7 Hungry Vampire

"ERIN… Erin sweetie, I'm hungry." Napa-ungol ako sa makulit na bubuyog na panay ang bulong. Tumagilid ako nang higa at kinamot ang tenga kong nangangati. "Erin naman, gutom na `ko, hey."

"Ano ba... edi kumain ka," wala sa sarili kong sagot sa bubuyog.

Lumundo ang kama at naramdaman kong may matigas na braso ang pumulupot sa `king bewang habang may dumantay sa leeg ko. "Really? Okay."

Mainit na hangin ang sunod na humalik sa balat ko. Nakakikiliting halik ang unti-unting gumapang mula sa panga ko, pababa sa `king leeg. "Your smell is addicting, Erin."

Napangiti ako. In fairness, ang lakas mambola ng bubuyog na `to. At take note. Ang seksi pa ng boses. Isang makirot na kagat ang sunud kong naramdaman. Humigpit ang pagkakapulupot ng braso sa bewang ko kasabay ng sunud-sunud na pagsipsip doon.

Teka! Bigla akong dumilat at tuluyang naggising nang marealize kung sino ang patay-gutom na bubuyog na walang habas na kumakagat sa `kin at parang uhaw na sanggol na sumisipsip ng dugo ko. "Ahh... Vlad, dahan-dahan naman. Mauubusan ako ng dugo sa `yo, ang aga-aga pa," angal ko sa kanya. Hindi rin mapakali ang puwetan ko dahil nakakatawa man isipin, kasabay ng kirot ay kiliti ang dulot sa `kin ng mga labi at ngipin ni Vlad.

"Few more sip," he said, murmuring.

Aba! Napakapatay-gutom talaga!

Hinayaan ko siyang mabusog at pagkatapos ng ilang segundo ay huminto na si Vlad at pinakawalan ang leeg ko. Halos hindi ako humihinga habang ginagawa niya `yon.

"You're so delicious, Erin. Thank you for the breakfast," bulong niya sa tenga ko.

Mabilis na nag-init ang magkabila kong pisngi. Hmp! Nambobola pa, patay gutom naman! Napairap na lang ako sa hangin at pinilit na itago ang kilig. Sunud kong naramdaman na gumagapang ang kamay ni Vlad mula sa pagkakapulupot sa bewang ko. Then, he started to massage my tummy. Jusmiyo! Kung hindi niya pa ititigil ang ginagawa niya maa-arouse na talaga ako!

"Vlad ano ba, b-bitawa––ahh––mo––na––ahh––nga––ahh––ko." Nakalimutan ko na paano magsalita nang tuwid dahil sa kuryenteng hatid ng mga haplos niya sa `king tiyan. Naku naman! Masahe pa lang `yan, ah.

"Just lay here for a while. Don't stand up yet, you'd get dizzy."

Mula sa bewang ko unti-unting naglandas ang haplos niya sa `king tagiliran habang dahan-dahan iyong pinipisil. Nakakarelax na nakakakiliti. Ha. He. Hi. Ho. Huuu! Tumitirik na'ng mga mata ko. Then suddenly, dinakma ng malaking palad niya ang left boob ko and firmly squeezed it like a sponge. ASDFGHJKLLPOTAENANGMANYAKTO!!!!

"Ahhhh! Ano ba!" Automatic na umangat ang isang braso ko at siniko ko siya sa mukha.

Napa-ungol si Vlad. Agad akong bumangon sa kama. Namumula ang buong mukha ko. Pinukol ko siya ng pinakamasamang tingin. "Bastos! Haliparot! Kangkarot kang bampira ka! Bakit mo hinawakan ang boobs ko?!" I swear umuusok na'ng literal ang dalawang butas ng ilong ko sa sobrang galit sa balahurang bampira na `to.

Ang hayop! Tumawa lang na parang bata. He flashed me with his boyish smile. "I was just trying to figure out if my guess is right, and I'm correct. Your boobs are cup C. You have a bright future in front of you sweetie." He winked at me.

Nag-ekis ang mga braso ko sa dibdib ko. Ang bastos-bastos-bastos talaga! Nakakainis!

Hindi ko rin alam kung mapa-flattered ba ako o mabi-bwisit na pinuri niyang may "future" raw ang boobs ko. Hindi naman sa pagmamayabang pero biniyayaan talaga ako sa parteng `yon. Kasi noong unang panahon, nang magsabog ng blessings ang Diyos, isang swimming pool ang dala ko! HA! HA! HA!

"Tse! Ang sabihin mo manyak ka lang talagang bampira ka!" singhal ko sa kanya.

Tinawanan lang ako ng talipandas at humilata sa kama ko. At ang magaling na hayop ayun at binabalandra na naman ang hubad niyang katawan. Buti na lang at natatakpan ng kumot ang ibabang parte niyon. Namimihasa na talaga ang balahurang ito. Palagi na lang siyang nakikitulog sa kama ko nang nakahubad. Nakagigigil. Noong isang gabi ko pa siya sinasabihan na sa sofa sa living room matulog. Pero palagi na lang ganito; magigising na lang ako tuwing umaga na nasa tabi ko na siya.

Lumipat ang tingin ko sa wall clock. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang alas siyete-trenta na'ng umaga! Pakshet! Alas-syete pasok ko! "Late na `ko!" Nagmadali kong kinuha ang towel sa cabinet at tumakbo sa loob ng banyo.

avataravatar
Next chapter