webnovel

C-1

Reese Jayana "Tomboy" Abad

Lumagutok ang aking kamay nang dumampi ang aking kamao sa mga lalaking nakahandusay sa aking harapan.

"Ano? Papalag pa kayo, ha?" Matigas kong tanong sa kanila.

Akmang tatayo ang isa upang sumugod, ngunit sinamaan ko nang tingin kaya napa-atras.

"Papalag ka pa?" bulyaw ko.

Umatras naman agad siya at hinarang ang mga kamay sa kanyang mukha.

"Wala pala kayong mga kadala-dala." Hinahabol kong hiningang tugon.

Napalingon ako sa aking mga kaibigan nang tawagin nila ako.

"Tomboy!" Si Scout iyon na masama ang tingin sa akin. "Tigilan mo na 'yan!" banta niya.

Hindi man lang nabawasan ang kanyang gandang lalaki habang nakikipag bugbugan.

Si Scout Trinidad ay isa sa matalik kong kaibigan. Sikat siyang varsity player dito sa university. Bukod sa pagiging sikat ay kilala rin siya sa mga babae dahil sa taglay niyang gandang lalaki. "Aba! 6'1 ang height, moreno, matipino, at higit sa lahat mayaman." Kaya marami talagang nahuhumaling na babae sa kanya.

Napasinghap na lang ako. Kinuyom ang aking mga kamao na hanggang ngayon ay nag-iinit pa na sumuntok.

"Reese, yari na naman tayo!" usal ni Trixie. Si Trixie ang tagabuyo sa grupo, lalo na sa akin kapag ganitong may mga away. Todo support siya sa akin na pataubin lahat ang aking mga kalaban.

"Bakit?" takang tanong ko.

Sinenyas niya ang nguso sa aking likuran kung saan napatingin ako patalikod.

Napabuntong hininga ako nang makita ang guidance officer sa aking likuran kasama ang 'Wonder Girls'. Ang wonder girls ang sikat na grupo dito sa university. Mga bully at sila ang pinaka kaaway ko sa lahat ng grupo.

Napa yakap ako sa aking dib-dib at napangisi na lang. Hinintay silang makalapit.

"Miss Abad, Miss Halili, at ikaw Scout! Kayo na naman ang puno't dulo nang away na ito!" Saad ng isang professor namin.

"Ako lang ang may kasalanan, Sir. Hindi sila kasali rito," sagot ko. Tumingin ako sa mga babaeng nasa likuran ng professor.

"Kayo ang nagsimula nang away na ito, ngayon nababahag ang mga buntot ninyo?" Matalim ang aking mga mata na tinitignan sila lalo na si Moxie na lider ng grupo. Noon pa man ay mainit na ang dugo niya sa akin sa hindi ko malaman na dahilan.

"Go to the guidance office. Now!" madiin na sabi ng professor.

Sumunod na lang ako kasya humaba ang usapan na ito. Sana'y na ako na halos sa isang linggo ay naroon ako. Pinapakinggan ang mga sermon ng aming guidance counselor.

"Ma'am, wala naman kasalanan si Tomboy." Pagtatanggol ni Devin sa akin. Si Devin ang pinaka mahinhin sa grupo. Kapag may katwiran, siya ang napapalaban. Simple at magandang babae.

Imbes na mag protesta ay binalingan ko ng tingin ang aking mga kaibigan na nasa likuran.

"Stay out of this!" tipid kong sagot. "Kitakits mamaya."

Ayaw ko silang madamay sa aking mga away. Magaganda ang mga reputasyon nila sa buhay at kilala sa lipunan ang pamilya.

Kasama ang Wonder girls at ang mga lalaki na nakalaban ko kanina, nakaharap kami ngayon sa aming guidance counselor na si Sir Ram Fuentes. Bukod sa pagiging gabay-tagapayo, siya rin ang isa sa direktor ng university.

Tahimik akong umupo sa lamesa, habang todo sumbong ng sumbong naman ang aking mga nakaaway.

"Hindi mo ba ipagtatanggol ang sarili mo, Miss Abad?" tanong ni Sir Ram.

Napatingin ako sa kanya at umayos ng upo.

Sir, ganun pa rin naman ang isasagot ko sa inyo! Huwag nila akong kakantiin para hindi sila malagay sa ganyan sitwasyon! They always provoking me. Kung hindi ako, ang mga kaibigan ko. Lalo na si Pia at Suri."

"Sir, dapat ma-expel na siya dito." sabat ni Moxie.

"Miss Huazon, hindi lang si Miss Abad ang may problema rito. Marami na rin nag ko-complain sa mga pambubully niyo. Is it because kilala ang pamilya mo at sila ang isa sa shareholder nang school?" saad ni Sir Ram.

Hindi nakasagot si Moxie at natameme rin ang iba pang kasama niya.

"Ayoko na mauulit ang gulong ganito! This is my last warning, Miss Abad and Miss Huazon. Kapag naulit ang ganitong pangyayari dalawa kayong makakakuha nang parusa."

Napayuko na lang sila pero taas noo pa rin akong nakatingin sa kanila.

"You may leave now! Kayong mga lalaki, sumama kayo sa akin para madala sa clinic."

Nauna akong tumayo sa kanila. Yumuko lang ako senyales nang aking pagpapaalam kay Sir Ram. Paglabas nang pinto, narinig ko pa si Moxie na nagsalita.

"Nakalusot ka, pero may araw ka pa rin sa akin."

Napangisi ako at hinarap siya, "Puro ka salita! Kulang ka naman sa gawa. Duwag!" sambit ko. "Isang beses pa na paabangan mo ko sa mga galamay mo, maniwala ka, basag ang mukha mo!"

Nakita ko ang pagngingitngit ng kanyang bagang at masama akong tinignan.

Sinalubong ako ng aking mga kaibigan sa harap nang exit gate. Napa bungisngis si Trixie na umakbay sa akin. "Ano nangyari Tomboy? Malapit ka na ba ma-expel?" pang-aasar niya.

"Gusto ko 'yan, pero sad to say hindi na naman mangyayari" usal ko.

"Ang galing-galing mo kanina. Grabe! Wala akong masabi!" Hinihilot niya ang aking balikat. "Tama lang sa kanila iyon, mga bully sila, e. Kung naabutan ko pa yung mga babaeng iyon, e di sana hindi nakapag sumbong."

Tumingin ako kay Suri, "Suri, pagawa ng assignment ko!" sambit ko pero ma-awtoridad iyon.

"Oo ba! Ikaw pa! Ikaw ang superhero ko kaya kahit kailan hindi ako tatangi sayo. Ako na bahala sa lahat," nakangiting tugon sa akin.

Si Suri ang nerd sa grupo. Hands-up ako sa katalinuhan niya, ngunit madalas siyang binubully. One time na sinasaktan siya ng ilan naming mga kaklase ay tinulungan ko. Ayoko ng away pero ayoko may na-aagrabyado na tao. Simula noon ay naging kaibigan ko na rin siya. Madalas kahit hindi ko sabihin, siya na ang gumagawa ng assignment ko dahil sa sobrang bait kong estudyante.

"Salamat," tugon ko.

"Kita-kita na lang bukas," sabi ni Pia. Si Pia ang kikay sa grupo pero duwag at mahina sa pakikipag-away. Madalas siyang binubully nang mga lalaking nanliligaw sa kanya. "Bye, Tomboy." Paalam niya. "Nandyan na sundo ko."

Bago umuwi ay hinalikan ko muna sila sa pisngi. Naiwan kami ni Scout sa may parking. Nakita ko na ang sundo ko kaya nagpaalam na ako sa kanya. Fist bump ang ginagawa ko kapag nagpapaalam sa kanya, madalang ang beso-beso. Mahirap nang magselos ang mga babae na umaaligid sa kanya.

"Una na ko," paalam ko.

"Tomboy, sa susunod na makipag banatan ka ng wala ako, ikaw ang babanatan ko! Paano na lang kung hindi kami dumating ni Trixie kanina, baka mapuruhan ka ng mga iyon."

"Hahaha! Alam mo ang kakayahan ko. Kaya ko ang sarili ko."

"Kahit pa! Babae ka pa rin."

"Fine! O sige na. Naka-park na sundo ko."

Si Scout at Trixie ang madalas kong kasama sa pakikipag bugbugan. Marami rin silang kaaway kaya pareho-pareho kaming napapasabak. 'Ewan ko ba naman. Mababait naman kaming estudyante. Gulo ang lumalapit sa amin.'

Naglakad ako papunta sa magarang kotse. Pinagbuksan ako ni Kuya Andoy na aking driver. Pag-upo sa kotse ay dumiretso na kami pauwi sa bahay.

Dalawang taon ko nang natatamasa ang karangyaan na meron ako. Nang maikasal ako sa isang bilyonaryong businessman na apo ng matalik na kaibigan ni Lolo. Ngunit wala naman sa akin ang karangyaan na meron ako ngayon. 'Wala akong pakialam sa pera.'

Huminto kami sa isang napakagandang bahay. Automatic ang gate na bumukas upang makapasok sa loob. Ang laki ng bahay pero iilan lang kami rito. 'Ako, si Kuya Andoy na aking driver, at si Ate Nelia na kasambahay.' Hindi na sila iba sa akin dahil sila ang naging pamilya ko nang namayapa si Lolo dalawang taon na ang nakalipas nang ikasal ako sa aking asawa.

'Ewan ko ba naman sa aking tadhana kung bakit nagkaganito ang aking buhay.' Kapalit nang masaganang pamumuhay, ang buhay naman ni Lolo ang nawala.

"Ate Nelia," bati ko pagpasok sa loob ng bahay.

"Hija, nariyan ka na pala! Halika na at mag merienda. Hindi mo ata kasama ang iyong mga kaibigan?"

"Trouble, Ate, e!" Usal ko.

"Kaya pala nandito si Sir Alfred," tugon niya.

Napatingin ako sa aking likuran kung saan kakapasok lang ni Alfred.

"Alam ko na! Huwag ka na magsalita." Bungad ko at hinagis ang sarili sa sofa.

"Ma'am Jayana, alam mo naman na ayoko rin nang paulit-ulit na paalalahanan kayo, 'di ba?!" talunan tugon sa akin.

Si Alfred ang kanang kamay ni Kendric, ang aking asawa. Siya rin ang tumatayong guardian ko. Siya ang humaharap sa guidance office kapag nagkakaproblema ako. Kung hindi siya pinapatawag ay direkta naman tinatawagan ng mga guro o guidance counselor kapag may problema ako.

"Alfred, alam mong wala akong hilig sa pag-aaral. Mas maganda mag drop-out na ako."

"Bakit? Bakit gusto mo mag drop-out? Dahil ba sa mga nambubully sayo?"

"Hindi! Hindi naman dahil doon. Wala lang talaga akong hilig sa pag-aaral. Ayoko masayang ang pera nang amo mo. Ang mabuti pa, kausapin mo yung amo mo. Sabihin mo gusto ko na mag file ng annulment. Ayoko na ng ganitong buhay! Gusto ko na maging malaya."

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Ma'am Jayana?" Dismayado ang mukha niya. "Lahat nang meron ka mawawala sayo."

"Hindi naman ito ang kailangan ko, Alfred. Ayoko sayangin ang pera ng amo mo. Mas maganda, maghiwalay na kami para makapag simula na ako sa sarili kong buhay. Sige na, please? Sapat na siguro ang dalawang taon na ganito ang buhay ko. Isa pa, alam ko naman ayaw ng amo mo sa nangyaring kasalanan namin." Giit ko.

"Pag-isipan mo muna, Ma'am Jayana. Hindi magandang biro ang sinasabi mo. Alam ko na may pagkukulang si Sir Kendric bilang asawa, pero naipaliwanag ko naman sayo na sobrang busy siya sa trabaho. Mabait si Sir. Mabuti siyang lalaki. Hindi ka ipapakasal ni Lolo Carmelo, kung alam niya na masamang tao ang mapapangasawa mo."

"Nakapag desisyon na ako, Alfred. Matagal na! Sabihin mo sa asawa ko, huwag siya mag-alala. Kahit isang kusing wala akong hihingin sa kanya. Ang gusto ko lang maging malaya."

Napa buntong hininga si Alfred. Mas matanda siya sa akin, ngunit kung kausapin ko ay parang magkasing edad lang kami.

"Kakausapin ko si Sir Kendric. Bukas pa ang balik niya galing sa Australia."

"Good! Balitaan mo agad ako. Thank you, Alfred." Masigla kong tugon nang marinig ko ang sagot niya. "Muah! Muah!" halik ko sa ere.

Tumayo ako sa sofa at dumiretso pa-akyat sa kwarto. Habang paakyat ay nilungon ko si Ate Nelia.

"Ate Nelia, pakain mo na lang kay Alfred iyang merienda." nakangiti kong sabi.

Napakibit balikat lang si Ate Nelia.

Madaling araw nang magising ako dahil sa tunog ng aking cellphone. Tinignan ko ang caller name at nanlaki ang mata ko nang makita iyon, 'Kendric Aziel Suazer'.

Dalawang taon nang nakasave ang number sa aking cellphone, at sa unang pagkakataon nag-appear ang kanyang pangalan.

Nag-aalangan ako sagutin iyon, pero pinindot ko ang answer key. Mas maganda nga na mag-usap na kami para matapos na ang lahat.

"Hello."

"Hello?"

"Hello?"

"Tatawag, hindi naman pala magsasalita! Timang din, e no! Ang lakas ng trip mo!" bulyaw ko sa cellphone.

Dahil sa inis ay pinatayan ko na siya.

"Bakit ba siya tumatawag nang ganitong oras? Nasabi na kaya sa kanya ni Alfred ang mga sinabi ko? Papayag kaya siya?" Tanong ko sa aking sarili.

Hindi na ako nakabalik sa tulog dahil sa tawag ng lalaking iyon.