"Baka naman kilala mo talaga ako tapos sinusundan mo ako tuwing bumabyahe ako papunta sa Valievice. Kuya, aminin mo na," seryoso kong sabi at humalukipkip.
I heard him scoff. "Wow. Miss assuming is back?" He burst out laughing.
Later on, bigla siyang sumeryoso.
"Miss, for the record, I don't even know any single detail about you, except from the fact that we both live in the same city. And do you think I have some spare time to follow you? Sa instagram pwede pa, pero dito? Nah, such a waste of time."
Napaisip ako. "Byaheng alas tres ka ba lagi? Tuwing December 23?"
"Oo," sagot niya. So that explains why. 'Yun din lagi ang oras ng byaheng pinipili ko.
Magre-react pa sana ako kaso biglang sumigaw ang driver.
"May balak pa ba kayong sumakay?! Tama na muna 'yang landian mga totoy at ineng! Tayo'y lalarga na!"
Napangiwi ako sa sinabi niya. Nakalimutan kong nasa labas pa pala kami ng bus. My cheeks instantly turned red due to embarrassment.
Agad kaming umakyat at umupo sa seat number namin. Magkalayo kami ng upuan. Sa harap ako habang sa gitna naman siya napunta. Maaga kasi akong pumila.
Tuwing last day ng class namin sa December, umuuwi agad ako rito sa Clesfrin para kahit papaano, makita ko sila Sherence bago magpasko. Then balik Valievice ulit kapag December 23. Kung last year, sumunod lang ako kila papa, ngayon ako naman ang mauunang pumunta. Bukas pa sila luluwas for some reason. Sasabay dapat ako sa kanila kaso may gustong ipagawa sa'kin ang lola ko sa Valievice.
I was about to close my eyes when my phone suddenly vibrated. I unlocked it and found a message on telegram. Napakunot noo ako dahil wala sa contact ko ang sender.
JKLM: Ikaw ba si ABCDEFGHI-NOPQRSTUVWXYZ?
Mas lalong kumunot ang noo ko sa nabasa ko. I clicked the sender's profile to check the picture.
It was an image of a guy, facing the panoramic view of the city lights. His arms were stretched wide as if he was floating endlessly through the night air. But how could I recognize him if I could only see his back view? Nakasuot siyang itim na jacket at likod niya lamang ang nakikita ko.
Saan niya kaya nalaman ang account ko?
Biglang nag-vibrate ulit ang phone ko. A message from the same sender just popped up. I let out a sigh and just decided to reply.
━━━━━━━━━━ •°•°•°•°• ━━━━━━━━━━
JKLM:
Ikaw ba si ABCDEFGHI-NOPQRSTUVWXYZ?
Awts snob si miss
JUSTMINE:
Close po ba tayo?
How did you find my account?
JKLM:
Sagutin mo muna tanong ko
JUSTMINE:
Hindi
JKLM:
Ha?
JUSTMINE:
'Hindi' po ang sagot ko!
JKLM:
Galit ka? Hahahaha
Mali. Dapat sabihin mo 'bakit?'
JUSTMINE:
E'di hindi 'yan sagot. Tanong din 'yan
JKLM:
Pilosopo amp
Sige na. Sabihin mo 'bakit' kahit walang question mark para wala ka nang reklamo
JUSTMINE:
Luh. Nakaka-stress ka po
Hays. Fine
Bakit
JKLM:
Dahil ikaw ang bubuo sa'kin yieee
JUSTMINE:
...
Kuya sana okay ka lang
JKLM:
Lol. Di mo lang na-gets e
JUSTMINE:
Na-gets ko
Kung ako si ABCDEFGHI-NOPQ kemene leche katamad magtype basta hanggang Z, ako ang bubuo sayo dahil ikaw si JKLM?
Ang corny, yuck
Tsaka name mo ba 'yang JKLM?
JKLM:
Naks, curious siya sa'kin HAHAHA
Interesado ka na?
JUSTMINE:
Assuming
Kilala ba kita sa personal?
JKLM:
Mana sayo
Oo kilala mo'ko :)
JUSTMINE:
Hala sino ka kasi?
JKLM:
I'm
Typing. . .
JUSTMINE:
Kuya, ang bagal mo mag-type
Kasing haba ba ng essay ang name mo?
JKLM:
Haha
I'm
Yours
JUSTMINE:
Leche
Sa tinagal-tagal ng type mo 'yan lang pala? Makaluma pa!
Ako 'di mo tatanungin?
JKLM:
Awit. Pinaghandaan ko kaya ng ilang taon 'yan
O ba't kita tatanungin, e kilala na kita
I know that you are 'just mine'
JUSTMINE:
JUSTMINE kuya. Magkadikit kasi
JKLM:
Nope
You're
Just mine :)
JUSTMINE:
Ewan ko sayo, leche ka
Tanungin mo na ako
JKLM:
Sabihin mo muna 'please, master'
JUSTMINE:
😀🔪
Alam mo ikaw
JKLM:
HAHAHAHAHA biro lang
Ge na nga baka umiyak ka pa
Sino ka?
JUSTMINE:
I'm
Typing. . .
JKLM:
Tinagalan din mag-type amp walang originality
Boo
JUSTMINE:
I'm
JKLM:
My future wife? :)
JUSTMINE:
No
I'm...
Gonna block you :)
━━━━━━━━━━ •°•°•°•°• ━━━━━━━━━━
Right after I sent my reply, I immediately blocked him. Feeling ko pinagtitripan niya lang ako at walang magawa. Napailing nalang ako at sumandal sa upuan. I just decided to take a nap.
Nang makarating na sa area namin, agad akong tumayo at bumaba mula sa bus. I felt the cold breeze from the night air as soon as I set foot on the ground. Malamig na rin talaga dahil December na.
Kakasimula ko palang maglakad pero napasigaw ako sa gulat nang biglang may humawak sa balikat ko.
"Ano ba kuya, tinakot mo ako!" reklamo ko kay kuyang mahangin. Madilim na rin kasi kaya mabilis akong kabahan.
Tinawanan niya lang ako ng malakas. "Why did you block me?"
"Huh? Saan kita binlock?" kunot-noong tanong ko.
"Sa telegram. Ang bilis mong mapikon," pigil-tawa niyang sabi. "I'm... gonna block you," dagdag pa niya nang may halong pang-aasar.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Ikaw si JKLM?!"
Napaawang ako nang bibig nang tumango siya habang tumatawa pa rin.
Siya pala 'yung lecheng 'yun?!
I frowned. "Ano ba'ng trip mo kuya! Bakit kasi gano'n 'yung mga reply mo," reklamo ko.
"Sorry na. 'Di ko naman alam na maiinis ka ng todo." Tumigil na rin siya sa pagtawa.
"Paano mo nalaman ang account ko?" tanong ko.
Napakamot siya ng ulo.
"Hindi ko sinasadyang makita kanina nang mapulot ko sa waiting area. Naiwan kasing nakabukas 'yung telegram. Sorry. But I assure you, hindi ko 'yan pinakialamanan. Pinatay ko agad," paliwanag niya.
Bigla kong naalala na kausap ko nga pala sila Jaizer sa telegram kanina habang nasa waiting area ako. Tumango nalang ako sa kanya at napabuntong hininga. Napaupo ako sa may bench na katabi ng poste.
"It's okay. I'm actually thankful na sayo napunta 'to. Siguro kung iba, baka hindi na mabalik sa'kin 'to."
Umupo siya sa tabi ko. "Hindi ko nga alam na ikaw ang may-ari n'yan, e. Nakatalikod ka kasi. Tinandaan ko lang 'yung suot mo at hinanap ka."
"Thank you ulit, kuya," natatawa kong sabi. "Teka nga ano ba talagang name mo? JKLM talaga? Seryoso 'yon? Sure na?" sunod-sunod kong tanong.
He let out a soft chuckle. "Initials ko 'yan. Just call me Lexus."
"Okay, Kuya Lexus," sambit ko at tumango-tango.
Tinapik-tapik niya ang balikat ko. "Masyado kang magalang. Lexus nalang."
"Mas matanda ka, e."
"Isang taon lang naman."
"So, the L in JKLM means Lexus. I bet, 'yung M ang surname mo. Then, ano 'yung JK?" pag-iiba ko ng topic. "Char, kahit 'wag mo nang sagutin kung ayaw mo."
He let out a sigh. "Malalaman mo rin next time."
"May next time?" taas-kilay kong tanong.
Bigla niyang ginulo ang buhok ko. "Unblock mo na kasi ako," natatawa niyang sabi.
"Sabihin mo muna, please master," panggagaya ko sa sinabi niya sa telegram at nginisian siya.
"Aba bumabawi ka ah, Just mine," asar niya pabalik.
Agad akong napairap. "Justmine kasi! Min ang pronunciation, hindi mayn."
"But I wanna call you mine," he teased as he wiggled his brows.
Hindi ko na napigilang batukan siya. "Ewan ko sa'yo, Lexus." Tumayo na ako at inayos ang gamit ko. "Alis na ako. Bye."
Maglalakad na sana ako paalis nang bigla niyang hablutin ang braso ko. Gulat na napatingin ako sa kanya na nakatingala sa'kin at nakaupo pa rin sa bench.
"Unblock mo muna kasi ako," aniya at nagpa-cute pa ng mata.
I stiffened the moment I locked my gaze with him.
Bakit ganito ang mga mata niya?
It was as if he's holding galaxies in those sparkly eyes. It might sound exaggerated, but I'm just stating facts, witnessed with my own eyes.
It somehow melted me.
I stared at him for a few seconds before I heaved a sigh. "Fine, I'll unblock you once I got home."
His eyes suddenly lit up before he uttered a 'yes!'. Tinawanan ko nalang siya at pabirong inirapan.
I didn't expect na 'yung mga mata niya ang magpaparupok sa'kin!