webnovel

Unfortunate Events

Hindi pa natatapos ung January ngayong 2020 pero marami na agad nangyari na ikinagulat at ikinalungkot, pati na rin ikinabahala ng maraming tao. Pumutok ung bulkang taal, dahilan para matabunan ng mga abo ang mga lugar na malapit roon at nagkaroon ng plane crash sa ibang bansa kung saan nakasakay sina Kobe Bryant pati na rin ng anak niyang babae na naging dahilan ng kanilang pagkamatay.

Oh, hindi lang pala un! Kasi sabi samin ng teacher na facilitator ng work immersion program ng mga grade 12 students dito sa school namin ay dapat daw before dumating ung February, meron na kaming theme or kahit na anong idea para sa booth na gagawin namin. Wala akong sama ng loob sa class president namin na babae, ha, pero kasi nangangalahati na ung buwan ng January at malapit na mag February, wala pa rin kaming idea kung ano gagawin sa booth namin.

Meron naman sana naiisip na theme ung isa sa mga kaibigan nung class president namin kaso… easier said than done. Sabi maganda raw ung theme na Hotel Del Luna, kaso hindi ko alam un kaya di ko maimagine. Buti pa ung section nila Harold may plano na kung ano ung gagawin nilang booth sa darating na February. Sana all na lang po may competent na class president. Nag-aalala na ako sa magiging grade namin sa booth…

"Tagum, nabalitaan mo ba ung nangyari kay Kobe Bryant?"

Tanong sakin ni Raymond habang nakaupo na siya sa bandang kanan ko pero may pagitan kami ng isang upuan. Doon kasi uupo si Lyla sa subject na 'to, eh. Work Immersion Program na kase ung subject namin ngayon at ung seat plan na ginawa ng teacher namin ay by… ano nga tawag dun? Basta ung mga program.

"Oo."

"Nung nabalitaan ko un naiyak ako, eh. Kasi si Kobe Bryant—"

Sabi sakin ni Raymond kaso di ko na masyado pinakinggan kase inaayos ko na ung mga forms ko na ipapacheck ko sa teacher namin sa work immersion.

"Tagum, pwede patingin ng mga forms mo?"

Tanong sakin ni Lyla nung paupo na siya sa upuan niya sa pagitan namin ni Raymond.

"Eto."

Sabi ko kay Lyla sabay bigay ko na sakaniya nung mga forms ko para tignan na niya.

"Oy, Tagum! Wag mong kalimutan ung sa research natin mamaya, ha~!"

Sabi naman sakin ni Micah, dahilan para mapatigil ako sa pag-aayos ko ng mga forms at mapatingin na sakaniya.

"Oo~ hindi ko kakalimutan~!"

Natatawang sagot ko sakaniya habang inaayos ko na ulit ung mga forms ko. Sana maki cooperate ng maayos ung mga kagrupo namin. Ayy! Hindi ko na pala kayo na-update about sa mga latest na ganap! Well… technically, hindi na siya latest kasi last year pa nangyari pero… eto na nga…

Ever since na naging sila Apo at Dexter ay hindi na kinokonsider na kaibigan ni class president pati na rin nung dalawa pa nilang kaibigan si Apo. Also, nagkaroon ng changes sa groupings ng buong klase namin kasi ung ibang grupo ay di nakakapag move forward sa chapters ng research nila dahil ung ibang mga kagrupo nila ay hindi nakiki cooperate.

Medyo natutuwa nga ako sa current groupings namin sa research ngayon, eh, kasi kahit papano may mga naaambag sila Kraven, Madera, Carl, Abeleda, Agras at Desiree. Well, shempre malaki rin ambag nila Micah at Masi sa grupo namin kasi magkaka sundo na kaming tatlo simula nung naging magkagrupo kami sa research din last semester.

"GCCSO/General Psychology."

Banggit ni sir sa program matapos niyang icheck ung forms nung kaklase namin. Pipila na sana kami nila Chaves, Micah, Lyla, Chin, Morris at Raymond ng biglang lumapit si Violado para magtanong kay sir. Teh… seryoso ka ba?

"Ah, sige po sir."

Sabi ni Violado kay sir sabay lakad na pabalik sa puwesto niya katabi sila Juliana, Christina at iba pa naming mga kaklase na kinuha ung program na Practical Teaching ata un? Basta ung mga magtuturo sa mga elementary at kinder.

Habang chine check na ni sir ung mga forms ni Chavez ay nagulat na lang ako nung biglang dumaan sa bandang kanan ko si Jervien papalapit kay sir.

"Sir, cr lang po ako."

"Sir, wag mong papayagan yan. Bababa lang yan sa canteen para bumili ng pagkain."

Panunukso ni Chavez kay sir para hindi payagan si Jervien na lumabas habang tinitignan at nginingisian na niya ito.

"Luh."

Natatawang sabi ni Jervien kay Chavez habang tinitignan na rin niya ito.

"Sige, pero sa cr diretso mo, ha. Sasabihin ko sa adviser niyo pag nag punta ka talaga sa canteen."

Sabi ni sir kay Jervien habang tinitignan na niya ito.

"Lagot ka~"

Natatawang sabi ni Chavez kay Jervien habang tinitignan niya pa rin ito. Tumawa na lang si Jervien sakaniya at saka naglakad na papalabas ng classroom namin. Sana all po nakakausap si Jervien casually…

"Tagum, sabihan mo mamaya sila Carl na tumulong sa research, ha. Tsaka padala mo ulit sakaniya ung laptop niya sa Wednesday."

Sabi sakin ni Micah habang nakaharap na siya sakin at tinitignan na niya ako. Ipapa alala ko lang po sainyo na nakapila kami, baka kasi nakalimutan niyo, eh.

"Sige, sabihan ko sila mamaya sa gc."

"Sabihan mo na lang sa personal tapos ipaalala mo sa gc."

"Sige, sige."

Yan na lang ang sinabi ko kay Micah sabay turo na sa harap niya kasi ung forms naman niya ang sunod na ichecheck ni sir. Habang naghihintay sa pila ay hindi ako mapakali at nag-aabang ako na may pumasok na tao sa pintuan ng classroom namin na nakasuot ng kulay orange na jacket.

"Yvon, marami ka bang nirevise sa forms mo?"

Tanong sakin ni Chin habang nakasilip na siya sa likod ni Lyla. Agad ko na siyang tinignan at saka tumango, agad ko rin nakita si Jervien na nakaupo na sa puwesto niya sa last row. Nakabalik na pala si Jervien, sa likod 'to dumaan panigurado. Kaso… bakit kaya hindi na niya sinusuot ung denim jacket niya? Madalas na niyang suotin ung plain orange na jacket na suot niya ngayon, eh.

"Tagum."

"Ay, sir."

"Forms mo."

"Eto po."

"Form 1, check. Ganito talaga pirma ng mama mo?"

"Opo, eh~"

"Ah, sige. Form 2, check. Form 3… mali spacing mo rito. Paki ulit, ha."

"Opo."

"Form 4… gawin mong all caps ung—"

~Class Presidency must be taken seriously, not neglecting duties and responsibilities.~

THIS IS BASED ON A TRUE STORY.

iboni007creators' thoughts