webnovel

Bihag Ni Dakum [BxB, SPG] (Tagalog)

WARNING: LGBTQ+ Theme, R-18. Read in your own responsibility. Sa alitan ng dalawang nayon, ang pinunong si Aparo ay hindi ninanais ang magsimula ng gulo. Ang balak na pakikipag-ayos ay naging hindi inaasahang away mula sa pinuno ng karatig-nayon na si Dakum. Malakas ang kanilang panig kung kaya'y nakayanan niyang bihagin si Aparo sa kaniyang inihandang selda. Noong unang panahon, ilang kuwentong pag-iibigan na ba ang iyong napakinggan? Si Aparo at Dakum ay mga magigiting na pinuno na malabong magkaayos, ngunit paano nga ba nila maibabaligtad ang kanilang pananaw sa isa't isa? Alab at bugso. Isipan, damdamin at katawan. Sikretong katauhan dahil sa mga kakaibang katangian, paano nga ba aaminin ni Dakum? Paano nga ba mangingibabaw ang mainit na pag-iibigan sa gitna ng malamig na pagtitinginan? --- Theme: LGBTQ+ (BoyxBoy), Werewolf, Historical.

danmax_orange · Fantasy
Not enough ratings
14 Chs

Ikalabing-Tatlong Kabanata: Nasaan Ka Na?

ᜁᜃᜎᜊᜒᜅ᜔ ᜆᜆ᜔ᜎᜓᜅ᜔ ᜃᜊᜈᜆ

Ikalabing-tatlong Kabanata

Madilim na ang paligid habang binabaybay namin ang kakayuhan pauwi sa nayon. Mabuti nalang at binigyan kami ni Adang Mata ng sulo bago pa kami tuluyang umalis sa kaniyang balay.

Hindi ba siya natatakot na manirahan sa gitna ng kakahuyan? Bukod sa mga mababangis na hayop ay maaaring pinaninirahan din ito ng mga masasamang engkanto. Hindi ko kayang mamuhay sa ganitong klaseng lugar!

"Hoy, Atalon! Dahan-dahanin mo yung paglalakad. Wala na kaming makita!"

Napalingon kami ni Atalon - yung alipin na nagbigay sa'kin ng pagkain nung umaga, sa dalawang kawal na medyo nahuhuli ng lakad sa amin. Iisa lang ang dala namin sulo kaya ang ito lang ang natatanging liwanag na mayroon kami.

"Malalaki man ang biyas niyo, mas masahol pa kayo sa kuhol kung maglakad."

Ngumisi lang ang dalawa sa narinig mula kay Atalon. Totoo nga ang sinabi niya, sobra ang tangkad nila kumpara sa amin. Ang tangkad ko ay katumbas ng tankad ni Atalon mula sa baba. Samantalang, hanggang dibdib lang ako ng dalawang lalaki na kasabay namin.

"Sila nga pala sina Kuro at Kalem, kambal silang dalawa. Huwag niyo nalang po silang pansinin sapagkat wala naman silang kayang gawin na makatuturan," ani Atalon.

"Kalem! Narinig mo 'yon. Minamaliit tayo ng kunehong ito," sabi ni Kuro sa kapatid. Napansin ko nga ang pagkakapareho ng kanilang katangian, mula sa mukha at hugis ng katawan. Ang magkaiba lang sa kanila ay yung disenyo ng kanilang bahag. Kulay pula ang suot ni Kuro, samantalang itim naman ang sa kapatid niya.

"Tingnan natin kung sino yung makupad kapag dinala na natin siya sa kama mamaya," ani Kalem at nagtawanan silang dalawa.

Hindi ko mapigilan ang pag-irap sapagkat kahit pa hindi para sa akin ang birong iyon, hindi pa rin iyon kanais-nais na marinig.

Lumingon naman si Atalon sa kanila. "Gusto niyo bang sipain ko kayo sa mukha?"

Nagpatuloy lang sila sa pagtawa pero alam ko na dahil iyon sa kanilang makahulugang sinabi. Alam ko ang kalikasan ng mga lalaki, madalas magbiro tungkol sa malalaswang ideya sapagkat iyon ang bagay na naiintidihan naming lahat.

"Hayaan mo, hindi ka magsisisi hanggang umaga kahit sumakit pa yang butas mo," ani Kalem.

Pinanlakihan lang sila ng mata ni Atalon habang nagpatuloy nalang sa paglalakad. Hindi maiwasan na dumaan si Dakum sa aking isipan. Kaninang umaga lang, naalala ko ang marumi niyang biro sa akin kaya sinuntok ko siya sa kalamnan.

Pasalamat siya at hindi siya nasasaktan pagkatapos ng siping kaya madali nalang sa kaniya na ulit-ulitin iyon. Yun ang bagay na ayaw kong mangyari.

Lumapit si Atalon sa dalawa at binigyan sila ng tig-isang sipa sa pagitan ng hita.

"Bangis naman ng kuneho ko," ani Kuro habang sapu-sapo ang kaniyang pagkalalaki.

"Tara na," sabay hila sa'kin ni Atalon sa palapulsuhan. Alam kong nagagalit na siya sa dalawang mokong na iyon. Hindi siya nakatingin sa'kin habang patuloy lang siya sa paglalakad, at nagpapatianod nalang ako sa kaniya. "Likas na bastos yung dalawa na yun, kainis!" aniya habang medyo nakalayo kami sa kanila.

Muli nanaman kaming natunton ng kambal at sumabay muli sa amin.

"Kamahalan..." ani Kalem na may sarkastikong tono. "Batid niyo po bang may gaganapin kaming kasiyahan bukas? Lahat ng miyembro ng nayon ay magdidiwang."

Tumingin lang ako sa kaniya at ipinakita na interesado ako sa kaniyang sinasabi. Halata naman siguro na hindi kami pareho ng mga tradisyon.

"Sayang naman, mukhang nagtatampo sa inyo si pinuno. Kung ako sa'yo, suyuin mo na. Kawawa ka kapag dumating ang araw ng pagdiriwang namin," sabi naman ng kambal niya.

"Una sa lahat, wala akong alam sa sinsabi niyo. Pangalawa, ano namang meron kay Dakum para maging kaawa-awa ako sa pagdiriwang niyo?"

"Simple lang, ang pagdiriwang na iyon ay ginaganap sa tuwing hugis bilog ang buwan, at tinatawang namin itong 'Gabi ng Init'. Sa tingin mo, bakit 'to tinawag ng gano'n."

Napaisip ako. "M-malay ko. Hindi naman mainit ang buwan, maliwanag lang."

Nagkatingin sina Kuro at Kalem at nagbigay muli ng makahulugang tingin sa isa't isa. Nakangisi sila pareho na para bang sila lang ang nakakaalam sa sinasabi nila sa akin.

Hinayaan ko nalang sila, tutal kung pagdiriwang naman pala ang pag-uusapan, madalas kaming nagsasagawa ng ganiyan. Alam ko na ang mga magaganap. Mga sulo sa paligid at mga instrumentong pantugtog. Mga nagsasayawang tao. Maingay na tawanan at sigawan.

At lalong hindi mawawala ang lambanog na pinakahihintay ng lahat.

Natunton na namin ang malaking tahanan ni Dakum at dumiretso sa silid kung saan ako nagising kaninang umaga.

"Silid po ito ni pinuno," sabi ni Atalon.

"Kung ganoon, nas'an siya?"

"Hindi pa raw siya matutulog ngayon, kamahalan. Marami raw siyang gagawin ngayong gabi. Kayo raw po muna ang gumamit ng kaniyang silid upang palipasin ang gabi."

"Pero maiba ako... May alam ko ba kung nasaan ang mga kanayon ko? Buong araw ko silang hindi nakita sa paligid kahit pa tumungo kami sa mga kabahayan kaninang umaga."

Nag-aalala ako sa kalagayan nila. Yung kapatid ko, hindi ko man lang siya nakita. Wala akong balita sa kaniya dahil natatakot akong itanong ito kay Dakum at baka ilihim niya lang sa'kin ang katotohanan, at pagkatapos no'n ay paalalahanan ang kaniyang taong-bayan na ilihim din ang tungkol dito dahil maaari itong ikabahala ng aking pagtakas.

"Wala pong sinabi sa'kin si pinuno. Ang mga nakakaalam lang po ay yung mga kawal na dumakip sa inyo. Maaari niyo naman po siguro silang tanungin."

Lumingon ako sa dalawang kawal na nagbabantay sa pasilyo. Seryoso ang kanilang mga mukha ngunit katakot-takot itong tingnan.

"S-sige, susubukan ko." Pero ang totoo ay wala akong balak na gawin iyon.

"Kuya! Kuya!!"

Agad kaming napalingon sa babaeng sumisigaw. Papalapit ito sa amin. Kulay tanso ang kaniyang balat at maliit ang kaniyang pangangatawan. Malaki ang kaniyang mga bilugang mata at gurayray ang kaniyang buhok. Nakangiti ito at ipinapakita ang ngipin niyang maraming awang, pagkausli at pangingitim.

Kumapit ang kahindik-hindik na babae sa braso ni Atalon.

"Hindi ka pa ba uuwi? Kanina pa kita hinihintay dito. Kakainip nga, kanina pa ko naghahanap ng gwapong lalaki, puro mukhang kinalahig ng manok yung mga kawal dito," aniya sabay ngumiwi. Hindi ko inasahan ang kaniyang panlalait na para bang sinasaad niya lang ang kaniyang katangian. Tumingin siya sa'kin at nanlaki ang kaniyang mga mata. "Sino ka naman?!" sabay hagikhik.

Lumapit siya sa'kin at suminghot-singhot na para bang aso.

"A-ah... Ano..."

"Ang bango mooo!"

Humagikhik pa siya ng malakas 'tsaka siya tumalon-talon habang pumapalakpak. Labis akong naguluhan sa kaniyang akto.

Hinawakan pa niya ang magkabila kong pisngi 'tsaka ito pinisil-pisil.

"Ang gwapo mo paaa!"

Agad na bumuga sa aking mukha ang malansang amoy ng kaniyang hininga. Kadiri!

"Erghh!" di ko maiwasang umambang masuka. Para ba akong nakaamoy ng nabubulok na isda. Agad kong tinakpan ang aking ilong at yumuko upang umiwas sa hangin na kaniyang binuga.

Hinila ni Atalon ang babaeng ito papalayo sa akin.

"Pasensya ka na, kamahalan. Ayos ka lang ba?" tanong ni Atalon sa akin at inangat ko ang aking paningin. Nakita ko ang pangungulangot ng babae habang nakatingin sa kisame na para bang nagpapatay-malisya.

"Oo ayos lang ako," kahit hindi talaga.

"Mabuti naman, at pasensya na," sabi niya na may halong pag-aalala. "Siya nga pala ang kapatid ko, si Lembang. Ang natatanging babae sa aming pamilya."

"I-ikinagagalak kong malaman," ani ko habang pilit na ngumiti. "Uuwi ka na ba ngayon?"

"Hindi naman po. Tutungo ako sa selda upang bantayan ang mga preso do'n. Hindi ko nga po alam kung bakit ako sinusundo ni Lembang dito kahit alam niyang sa umaga lang ako umuuwi sa bahay namin."

Napakamot ako sa aking ulo, samantalang may naramdaman akong bahagyang pag-angat sa aking bahag kaya napayuko ako at nakita si Lembang na nakadapa sa ilalim ko habang nakasilip paitaas. Agad siyang tumayo at nagpagpag ng braso't binti, samantalang napaatras ako dahil sa ginawa niya.

"Pasensya na. May nahulog kasi... pinulot ko lang hehehe."

Napakamot si Atalon sa kaniyang batok sa kahihiyan.

Magkapatid ba talaga silang dalawa? Matipuno't may hitsura si Atalon, at kung tutuusin ay malinis siya sa katawan, pero taliwas ang kaniyang katangian kumpara kay Lembang. Nangigitata ang kaniyang balat na para bang nilagyan ng itim na langis. Hindi ko gustong manlait pero iyon ang nakikita ko.

"May kapares ka na ba sa pagdiriwang," tanong ni Lembang sa'kin. Para saan ba ang pagkakaroon ng kapares para sa kasiyahang iyon?

"W-wala naman," pag-amin ko habang pinipigilan na ngumiwi.

"Tamang-tama!! Kanina pa kasi ako naghahanap ng kapareha. Baka pwede kitang isama!"

Napakagat lang ako sa labi at tumingin kay Atalon. Binigyan ko siya ng tingin na nanghihingi ako ng tulong.

"Sandali, may kailangan muna akong malaman!"

Lumapit siya ulit sa'kin at ipinasok ang kaniyang kamay sa loob ng aking bahag. Huli na nung naramdaman ko ang pagbunot niya sa aking balahibo ng aking pagkalalaki at sobrang sakit nu'n!

"Araayy!"

Sinapo ko ang gitna ng aking hita habang hinihilot ang parte na kaniyang binunot upang mawala ang sakit.

"Ang kapal pala ng nakuha ko!" ani Lembang at saka humalakhak. Itinapat niya ang balahibong kaniyang binunot sa kaniyang ilong. "Hindi na masama yung amoy! Ang sarap sa ilong."

Nanginig ako at namutla. Lumayo ako at nagtungo sa sulok ng kwarto habang humarang si Atalon sa pagitan namin dalawa. Anong klaseng sapak ang meron sa babaeng ito?!

"M-mukhang kailangan na po namin umalis... Maiwan ka na po namin... Matulog na po kayo..." ani Atalon pagkatapos ay hinila niya si Lembang paalis ng silid.

"Teka, wag ka naman ganiyan kuya. Kakausapin ko pa yung mapapangasawa ko."

"Tumigil ka nga! Mahiya ka. Hindi wasto yung ginagawa mo..."

"Epal ka talaga!" pagpupumiglas ni Lembang ngunit hindi pa rin siya makawala sa kapit ng kaniyang kapatid. Bago sila tuluyang umalis at tumingin siya sa'kin at ngumiti. "Aabangan kita sa pagdiriwang, mahal ko!" tapos winagayway niya ang kaniyang palad.

Labis pa rin akong kinikilabutan. Mukhang ayaw ko nang pumunta sa pagdiriwang na tinutukoy nila.

Nanginginig akong tumungo sa malaking papag at humiga. Nakatulala at blanko ang pag-iisip. Ngunit nag-iba ito nang bigla hinahanap ng aking isipan si Dakum. Tumingin-tingin ako sa paligid upang hanapin siya. Para akong nababalisa.

Nasaan ka na?

Ang diwa ko, sa halip na matulog ay hindi mawala ang paghahanap sa kaniya. Ang lawak ng papag upang higaan ko mag-isa.

Kinuha ko ang unan at niyakap ito. Inilarawan ko ito bilang si Dakum. Ilang oras ang nakalipas ay hindi pa rin siya dumarating. Hinayaan ko nalang ang sarili na lamunin ng antok.