So, July na ngayon at ilang weeks na ung nakalipas after magsimula ung school year na 'to. Ang bilis ng panahon. Hindi ko alam kung dapat ba akong ma-relieved or dapat ba akong kabahan sa kung gaano kabilis lumipas ung panahon.
"Ibon, gusto mo sumama samin sa Aling Lasani sa Reshif Mall?"
Tanong bigla sakin ni Violado ngayong break time habang kasama niya si Juliana at nakatayo kaming tatlo malapit sa bintana ng classroom namin. Napakunot na lang ako ng noo at napataas ng parehong kilay dahil si Violado ang nag-aya sakin na gumala ngayon. Ano kaya nakain neto?
"Sino-sino mga kasama?"
Tanong ko pabalik kay Violado habang palipat-lipat na ang tingin ko sakanilang dalawa ni Juliana. Hinawakan na ni Violado ang pareho kong kamay at saka tinignan na ako.
"Ako, si Violado tsaka si Antipuesto."
Antipuesto… close na ba sila? Ba't parang nalulungkot ako? Ano ba Yvonne! Ano naman un sayo?! Ni hindi pa nga kayo nagka kausap nun ni Jervien, eh! Kainis!
"Na-aya niyo na ba siya?"
Tanong ko ulit kila Juliana at Violado habang palipat-lipat pa rin ang tingin ko sakanilang dalawa at hawak pa rin ni Violado ang pareho kong kamay. Akma na sanang sasagot si Violado sa tanong ko nang bigla siyang inunahan ni Juliana.
"Hindi pa, aayain pa lang."
Sagot ni Juliana sa tanong ko kay Violado, dahilan para mabilis siyang tignan nito at saka sinamaan ng tingin. Wow. Just… wow.
"Ayan lang siya, oh. Ayain niyo na."
Sabi ko kila Juliana at Violado nang ituro ko na si Jervien gamit ng ulo ko habang tinitignan ko pa rin silang dalawa. Mabilis na tumingin sakin sila Violado at Juliana saka nagtinginan na sila.
"Ikaw na lang. Samahan mo akong ayain siya."
Sabi sakin ni Violado habang tinitignan na niya ulit ako at hawak pa rin niya ang dalawa kong kamay.
"Sige."
Sagot ko kay Violado habang tinitignan ko na siya. Naglakad na siya papalapit kay Jervien habang hatak-hatak niya ako at si Juliana naman ay nakasunod lang saming dalawa ni Violado. Tanong ko lang, pano ako napunta sa sitwasyon na 'to? Ah, oo nga pala. Hindi ko kayang magsabi ng 'hindi'. Nakakairita naman 'tong characteristic kong 'to.
"Jervien~ sama ka samin sa Reshif Mall, kakain sa Aling Lasani."
Sabi ni Violado kay Jervien habang nakatayo na siya malapit sakaniya at hawak pa rin ang pareho kong kamay. Kelan kaya ako neto papakawalan ni Violado?
"Ahh… tignan ko."
Sagot ni Jervien kay Violado habang tinitignan na niya ito. Ilang saglit pa ay binitawan na ni Violado ang mga kamay ko at saka hinampas na ng mahina si Jervien sa braso nito. Uhh… anyare?
"Libre raw ni Violado."
Dagdag pa ni Juliana sa sinabi ni Violado kay Jervien kanina. Sana lahat nililibre, noh? Bigla na lang natawa ng mahina si Jervien kila Juliana at Violado. Alam niyo ung tawang kabado ata un? Hindi. Ung tawang pilit na may halong pagka gulo na may halong nerbyos? Does that make any sense? Okay, wag niyo na lang pong intindihin ung mga pinagsasasabi ko ngayon. Carry on.
"Kahit wag na."
Sagot ni Jervien kay Juliana habang umiiling na ito sakaniya at nakangiti.
"Sasama ka ba samin pag inaya namin si Herrera?"
Tanong ni Violado kay Jervien na sumandal na sakaniyang inuupuan. Nagkibit balikat na lang si Jervien kay Violado bilang sagot nito sakaniya. Napasimangot agad si Jervien nang umalis na si Violado sa harapan niya para puntahan na si Morris. Bago pa ilipat sakin ni Jervien ung tingin niya ay mabilis ko nang iniwas ang tingin ko sakaniya at naglakad na pabalik sa bintana na sinisilipan ko kanina.
Tinignan ko lang ung field sa baba at ung iba pang mga estudyante na naglalakad dun sa field at ung mga tumatambay dun. Dapat uumpisahan na namin nila Lara, Micah, at Mark ung sa research ngayon, eh, kaso ba't hindi ako maka sabi ng hindi? Sinusubukan ko naman pero hindi pa rin talaga ako maka sabi ng hindi. Anong problema mo Yvonne, ha?
Ilang saglit pa ay napalingon na ako sa loob ng classroom namin at nakita ko na sila Violado at Juliana na nakahawak sa magkabilang wrist ni Morris at hatak-hatak na siya papalapit sa space naming dalawa ni Jervien. Daebak. Tindi rin nito, ah. Nang makalapit na silang tatlo sakin ay ako naman ang hinatak ni Violado papalapit sa puwesto ni Jervien. Ano 'tong napasukan ko?
"Herrera, sama ka samin mamaya sa Reshif Mall~"
Pag-aaya ni Violado kay Morris habang hawak pa rin niya ang wrist ni Morris. Inabangan lang namin nila Juliana at Jervien ung isasagot ni Morris sa tanong ni Violado sakaniya. Biglang natawa ng kaunti si Morris habang tinitignan na nito si Violado.
"Anong gagawin dun?"
Tanong pabalik ni Morris kay Violado habang tinitignan niya pa rin ito. Mabilis na napatingin si Violado sakin kaya napataas agad ako ng parehong kilay at saka tinignan na si Morris.
"Ka... kakain sa Aling Lasani! D-dun sa Reshif Mall!"
Nauutal na sagot ko sa tanong ni Morris kay Violado habang tinitignan ko pa rin siya. Napatango na lang si Morris sakin, kaya mabilis ko nang tinignan si Juliana na saktong nakatingin din sakin. Nung magtama ang tingin namin pareho ni Juliana ay mabilis na niyang tinignan si Morris at…
"Libre raw ni Violado."
Dagdag ni Juliana sa sinagot ko sa tanong ni Morris kay Violado. Agad na napataas ng parehong kilay si Morris, napatingin kay Juliana at mabilis nang tinignan si Violado na nakahawak pa rin sa wrist niya.
"Libre mo talaga?"
Nakangiting tanong ni Morris kay Violado habang tinitignan niya pa rin ito. Mabilis na inalis ni Violado ang pagkakahawak niya sa wrist ni Morris, kinuha na ung wallet sa bulsa ng blouse niya at saka tinignan na ang laman nun.
"O-oo. Libre ko."
Sagot ni Violado sa tanong sakaniya ni Morris sabay sara na ng wallet niya at saka binalik na ulit un sa bulsa ng blouse niya. Mas lalu pang lumaki ang ngiti ni Morris nung narinig niya ung sagot ni Violado sabay tingin na kay Jervien na nagsecellphone lang sa upuan niya. Damn! How to not give a fvuk? Paturo naman ako Jervien! Matagal ko nang need un!
"Jervien, sama tayo sakanila mamaya! Libre raw ni Violado, eh!"
Pag-aaya ni Morris kay Jervien habang nakatingin pa rin ito sakaniya. Agad na napatigil sa pagsecellphone si Jervien at saka tinignan na si Morris na hinihintay na ang sagot niya. Napatingin na lang din kaming tatlo nila Juliana at Violado kay Jervien at inabangan na rin ang isasagot niya kay Morris.
"Sino-sino ba mga kasama?"
Tanong ni Jervien kay Morris matapos niyang isara ung phone niya at saka nilagay na un sa bulsa ng polo niya. Wow... is it just me or talagang pa astig ng pa astig ung tingin ko kay Jervien? Ung denim jacket niya, ung buhok niyang itim na kala mo pina salon kasi ang ganda lang ng pagkaka-ayos, ung mata niyang pitch black, ung makapal niyang kilay, ung itim niyang skinny jeans ata kasi fit, ung all black niyang sneakers…
"Ibon."
"Huy, Ibon."
"H-huh? Ano un?"
Tanong ko kila Violado at Juliana sabay tingin ko na sakanilang dalawa na nakatingin na sakin. Pati si Morris ay tinitignan na rin ako. Uhm… anong nangyari?
"Sasama ka mamaya?"
Tanong sakin ni Violado habang tinitignan pa rin nila ako. Napatingin na lang ako kay Jervien at nakita ko siya na nakatingin na rin sakin, kaya napatango ako at binalik ko na ung tingin ko kay Violado na nakatingin pa rin sakin.
"Oo. Sasama ako. Pwede ko namang i-postpone ung pag-gawa ng research namin, eh."
Sagot ko sa tanong ni Violado sakin habang tinitignan ko na siya at saka nginingitian. Mabilis na umikot si Violado at saka hinarap na si Jervien.
"Ako, si Juliana, si Morris at si Ibon ung mga kasama mamaya. Sasama ka na?"
Sabi ni Violado kay Jervien habang tinitignan na niya ito. Napatingin na lang ako kay Jervien at inabangan na ung isasagot niya kay Violado. Tumango na lang si Jervien bilang sagot nito sa tanong ni Violado sakaniya. Sabi na nga ba hindi talaga sasama 'to, eh… Ano?! Sasama talaga siya mamaya!? Seryoso!? I. Am. Shookt.
"Sabihin mo para masabi kong sinabi mo!"
Sabi ni Violado habang tinitignan pa rin niya si Jervien sabay hampas nito sa braso nito. Ganyan na ba sila ka close para hampasin ni Violado si Jervien ng ganyan? Uwa~ sana all.
"Oo. Sasama ako."
Simpleng sabi ni Jervien at saktong nag bell na. Tahimik ko na silang iniwan at saka umupo na ako sa upuan ko na nasa harapan lang ni Jervien. Nagsibalikan na ung iba naming mga kaklase sa kaniya-kaniya nilang mga upuan, habang ung iba naman ay hindi pinansin ung bell at sina Morris, Juliana at Violado ay bumalik na rin sa mga upuan nila.
May pera kaya ako pambili ng pagkain sa Aling Lasani? Binuksan ko na ung bag ko, kinuha na ung wallet ko at saka binuksan ko na un at nagbilang na ng pera. Okay naman. Maka kakain pa naman ako neto at makakauwi sa bahay. Keri pa 'to. Ilang segundo pa lang ung lumilipas nung mag bell ay nasa classroom na namin agad ung adviser namin na last subject namin ngayon.
Ang bilis, noh? Malapit lang kasi ung teachers faculty sa classroom namin, eh. Katapat lang ng katabi naming classroom kaya ang bilis dumating ng adviser namin. After niyang mailapag ung gamit niya sa teacher's table ay tinignan na niya kaming mga estudyante niya.
"Nasaan na ung iba? Bakit wala pa? Nag bell na, ah."
Tanong ng adviser namin saming mga estudyante niya na nandun sa classroom. Sinagot na ng iba naming kaklase ung tanong ng adviser namin and nung nasatisfy na siya sa sagot ng iba ay kinuha na niya ung white board marker niya at nagsulat na. Another lecture nanaman…
~"No." A two-letter word that some people find it hard to say.~
Hello po~!! Please vote and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ito, may iba pa po akong works: "Love Yourself: Wonder", BTS Fan-Fic po siya; at "Runaway With Me", Fantasy naman po siya. Sana po magustuhan niyo!! Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!
THIS IS BASED ON A TRUE STORY.