webnovel

Kabanata 1

"Halika na Mariel, bilisan mo!" sigaw ni Aster matapos kami mag-antay sa labas ng kwarto ni Mariel na kasamahan namin sa club. Mamimili kami ng mga bagong damit at ibang gamit, dahil balak nila na bumili ng bahay, at hati sila ni Aster sa iisang bahay, inaaya nila ako.

May pera naman na ako, at hindi ko rin alam kung saan ko ba dapat dalhin iyon, parang nakakahiya na iwanan si Gaile matapos akong tanggapin ng ilang taon at kuhain sa kalsada.

"Eulane, ayaw mo ba talaga sumama sa amin, sayang naman kung hindi ka mag-iinvest sa mga bahay, alam mo naman na hindi tayo lagi andito, at dadating ang panahon na mapapalitan tayo kapag tumanda tayo," paliwanag ni Aster sa akin habang naglalakad kami palabas sa building.

Naisip ko rin naman iyong sinabi n'ya sa akin, pero pakiramdam ko kasi ay wala akong utang na loob sa tumanggap sa akin mula ng magumpisa ako, Gaile taught me to live and work on my own.

Mukhang masama magtrabaho sa club, oo. Pero hanggang alam naman ang hangganan ng serbisyo mo ay wala kang dapat ikatakot at ipaliwanag sa tao, dahil ako lang ang nakakakilala sa sarili ko, wala nang iba pa.

"Gusto ko syempre, pero kapag magbago ang isip ko, sasama ako." Nakangiti ko na sagot at tumawag sila ng taxi, nasa likod ako at nasa harapan si Mariel.

"Alam naman naming loyal ka kay Miss Gaile, at isa ka sa unang empleyado n'ya noong nagbukas s'ya ng club five years ago, pero mukha namang wala pakialam si Miss Gaile, pera lang naman ang mahal non, wala nang iba pa," she said habang nakatuon ang atnesyon sa phone nito.

Alam ko at totoo ang sinasabi n'ya, isa ako sa may pinaka malaking kinikita sa isang gabi, demand ng mga customer, pero alam ko naman na may pakialam s'ya sa akin, kasi kung wala ay pipilitin ako nito na mag-extra service, she still cares on my decision, unlike the other, pinipilit n'ya lalo kung napaka laki ng offer.

"May balak din ako umalis, sa Malaysia. Sabi ng customer ko noong nakaraan na galing sa Malaysia, he wants me to be with him, alam ko naman na best seller ang ganda ko, kaya kung hindi ko na kailangan na magtrabaho sa Malaysia at susuportahan ako sa gusto ko, sasama na ako sa kanya," saad ni Mariel at natigilan kaming dalawa ni Aster.

"Alam mo, hindi maganda ang pakiramdam ko sa kanya, may tsimis ako na naririnig, sabi sa kabilang club, may isa rin s'ya na dancer at dinala sa Malaysia, tapos wala na balita roon, at saka isipin mo, big boss talaga ang amo nila sa kabila, pero nagawa pa nito–"

"Alam mo, hayaan mo na lang ako, nagsasawa na rin ako gabi-gabing nasayaw tapos mas malaki ang per ana nakukuha sa akin ni Miss Gaile," she explained at tumingin sila sa akin.

"Mag-isip ka, Eulane. Kasi kung wala ka sa club, mas malaki ang pera na makukuha mo, yayaman ka pa." I bite my lips and looked at my hands.

"Wala naman kasi ako intension na yumaman, at wala pa akonng ideya at plano sa buhay ko, kaya hanggang ngayon ay wala pa akong mapag desisyonan," paliwanag ko at tumigil kami sa harap ng mall. Binayaran ni Mariel ang taxi at sabay-sabay kami bumaba.

Napalingon ako ng pakiramdam ko na may nakatingin sa akin, hindi basta tingin, parang sinusundan ako ngayon. Kumunot ang noo ko at inikot ko ang paningin sa parking.

Puro kotse at wala naman tao sa paligid, baka guni-guni ko lang, dahil lagi ko ito nararamdaman sa club, mula ng mag-umpisa ang taon, pakiramdam ko ay may sumusunod na sa akin, and I find it uncomfortable, parang may nanonood sa akin hanggang sa kwarto ko, parang may nakasunod sa akin.

"Huy, halika na, gutom na ako!" asik ni Mariel at nanakbo ako papalapit sa kanila, humigpit ang hawak ko sa bag ko.

Ang sexy ng suot nilang dalawa, kaya ang daming nakatingin sa kanila, agaw pansin ang ganda nila at mukha silang mayaman.

Walang dancer sa club ang mukhang normal na babae lang, mapili at pihikan si Gaile sa mga babae, s'ya na ang nagsabi na kung lalaki ito, tataasan n'ya ang standard sa babae.

Para s'yang ibang tao pagdating sa pera, lahat ng paraan ay ginagawa ni Gaile para malaki ang kitain, dahil bukod sa Chinese ito, nagmula rin s'ya sa pamilya ng mga business tycoon.

Kagaya ng sa club, ang daming VIP at ang laki ng pasahod sa amin, walang mahirap na lalaki ang nakakapasok sa club, at lahat ng services ay nandoon. Dipende sa gusto ng customer namin.

Tumigil kami sa isang fine dining restaurant, may waiter na nag-guide sa amin papunta sa reserved seat naming tatlo. Nasa tabi kami ng binata at binigay ang menu sa amin.

Nanliit ako sa presyo, ang mahal naman, mas masarap pa sa isaw at tuhog-tuhog sa gilid ng mall, yung isang salad ay minimum wage na.

"Mariel, alam mo sa labas na lang ako kakain, ang mahal at saka two thousand lang pera ko, isang item lang ang mabibili ko sa pupuntahan natin," bulong ko habang nakatakip sa mukha ko ang menu.

"Wala kang dala ng ATM, at saka treat ko ano ka ba naman. Ang laki kaya ng binigay sa akin ng sugar daddy ko!" pagmamalaki n'ya at napailing ako. Hindi ako bagay sa restaurant na ito, sa suot ko pa lang, mukha na nila ako katulong.

"Mag-restroom lang ako, tapos hahanap ako ATM machine, mauna na kayo mag-order." Tumayo ako kaagad, hindi pinansin ang sasabihin nila, dahil alam ko na pipigilan lang nila ako na umalis.

I almost run hanggang sa makalayo ako, I am unlucky today, hindi ko tinignan ang dinadaanan ko at may nabunggo ako, nadama ko ang lamig sa suot ko at nahulog ang suot ko na salamin, and natapakan ng nakabungguan ko ang salamin ko.

"Tangina," asik ko at mabilis na dinampot ang salamin ko, and I notice that someone is towering me now, I stood up and look up.

Para ako naging bato sa kinatatayuan ko, nanlamig lalo ng makita na may matsya ng kape ang damit n'ya and he is wearing a twopiece suit and I can't tell if he is mad of me or he wanted to kill me now.

"I am really sorry!" Nataranta ako at pinunasan ang suot n'ya matapos ko ilabas ang panyo na dala ko, he is not talking, nakatingin lang s'ya sa akin namumula ang buong mukha nito.

"Kuya sorry talaga, hindi ko sinasadya!" I said and I am panicking now, I can't calm my ass, kulang ang cash ko, baka mamaya mahal ang ibayad ko.

"Ako na lang magbabayad ng pang-laundry mo–"

"No, it's fine, look at your shirt." Tinuro n'ya ang damit ko, mas basa ito at bakat ang bra na suot ko ngayon, at ako naman ang namula. Marahan ko tinakip ang braso ko at tumalikod. Kung minamalas ka nga naman, sana hindi na lang ako lumabas.

"Come with me, we will buy some shirt," he said at sumunod ako sa kanya, ang tangkad nito and his intimidating aura is making me feel unworthy when I am standing next to him, kaya binagalan ko ang lakad at sumunod na lang ako sa kanya, nasa likod ako ngayon.

He looked familiar to me matapos ko ito na matitigan ng hindi ganoong katagalan, he is a regular customer at the org nap ag-mamayari ng amo ko na si Gaile. He is tall and handsome, mukha namang mabait ito at walang gagawin na hindi maganda, but Gaile always warn me, na huwag magtitiwala sa mga customer namin sa club.

Dahil bukod sa mga mayayaman ito, may iba na hindi mabuti ang intension at lalo na sa mga babae na gusto nila iwui, pero hindi ko naman s'ya nakikita na nakikipag usap sa kahit na sinong babae, palagi lang ito nakatingin sa terrace ng club, kung nasaan nakaupo si Gaile at pinanonood kami na nasa baba.

"Chose some tshirt, hindi ka puwede na umalis ng ganyan ang suot mo, I know you are Gaile's employee." He extended his hand and slow the shirts na nasa stall.

"Hala, nakakahiya naman po. Lilinisin ko na lang ang damit ko." Umiling ako at humakbang para maka atras.

"No, I insist. Gaile take care of you so I will do the same, just be careful next time." I nod as a sign of defeat, namili ako ng plain shirt at binayaran n'ya iyon. Nahihiya akong lumabas matapos ko magpalit ng damit.

I look around, until I feel that someone is following me.

Lumingon ako sa paligid at nasa labas ang regular customer ni Gaile. He waited for me at sabay kami na lumakad ngayon.

"I have a question for you." I called my attention at tumango ako ng marahan ngayon. Tumigil kami sa labas ng mall at nakatingin s'ya sa likod ko ngayon. Napalingon din ako at may nakaitim na lalaking nakatayo sa hindi kalayuan.

"Do you know that guy, he is following you, kanina pa." Umiling ako kaagad at natawa ito. "I will take care of that man, but I have a few questions for you." Sumenyas ang kamay nito at nag-umpisa ulit kami na maglakad.

"It's about Gaile, and you're her employee, I saw you dancing one time." Napaiwas ako ng tingin. Actually, I have a choice. Kapag kailangan ko ng malaking pera ay sumasayaw ako, pero kapag hindi naman ay waitress ako, and Gaile agreed on that idea. Sometimes napapansin ko na sobra n'ya akong paboran.

"Opo, waitress ako at dancer. Dipende po sa panahon." Saad ko at ngumiti sa kanya.

"Can you help me to give this business letter, hindi kasi ako makapasok na sa cabaret, I am also busy and tell me when she already read the letter." Tinitigan ko ang envelop at nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko ito.

"I will pay you, this is one request only." Marahan ko na tinanggap ang envelop at ngumiti sa kanya. "I heard na malapit ka kay Gaile and I hope you can pursue her, that is not a bad offer at all." Naiilang ako na ngumiti, unang beses kasi na may lumapit na customer sa akin at mabait, hindi hambog na kagaya ng most na customer namin.

"Titignan ko po sir, ayoko naman po kasi na makialam sa kung ano ang desisyon ni Miss Gaile, pero ibibigay ko po ito sa inyo." Nakangiti ko na saad at may inabot ito sa akin na business card.

"I am Kayson Ezekiel Noringco, call me if you need something. I will help you." Tumango ako at may kasamang cheke iyon, umalis na ito at nasa parking lot na pala kami.

Kumaway ito sa akin bago tuluyan na umalis, hindi naman ako siguro papagalitan ni Miss Gaile.

...

"Miss Gaile?" I called her name matapos na kumatok sa pinto, nakaupo ito sa swivel chair n'ya at nagbabasa ng mga papeles na andoon.

"Yes, Eulane." She looked at my direction at tinuro ang upuan na nasa harapan n'ya, hawak ko ang letter at marahang inabot.

"May lalaki kasi na nagpapaabot sa akin nito, nakasalubong ko sa mall tapos nakilala n'ya ako na worker sa cabaret–"

"What, you just talk to some customer habang nasa labas ka. Hindi ba sinabihan na kita, huwag ka tanga na magpapaniwala sa mga lalaki na customer natin, papaano kung may masamang balak sa'yo o sa business ko? Alam mo ba ang laman ng letter na iyan?" hindi na ako makapag salita sa sunod-sunod na saad ni Gaile sa akin.

She looked mad at mali ata ang timing ko ngayon. "Ilang beses ka na napahamak, ilang beses kit ana pinagsasabihan, my business is to take care of you. At kung wala akong tinatanggap na letter o kahit na ano, ibig sabihin ay ayoko, bago pa yan lumapit sa'yo, tinanggihan ko na." Gaile rolled her eyes and tear the letter kahit na hindi pa nabubuksan.

"You make me angry, now get out of my sight. Ayoko makipag usap sa tao na pinangungunahan ako, remember your place, I remind you na hindi porket matagal na tayo magkakilala ay puwede ka na manghimasok sa buhay ko." Tumungo ako at naiiyak sa kinauupuan ko.

"H-hindi naman ako nangunguna, he just approached me–"

"I don't need you explaination. Get out of my sight!" that is the very first time na nagalit si Gaile ng ganoon sa akin.