16 Payback time

NAGULAT ako nang lapitan ako ni Jonathan pagkatapos ng game. Pawis na pawis pa siya pero hindi man lang iyon nakabawas sa kagwapuhan niya. "Erin, can we talk?" aniya na hinihingal pa.

"Err." Lumibot ang tingin ko sa paligid. Nakatingin ang ibang student sa `min. Medyo busy rin kasi ang karamihan sa pagpapa-picture sa mga player lalo na sa team ng Architecture dahil department namin ang nanalo.

"Saglit lang," dugtong niya.

Nakagat ko ang labi. "Uhm. Okay."

Nagtungo kami sa hindi mataong lugar na parte ng gymnasium. Bumigat ang paghinga ko nang kaming dalawa na lang.

"Look, first of all hindi ko nagustuhan ang ginawa mong pamamahiya kay Gretel. Do you really need to laughed at her?"

Tumaas ang isang kilay ko sa kanya. Ang akala ko pa naman tungkol sa problema namin ang pag-uusapan namin. `Yun pala, para lang sa lintik na babaeng mais na may malaking puwet ang lahat ng ito? The heck!

"Hey, hindi ko naman sinasadya."

Sa itsura ni Jonathan hindi siya naniniwala. Panay ang pag-iling niya. Napalunok ako. This guy knows me so well.

"Erin, please. Stop being a childish clingy girl to me. Napag-usapan na natin `to diba? Lahat ba ng mga babaeng mapapalapit sa `kin gaganyanin mo? Pagmamalditahan mo?"

This time, nalaglag na talaga ang panga ko sa mga sinabi niya. Ang kapal-kapal lang talaga ng mukha niya para i-sampal sa `kin na desperada ako. Teka lang, Jonathan. Mahal kita pero may pride rin naman ako `no! Nag-init ang buong mukha ko. Eh, siya nga `tong makapag-demand na ayaw niya kay Vlad para sa `kin. Tapos ako pa ngayon ang sasabihan niyang childish clingy girl?

Sino'ng mas bipolar sa `ming dalawa?

"For all I know Jonathan, never akong nag-maldita sa mga ex at flavor of the month mo! Kasalan ko ba na lampa ang mais na `yon? Isa pa, ano ba ang akala mo? Hindi pa `ko nakaka-move on sa `yo? Heller! Baka nakakalimutan mong meron akong sobrang gwapo at hot na boyfriend?"

Natahimik siya sa sinabi ko. Ha! Eat that you, jerk!

Pumamewang ako at pinagtaasan siya ng kilay. "Just to remind you, ikaw nga `tong nangingielam sa `min ni Vlad. Diba dapat ikaw ang pagsabihan kong clingy? Kapag ikaw never kang nakarinig sa `kin tungkol sa mga di-ni-date mo at ngayong nagkaboyfriend na `ko saka mo naman ako papakelaman. Ano ba talaga'ng gusto mo?"

Hindi agad siya nakasagot. He couldn't even look at me. Tama nga si Vlad, he was nothing but a coward. I can't believe that I love a man without balls.

"I'm just concern. Hindi mo naman talaga dapat pinagkakatiwalaan ang lalaking `yun!" giit niya.

Umiling ako nang paulit-ulit. "No! Hindi mo naman kilala sa Vlad para i-judge siya. Just mind your own business, Jonathan. I'm already happy with him and you... you are now out of the picture. I'm not the Erin who was head over heels inlove with you anymore."

After spitting those words which caught him off guard. Mabilis akong lumakad palayo. I need to save my pride kahit `yon man lang. If he can't face his true feelings for me yet, then I need to push him to his limits. That's the best I could do, right? Pagseselosin ko siya hanggang sa gumapang siya sa `kin at magmakaawa.

Sabi nga ni Vlad. Ang mga lalaki na-rerealize nila ang worth ng babae `pag wala na ito. Now, I would make him feel that I'm already far away and he needs to run miles to catch me again. Let's now spin the world upside down. Enough with all these shitty heartbreaks, you're giving me, Jonathan. It's payback time and I'd make sure that you'd end up mine—begging and pleading of my love and attention.

avataravatar
Next chapter