webnovel

Bintang (Accused)

The world is so unfair. Ito na ang kaniyang naging paniniwala simula noon. Hindi totoo ang tinatawag na patas. Alin lang sa dalawa, manglalamang ka o malalamangan ka. Mang-aapi ka o magpapaapi ka. Mananaig ka o magpapadaig ka. Sa lahat ng ito, isa lang ang kaniyang pinaninindigan… hinding- hindi na siya ang lalabas na kaawa-awa katulad noon kundi siya na ang hihingan ng awa.

constancia_23 · Realistic
Not enough ratings
28 Chs

The Audit Specialist

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Joyce matapos ang pakikipag-usap sa kaibigang pulis. Ayaw talaga niyang tumagal ang pakikipag- usap dito dangan nga lamang at lubhang napakabait naman nito sa kanya kayat it would be very uncourteous kung hindi niya naman sasagutin ang tawag nito. Particularly, kung hindi niya i-aacept ang pag-aaya nitong lumabas sila.

Matagal na siyang sinusuyo ni Francis. Ito na yata ang pinakamatiyaga niyang manliligaw. Iyong iba kasi na mga nanligaw sa kaniya, once na sinabi niyang hanggang magkaibigan lang ang relasyong maaaring mamagitan sa kanila ay kuha na agad ng mga ito ang mensahe ng katagang iyon. Hindi na nagpipilit. Pero iba si Francis, minsan na niyang nabanggit dito na gusto niyang maging magkaibigan na lamang sila ngunit parang hindi naman ito sineryoso ng huli. Patuloy pa rin ang pagtawag at pangungumusta nito sa kanya paminsan- minsan. Gayundin ang pagyayaya na lumabas silang dalawa na kanina nga lamang ay hindi naman niya tinanggihan. Kung sa bagay, wala namang masama doon kaya lang ayaw niyang umasa pa ito na maaaring pang magbago ang isip niya. Na kalaunan ay higit pa sa pagiging kaibigan ang pagtingin na maiuukol niya dito. Sa palagay niya, malabong mangyari iyon.

Ewan ba pero wala sa lalaking ang mga katangiang masasabi niyang boyfriend worthy. Magkaibang- magkaiba ang kanilang mga hilig. Marami silang differences sa iba't-ibang bagay. Noong minsang nanood sila ng sine, abot- abot ang panalangin niyang matapos na sana ang pelikulang may temang action sa sobrang bored niya sa mga ganitong uri ng palabas. Hindi ganitong genre ang gusto niya. Mas naaaliw siyang manood ng mga romcom na ayon naman kay Francis ay mga "pang- teenager na palabas." Same with music, nabanggit sa kaniya nito na paboritong- paborito nito ang mga country music. At that moment she was like, 'Hello? No one listen to country music anymore!' Maging sa pagkain. She prefers to eat healthy food. She likes japanese food a lot while the guy likes 'oil- saturated fastfood snacks.' With all these 'little incompatibilities' she knew exactly that it will not work out.

Ngunit sa pag-uugali ay wala siyang maikokomentong masama sa lalaki. Sapagkat mula pa noong high school ay kilala na niya ito, alam na alam na niya ang karakter nito. At sa isang taon na panunuyo nito sa kanya ay mas lalo pang na unfold sa kanya ang kabutihan nito. Sa tuwing lumalabas sila ay hindi nito mapigilan ang sariling magkuwento sa kanya ng mga kasong iniimbestigahan nito. Tandang- tanda pa niya, noong minsang lumabas sila, puros galos ang braso nito bunga ng encounter sa pagitan ng isang drug pusher na kanila pinagsilbihan ng search warrant. Hindi nito alintalang nalalagay sa panganib ang buhay maipatupad lamang ang batas.

"Ma'am, okay na po?" tanong ng personnel sa kanya habang inilalapag niya ang handheld barcode scanner sa tabi ng mga pawned item sa isang branch na kaniyang ina-audit.

"Yes, okay naman" sagot niya.

Dati siyang call center agent pero parang hindi niya na-enjoy ang pagtratrabaho sa isang outsourcing company kaya lumipat siya sa isang money remittance center/ pawnshop. Bagaman wala pang isang taon nang siya ay magsimulang makapagtrabaho as Audit Specialist ay gamay na gamay na niya ang trabaho. Noong una, akala nga niya hindi niya kakayanin ang pagpasok dito. Bilang isang AS kasi, sa loob ng isang araw, nasa tatlo hanggang limang branches ang dapat niyang puntahan para i-audit. Depende sa layo ng mga assigned branches, kung within the city lang, maximum of five, kapag within metro manila, mga tatlong branches. Nakadepende naman sa traffic kung anong oras siya matatapos o makakauwi ng bahay which most of the time gabi na talaga. Six days in a week niyang ginagawa ito for almost a year now. It's not the money that keeps her in her job but the passion.

"Okay, sige I'll go ahead, punta pa ako sa isa pang branch." paalam niya sa isang personnel.

Tamang- tama naman sa kaniyang paglabas ay may text message siyang na-receive mula sa kaibigang si Charmaine. Nasa vicinity ito na malapit sa kinaroroonan niya kaya nagpasiya na itong makipagkita sa kaniya para makapag- lunch silang dalawa. Wala na siyang inaksaya pang sandali at agad tinungo ang napagkasunduan nilang vegan restaurant na kakainan.

___________ o O o _____________

"What!?" mas lamang ang gulat kaysa sa pagtatanong ang namutawi sa kaniyang bibig sa ipinagtatapat ng kaibigan.

"Yeah, what's wrong with that?" takang tanong nito sa kanya.

Halos hindi niya magawang muli pang sumubo sa kinakaing salad sa natuklasan sa kaibigan. After one year in a relationship nito sa boyfriend na si Warren ay nagsleep over na ito sa condo ng lalaki. Hindi niya lubos maisip na gagawin ito ng kaibigan. They are best friends since college and she knew may pagka-conservative ito. And now, all of sudden, ay bigla itong magsasabing she already gave her virginity to that guy!

Kung sa bagay, her friend has a stable job. Dahil cum laude graduate sa isang pribadong unibersidad, she landed the job as an accountant in a high-end mall in Manila. Kung sumusweldo siya ng 25k sa isang buwan, times 3 ang suweldo nito sa kanya excluding other allowances and fringe benefits. Kung sa financial aspect lang naman ang pag-uusapan, kayang- kaya nitong mamuhay ng may isang anak or even more.

"Its just that, the attraction is so intense,.."patuloy nito. "Alam mo iyon, kapag sobrang mahal mo ang isang tao, parang handa kang ibigay sa kanya lahat,.."

"Hold it, hold it Charmaine. You are not thinking logical. What if, magbunga 'yang, 'yang ginawa 'nyo na 'yan? And besides he's not even proposing to you yet?"

Ngumuya- nguya muna ito bago kaswal na sumagot. "Doesn't matter. We'll get in there…"

"Charmaine, are you out of your mind?"

"Maybe."

"Look, I'm serious. Oo, mahal ninyo ang isa't- isa. But what if, if may makilala siyang ibang babae, tapos magustuhan niya, tapos eventually he'll ditch you?" tanong niya dito.

Hindi agad ito nakasagot sa kanya. Marahil ay nasaktan niya ang damdamin nito kayat agad din siyang humingi ng paumanhin.

"Sorry for the term, its just that-"

"Joyce, Joyce, I know you care for me pero naman, matanda na ko friend,"

Tinapunan na lamang niya ng tingin ang kaibigan. Siya nga naman. They are both twenty- six year old. They can actually make decisions of their own. Whether its good or bad, what's important is that they are willing to take the consequences of their own actions.

"Ikaw din Joyce, matanda ka na…"dagdag nito saka ngumiti na sinabayan ng pagtaas- baba ng mga kilay nito na para bang nang- aasar.

Napatigil siya sa pagkain. Inismidan ang kaibigan saka nagpatuloy sa pagkain.

"How's the police officer by the way? Are you two now getting along with each other?"

"What do you mean?"

"You know, don't tell me nasa dating stage pa rin kayo?"

Pansamantala siyang tumahimik. "I don't know Charmaine.."

"What? Hindi mo pa rin ba sya sinasagot? My gosh, Joyce isang taon ng nanliligaw sayo 'yung tao. Ano? Playing hard to get ba 'to?"

"Ayaw niya kasing tanggapin na magkaibigan lang kami. Kung noon pa lang sinukuan na niya ako, baka may girlfriend na siya ngayon.."

"Oww.. poor Francis, he must be very in love with you."

"Ewan ko pero wala talaga akong nararamdamang espesyal sa kanya." sagot niya. " 'yun bang, the usual butterflies in your stomach, heart- pounding moments or that spark, wala eh."

Ilang segundong natigilan ang kanyang kaharap bago muling nagawang makapagsalita habang tila nanunuri ang pagtingin nito sa kanya.

"Joyce, umamin ka, lesbiana ka 'no?"

Nagkatitigan muna silang dalawa. Maya- maya pa'y hindi na napigilan ng kanyang kaibigan ang pagtawa ng bahagya sa tinuran. Nahawa na rin siya sa pilyong tawa nito.

" Bruha ka! I'm not scared of penis'es!" pabiro niyang sabi.

Lalong napahagalpak ng tawa ang kaibigan sa kanyang sinabi. Halos hindi na nito maharap ang pagkain sa kabubungisngis. Maluha- luha na ito sa katatawa ng muling magawang makapagsalita.

"Kaya ako sayo,eh.." wika nito.

Magkasundong-magkasundo silang magkaibigan. Although they have different points of view, they both love the company of each other. Though hindi na sila ganoon kadalas magkita ay lagi naman silang may communication resulta na rin ng makabagong teknolohiya tulad ng social media. Iyon nga lang mayroon siguro talagang mga bagay na hindi rin basta inirereveal ng isang kaibigan kahit pa lubos itong pinagkakatiwalaan. Katulad na nga ng pakikipag-jugjugan ng bestfriend niya sa boyfriend nito. Ito marahil ang hinding- hindi niya magagawa. There is just no way! Sabi niya sa sarili. Wedding first before sex, paalala niya sa sarili. Konserbatibo mang maituturing pero pangako niya sa sarili na tanging ang lalaking kanyang mapapangasawa ang pag-aalayan niya ng kanyang pagkababae. Mapapanindigan kaya niya ang pangakong ito gayung hindi pa siya nakararanas na magmahal ng lubusan?