webnovel

BOOK 1 THE MILLIONAIRE'S SLAVE (THE PROMISE)

Charm_Demetrix · Realistic
Not enough ratings
41 Chs

PART 5 Contract

Natasha P.O.V

Mula sa Mariago Resort, kuwarenta minutos pa ang inabot namin bago marating ang bahay na may kalakihan. Mukhang doble ang laki nito sa dati naming bahay. May malawak itong paradahan at mini garden. Nahahati ang bahay na ito sa dalawa.

Sa gawing kanan pumasok ang tatlong lalaki na kasama namin. Sa gawing kaliwa naman ay doon tumungo ang lalaking mukhang nag mamay-ari nitong bahay.

"Natasha!"  Sigaw niya habang bitbit ang aking maleta.

Siguro ay nalaman niya ang totoo kong pangalan dahil sa lalaking napag utusan niya para kunin ang naiwan kong mga gamit. Naroon kasi ang lahat ng personal information ko sa mga requirements.

Sakto lang ang laki at lawak nitong bahay sa loob. Mula sa unang palapag tanaw na agad ang dalawang kuwarto sa ikalawang palapag na mag katabi lang ang pinto.

"Can cook?"  Tanong niya matapos ilapag ang aking maleta.

"No?" Nag-aalangan kong Sagot ko.

Napa kunot ang kaniyang noo dahil sa sagot ko. Dapat ba YES ang sagot ko? SLAVE nga pala niya ako...

"I mean.. Yes! Of course."

Agad akong gumawi sa kusina. Binuksan ko ang fridge at kumuha ng tatlong fresh duck eggs.

Nag salang ako ng kawali at binuksan ang kalan. Napatigil na lang ako sa aking ginagawa habang iniisip ang sunod na hakbang para sa pag luluto ng egg. Kung ano bang luto ang gusto niya or kung depende sa gusto ko?

Babalik na sana ako sa sala para tanungin siya kung ano ba ang gusto niyang luto. Pero pag harap ko ay tumambad na siya sa aking harap. Naka topless at boxer. Naka sabit din sa kaniya ang checkered na apron.

Dahan-dahan kumilos ang kaniyang kanang kamay patungo sa aking tagiliran.

"Just go upstairs! You must changed your clothes."

Blangko ang ekspresyon ng kaniyang mukha saka pinihit ang kalan para hinaan. Hindi ko alam kung bakit magaan at komportable ako sa presensiya ng taong ito. May kung ano sa dibdib ko ang kumakalma habang pinagmamasdan ko siya.

Napa tingin ako sa aking suot na nanlilimahid sa dumi at amoy pawis. Tumango ako dumiretsyo sa sala kung saan naroon ang aking maleta. Puro pajamas, leggings, at tokong ang karamihan sa mga dinala ko. Pinili ko ang kulay asul na pajama at sando na kulay puti. Agad akong bumalik sa kusina para itanong kung nasaan ang banyo para sa mga katulong.

"Sir?"  Mahinhin kong tawag

Binitiwan niya ang hawak na spatula saka ako hinarap.

"Itatanong ko lang kung... saan ang banyo para sa mga katulong?"

Napakunot ang kaniyang noo dahil sa tanong ko. Bago pa man siya mag tanong ay nag paalam ako na makiki gamit ng banyo para maka ligo.

"Saan po ba ako puwedeng maligo?"

Tumingin siya sa kaniyang swatch bago ako sagutin.

"It's already twelve midnight..."

"Naiinitan na po kasi ako..."

"Go to my room."   Sagot niya na nagpa kaba sa akin.

"What?"   Sambit niya ng mapansin ang pananatili ko sa kusina.

"Don't worry. I won't fvck a Stupid innocent angel like you. If that's the matter." 

Natatawa niyang sabi bago muling bumalik sa pag-luluto.

Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil sa nabasa niya ang iniisip ko. Sa kabilang banda ay natawa naman ako dahil sa kaprangkahan niya.

Pag-pasok ko ng kuwarto niya ay agad tumambad sa aking ang napaka laking kama niya na kasya sa sampung tao. Kapansin-pansin lang na wala masyadong gamit rito maliban sa t.v at aircon. May ilang drawers din dito. Nasa ibabaw ng bed ang kaniyang laptop at pinagbihisan.

Binilisan ko lang ang pag ligo dahil sa kumakalam na ang sikmura ko. Wala pang ten minutes ay bumaba na ako sa kusina. Naabutan ko ang bruskong lalaki na busy sa pag scroll sa phone habang naka upo.

"Aahm.."   Pag ismid ko.

Napatayo ito at tumingin sa aking direksiyon. Nang itagilid niya ang ulo niya ay napa irap ito saka lumapit sa akin at nag hubad ng slipper para ipa suot sa akin.

Umatras pa siya para tignan kung sakto lang ba. Pero masyadong malaki ang paa niya dahil american size iyon. Ako naman ay size thirty-eight lang.

"Wear that slipper every time na bababa ka or pupunta kung saan. Ayoko ng maruming paa na sumasampa sa bed ko."

Sita niya na para bang sinesermonan ang grade one. Napa isip naman ako sa sinabi niyang..."Ayoko ng maruming paa na sumasampa sa bed ko."

"Let's eat." Usal niya sabay lapag sa aking tapat ng plato.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang kakaibang pagkaka luto niya sa itlog ng pato. Kahit hindi ko pa natitikman iyon, alam kong masarap ang pagkaka luto. Naliligo sa kesong puti ang itlog na mayroon pang dahon ng sang.

"Want something else?" 

Tanong niya ng mapansin ang pag titig ko sa itlog.

Umiling naman ako saka inabot iyon at nag sandok.

Napangiti ako dahil sa sarap ng pagkakaluto niya. Nag mukhang ginto ang halaga ng itlog na niluto niya dahil sa sarap. Wala pang isang minuto ng maubos ko ang una kong sinandok.

"Want more?"   Malambing niyang tanong

Tumango naman ako at agad niyang inilapit sa akin ang ulam. Sandali akong nag tigil ng maalala ang lagay nina Mamá at ni austine sa probinsiya. Binitiwan ko ang kubyertos at inilayo ang aking pinagkainan. Tuluyan na akong nawalan ng gana. Kumakalam ba ang kanilang sikmura sa mga oras na ito? Habang ako--busog?

"Kumusta na kaya sila? Nakakakain din ba sila ng maayos gaya ko? "

"What's wrong?" He asked.

"Nn-nothing. Busog na pala ako." Pag sisinungaling ko.

"Are you sure?"  "Taas kilay niyang tanong"

"Yes. "  Sagot ko at nainom ng tubig.

Nanatili akong naka upo habang pinag mamasdan siyang kumain. Paminsan minsan ay sumusulyap siya sa akin kapag sumusubo, kaya medyo naiilang ako.

Matapos niyang kumain ay agad 'kong niligpit ang pinagkainan.

"Leave it there. Just follow me."

Binitiwan ko ang sponge at sumunod sa kaniya. Pinag bukas niya ako ng pinto sa kuwarto kung saan ako naligo.

Mula sa ilalim ng bed niya ay yumuko siya at kinuha ang isa pang pares ng slipper na kulay brown. Sinuot niya iyon saka ako sinenyasan na sumunod sa banyo.

Naiilang ako dahil sa suot niya. Lalo na ngayon na wala na siyang apron at boxer lang ang suot niya. Hindi ako sanay.

"Choose one." Utos saka nilatag ang mga nilabas niyang toothbrush na bago pa.

Pinili ko ang kulay orange na manipis ang brush. Kaagad din naman niua ibinalik iba sa drawer sa ilalim ng malaking salamin."

"May I know your name sir?" I asked.

"Why?" He asked as he crease his forehead.

"I have to." I answer and then I shrugged.

"Spencer Vahrmaux. And please, do not call me Sir. Just call me Spencer."

"Spencer?"  "Ulit ko"

"Yes. Why?" 

"Naka ngiti niyang tanong habang naka sandal sa salamin."

"Mm--may naalala lang po ako."

Naka ngiti kong sagot.

"Po? I'm just twenty-eight years old. Kaya 'wag mo 'kong pino- "PO" understood?"

Bagot niyang sabi sabay abot sa akin ng kaniyang sipilyo.

"Para sa'n 'to?"  "Pag-tataka ko."

"What do you think?" Sarkastiko niyang tanong.

"You're my slave Natasha Amorine!"

Nanlaki ang aking mata dahil sa narinig. Nakakadiring isipin na pati pag toothbrush niya iuutos niya pa sa akin. Dugyot!

Padabog 'kong kinuha ang organic flouride paste at nilagyan ang brush niya. Hinawakan ko ang kaniyang baba at sinimulan na linisin ang maputi at makintab niyang ngipin na mas maganda pa sa porcelain.

Sa isip-isip ko ay mas gugustuhin ko pa ang mag luto kahit wala akong alam sa pag luluto. Nakaka panliit dahil hindi naman ako sanay sa hirap.

Nang matapos ang ilang minuto, nag mumog naman siya ng clear water sunod ay mouthwash. Ngumanga pa siya sa harap ng salamin at mabuting sinusuri ang bawat pagitan at sulok ng bunganga.

Habang nananalamin siya, pinagmasdan ko ang napaka gandang hubog ng kaniyang katawan. At the aged of twenty eight, masyadong perpekto ang pagkaka hulma nito.

Chocolate brown ang kaniyang eye complex. Mahaba ang lashes nito. Mapula at maputi ang balat, mahaba ang balahibo sa binti, braso, sa abs, at dibdib. Mayroon siyang pekas sa kaniyang dibdib at balikat. Lalong lumitaw ang kaniyang pagka banyaga dahil sa itsura niya.

He also has "killer smile" look na talagang mapapa sana all ka na lang. Makapal at perpektong heart shaped na lips, matangos na ilong, at square masculine jaw na nag papalitaw sa kaniyang karisma.

"I'm sexy and I know it." 

Naka ngiti niyang usal habang naka tingin sa akin sa salamin. Matapos punasan at matuyo ang bibig saka naman siya humarap sa akin.

"Its your turn."  

Sambit niya saka ako iniwan mag isa sa banyo.

"Spencer Pascual ... Kumusta ka na kaya?"

Sambit ko sa harap ng salamin.

"Loko ka! Sabi mo babalik ka?"

"Pinaasa mo lang ako..." 

Natatawa 'kong sabi.

Matapos mag sipilyo ay agad din akong lumabas. Naabutan ko si Spencer na naka higa sa kama niya at nag babasa ng tabloid. Sinilip niya ako na naka tayo sa gilid ng pinto saka siya naupo.

"Nasaan ang room ko?"

"Room mo? Have you forgotten nasa bahay kita? "

Sarkastiko niyang sagot.

"Don't worry. You can share with me."

Pagpapatuloy niya habang naka tuon ang atensiyon sa binabasa.

"No thanks. Okay na ako sa sala..."

"It's up to you."

"Akmang aalis na sana ako ng bigla siyang tumayo at kinuha ang mga papel na nasa drawer."

"Natasha Amorine... turning twenty four next month?..."

"Study at Global Reciprocal University. Province of Cagayan Tuguegarao."

"Naupo siya sa side ng table at nakaharap sa akin."

"Will you please introduce Yourself? I mean... tell a story about you. At kung anong ginagawa ng isang mayamang prinsesa sa impiyernong hotel?"

He seriously asked.

"Mayamang Prinsesa?" Ulit ko.

"Yes. Sabi sa resume mo -Engineer ang Father mo? "

"Ahh.. I will be honest to you Spencer. Nag nakaw ang Father ko sa company nila... Ibinenta niya sa iba't-ibang tao ang properties namin. Kahit yung bahay namin binenta niya sa bangko..."

Tumayo siya at humatak ng silya saka naupo.

"Kailangan mag dialysis ng Mamá at si Austine naman ay kailangan ng pang tustos sa pag-aaral..."

"That's why kumapit ka sa patalim. Right?"

Napataas ang aking kilay at nag pantig ang aking tainga dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay hindi lang ako nahusgahan dahil masyado akong nainsulto.

"Excuse me? With all due your respect, kung ano man yung nagawa mo kanina para sa akin... tinatanaw ko yun ng magandang loob. But it doesn't mean na huhusgahan mo 'ko. Dahil yung kanina, hindi yun sapat para malaman mo kung anong klaseng babae ako!"  

Sigaw ko at mabilis na nag pupunas ng luha.

"So tell me, anong klase ba ang tawag sa tulad mo na... basta na lang sasama sa ibang lalaki na hindi niya naman kilala ng lubusan?"

"Ano?"  I asked.

"Not because I saved you from the monsters, it means you can trust me. What if serial killer pala ako? Or rapist?"

Litanya niya na nag painis sa akin.

"Serial killer? Rapist?"

Hindi ako natatakot mamatay. Pinipilit ko lang mabuhay para sa pamilya ko. Kaya ako naki pag sapalaran dito sa Maynila... para sa kanila!

Katwiran ko at tumalikod na.

"Ten million."  

Napalingon ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.

"Ten million a month. All you have to do is work for me. It's a Lifetime contract."

"Ten million a month?"  Taas kilay kong ulit.

"Think twice. Natasha."  "Usal niya habang magka daupa ang palad"

"This agreement will probably against your rights! Be my Role Play Girlfriend in Public. Be my SLAVE."

"I'll be given you ten hours to decide. Take a rest. Beside me."

Swabe niyang himig saka nahiga sa kama. Nilagyan niya naman ng unan sa gitna na humahati sa tutulugan naming dalawa.

Nang mahiga ako ay saka niya ini off ang lights. Naka talikod siya sa akin. Ako naman ay naka tulala sa puting kisame. Iniisip ang offer niya sa akin kung tatanggapin ko ba o hindi?.

"Bakit hindi?"

"Bakit Oo?"

"Labag sa karapatan ko?"

"Role Play girlfriend?"

"Slave?"

"Karma ko siguro 'to! Madalas ko kasi minamaliit ang mga mahihirap kong manliligaw noon. Kaya ngayon, ako naman ang nag hihirap. Pero ang totoo, kaya wala akong sinagot ni isa sa manliligaw ko ay dahil sa isang lalaking tinatawag kong KUYA... Nasaan na kaya siya ngayon?"