Sa wakas! Tapos na rin ung sa mga booths! Di na ko neto gigising ng maaga~! Hehehe~ di ko sure kung ano ung score ng booth nila Harold pero bahala na kung ano maging score ng section namin dun. Ang mahalaga makapasa at maka graduate ng senior high.
Enough na sa school stress, dito naman tayo sa part na kung saan ung pera na ung maiistress sakin kakagastos ko sakanila. AHAHAHAHAHAHA! Magastos akong tao, hindi lang talaga halata.
Matapos ng isang buong linggo ng pag-istress nila Harold at Angelica sa booth namin ay univ week ang sumunod kaya less stress na kase minsan walang teacher tapos ang dami pang mga stalls sa field! Sinong estudyante ang hindi matutuwa roon?! Tamang pahenna tattoo nanaman ule~
Pero shempre, before the best part, klase muna. Nasa classroom na kaming magkakaklase at nagtuturo na ung teacher namin habang pumapasok pa ung iba pa naming mga kaklase na late. Well, hindi na talaga mawawala sa klase un, pero ang mawala siya hindi ko kaya. Char! AHAHAHHAHAHA! Ano ba yan! Mag tigil ka nga Ibon!
Lumipas ang tatlong subject namin ng mataimtim at walang gaanong gulo. Mataimtim talaga? Basta un! Late rin si Jervien at hindi ko talaga kayang pigilan sarili ko na hindi mapatingin sakaniya. Alam niyo ung feeling na parang minamagnet nung tao ung paningin niyo? Un ung nafifeel ko kanina. So, breaktime na namin at nasa field na kami nila Violado dahil shempre~ foodtrip~! Madali lang talaga ako makasundo pag foodtrip ang yayaan.
"Bon, libre mo ko."
Sabi sakin ni Vioado habang naglalakad na kami sa mga stalls dito sa field at nakahawak siya sa braso ko. S-seryoso ka ba?
"Wag mo ilibre yan Ibon!"
Sabi naman sakin ni Christina, dahilan para mapatingin na ako sakaniya at nakitang nakatingin na siya sakin.
"Wag ka makinig dyan Ibon."
"Ako na lang libre mo Bon~"
Sabi nila Violado at Juliana sakin habang pareho na nila akong tinitignan. Guys... ilang linggo ko inipon to tas magpapalibre kayo? No fair.
"Ano kayo? Sineswerte?"
Ayan na lang ang tinanong ko kila Violado at Juliana habang tinitignan ko na sila. Tama na muna sa libre, kani-kaniyang bili tayo ngayon.
"Kahit ung blue lemonade lang Bon~"
Sabi sakin ni Violado habang nakahawak pa rin siya sa braso ko. Teh…
"Ihh! Ikaw na lang bumili ng iyo! Nag iipon ako dito, ehh!"
Sagot ko kay Violado habang naglalakad pa rin kami.
"Ngayon lang naman~"
"Anong ngayon lang?! Ikaw nga madalas ilibre nyan ni Ibon!"
Sabi naman ni Christina kay Violado. Tama ka dyan! Salamat sa pag point out sakaniya!
"Isa nga pong blue lemonade."
Sabi ko sa tindera nung nakatayo na kaming apat nila Violado, Juliana at Christina sa tapat ng stall.
"Para sakin ba yan Bon?"
Tanong agad sakin ni Violado.
"Kapal naman ng mukha mo."
Yan na lang ang nasabi ko kay Violado, dahilan para matawa sila Christina at Juliana. Ilang saglit pa ay ibinigay na ng tindera sakin ang blue lemonade na binili ko at iniabot ko naman ang bayad ko sakaniya.
"Painom na lang ako."
Sabi ni Violado sabay sipsip na agad ng blue lemonade ko.
"Ang kapal talaga ng mukha neto! Inunahan pang uminom ung bumili mismo ng inumin!"
Sabi ni Christina kay Violado habang tinitignan na lang nilang dalawa ni Juliana ito at ako naman ay hinihintay ang sukli.
"Ako rin bon, painom~"
"Ako muna, ako bumili, eh."
Sabi ko kay Juliana sabay sipsip na sa blue lemonade ko. Kasi naman tong si Violado, di pa nga ako sumasagot sa tanong niya sumipsip na agad.
"Oh."
Sabi ko sabay lapit ko ng blue lemonade ko kay Juliana.
"Ako rin Bird!"
At sabi na rin ni Christina. Yep… hindi ko na sila pinainom pa ulit after.
Nag ikot-ikot pa kami dito sa mga stalls sa field at oh my goodness~! BTS poster~! Makatingin nga at makabili ulit~! Kahit hindi official ung merch ng BTS ung mabibili ko masaya na ako basta may merch pa rin ako!
"BTS! Bibili ka nanaman, noh?"
"Shempre~!"
Sagot ko kay Violado habang tumitingin na ako ng mga posters sa stall na nilapitan ko. Kinikilig ako habang tinitignan ko sila Taehyung~! Enebe~ AHAHAHHAHAHAHA!
"Ate, magkano po dito?"
Tanong ko sa tindera habang hawak ko na ung unofficial poster ng BTS na nagustuhang ko. Okay lang yan Ibon, blow-out ko na rin to para sa sarili ko~
"Christina~ pa-henna tayo~!"
Aya ko kay Christina nung nakita ko ung stall ng henna tattoo dito sa field.
"Tara, tara, tara~! Magkano ba?"
Sagot at tanong sakin ni Christina sabay hawak na niya sa braso ko para hatakin na ako papalapit sa stall.
"Tanungin natin."
Sabi ko kay Christina at tinanong na nga namin ung naglalagay ng henna tattoo kung magkano. Ilang saglit pa ay nagpa henna tattoo na kaming dalawa ni Christina habang sila Violado at Juliana ay hinihintay lang kami. Alam niyo ba kung ano pinalagay ko? Hehehe~ ung full name ni Kim Taehyung written in Hangul~! Medyo tabingi ung pagkakasulat ni kuyang nagtatattoo pero okay naman na un, baka sa placing lang din ung problema kasi nasa inner part ng braso ko ung henna tattoo.
Maya-maya pa ay bumalik na kami sa classroom ng may hawak akong BTS posters, pagkain, inumin at meron kaming henna tattoo ni Christina~! Buti hindi pa ubos ung pera na dinala ko ngayon. Tamang ipon na lang ulit bago matapos ang school year na 'to~ para may panggastos ulit sa susunod. Hehehe~
"Eto si Ibon daming binili."
"Shempre may pera."
Sagot ko sa sinabi ni Violado habang pinapasok ko na ung posters sa loob ng bag ko. Hehehe~ may mailalagay na rin sa pader na unofficial BTS merch~!
"Libre mo naman ako, Bon~"
"Ihh! Lagi ka na lang nagpapalibre sakin, eh."
Sagot ko kay Violado sabay sipsip na sa blue lemonade na binili ko kanina.
"Ako naman libre mo Bird!"
"Kami naman libre mo Bon~!"
Sabi naman nila Christina at Juliana sakin habang hawak nila ung mga pagkaing binili nila sa mga stalls sa field.
"Ihh! May pag-iipunan pa ako!"
~Stress less, spend more. Char! Saving money for the future is more practical.~
THIS IS BASED ON A TRUE STORY.