webnovel

Seminar

Open na ung mga booths ng lahat ng GAS and HUMSS at mga alas otso pa lang ng umaga ay bukas na ung pitong booths ng mga kaschoolmate namin. Limited lang ung mga nakaassign sa mga gawain ng kada booth kaya ung ibang mga estudyante ay pinapaattend na lang sa mga seminars.

"Ibon! Nasan ka na!?"

Tanong agad sakin ni Violado matapos kong sagutin ung tawag niya sakin habang naglalakad na ako papunta sa building kung saan ginaganap na ngayon ung seminar na aattendan namin.

"Papunta na ko dyan! Teka lang!"

Sagot ko sa tanong ni Violado. Yep. Kaka-new year lang last month pero di pa rin naaalis ung pagiging late ko. AHAHAHAHAHAHA!

"Bilisan mo! Ba't ba kase late ka!?"

Tanong sakin ni Violado habang on going pa rin ung call namin sa isa't isa.

"Traffic, eh!"

"Asan ka na?"

"Sa may tapat ng GCCSO."

"Sa guidance ng mga college?"

"Oo."

"Bilisan mo, nireserve ka namin ng upuan dito!"

"Sige, salamat~!"

Pasasalamat ko kay Violado sabay end call na. Ah! Mag hahagdan ba ako o sasakay ng elevator? Ah, shoot! Tignan ko na lang ung pila sa elevator, kung mahaba maghahagdan na lang ako.

Ilang segundo pa ang lumipas ay deretso hagdan na ako nung makita kong mahaba ung pila sa elevator. Kaya yan! Sa fifth floor lang naman ung venue nung seminar.

Pagkadating na pagkadating ko sa fifth floor ay nakita ko na may iba ring mga estudyante ang pumapasok dun sa multi-purpose hall at... nag-susulat ng attendance? Lumapit na lang ako dun sa entrance ng mph at hinintay ung turn ko para magsulat dun sa papel. And yep... attendance nga.

Matapos kong magsulat ay naglakad na ko papasok at tinext ko na si Violado kung saang banda sila nakapwesto. Ilang saglit pa ay nakita ko na sila Micah kaya tinanong ko sakanila kung nasaan sila Violado. Tinuro naman nila sakin kaya nagpunta na ako sa row kung saan nakaupo sila Violado.

"Rico, pwede padaan ako?"

Tanong ko at nung lumingon na siya...

"Hala! Sorry! Akala ko ikaw si Rico!"

Pagso-sorry ko sakaniya sabay balik na ulit sa puwesto nila Micah.

"Oh, ba't ka bumalik?"

Tanong sakin ni Micah habang tinitignan na nila ako nila Lara, Ceejay, Angela, at Jasben.

"Akala ko si Rico ung nakaupo dun, hindi pala."

"HAHAHAHAHAHAHA! Gago!"

"Putangina! H AHAHAHAHAHAHAHHA!"

"Nakaupo pa naman sa likod nun si Jervien."

"Tangina kung ako un, papalamon na lang ako sa lupa!"

Nakangising sabi sakin ni Angela habang nakatingin pa rin siya sakin.

"Nakakahiya ka Tagum!"

"Malay ko ba na hindi si Rico un!"

"Oh, dun ka na daw! Tinatawag ka na nila Violado!"

Sabi sakin ni Jasben habang nakatingin na siya sa pwesto nila Violado, dahilan para mapatingin na rin ako at naglakad na ulit ako dun sa lalaking napagkamalan kong si Rico.

"Excuse me, makikiraan. Sorry ulit kanina."

Sabi ko dun sa lalaking napagkamalan kong si Rico habang papunta na ako sa bakanteng upuan na napapagitnaan nila Violado at Acot.

"Ba't ka nagsorry dun?"

Bungad sakin ni Violado bago pa man ako makaupo sa tabi niya.

"Natawag ko siyang 'Rico', eh."

"Tangina ka! Nakakahiya ka!"

"Malay ko ba na hindi si Rico un!"

"Anyare?"

"Natawag akala ni Ibon si Rico ung nakaupo sa dulo."

"Gago. Bird! May biscuit ka dyan?"

Tanong naman sakin ni Christina. Oo nga pala, last month pa ko neto tinatawag na Bird, eh. Si Bo ung pasimuno sa pagtawag sakin ng Bird, eh, tas gumaya na lang din si Christina.

"Meron."

"Penge ako."

"Ako rin Ibon, hati tayo."

"Teka lang."

Sabi ko kela Christina at Violado sabay bukas na ng zipper ng bag ko at abot na ng isang biscuit kay Christina.

"Salamat~"

"Ako pipili ng biscuit."

Sabi ni Violado sabay halungkat na sa bag ko.

"Ang kapal naman ng mukha mo Violado!"

Sabi ni Christina kay Violado sabay bukas na ng wrapper ng biscuit na binigay ko sakaniya.

"Penge rin ako Christina."

"Ako rin Christina!"

Sabi nila Chin at Juliana kay Christina habang si Violado ay di pa rin makapili ng biscuit.

Nangangalahating oras na akong nandito at inaatake na ako ng antok ko. Si Violado parang inaantok na rin, eh, kase nakasandal na siya sa balikat ko kahit na mababa 'to para sakaniya. Hindi ko na napigilan ang antok ko kaya nakatulog na ko habang nakikinig sa seminar. Feeling ko mukha akong bata kase nakayakap ako sa backpack ko tapos suot ko pa ung hood ng hoodie kong XL ata ung size.

Natapos na rin sa wakas ung seminar kaya nagkayayaan kaming magkakaibigan na tumambay muna sa canteen sa first floor para magpalipas ng oras.

"Natext mo na Violado si Harold?"

"Oo, kaso di pa nagrereply, eh."

"Baka di pa sila tapos dun sa booth."

Sabi ni Juliana kila Violado at Christina habang tinitignan na niya ito at kaming dalawa naman ni Chin ay kinakain na ung baon naming kanin.

"Tara, ikot muna tayo."

Sabi ni Violado sabay tayo na at kuha na ng bag niya.

"Sama kayo?"

"Dito na lang kami ni Yvonne."

Sagot ni Chin sa tanong samin ni Christina habang nakatayo na rin silang dalawa ni Juliana at bitbit na ung bag nila. Di ako makasagot kase ngumunguya ako, eh. Tumango na lang ako para hindi mabulunan. AHAHAHAHAHHAHA!

"Sige. Kita na lang sa classroom."

Tumango na lang kami ni Chin kila Violado at naglakad na sila papalabas ng canteen habang kami namang dalawa ay tuloy lang sa pagkain ng baon namin.

Hindi ko pa rin talaga makalimutan ung kahihiyan na nangyari kanina! Seryoso akala ko talaga si Rico un kase magkamukha sila pag pareho silang nakatalikod! Pareho pa naman silang matangkad at maputi! Nakita pa un ni Jervien, eh! Nakakahiya ka Ibon!

"Tapos ka na?"

"Di pa. Baket?"

"Tinext na kase ako ni Violado, eh, break na raw nila Angelica."

"Ah! Teka lang! Malapit ko na maubos 'to!"

"Dalian mo baka pila na sa elevator!"

"Teka!"

"Joke lang! Hintayin kita matapos."

"Mm~"

Yan na lang ang nasabi ko kay Chin habang ngumunguya na ako at nililigpit na ung baunan ko. Nililigpit na rin ni Chin ung baunan niya at saka uminom na ng tubig. Shempre uminom rin ako ng tubig pagkalunok ko ng pagkain sa bibig ko. Uhaw na rin ako, eh. Pero sana makalimutan ko ung kahihiyan kanina! Kase hiyang hiya talaga ako! Sa harap pa mismo ni Jervien nangyari un!

~Nakakahiya ka sa part na un Ibon.~

THIS IS BASED ON A TRUE STORY.

iboni007creators' thoughts