webnovel

Chef Zayla Rae Tan

Nasa kitchen ako ngayon nagluluto nang pinakbet for the customers ng tawagin ako ng manager nang aming restaurant.

"Chef Tan, your fiancé is on the line po. Gusto niya daw kayo maka-usap." pag-iinform ng manager ko sa akin.

"Tell him that I'm busy." striktang saad ko sa manager na ikinabilis nitong tumakbo palabas sa kitchen.

"Where's the bicol express and sisig of table 8?" sigaw ko habang nakatingin sa mga orders nakahang sa taas.

"Here Chef." saad ng aking sous chef habang inilagay sa harapan ko iyon.

"Ba't ganito ang plating design nito? Ulitin to nakakawalang ganang tignan." galit kong sambit sa sous chef na ikinatakot ng lahat sa kitchen at nagmamadaling ayusin ang trabaho nila.

Ganito talaga ako sa kitchen strict at suplada kasi I want everything to be perfect. I'm not perfectionist but I just want everything to be what I want. Especially gusto ko sa langhap pa lang at plating design nang aming mga pagkain ay mabubusog na ang aming customers.

Napatingin ako sa pintuan ng sumigaw na naman ang manager na may ipapasabi sa akin.

"Chef Tan, pinapatanong po ng fiancé niyo po kung saan po daw kayo ikakasal?" natatakot na tanong ng manager habang nasa pintuan ito. Mahahampas ko na talaga ang kaldero sa kanya at ky Luke, punyeta.

Galit kong iniwanan ang aking station at tinangu-an ang aking sous chef na naka-intindi naman na sya muna dito.

Dali daling ako pumunta sa counter at isinagot ang tawag sa telepono.

"Gusto mo ba'ng sunugin ko ang bahay mo Luke?" galit kong tanong sa kabilang linya na nakatanggap ako ng isang mahinang tawa.

"No. But I will gladly taste your cooking sa bahay ko." pang-aasar pa lalo ni Luke sa akin.

"Ano ba?! Busy ako, I am working." mahinang kong bulyaw sa kanya dahil napansin kong madami na palang nakatingin sa aking customers.

"Let's meet tomorrow to finalize our plan." huling sambit niya sa akin at ibinaba ang tawag.

Aba't loko toh ah?! Yun lang pala ang sasabihin, pwede naman yun itext sa akin pero di pa magawa. Masasapak ko talaga to bukas. Pasalamat sya na ayaw ko syang pakasalan ha.

Napapikit nalang ako sa aking inis at huminahon. Bumalik na ako sa kitchen at nag bigay nang maliit na ngiti sa mga customers na kumakaway at ngumingiti sa akin.

Pagbalik ko sa kitchen ay tinapos ko na kaagad ang aking trabaho para maka-uwi ng condo.

After hours of working ay natapos na din ako at nagbibihis na paalis sa loob nang aking office. I heard a knock on the door kaya't lumingon ako dun at sinabihang tumuloy.

"Chef Tan, ano po bang specialty natin bukas?" maingat na tanong sa akin ng manager habang naghahanda ng papel at ballpen.

"Rellenong alimango nang sous chef." maikling sagot ko at kinuha ang aking blazer at bag papunta sa pintuan para maka-alis na.

"Ah Lowi, sabihin mo sa sous chef na I won't be here tomorrow dahil may aasikasuhin ako." nakangiting sambit ko sa kanya at tuluyan ng umalis.

Papalabas ako sa sasakyan ko dahil kakadating ko lang sa condo nang tumawag ang "FokFok Shats". Napangiti na lamang ako sa pangalan ng aming group chat dahil ako ang gumawa sa pangalan na ito at sinagot ang video call habang papaakyat na ako sa condo unit ko.

"HellllOOooo everyoneeeeEEE!!!" lasing na pagbati ni Varina sa amin. Model sya kaya ayan parating lasing kasi sa mga after party ng photoshoots niya or gig.

"Hoy Varina! Lasing ka na naman, parati ka na lang naka-inom pag kinakausap ka namin ha" pagsasaway ni Sophia ky Varina. Si Sophia naman ay psychiatrist ang kanyang propesyon.

"Long time no hangout mga ka-FokFok girls" masiglang sambit ni Lucy, the architect.

"Hoyyy sumagot si Ella, himala ata ah" pang-aasar ko ng makitang nagjoin si Ella sa aming tawag. Si Ella kasi yung killjoy sa grupo at sobrang busy. She is an ob-gyn doctor and a competent one.

"Why did you call?" mahinahon na tanong ni Ella sa amin pero bakas sa mukha ang pagka-irita.

"Wala ka talagang pinagbago Ella, ang cold mo pa rin sa amin." nakapout na tugon ko sa kanya habang umaastang nasasaktan.

"Bakit kasi kayo tumawag?" sagot naman ni Ella while she rolled her eyes and ignored what I said.

"Hindi ka pa na sanay Zara. Ganyan naman talaga ang baby Ella natin dati pa noh." poker face na pag singit ni Sophia sa amin na binelatan ko lang sya nang aking dila at ginaya niya rin ang ginawa ko.

"Wag niyo nga'ng pagtulungan si Ella. I was the one who initiated to call kasi you are all invited to my birthday!! As if na may choice ako noh" excited na sambit ni Varina habang humahagikgik ng tawa.

"Yes I am ready! 7:00pm tonight diba?" nasasabik din na sambit ni Lucy.

"Teka tonight birthday party mo?" nagtatakang tanong ni Ella ky Varina. Halatang nakalimutan niya dahil sa sobrang busy sa kakatrabaho.

"Oo, Wow I'm hurt Ella ha. Yan kasi sobrang workaholic mo! And don't forget to bring gifts ha, no gifts no entry policy" pagbabanta ni Varina sa amin.

"I'll try to go Varina and I won't promise that I will be there. If ever I can't be there, ipapa delivery ko nalang yung gift ko sayo." Ella said while looking at her wrist watch parang naiinip, siguro may pupuntahan na work related.

"Be there please Ella, matagal na tayong hindi nagsasama lahat. Kahit wala ng gift from you basta pumunta ka lang and that's enough for me." pagmamakaawa ni Varina ky Ella.

"Oo nga Ella pumunta ka naman, we will all be waiting for you." pagpupumilit din ni Lucy ky Ella.

Dahil sa kakulitan at pagpipilitan namin ky Ella ay pumayag din ito at in-end na namin ang tawag. Nakarating na ako sa condo ko at iniscan ang aking room card para pumasok.

Nang marinig kong nag click na ang pintuan sa condo ko ay binuksan ko yun at pumasok na. Hindi na ako nag-abalang pa na buksan ang ilaw at bilis na ibinagsak ko ang aking katawan sa sopa. Nakatingin lang ako sa itaas nang mapag isipan kong yayain sina Sophia, Lucy at Ella na mag Sm Mall.

Kaya't tinawagan ko sila at sumang-ayon naman sila sa idea ko. Dali daling ako naligo at nagbihis paalis patungo sa Starbucks na meeting place namin.