makita kang masampal dahil sa ginawa mo sa kapatid ko :)

You:

Nag-aalala ka ba sa'kin?

Ah sige, thanks for your care :)

seen

•••

Andito ako ngayon sa flower shop para bilhan ng bulaklak si Zandra. Ay wait, para sa kanya ba o sa kapatid niya?? Bahala na. Dalawa na lang bibilhin ko para walang gulo! Baka kase magselos yung isa kapag siya wala tapos yung isa meron. Haha! Ganyan kalakas ang kamandag ng isang Nigel Madrid.

"Two bouquets of flowers please." sabi ko doon sa nagtitinda habang nakangiti. Yung babae naman ay ngumiti at nagpabebe. Kinikilig na sa akin yan. Malakas talaga ang kamandag ko.

"Isa na lang po bayaran niyo. Libre na po yung isa, hihi." sabi nung babae.

"Ano bang maganda dito bukod sa'yo?" tanong ko at kinindatan siya.

"Ito po oh." sabi niya sabay turo ng kulay yellow at kulay pink na bouquet ng flowers.

"Ah sige. Yan na yung bibilhin ko." nakangiting sabi ko.

"2000 pesos po. Pero 1000 pesos na lang para sa'yo. Hihi." sabi nung babae. Nginitian ko siya at binayaran yung bulaklak tsaka kinuha ito.

"Thanks babe." sabi ko at kinindatan ulit siya bago umalis ng flower shop.

Sumakay na ako ng kotse at nagdrive patungo sa bahay nila Zandra. Alam ko na yung bahay nila syempre. Naging girlfriend--- I mean fling ko nga yung kapatid nun na lagi kong hinahatid sundo.

Habang nagd-drive hindi ko maiwasang maisip ang posibleng reaksyon ng magkapatid dahil nga bibigyan ko sila ng bulaklak.

Pag-aagawan ba nila ako? Magsasabunutan sila para sa akin? Wow. Grabe naman.

Nang makarating ako sa tapat ng bahay nila, sumalubong sa akin si Zandra na nakatayo sa harap ng gate nila. Napangisi naman ako.

Lumabas ako ng gate at sinalubong siya, hawak-hawak ang kulay yellow na bulaklak na para sa kanya.

"For you." sabi ko at nakangiting ibinigay sa kanya ang bulaklak. I expected her to accept it, in which she did. But, what I really didb't expect was...

"You jerk! Wala kang karapatang pumunta dito pagkatapos ng ginawa mo sa kapatid ko!" sabi niya sa akin at pinalo ako ng paulit-ulit gamit ang bulaklak na ibinigay ko. Kasabay rin nito ang paghulog ng mga petals nito sa sahig.

"Tapos bibigyan mo ako ng bulaklak?! Ang kapal naman ng mukha mo noh?? NAPAKAKAPAL!" she said.

"Huwag ka nang bumalik dito kung ayaw mo masira friendship narin." sabi niya at akmang aalis na ngunit agad kong hinawakan ang pulso niya.

"Look. I'm here to apologize." sabi ko at agad naman siyang napairap.

"If you want to apologize, apologize to my sister and not me. Hindi naman ako yung sinaktan mo diba???" sabi niya. Bigla namang bumukas ang pinto ng bahay nila na ang kapatid niya pala ang nagbukas.

"Ate pinapatawag ka---" hindi na natapos pa ni Zhamiel ang sasabihin niya dahil nakita niya ako.

Agad na inalis ni Zandra ang pagkakahawak ko sa kamay niya at naglakad papalapit kay Zhamiel.

"Ano yun?" tanong ni Zandra.

"U-uhh... Pinapatawag ka ni mom." sabi ni Zhamiel na napapatingin pa sa akin.

"Pumasok ka na sa loob. Just leave that jerk out there and don't mind him." sabi ni Zandra at pumasok na sa loob kasama si Zhamiel.

Napatingin na lang ako sa dilaw na bulaklak na ngayon ay nasa sahig na.

So this is how it feels like to be rejected, huh?

Ay wait, bakit rejected?? Linigawan ko ba yun?? Hindi! Tss. Ang isang Nigel Madrid, marereject?? That's impossible!

Tumayo na ako at pumasok sa kotse. You'll regret doing this, Zandra. I'm going to keep apologizing until you feel guilty. Or baka naman ma-inlove ka sa akin?? Hay nako.

•••

Zandra Garcia

Ang kapal naman ng mukha ng lalaking iyon para pumunta sa bahay namin. Ay hinde, dati pa lang ay makapal na ang mukha nun! Kaya nga nab-bwiset ako na nagkacrush ako sa lalaking iyon dati! But that was before ha? Not now.

"Ate. Bakit mo naman yun iniwan dun?" tanong ni Zhamiel sa akin.

"Why?" I asked.

Naawa ba siya? Eh hindi nga naawa sa'yo ang lalaking iyon nung bintreakan ka niya!

"Eh kase... Tingin ko andito siya para balikan ako." sabi ng kapatid ko.

"Ikaw? Babalikan nun?? Wala sa vocabulary niya na makipagbalikan sa babaeng naging girlfriend na niya! Kaya huwag ka nang umasa sa kanya and just find another guy to love!" I said.

That guy isn't even worth it! Baka nga habangbuhay ganun na yun! Kaya kawawa talaga ang magiging future wife niya! Kung meron man.

Iniwan ko na si Zhamiel doon sa sala at tumungo papunta sa kwarto nila mom.

•••

KINABUKASAN

Nagayon ay patungo na ako sa Academy kasama si Gail. Ngayon lang ulit kami magkasamang pumasok kasi minsan lang namin maabutan ang isa't isa. Si Chloe naman ay sigurong late na.

"Okay na ba kayo ni Nigel?" tanong sa akin ni Gail. Nakwento ko kasi sa kanya ang tungkol sa nangyari sa amin ni Nigel.

"No. At wala akong balak makipag-ayos sa kanya kapag hindi siya mag-sosorry kay Zhamiel at lumuhod sa harapan niya!" I said.

I was serious when I said that. Wala akong balak patawarin siya hanggat hindi niya nagagawa ang mga sinabi ko.

Maya-maya ay biglang lumapit sa amin si River.

"Asan si Chloe? Bakit hindi niyo siya kasama?" tanong ni River.

"Nauna na ata. Kung hindi naman, paniguradong late yun." sagot ko. That girl always comes in school late back when we were high school.

"Hays. Ano ba yang si Chloe." sabi na lang ni River. We were expecting him to leave but he didn't.

"Oh? Bakit hindi di ka pa umaalis?" tanong ni Gail.

"Uh... Zally. Sumama ka sa akin." sabi ni River na ipinagtaka ko naman.

"Why?" I asked

"Basta!" sabi niya at hinatak na lang ako bigla. And there's nothing I cam do but to follow him. Lumingon ako kay Gail at kumaway.

Looks like I know why he's doing this. Dahil ba kay Nigel? Bakit? Magsosorry siya? Ha! Lumuhod muna siya sa harapan ko habang yung tuhod niya nakabaon sa asin. Then with that, I can possibly forgive him with what he did to my sister.