webnovel

Bizarre Coincidence (BTS)

"Would you still call it a coincidence when the realization dawned on you that you've been meeting the same person every year at the same place, same time, and the same date to share the same moments with you? I doubt it."

hextriant · Teen
Not enough ratings
9 Chs

Chapter Seven

I couldn't believe that I've got the chance to watch him perform live on the stage. Tapos na at lahat ang performances nila pero eto pa rin ako, nakatulala sa kawalan.

You can't blame me, though. It's been a month since I've discovered him on Instagram, and started to admire his great talents in the field of music. I have already become his fan even though I don't know much about his real identity. Basta sobrang hanga ako sa boses niya at pagtugtog ng instruments. He's indeed one of a kind.

And now you thought I would survive after hearing his angelic voice in person? And let's add the fact that he's the one who composed my comfort song.

Well, fortunately, I did. I'm still alive. Actually, there's something that has been bothering me since I saw him finally opened his eyes.

Parehas sila ng mga mata ni Lexus.

Napansin ko rin na parehas sila ng tindig at built ng katawan. Maging ang height. However, I've also distinguished a difference between them.

Their voices. Mas malalim ang boses ni Lexus sa pananalita, kumpara sa vocalist na iyon. Magkaiba.

Pero hindi ko pa rin mapigilang maguluhan. They have the same initials which is JK.

Was it just a coincidence?

"Justmine!"

Selene's deafening voice snapped me out of my trance. Napaigtad ako sa gulat kaya nasiko ko siya. "Bakit ka ba naninigaw?" nakasimangot kong sabi.

We're currently heading out of the Auditorium. Malapit na rin kasing matapos ang event kaya napagpasyahan na naming umalis. Grabe rin sa kakatili itong dalawang 'to kanina kaya ayan, halos malat na sila.

Nginiwian niya ako. "Ba't kasi lutang na lutang ka d'yan? Sana ayos ka lang, sis!"

"Dahil 'yan sa BT5 'no! OMG, I told ya', magugustuhan mo sila!" biglang singit ni Yen na nasa kaliwa ko. "So what's your thoughts about them?"

I crossed my arms in front of my chest as a little smirk crawled across my face. "Well not gonna lie, I'm beyond impressed with their performances. They really did well and I like their style. I honestly enjoyed it."

Totoo 'yan. As a matter of fact, they surpassed my expectations. I think, they truly deserve the recognition that they're getting for the past two years. Bakit nga ba ngayon ko lang sila nakilala?

Nagulat ako nang sabay silang tumili at hinampas pa ako sa braso. Napasinghap ako at sinimangutan sila. "Bakit ba kayo biglang nanghahampas!"

Nginitian ako ng matamis ni Yen. "Sorry na girl! We're just happy to find out that they really passed your standards! Masyado ka kayang choosy in terms of music!"

"True! That means magaling talaga sila! Told ya'!" Selene added.

Natatawang napailing nalang ako sa kanilang dalawa. "Alam niyo, my standards doesn't matter at all. It's not a big deal. Whether they pass our standards or not, it doesn't define their quality as a band. All groups are excellent in their own ways as they've put their hearts and passion to create masterpieces. They all deserve to be acknowledged. Hindi porke hindi sila nakapasa sa standard ng ilang tao, hindi na sila magaling. We all have different tastes and preferences in music, you know."

Natahimik lamang sila habang tinatahak namin ang room namin para kuhanin ang mga gamit. Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy sa pananalita.

"Parang sa tao lang—hindi lahat ng tao, magugustuhan ka. But that doesn't mean that you aren't good o kaya ay hindi ka talaga kagusto-gusto. We don't have to fit their standards. And we shouldn't find our value on how other people measure us. Just never forget how rare we are as individuals. We aren't perfect but we are worthy, unique, and wonderfully made by God."

Bahagya akong napatigil sa paglalakad nang mapansin na nakatitig lang silang dalawa sa'kin at halatang gulat.

"W-Why are you staring at me like that? May mali ba sa mga sinabi ko?" nagtatakang tanong ko.

Napaigtad ako nang biglang pumalakpak ng malakas si Yen. "Sis... we were just talking about BT5 here. Pero parang pang-Miss Universe ang sagot mo!" aniya at hinagod-hagod pa ang likod ko. "But yeah, you're right. Thank you so much for that reminder," she added with a warm smile plastered on her face.

Tumango-tango naman si Selene at bigla akong inakbayan. "And that's why we love you, sis." She smirked as she playfully pinched my right cheek.

Napalakas iyon kaya napadaing ako at kinurot siya pabalik sa tagiliran niya. Nakarating na rin kami sa room namin kaya umupo muna kami para magpahinga saglit.

"Ay wait, Just. Kilala mo na ba ang lahat ng member nila? 'Yong lima?" biglang tanong ni Selene na nakaupo sa harapan ko.

Umiling lang ako dahil ang totoo, dalawa lang ang kilala ko. Si jetherx at Val. I still couldn't process everything I've discovered today. Feeling ko sasakit ang ulo ko sa kakaisip.

"Then let us introduce them one by one!" masiglang sambit ni Yen sa tabi ko bago may kinalikot sa kanyang cellphone.

"Here! The first one is Jaxon Chandler or known as Jax. He's the oldest among the group. Siya ang pianist but that doesn't end there. Don't sleep on his talents! He also has an absolutely amazing voice! Tumutugtog din siya ng gitara. And you shouldn't underestimate his acting skills! Feeling ko lalabas siya sa movies or television series, someday! Plus, look at his dashing features! Jusko, buti nalang buhay pa ako nang makita ko siya kanina! Silang lahat!" Yen uttered as she dramatically clutched her chest with her dreamy eyes.

Napailing nalang ako at tinignan ang picture na pinapakita niya sa'kin mula sa phone niya. Nakisilip din si Selene na nag-agree sa mga sinabi ni Yen.

"Oh, 'yan 'yung first solo performance niya! Mukha talaga siyang prince charming d'yan, OMG!" sambit ni Selene at impit pang tumili.

Natawa nalang ako sa inaakto nilang dalawa. Well, I couldn't blame them. This guy's aura indeed radiates elegance. Plus, I was really amazed by his excellent piano skills. Halatang pang-another level talaga ang bawat pagtipa niya.

"Next naman si Yohan Gadrico. The lead guitarist." Tinitigan ako ni Yen at nginisian. "Akala mo, period na? Syempre sis, hindi lang 'yan! He's definitely one heck of a talented musician! Bukod sa magaling siya sa iba't ibang instruments, he's also an excellent rapper, song writer and producer! Like dude! Ya' know what I'm sayin'?" halos mangiyak-ngiyak na naman sabi ni Yen dahil sa labis na pagkahanga.

"Tumpak! Sobrang sikat niya rin sa Youtube! Nakakalula ang subscribers niya. Look! This is one of his viral videos." Selene handed me her phone enthusiastically.

Kinuha ko naman iyon at pinanood ang video.

Wala pang isang minuto pero halos mapaawang na agad ang labi ko dahil sa galing niya. Binuksan ko rin ang sumunod niyang videos, and that's when I instantly froze on my seat. I'm a fool if I deny that he's an actual expert in the field of music.

"Sana all," hindi ko napigilang magkomento.

Natawa silang parehas sa sinabi ko. "I know right?" tugon ni Yen.

"Who's next?" tanong ko.

Napakunot-noo ako nang tignan nila ako ng nakakaloko. "Yiee! Interesadong-interesado na siya!" tukso ni Selene kaya nginiwian ko nalang siya.

"Si Reece Vander! The drummer. Siya 'yung tumatayong pinakaleader ng group! Balita namin, siya raw ang nakaisip na bumuo ng grupo. And sis, you'll probably like his sexy brain! He's a total genius! Nakakabaliw ang kataasan ng IQ niya, jusko. And of course, he's also a top-notch musician! Rapper, songwriter, and producer din siya just like Yohan."

"Actually, power duo raw talaga sila ni Yohan since highschool. Then nang magcollege, doon sila gumawa ng grupo," dugtong ni Selene sa sinabi ni Yen. "Here, watch his one of the best solo performance!"

"Wow..." bulong ko matapos mangalahati sa video. Napatulala ako.

Sinimulan niya ang performance sa pagd-drums ng matindihan. It was so lit! I actually loved his smooth transitions. Pagkatapos ay nag-rap na siya at doon ako mas napahanga sa kanya. I was amused by his style, flow, especially his wordplay. Grabe itong lalaking 'to.

"Ano sis? Buhay ka pa? Aba may dalawa pa!" ngisi ni Selene kaya inirapan ko siya ng pabiro.

"Sino na ba?" natatawa kong tanong.

"The bass guitarist! Tyrone Vash Falzior!"

Gulat na nilingon ko si Yen pagkasabi niya no'n. "A-Ano kamo? T-Tyrone Vash? Isn't it Trake Valiant?"

Kailan pa nagbago ng name si Val?

"Huh? Si Vash 'yun!" singit ni Selene.

Umiling ako. "Kaibigan ko siya. I'm certain that it's Val!"

Nagulat ako nang sabay na naman silang tumili at parang gulat na gulat sa sinabi ko.

"Friend mo si Trake Valiant?! Ang swerte mo sis! Actually, mas bet ko siya kaysa kay Vash!"

"Mas crush ko pa rin si Vash! Tig-isa nalang tayo sa magkambal na 'yon!" dugtong ni Yen kay Selene.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko.

Magkambal?

A gasp escaped my mouth when realizations hit me.

So that's why Val was acting strange and different earlier. Because he's literally not Val! But his twin! Bakit kasi hindi naman nakwento sa'kin ni Val na may twin brother siya?!

I firmly shut my eyes and mentally slapped my forehead due to embarrassment. Nakakahiya 'yung ginawa ko kanina! I even acted as if we're close buddies! But in my defense, wala naman akong kaalam-alam na may kakambal si Val kaya masisisi niya ba ako na ginawa ko 'yon? Good thing, hindi niya ako kilala at hindi na niya ulit ako makikita.

"Paano mo naging kaibigan si Valiant?" tanong ni Selene.

Kinwento ko sa kanila lahat kung paano kami nagkakilala sa Theatre Club hanggang sa nagkahiwalay kami ngayong college. Of course, except from the truth that I once liked him not only as a friend.

"Sobrang swerte mo talaga, sis! Ang hirap din kayang ma-reach ni Valiant!" Inalog-alog pa ni Yen ang balikat ko kaya napangiwi ako.

"Totoo! Soon to be actor na rin 'yon, e. Plus, he's one of the top photograpers sa Risewest University! At syempre, top student din pagdating sa acads," dagdag ni Selene at madramang pinunasan pa wari ang mga mata.

Hindi ko mapigilang mapangiti sa mga sinabi nila. Tama sila. That's the Valiant I used to know.

"So ano'ng feeling maging kaibigan ang isang Trake Valiant Falzior?" tanong ni Yen.

Huminga ako ng malalim. "Well, sobrang saya niyang kausap at kasama, to be honest. He has this fun personality and there's no dead air whenever I'm with him. He's actually a social butterfly. So meaning, sobrang dami niyang mga kaibigan to the point na baka nakalimutan niya na ako ngayon," sagot ko. Bahagya rin akong nalungkot nang ma-realize ko 'yon.

I smiled bitterly. Selene gently tapped my shoulders while Yen gave me a warm side hug as a gesture of comfort.

"For sure, he could still remember you. Sobrang buti mo kayang kaibigan!" masiglang sabi ni Selene dahilan para mapangiti ko.

"Sana nga," saad ko. "Pwede niyo na bang i-elaborate ang qualities ni Vash? I'm curious about him, too," pag-iiba ko ng topic para hindi na lumalim ang lungkot na nararamdaman ko.

"Ay oo nga pala, shems," natatawang sambit ni Yen. "So, Tyrone Vash Falzior. OMG, hindi ko alam kung saan ako magsisimula! He was really born to perform on stage!"

Natawa nalang ako sa kanya.

Si Selene naman ang nagpatuloy. "First of all, hindi lang sa bass guitar siya magaling tumugtog. Maalam din siya sa iba pang instruments especially saxophone! Magaling din siyang mag-piano at iba pa. He has quite unique vocals, too! Deep, sexy, and husky yet warm and soulful! Sobrang galing din sumayaw! Grabehan din 'yung expressions niya! Plus, look at his top tier visuals! Too perfect to be true! Pang-number one! And kung si Valiant ay actor, siya naman ay model!"

"Sayang nga, e. Binalik niya ang black hair niya. His blue hair was so iconic!" singit ni Yen. "Look!"

I just kept staring at the picture. It was an image of him performing with his bass guitar on the stage. Hindi ako sanay dahil si Val ang nakikita ko sa kanya. I just imagined Val with this blue hair. Pero bumalik sa alaala ko ang pag-uusap namin ni Vash kanina. Sana talaga hindi na ulit kami magkita!

"Next na nga," agad kong sabi dahil ayaw ko na 'yon maalala.

"Eto na, OMG! Si JK!" kinikilig na sabi ni Selene.

I gulped as soon as I heard that familiar name. Iba ang pumasok sa isip ko. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko.

I know him. It's jetherx.

"T-Tell me more about him," I stuttered.

Magsasalita na sana sila nang biglang tumunog ang phone ko. I took it from my bag to check the message.

Sierra: Justmine, hinahanap ka ni Pres. Tapos na ang event. Punta ka rito sa office.

I just heaved a deep sigh before I replied 'okay'.

"Guys, kailangan ko pang pumunta sa office. Mauna na kayong umuwi," sambit ko bago inayos ang mga gamit ko.

"Hintayin ka na namin!" tugon ni Selene bago tumayo na rin silang dalawa para mag-ayos.

Umiling ako. "Baka mapatagal kami. Gabi na, e. Una na kayo. Okay lang, promise," I assured them.

Narinig ko naman silang napabuntong hininga. "Sige, hatid ka nalang namin do'n. Then, uwi na kami."

I just nodded in agreement. Lumabas na rin kami at tinungo ang office. Nang makarating kami, nagpaalam na ako sa kanila at nakipagbeso-beso.

•°•°•°•

Pagkauwi ko sa bahay, napakunot-noo ako nang makita ang maraming messages mula kay Lexus sa Telegram. Ngayon ko lang kasi binuksan ulit ang phone ko.

I just shrugged and decided to reply.

━━━━━━━━━━ •°•°•°•°• ━━━━━━━━━━

JKLM:

Hi, miss. Pa-mine ;)

Este

Hi, Miss Mine :)

Pst, Mine

Uy Mine

Mine kung nandyan ka pakigalaw ang baso

Miss?

Master?

Master nandito na ako master

Mine :(

May kailangan akong itanong

JUSTMINE:

Nagpaparamdam ka lang naman kapag may kailangan

JKLM:

Whoa

You finally replied

Uy di ah

Hahaha namiss mo ba ako? Pasensya na naging busy lang talaga

JUSTMINE:

Luh, asa ka. Hindi kita namiss

JKLM:

Sus nagtatampo ka nga e

Naks namiss niya ako HAHAHA

Sorry na, master

Mas namiss naman kita :)

JUSTMINE:

Ewan ko sayo

Ano 'yung 'kailangan' mong itanong?

JKLM:

See? Nagtatampo ka 😔

JUSTMINE:

Hindi nga. Parang timang

JKLM:

Okay :(

Sa Stravin University ka ba nag-aaral?

Okay lang kahit di mo sagutin. Naiintindihan ko. Curious lang talaga

JUSTMINE:

Why? And how th did u know?

JKLM:

So doon nga? Haha

Parang nakita kasi kita kanina

JUSTMINE:

Nandoon ka?!

Seen

Hoy sumagot ka, letse

Seen

Ano ba! Stop leaving me on seen!

Seen

JKLM:

HAHAHAHA katakot naman amp

Cute mo

JUSTMINE:

Ano nga kasi?! Nandoon ka nga kanina?

JKLM:

Malamang nakita nga kita e. Common sense naman Mine, please

JUSTMINE:

Ah ginaganyan mo na ako?

JKLM:

Hahahaha biro lang. Master sorry na master :(

Umuwi kasi ako sa Valievice. Tas inimbitahan ako ng tropa ko na taga SU. Music Festival daw. Naging interesado lang ako.

Tapos nakita kita kanina

JUSTMINE:

So nandito ka pala. Bakit di mo ako nilapitan kanina?

JKLM:

Typing. . .

Mukhang busy ka e. Tsaka medyo nahihiya ako HAHAHAHA takte

JUSTMINE:

Wow ikaw pa mahihiya? Napakakapal nga ng mukha mo eh

JKLM:

Hahahahahaha ang sama amp

JUSTMINE:

Char lang. May gusto din ako itanong sayo

JKLM:

Ako din may gusto din ako itanong sayo with a silent "itanong"

JUSTMINE:

...

Letse seryoso ako

JKLM:

Seryoso rin naman ako sayo

JUSTMINE:

😀🔪

Alam mo ikaw

'La kang kwenta kausap

JKLM:

HAHAHAHAHA biro lang. Ang pikon talaga

Ano ba 'yun?

JUSTMINE:

Typing. . .

Do you know BT5?

Seen