webnovel

BOOK 1 THE MILLIONAIRE'S SLAVE (THE PROMISE)

Charm_Demetrix · Realistic
Not enough ratings
41 Chs

PART 32 SIWALAT

Ash POV

"Bakit tayo tumigil?"  Nag aalala kong tanong nang tumigil si Spencer sa pag mamaneho.

Nakatutok ito sa kaniyang telepono. Kunot ang noo at bakas sa kaniyang mukha ang panggagalaiti.

"May problema ba?" Kalmado kong tanong.

"Ash, I think dapat malaman mo 'to."  Usal ni Spencer nang di nag aalis ng tingin sa phone.

"Ano ba kasi 'yan?"

"Nag pa investigate si dad."

"Si Mr. Generoso?" Gulat kong tanong.

"Bumili kasi kami ng property sa Cagayan Tuguegarao--"

"Sa probinsya namin?" 

"Mismong bahay niyo Ash."

Napasalubong ang aking kilay. Hindi ko lubos maintindihan ang sinasabi niya kaya naman hinintay kong matapos ang sasabihin niya.

"Lumalabas na si Kasandra Surio ang owner ng property. Si Kasandra Surio din ang lumalabas na--"

"Hayop siya! Niloko nila ang Papá! Paano nila nagawa iyon?"

"Hindi ko alam..."  umiiling na sagot ni Spencer.

"Sabi na nga ba! May mali talaga! Pero bakit? Dapat malaman na ito ni Papá. Dapat niya malaman kung anong klase ang mag-ina na 'yon!"  Sigaw ko saka pinaandar ni Spencer ang sasakyan.

"Sasabihin mo ba?" Tanong ni Spencer habang diretsyo ang tingin sa daan.

"Hindi naman iyan ang nasa isip ko. Ang nasa isip ko ay kung papaniwalaan ba ako ni Papá."

"Of course! Anak ka niya--"

"Mali ka diyan. Ama ko lang siya. Pero hindi niya ako anak."  Mahina kong sambit.

"Nag-aalala ako para sa 'yo Ash."  Usal ni Spencer saka hinawakan ang aking kamay habang nag mamaneho.

"Huwag mo akong alalahanin. Kaya ko naman ang sarili ko."  Saad ko saka ngumiti.

"I'm sorry Ash. Dahil ito sa akin."

"Hindi mo kasalanan ang kasalanan ng iba. Nag-mahal ka lang din naman."  Mahina kong sambit.

"Si Trixie, para ko na rin siyang kapatid. Mga bata pa lang kami, madalas na kaming tuksuhin sa isa't-isa ng mommy niya..."  Kuwento ni Spencer habang nag mamaneho.

Tahimik lamang akong nakikinig. Gusto ko rin malaman kung paano nga ba sila nag kakilala.

"Nag debut siya, ako ang first and last dance niya. Kahit pa may boyfriend siya that time."

"Bago ikaw? May iba pa?" Pagtataka ko.

"Yes. Pero di rin sila nag-tagal. Kalaunan inamin niya sa akin na sinubukan niya lang daw talaga hanapin sa iba-- yung saya na nararamdaman niya kapag ako ang nakikita at kasama niya."

Kumirot ang puso ko matapos marinig ang sinabi niya. Kung ganon pala, sinubukan talaga ni Beatrixie na labanan at pigilan ang nararamdaman niya para kay Spencer.

"Mahal ka talaga niya ano?"  Mahina kong sambit.

"Masyado na rin malalim ang pinagsamahan namin. Lahat ginawa ko para ma-turn off siya sa akin. Pinakita ko sa kaniya kung gaano ako kagago. Nakikipag date ako sa kung sino-sinong babae. Para lumayo na sana ang damdamin niya pero--sa huli ako lang ang napagod. Nakakapagod ang pag-titiyaga niya." Pag-papatuloy ni Spencer.

Ngayon nauunawaan ko na. Malalim pa sa dagat ang pag-mamahal ni Beatrixie para sa kaniya. Napaka sakit nga nito. Bakit ganito? Pakiramdam ko nakagawa ako ng isang napaka laking krimen? Bakit kapag sumasaya ako, kailangan maging kapalit ang pasakit nito kay Beatrixie?

"May iba ka bang gusto noon? Bakit hindi mo siya nagawang mahalin?"  Tanong ko.

"I told you, kapatid lang ang turing--"

"Pero nag hahalikan kayo! Binigyan mo siya ng motibo para umasa siya na mamahalin mo rin siya!" Mataas na ang tono ng aking pananalita.

"Ash--"

"Sabi mo noon, pangalawang beses mo na umiyak sa isang babae. Sino ba yung tinutukoy mo kung hindi si Beatrixie?"  Pag-tataka ko.

Batid ko na malalim ang pag mamahal ni Spencer sa babaeng lihim niyang minahal. Kaya ganon na lamang niya itapon at balewalain ang pag mamahal ni Beatrixie para sa kaniya. Bulag si Spencer sa pag mamahal niya para sa babaeng iniyakan. Kung kaya hindi niya na makita pa ang ginawa ni Beatrixie na pag papahalaga para sa kaniya. Sino kaya siya? Sino?

"I don't wanna talk about her. Whoever she is, --"

"Bakit? Engaged na tayo-- kaya sa tingin ko, hindi masyadong personal ang tanong ko."  Inis kong sambit.

"She was a--"

"Was?" I murmured.

"A dear friend. My first and everything." Mahina niyang saad.

Napairap ako. Bakit parang ang personal ng tanong ko para maging mailap siya? Nag-selos tuloy ako sa babaeng hindi ko pa nakikilala. Nakaka inis. Dapat nanahimik na lang ako. Mainam pa na hindi na ako nag-tanong.

"First? And everything? First kiss? First s*x? I bet, walang-wala ako sa kaniya."  I mumble.

"Shit! Sabi na nga ba! Pag aawayan ba natin 'to?"  Inis niyang sabi.

"Away? Hindi tayo nag-aaway."

"Eh bakit parang nag-seselos ka?"  Kunot noo niyang tanong.

"Selos? Hindi!" Mariin kong sagot saka bumuntong hininga.

"I knew you. Nag seselos ka."  Bagot niyang sabi nang di nag-aalis ng tingin sa daan.

"Fine. Nag seselos ka! Okay na!"

"What Ash? Ako pa talaga?"

"Sino ba kasi may sabing mag kuwento ka nang Chu-chu-chu-Vah-ne-churva? Wala naman di ba?"  Napa buntong hininga akong muli sa inis.

Mabilis kong inalis ang kaniyang kamay na humaplos sa aking braso.

"I'm sorry. Kasalanan ko. Okay? Di na ako mag kukuwento ng Chu-churva Chuva * whatever."  Sambit niya saka pinarada ang sasakyan.

Narito na pala kami sa bahay ni lolo Ismael. Sa Hacienda ni Papá.

"Ako na lang. Mas mabuti kung mauna ka na. Uuwi rin ako sa unit ko."  Mahinahon kong sambit.

"No. Sasamahan kita. Kailangan kong mag pakalalaki para sa iyo. Ako ang ugat ng lahat ng ito Ash!" Giit niya.

"Problema ng pamilya namin 'to Spencer. Kapag nakita ka ni Beatrixie, lalo lang yayabong ang galit niya sa atin! Sa akin! Ayokong madamay ka." Pakiusap ko.

"Damay ako dito Ash. Lahat ng sumbat, pananakit, o masakit na salita tatanggapin ko! Basta akin ka! Pag-subok lang 'to. Sabay natin itong haharapin."  Kalmado niyang sabi habang hawak ang aking mga kamay.

"Salamat na lang. Sapat na sa akin na alam ko na mahal mo rin ako."  Sagot ko saka bumaba ng sasakyan.

"Ash! Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Hindi kita hahayaan dito."  Matalim siyang tumitig sa akin saka iping-lakip ang aming palad bago pumasok sa bahay."

Wala na akong nagawa pa. Hinayaan ko na lang ang gusto niya. Bahala na.

"Papá." Tawag ko kay Papá na kasalukuyang pinapatahan ang anak na animo'y paslit.

Mabilis ako nitong nilingon. Binalingan ng tingin ang aking singsing. Nag-angat ng tingin kay Spencer na naka suporta ang kamay sa aking likod.

Nasa tabi ni Mamá si Papá. Si Beatrixie at Kasandra naman ay nanatili sa kinauupuan.

"Talagang sinama mo pa si Spencer dito para ano? Ipamukha na ikaw ang pinili at hindi ang anak ko?"  Hiyaw ni Kasandra.

Akmang sasagot si Spencer ngunit pinisil ko ang kaniyang kamay. Senyas na huwag na patulan pa ang sinabi ni Kasandra.

"Hindi mo na talaga ako binigyan ng kahihiyan!"  Bungad ni Papá.

"Arturo, pakinggan mo sana si--"

"Isa ka pa!" Sigaw ni Papá sabay hawi sa kamay ni Mamá.

Nanginig ang aking katawan sa nasaksihan. Tumakbo ako palapit kay Mamá na lumuluha dahil sa ginawa ni Papá. Walang emosyon ang Papá. Tila manhid na siya. At mistulang normal na lang sa kaniya ang masaktan kami ni Mamá. Pisikal man o verbal.

"Naisip mo ba na kapag itinuloy mo ang gusto mo, magiging masaya kami ng Mamá mo? Ng kapatid mong si Beatrixie?"  Galit na himig ni Papá.

"Oo naman Arturo. Magiging masaya ako sa kung ano ang mag papasaya sa anak ko."  Matapang na usal ni Mamá nang di nag aalis ng tingin kay Papá.

Hindi lang ako ang nabigla. Kundi maging ang Papá na naestatwa. Ito ang unang pag kakataon na nag salita ang Mamá.

"Magiging masaya? Even it means, masaktan si Beatrixie?"  Giit ni Papá.

"Parehas kayong mag-ina! Madamot at mang aagaw! Lahat inagaw niyo na! Si Papá, tahanan namin, at si Spencer!"  Sigaw ni Beatrixie.

"Trixie, please! Sana maintindihan mo--" ani Spencer.

"Walang inagaw sa iyo si Natasha. Ako ang sisihin mo."  Mahinahon na sabi ni Spencer.

"Inagaw ka niya para saktan ako! At nag tagumpay siya! Bakit hindi mo 'ko makita? Mas nauna ako sa kaniya! Sinuportahan kita--"  Patuloy na pag tangis ni Beatrixie.

"Napakadamot mo! Lahat ginawa ko para lang mapalpit ang loob natin sa isa't-isa! Lahat ng pakiusap kay dad ginawa ko para lang makasama kita! Sabi ni Dad, namimili ka ng kaibigan. Kaya nga nag sumikap ako Ash! Gumawa ako ng malaking pangalan sa Showbiz Industry. Baka sakaling tanggapin mo ako!"

Bumaling ang tingin ko kay Papá. Tama si Beatrixie. Maliban kay Spencer wala na akong kinaibigan pa na mahirap. Pero bakit pati iyon sinabi pa ni Papá?

"Alam mo ba na kinailangan ko pa kumbinsihin si Papá na bayaran ang manager ko na isali ako sa Huge competition noong nag uumpisa pa lang ako sa pag-rampa? Nag bayad kami ng milyones para lang masungkit ang inaasam kong titulo! Baka sakaling ipag malaki ako ni Papá! Kasi alam mo? Tama ka Natasha! Galit ako kay Papá dahil ni minsan, hindi niya man lang naitanong kung gusto ko ba dalhin ang apelyido niya Ash..."  

Mababaw. Ngunit nag iwan iyon ng malalim na sugat sa aking puso.

"Paulit-ulit mo pa ipinapamukha sa akin na hindi ko makukuha ang apelyido ni Spencer dahil apelyido nga ng sarili kong Ama, hindi ko dala! Napaka sakit mo mag salita! Tao rin ako Natasha!"  Pag papatuloy niya.

Naka yuko lamang ako. Tila napipi dahil natauhan ako sa kaniyang sinabi.

"Kita mo na? Sabihin mo nga, masaya ka na ba Nastasha?"  Gigil ngunit mahinang tanong ni Papá.

"Congratulations Natasha! Nag tagumpay ka na saktan ang Ate mo."  Walang emosyon na sabi ni Kasandra.

"Papá, sana kahit ngayon lang ako naman ang pakinggan---"

"Para ano? Para sumbatan ako? Isisi sa akin lahat ng ito?"  Hiyaw ni Papá na siyang ikinatulo ng aking luha.

"Tignan mo ang kapatid mo Natasha! Maaatim mo ba na habang buhay siyang mag durusa dahil maka sarili ka?" 

Iniipon ko ang lahat kong lakas. Para mag timpi at ikalma ang aking sarili. Pakiramdam ko ay sasabog na ako. At hindi maganda ang kakalabasan nito. Dinig ko pa ang malalim na pag buga ng hininga ni Spencer na ngayon ay tikom ang kamao.

"Paano mo nasasabi sa anak mo 'yan? Maaatim mo rin ba nag mag dusa si Natasha habang buhay dahil makasarili kang ama?"  Galit na saad ni Spencer na siyang kinabigla naming lahat.

"At anong---"  Hindi na pinatapos pa ni Spencer si Papá sa pag-sasalita.

"Gaano niyo ba kakilala ang mag-ina niyo Engineer Arturo? Alam niyo ba na nakapangalan kay Kasandra Surio ang lahat ng properties niyo? Maging ang bahay at sakahan niyo sa Cagayan?" 

Nag tigil ang Papá. Salitan na tinitignan ang kaniyang mag-ina.

"Yung bahay sa probinsiya? Sabi ng bangko, nalugi ang investment ko kaya---"  bumaling muli ng tingin kay kasandra na halatang nabigla sa isiniwalat ni Spencer.

"Totoo ba? Habang nag papakahirap ako sa pag tustos ng pangangailangan ni Beatrixie, tinatraydor mo ako?"  Tanong ni Papá.

Madilim ang mukha nang lumapit kay kasandra.

"Mom? Is this true?"  Kunot noo na tanong ni Beatrixie.

"I'm -ss-sorry Beatrixie. Arturo--"

Hinila ni Papá ang kaniyang damit. Sinampal niya si kasandra na para bang isang hayop lamang ito sa kaniyang paningin.

"Dad!"  Hiyaw ni Beatrixie saka yumakap sa inang naka tiklop.

"Pinaniwala mo ako! Tama si Natasha! Ikaw ang pumatay sa Anak kong si---Austine! Ikaw! Ang kawawa kong anak--hindi niya kinaya ang lagay nila noon, tumira sa kulungan ng baboy--Muntik pa pag samantalahan si Natasha sa Mariago Resort---"  Napaluhod ang Papá. Umiiyak at galit na galit nang balingan ng suntok ang sementadong sahig.

Maging ang Mamá ay nawalan ng lakas. Agad itong umakyat at pumasok sa silid. Si Beatrixie naman ay ikinahihiya ang ginawa ng kaniyang ina.

Sabi nga nila, walang lihim ang hindi nabubunyag. Maaaring matuklasan ang lihim mula sa bibig ng ibang tao. Pero maaari mo rin matuklasan ang isang lihim sa bibig ng mismong tao na may inililihim sa iyo.

Ito na ang hustisyang hinihintay ko para kay Austine. Lumiwanag nawa ang isip ni Papá dahil sa mga bagay na nasiwalat sa gabing ito.