webnovel

Bihag Ni Dakum [BxB, SPG] (Tagalog)

WARNING: LGBTQ+ Theme, R-18. Read in your own responsibility. Sa alitan ng dalawang nayon, ang pinunong si Aparo ay hindi ninanais ang magsimula ng gulo. Ang balak na pakikipag-ayos ay naging hindi inaasahang away mula sa pinuno ng karatig-nayon na si Dakum. Malakas ang kanilang panig kung kaya'y nakayanan niyang bihagin si Aparo sa kaniyang inihandang selda. Noong unang panahon, ilang kuwentong pag-iibigan na ba ang iyong napakinggan? Si Aparo at Dakum ay mga magigiting na pinuno na malabong magkaayos, ngunit paano nga ba nila maibabaligtad ang kanilang pananaw sa isa't isa? Alab at bugso. Isipan, damdamin at katawan. Sikretong katauhan dahil sa mga kakaibang katangian, paano nga ba aaminin ni Dakum? Paano nga ba mangingibabaw ang mainit na pag-iibigan sa gitna ng malamig na pagtitinginan? --- Theme: LGBTQ+ (BoyxBoy), Werewolf, Historical.

danmax_orange · Fantasy
Not enough ratings
14 Chs

Ikalawang Kabanata: Ang Lalaki sa Likod ng Kurtina

ᜁᜃᜎᜏᜅ᜔ ᜃᜊᜈᜆ

Ikalawang Kabanata

Tirik pa rin ang araw nang magsimula kaming lumisan. Sinundan namin ang kahabaan ng ilog. Gumuguhit ang kaunting takot sa aking kalamnan nang makita ang dalawang tore na nakatayo na matatanaw sa malayo. Kung susukatin pa naman ito ay katumbas na nito ang apat na pinagpatong-patong na tahanan sa laki.

"Mga kasama, doon nalang tayo sa ilog dumaan, tutal wala naman nang umaagos na tubig doon. Kapag natanaw nila tayo na papalapit sa kanila, baka sugurin nila tayo dito," sabi ko sabay turo sa dalawang poste na nakita ko. "Kapag malapit na tayo sa kanila, 'tsaka natin sila kausapin at ipakita na wala tayong balak na lusubin sila."

Sumang-ayon silang lahat. Dahan-dahan kaming naglakad patungo sa tuyong ilog. Maraming mga talahib at iba pang mga matataas na damo ang nakapaligid sa amin kaya maaaring hindi nila kami matanaw.

Nakayuko kaming naglalakad sa maputik na tuyong ilog. May mga tumatalong pang mga isda na nawalan ng malalanguyan. Ang iba namin kasama ay humuli ng ilan sa mga ito at itinali sa kanilang mga bahag. Bakit sila may dalang panali?

"Itigil niyo muna 'yan. Ituon niyo muna ng pansin yung paglalakad," sabi ko. Mamaya baka sa kakalakad nila ng pabalik-balik para makakuha ng isda ay makatapak sila ng sulib. Ayokong may kasama akong iika-ika kapag nandoon na kami sa kabilang nayon.

Sa wakas ay natunton na namin ang pinakadulo nito, kung saan matatagpuan ang isang dambuhalang pinagtumpak-tumpak na mga malalaking bato na humaharang daluyan ng tubig. Hindi ko mapigilang matawa nang makita ito.

"Anong klaseng pag-iisip ang meron sa pinuno nila para maisipan nila itong gawin? Hindi ko maipaliwanag kung anong uri ito ng kasakiman," sabi ko. Napansin ko ang kanilang mahinang pagtawa dahil din sa nasaksihan nila.

"Kahibangan nga po iyan, pinuno," ani ng isa namin kasamahan. Alam ko na ang tinutukoy niya ay yung kung sino man ang nag-utos para gawin ito.

Napailing ako at natawa ng bahagya. Madalang lang ang ulan ngayon ngunit kapag nangyari man ay aapaw din ito agad. Dito rin tutungo ang tubig. Pero hindi pa yata ngayon ang panahon ng tag-ulan kaya hindi na namin hahatayin na umapaw ito dahil hindi pa mangyayari 'yon sa ngayon.

Ito na yata ang pinakahibang na paraan ang nakita ko sa tanang buhay ko. Nagpakahirap siguro sila para pagpatung-patungin ang mga malalaking bato at siniguradong walang makakatakas na tubig. Hayop na 'yan!

"Diyan lang kayo!"

Napatigil ang aking buong katawan nang may sibat ang nakatutok sa aking leeg, nanggaling ito sa aking likod. Nagdulot ito ng maliit na sugat. Lumingon ako ng bahagya upang makita kung sino ang mga sumita sa amin.

Nilapitan kami ng mga malalaking tao na may hawak na sibat. Madilim na kayumanggi ang kanilang balat at marami silang mga tao.

Nanindik ang aming mga balahibo dahil sa kanilang kakaibang katangian. Para silang mga taong nangangain ng kapwa nila tao. Mas matangkad pa sila sa akin ng tatlong dangkal. Iba-iba ang kulay ng kanilang bahag at ang mga disenyo nito. Marami silang marka sa katawan na inilalarawan ang mga iba't ibang elemento na matatagpuan sa kalikasan tulad ng araw na nakaguhit sa kanilang mga mukha. Mga alon ng tubig at marami pang iba. Matingkad ang kanilang mga kolorete kumpara sa amin.

Waring nanunusok ang kanilang mga mata dahil sa matatalim nilang titig na animo'y nagbabanta na kahit anong oras ay maaari nila kaming paslangin, isa-isa, dito mismo sa aming kinatatayuan.

"Hindi kami nagpunta rito upang manggulo. Nais lang namin na-"

Pinutol ng isa sa kanila ang aking sinasabi sa pamamagitan ng kaniyang malakas na boses. Nagulat pa ako.

"Wala na dapat kayong idahilan. Nahuli na namin kayo! Ang panhihimasok ay panghihimasok! Nagpakita kayo ng kilos na maaaring maging banta sa amin. Sumama kayo, mga lapastangan!"

Mabuti nalang at hindi ko naidala ang aking mga alahas na nagsisilbing palamuti at pagkakakilanlan ko bilang isang maharlika. Mahalaga na hindi nila batid na isa akong pinuno dahil maaari nila akong gamitin upang pagbantaan ang aming nayon.

Napalingon-lingon ako sa aking mga kasamahan at nakita ang busangot sa kanilang mga mukha. Kahit ako rin naman, nadidismaya sa nangyari.

"Bilisan niyo," utos ng isa kanila.

Pinalakad kami papunta sa kanilang teritoryo habang tinututukan kami ng sibat.

Mas higit ang kanilang bilang kumpara sa amin na lalabing-lima lang. Dapat pala, marami din akong kinuhang hukbo para mapantayan ang bilang nila, pero sabi nga ni Adamin, malakas sila. Panigurado, marami pa silang kawal sa loob ng kanilang teritoryo.

Pero para sa kanilang kaalaman, kami ang tunay na napinsala sa walang kabuluhan nilang gawain. Ngayon, naipit na kami, pero hindi pa dito magtatapos ang lahat. Dapat magpanggap lang ako bilang isang ordinaryong kawal.

Sa paglalakad ay natunton namin ang isang malaking tahanan na yari sa bato at iba't ibang uri ng punong kahoy. Ang pagkakaiba ng mga kahoy na ginamit ay nagsisilbing disenyo na kaakit-akit sa paningin. Kaunti lang ang mga bintana ngunit mayroon itong mga saraduhan.

At ang pinakamagandang disenyo sa lahat ay ang mga nakaguhit na mga tatsulok, parisukat, mga dahon at mga bulaklak na disenyo na kulay ginto na nakaukit sa pader na kahoy.

Makapal ang bubong na kugon sa itaas. Mas mataas pa sa dalawang tore na nakita namin malapit sa ilog ang tahanang ito.

Maharlika man ako ngunit hindi pa ako nakakakita ng ganito sapagkat simple lang ang aking tahanan. Kakaunti lang naman kasi kaming naninirahan sa iisang bubong.

Nang pumasok na kami sa loob ay sumisigaw sa kagarbuhan ang mga gamit na nakapalibot sa amin. Ang mga banga na puti na may mga nakaguhit na bughaw bilang disenyo. Wala akong alam kung saan yari iyon sapagkat ang alam ko lang ay ang mga banga ay tanging gawa lamang sa kayumangging putik na karaniwan kong nakikita. Bukod pa roon ay marami pang mga namumukod tanging mga kagamitan na ngayon ko lang nakita sa tanang buhay ko. Maaaring sobrang yaman ang pinuno nila upang magmay-ari ng mga ganitong kasangkapan.

Sa dulo ng tahanan ay may pulang kurtina at waring may nakakubli sa likod no'n. Maaaninag ang anino ng isang lalaking may malaking pangangatawan na nakaharap sa amin.

Sino kaya 'yon? Iyon na ba ang pinuno nila? Ano ba at bakit siya nakatago?! Anong meron sa likod ng kurtina na kaniyang ikinukubli?

"Nagbalik na po kami, Pinuno."

"Batid ko nga. Pansin ko rin na may dala kayong panauhin. Nais ko silang makilala."

Talaga bang ayaw niyang ipakita ang kaniyang mukha sa kaniyang mga panauhin... bihag pala. Walang panauhin ang tinatrato ng balbal. Dumalo kami na nakabantay ang kanilang kawal at tinututukan kami ng mga sandata. Iyon ba ang matatawag na pagtanggap sa isang panauhin?

Para kaming mga ligaw na hayop na hinuli.

Nakita kong gumalaw ang anino sa likod ng kurtina. Napapansin ko ang pagtayo nito at biglang lumabas ang kamay sa pagitan ng dalawang makabilang kurtina. Unti-unti niya itong hinawi para ipakita ang kaniyang sarili.