webnovel

CHAPTER 1

Mula sa itaas na bahagi..doon ay tanaw mo ang mga ilaw at ingay.. mabilis na pag silip ng tren..sasakyang hindi mo marinig ang mga bosina... mga taong tila langgam na nais mong mapisa...mga tala at buwan na Hindi kumukurap.. madilim na kalawakan ngunit maliwanag ang paahan.. maaring lahat na ito ay makita mo ng paulit ulit mula sa itaas ..

doon ay marahan nyang kinukuyakoy ang kanyang mga paa.. nakalapat ang mga palad.. nakaupo.. at hindi man lang takot sa lula.. nag iisip ngunit hindi nag tataka.. tahimik madilim kasama ang musika.

Sumagi ba minsan sa naisip mo..

paano kong bumalik kaya ang lahat??

mga pangyayari, oras, panahon, okasyon, desisyon, pagkakamali, pagsisi at nakaraan

paano mo ito haharapin.. haharapin mo ba ito kung papaano mo sya hinarap noong unang pagkakataon na nakaharap o naranasan mo sya o haharapin mo ito gamit ang ibang desisyon, gamit ang ibang kilos ang ibang pagiisip, ang ibang ikaw.. upang sa huli ay hindi ka mag sisi..

maari ka namang sumakay lamang sa lumulutang na bariles sa baha.. at hayaan na lamang ang sarili kung saan ka nito dadalhin.. ngunit minsan mainan na masukagatan ka.. malalim na sugat na mag iiwan sayo na malaking pilat o marka..marka mamamalagi sayong alaala nang sa ganoon ay maalala mo kung saan ito nagmula.. nang maalala no ang sakit na meron ang sugat na iyon. na kahit kailan ay ayaw mo nang maulit pa..

Mula sa itaas ay nakita na ni Alison ang paparating na sasakyan ng kanyang asawang si billy. Agad nito tinanggal sa kanyang tenga ang kanyang headset at agad na bumaba sa kanilang kwarto upang salubungin ang kanya asawa.

Sa pagpasok ni Billy sa kanilang kwarto ay nagpanggap si Alison na abala na nanunuod ng T.v" Nandyan kana pala" wika ni Alison. " hindi mo ba nakita ang aking sasakyan habang nakaupo ka nanaman sa roptop o sasabihin mo nanaman.. na..hindi ko na yung ginagawa, ayoko ng gawin iyon..wala akong alam na sinasabi mo" wika ni Billy. " Billy!!!" Sigaw at singit ni Alison. " Oo na ayos lang... Naniniwala naman ako sayo.. hindi mo naman siguro susuutin ang headset mo habang na nanunuod ka ng Tv tama..? ( agad na tinangal ni alison ang kanyang headset)" wika ni Billy. " Mabuti pa at kumain na tayo.. alam kong gutom ka" wika ni Alison. " Bakit ba kase alam ng mga kababaihan ang kahinaan ng kanilang mga asawa..( umupo sa lamesa) hay!! ( Nakita ang ulam na sinigang na kanyang paborito) may dalawang bagay akong nais sabihin sayo bago tayo kumain..una maraming salamat dahil pinagluto mo nanaman ako ng paborito kong ulam.. pangalawa.. wala akong dahilan para iwan ka...dahil.... doon sa unang sinabi ko.." wika ni Billy.

" Kumain na tayo" wika ni Alison habang pinagsisilbihan ang kanyang asawa.

"Kamusta ang araw mo.. Mahal ko.. maliban sa pagakyat sa roptop... May iba ka pa bang ginawa" tanong ni Billy. " Alam mong hindi ko hinahayaang mag kaagiw ang ating kisame?" Wika ni Alison. " "Bukod pa doon" singit ni Billy. "( Tumingin kay Billy) bukod sa gawaing bahay.. iniisip ko rin kung paano pa mas maging mabuting may bahay sayo" wika ni Alison. " Oh.. mas masarap yang sinabi mo kesa dito sa luto mo..( tumawa) nabibiro lang ako..( hinawakan ang kamay ni alison) sana maging sapat na ako upang mas maging masaya ka" wika ni Billy. " Maliban sa pamilya ko.. ikaw nalang ang meron ako..at masayang masaya ako doon.. tahimik na buhay kasama ka..dalawin sila mama tuwing weekend..kumain sa lumabas..at...( Napahinto si Alison) " at ano.. ( iniba ang usapan) ay oo nga pala.... Muntikan ko nang makalimutan..( nilabas ang isang envelope) hindi kase ako sanay na makita ang malungkot mong mukha. maari bang tumawa ka ng kaunti.. lang...mamaya ka nang tumawa ng malakas...ay mali baka di mo mapigilan ang sarili mo na tumalon..dahil dito( pinakita ang paper na sa loob ng envelope at ibinigay kay Alison) "YELLOWPAGE PRODUCTION?? hindi ba sila ang may hawak ng??" naputol na wika ni Alison.

" Oo tama.. tamang ang iniisip mo.. sila lang naman ang may hawak sikat at nangugunang istasyon dito saating bansa.. naalala ko habang kumakain ako ng chicken nuggets...sa table ko.. nilapag ang envelope na yan.. at nang nabasa ko nga iyan.. ikaw kaagad ang naaalala ko..( hinawakan ang kamay) Alison mahal ko..nag hahanap sila ng mga taong magaling sumulat ng mga novela o kwento.. hindi ba doon ka magaling.. bakit hindi mo subukan.. baka isa ka sa palaring mapili...baka ang mga kwento mo na ang susunod na mababasa sa mga libro o mapalabas sa bawat sinehan" wika ni Billy. " ang mga kwento ko na kahit naman ikaw ay ayaw basahin" wika ni Alison. "Mahal ko..Naniniwa ako sayo.. magaling ka"

wika ni Billy. " At naniniwala rin ako na marami pa ang mas magaling saakin" wika ni Alison. " Hindi ko sasabihin sayo na itatago ko ito sa cabinet natin mukang hindi na magbabago ang isip mo eh" wika ni Billy bago sila kumain ulit.