webnovel

Behind the Devil's Mask

Paano kung isang araw, magising ka na lang na may umaangkin na sayo bilang asawa niya? Okay na sana kung isang "hottie guy" ang tumatawag sayong "Wife." Paano kung isa siyang kakaibang nilalang? "This can't be happening"hindi makapaniwalang sabi ni Cassandra nang makaharap niya face-to-face ang shadow like figure na nagpakilalang asawa niya. "I want a normal life to begin with and maybe a married life. But not with him!" -Cassandra "The day I gave life to that girl, was the day I marked her as mine." -Gabriel

Aqua_Adam · Fantasy
Not enough ratings
32 Chs

Deal or No Deal?

"Gusto mong magpakasal tayo bukas ng gabi?!Bakit ang aga ata?"

"Magtatagal lang naman ng tatlong buwan ang pagiging mag-asawa natin after that I won't bother you anymore"

"Pero bakit napaaga ang kasal?may hindi ka ba sinasabi sa akin, Alexander?"

"Don't you want to be freed from this monster? The sooner the better, hindi ba? I know you feel imprisoned when you're with me and if you read the contract well then it is stated that after 3 months of marriage...I will be, gone forever in your life"walang kaemo-emosyon na pagkakasabi ni Alexander.

Natigilan ako sa huling sinabi ni Alexander. Sumakit ata ang dibdib ko sa last part ng sinabi niya. Huminga ako ng malalim at napapikit ng ilang segundo. Sumakit yung ulo ko sa pinagsasabi niya.

The sooner the better nga daw...

What's wrong Cassandra? Isn't this what you want?(boses sa aking isipan)

Idinilat ko ang aking mata at matamang pinagmasdan si Alexander. Naguguluhan ako sa kanya, sa nangyayari...at sa sarili ko.

I should choose what is best for the both of us. Napaisip ako sa deal na inooffer niya. Kung mas mapapaaga ang paghihiwalay namin mas magiging mabuti para sa akin. I just need to guard myself during that three months then after that, babalik na sa normal ang buhay ko.

"But what if I refuse?What will you do?"ikinuyom ko ang aking mga kamay.

Umalis ito mula sa pagkakasandal at lumapit sa akin.

"I can't hurt you, that's for sure! but your loved ones...I cannot guarantee you their safety"sumilay ang malademonyo nitong ngiti sa kanyang labi. Napakurap ako ng mabilis at napigil ko ang aking hininga. Bumilis ang tibok ng puso ko at nakaramdam ako ng takot sa tono ng kanyang pananalita. Tono ito ng nagbabanta at hindi ko gusto ang ipinapahiwatig ng kanyang boses. Napapitlag ako nang bigla niyang hawakan ang aking mukha at marahang hinaplos ng kanyang malamig na kamay. Mabilis kong iniiwas ang aking mukha at tiningnan siya ng masama. Minsan talaga hindi ko na maintindihan ang lalaking ito. Pabago-bago ito ng personalidad. Minsan mabait. Minsan suplado. Minsan napakamaintindihan at minsan naman parang psychopath, katulad ngayon.

Now I'm confused.

"So what's your decision?"bulong niya sa kanang tenga ko. Napaatras akong ng konti dahil sa mainit nitong hininga na nagbigay ng ibang kilabot sa akin.

Wait.

What's happening to him? Did I just feel his warm body?

Bigla akong lumayo sa kanya.

"Ikaw ba talaga yan Alexander?"bigla kong naitanong sa kanya. Nanlalaki ang mga matang nakatitig ako sa kanya, partikular sa kanyang mata na walang kaemo-emosyon. Napabuntong hininga na lang ako. Of course, it's him!!! That deep set of emotionless emerald eyes, it only belongs to Alexander.

"Of course, sino pa nga ba? may hinahanap ka pa bang iba?"nag-iba ang tono ng kanyang pananalita. Tono ito ng nagseselos.

"No--no, I just wanna make sure na ikaw pa rin ang kausap ko. You know...I can't see your face just...shadow like figure"nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

"So do we have a deal?"aniya.

Huminga ako ng malalim at kinalma ang mga nanginginig kong mga nerves. I'm excellent at getting the deal done, and this one is easy just like any other deal I encountered. Tumikhim ako bago nagsalita.

"Not so fast Alexander, I need to review everything written on this paper is well understood and is fair enough for the both us"

"Okay then, tell me is there something you don't understand? Ask me anything you want to know"naglakad ito sa isang mesa at nagsalin ng inumin sa dalawang baso.

"We're only married by paper, right?"

Umiling siya at lumapit sa akin at iniabot ang isang baso. Inamoy ko ang laman at medyo napangiwi ako dahil sa kakaiba nitong amoy.

"Just take a sip"aniya nang mapansin ang pagngiwi ng aking mukha.

"You didn't put anything in this right?"paninigurado ko. Amoy matamis ito na may pagkamapait. In other words it smells "Bittersweet" just like our relationship. Napangiwi ako lalo dahil sa naisip.

"Tsk. Just drink it if you want. Anyway the answer to your question is we're officially and legally married here"inilibot niya ang tingin at naupo sa silyang nasa harap ko.

"You mean, here? in your world?"paninigurado ko.

"Yes, which only means mag-asawa lang tayo dito at sa inyong mundo hindi"

Tumango ako.

"Okay but you're not allowed to do something that...that you know, real couple thingy" nahihiyang nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

"What do you mean?"nagmamaang-maangan nitong tanong.

Sarap din nitong kutusan ehh!!!Sinasadya niya talaga ang pa innocent act niya para hiyain ako sa harap niya. Mukhang nag-ienjoy eto.

"You know what I mean Alexander, just-just like what almost happened between us"

"Ughh"

Nasamid siya. Mabilis niyang inabot ang panyo at agad na ipinunas sa kanyang bibig.

"Are you okay?"nagtataka kong tanong sa kanya. Hindi ito makasagot. Nag-iwas ito ng tingin sa akin.

Wait. Is he embarrassed? Haha!!!Tumikhim muna ako bago nagpatuloy sa pagtatanong.

"So ano na? Do I need to elaborate for you to understand?"nag play along na lang din ako. Minsan lang ako makaganti sa kanya. He's always the one teasing me.

"Stop it, I get it now please proceed"

Alam niyo ba yung feeling na nagpipigil ka ng tawa? Ang hirap diba?

"So?"tanong ko ulit sa kanya.

"Fine, do you have another question?"

"After the wedding, I want to stay in my house with mom"

"That...I cannot agree, I need you to stay by my side so that I can protect you"nagsalin ulit ito ng alak sa kanyang baso.

"What did you say? I'm not asking for your approval. I'm just saying that I'm safest at my place--

"No you're not, the reason why I brought you here is because you're well protected here and you don't need to worry about Ma'am I've already sent someone to look after her. She's safe"

"Then explain it to me. Bakit ako hinahabol ng mga nilalang na katulad mo? Why is my life in danger? I don't understand why Alexander"kagat ang mga labing tinitigan ko siya. I am confused and worried because everything is a mystery to me.

"It's because you're my bride"

'Akala ko asawa???Bakit wife ang tawag niya sa akin? What's the real score, Alexander???'tinig ng aking isip.

"Bride? The fudge Alexander!!!then I don't want to be your fu**ing bride!!"galit kong sabi sa kanya. Lumapit siya sa akin pero tumigil din ito ng ilang dangkal na lang ang pagitan naming dalawa.

"Watch your mouth Cassandra"seryoso nitong sabi.

"What?"

"You're not allowed to swear when you're with me Wife"matigas nitong sabi.

"Fine. Now explain"ang tangi kong sagot dahil tama naman siya.

"Madaling kausap...now please hear me out"kalmadong sagot niya sa akin. Kinuha ko ang baso na naglalaman ng alak at ininom ang laman nito. Pagkatapos ay tiningnan ko si Alexander na nakapamulsang nakatingin lang sa akin.

"I'm ready"sabi ko sa kanya.

Narinig ko ang kanyang malalim na pagbuntong-hininga.

(Third Person's POV)

Huminga ng malalim si Alexander at tinitigan si Cassandra na nakatitig din sa kanya. Naghihintay ito ng sagot mula sa lalaki. Tumikhim muna si Alexander bago nagsalita.

"You're the first human bride and...more specifically my bride. As you can see here, I'm the one protecting our home and my kind. I'm sure I told you about me having a twin brother"sandali itong tumigil sa pagsasalita. Tinitimbang nito ang mga bibitawang salita kay Cassandra.

"I remember you shared a glimpse of information of your family"

"He's going to do anything just to take my place and if that happens... it's the end. For all of us here"

Lumapit ang lalaki kay Cassandra.

"Help us Cassandra, I need you by my side...I"

Sandaling tumigil sa pagsasalita ang lalaki. Nanatiling tahimik si Cassandra at pigil ang mga hingang hinintay ang iba pang sasabihin ni Alexander.

"I can't imagine myself without you, marry me"

Sandaling natigilan at hindi makasagot si Cassandra sa narinig. Pakiramdam niya ay mabibingi na siya sa sobrang lakas ng pagkabog ng kanyang dibdib.

Ganon ba kaimportante ang kanyang posisyon sa buhay ni Alexander? sa kanyang mga kauri?

Biglang nagflash back sa isip ni Cassandra ang mga kauri ni Alexander na masayang nagtutugtugan kagabi, sina Frost at ang tatlong katulong. Si Faura na kahit pilya ay maganda rin ang pakikitungo sa kanya. Lahat sila ay katulad din nilang mga tao. May pamilya ang iba sa kanila, and everyone deserves to live and if there's something going on between her and Alexander, walang kasalanan ang mga ito. Sandali siyang natahimik at napaisip.

"Uhmm okay...only in three conditions. If you agree then it's settled"ani Cassandra. Natuwa si Alexander sa sagot ni Cassandra pero hindi niya pinahalata dito. Kinalma niya ang sarili bago sumagot dito.

"Okay. What are those?"

"First, you are not allowed to demand anything from me" matigas na sabi ni Cassandra.

"Even a kiss?"pilyong sagot ni Alexander na tinaasan lang ng kilay ni Cassandra. Itinaas ni Alexander ang dalawang kamay bilang pagsuko.

"Okay but what if you initiated it first? I can't reject you."seryosong sagot ni Alexander. Natahimik ng ilang sandali si Cassandra.

"Are you really that confident that I will fall for you?Amfee nito oh!"nakacross arms na pahayag ni Cassandra. May emosyong sumilay sa mata ni Alexander na mabilis din nitong naitago. Kinuha niya ang bote ng alak at pinagsalinan si Cassandra.

"I just want to clear things wife, hindi rin malayong hindi ka gumawa ng first move--"ngumiti ito ng nakakaloko. Tinanggap naman ng babae ang alak saka tiningnan si Alexander na kasalukuyang nakaharap sa malaking bintana. Nakabukas ito kaya malayang nakakapasok ang sinag ng buwan sa loob.

"Feeling ka rin noh? it will never happen, again"natikom agad ni Cassandra ang bibig.

'Oppss!!!split of tounge...'sa isip niya. Lumingon ang lalaki sa kanya. Tinungga nito ang natitirang laman ng kanyang baso.

"Again?so you remember what happened earlier, right?"pinilit niyang hulihin ang tingin ni Cassandra na ngayon ay pilit ding iniiwasan ang kanyang tingin.

"What? no..."pagtatanggi nito.

"No?"

Hindi sumagot si Cassandra sa tanong ni Alexander dahil malinaw niyang naaalala ang nangyari. Tila isa itong eksena sa pelikula na nagrereplay sa kanyang isipan. Hindi siya makatingin ng diretso kay Alexander dahil nahihiya siya nangyari. Natigil lang siya sa pag-iisip nang maramdaman ang paghaplos ni Alexander sa kanyang buhok kaya napatingin siya dito. His emotionless green orb met hers.

"If you say so, then forget it"malamig nitong sabi sa gitna ng kanyang marahang paghaplos sa buhok ni Cassandra pababa sa kanyang mukha.

"Now tell me, what's your second condition?"

Lihim na napalunok si Cassandra bago sumagot.

"Second, during our marriage I want to do things just like my normal days. I...I would like to go to places I used to visit"tinutukoy nito ang buwanang pagbisita sa libingan ng kanyang ama.

Tumango si Alexander.

"Third, after 3 months of marriage I want to have a wish"

"Wish?"nagtatakang tiningnan ni Alexander si Cassandra.

"Yes, you'll know my wish after three months. So is it a deal or no deal?"inilahad niya ang isang kamay.

"We have a deal"tinanggap ni Alexander ang kamay ni Cassandra at sila ay nagdaupang palad.

(Cassalea's POV)

Lakad dito. Lakad doon. Hindi ako mapakali kaya kanina pa ako nagpabalik-balik ng lakad dito sa sala. Panay ang pagsilip ko sa aking cellphone at sa labas ng bahay. Naiinip na ako sa kahihintay na tumunog ang aking cellphone pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap na mensahe o tawag mula kay Anna kaya nag-aalala na ako. Hindi ko rin ito makontak. Napagpasyahan kong lumabas muna dahil pakiramdam ko ay may nakamasid sa akin dito sa bahay. Tumawag ako sa school para itanong si Anna pero wala rin daw ito simula pa noong nakaraang araw kaya agad akong nagmaneho papunta sa pinakamalapit na coffee shop. Nanatili muna ako sa loob ng kotse at sandaling ipinikit ang aking mata. Kinulang ako ng tulog dahil sa panonood ng kdrama. Hahaha!!!Kdrama lover ang bagets!!!

*Yawning*

"I really need coffee now"inalis ko ang seatbelt at lumabas na para magkape at kumain ng breakfast. Tinamad na kasi akong magluto. Pumasok na ako at sandaling iginala ang tingin sa paligid. Bakante ang nasa pinakadulong table kaya naman naglakad na ako papunta doon.

After kung makaorder ay kinuha ko muna ang aking cellphone at sinubukang tawagan si Kris.

(Ringing...)

Hi!This is Kris....

Napabuntong hininga na lang ako nang voicemail ang sumagot sa kabilang linya.

"Mga bata talaga ngayon, sobrang busy na ni hindi man lang ako matawagan--"

"Hi! Goodmorning Mrs. Montague? right?"tinig ng lalaki. Natigil ako sa pagtipa sa aking cellphone at inangat ang aking tingin papunta sa pinanggalingan ng boses. Sandali akong hindi makasagot dahil sa lalaking nakatayo ngayon sa aking harapan.

"Oh? Alexander?Nasaan si Anna?"inilibot ko ang tingin at hinanap ang aking anak.

Nakangiti lang ito sa akin. Bahagyang kumunot ang aking noo dahil may kakaiba sa kanya ngayon. Iba ang kanyang aura. Kakaiba rin ang kanyang mga ikinikilos. Mukha namang mabait ang lalaki pero may kakaiba sa kanya na hindi ko maipaliwanag.

"You're not Alexander, who are you?"

Mabuti na lang at dahil sa tagal ko ng pagpipinta ay nahasa na ang aking skills sa pag identify ng kaibahan ng isang bagay. I can easily spot the difference. Kahawig ni Xander ang lalaking ito pero mas guwapo lang ang son-in-law ko dahil mas masculine ang dating nito. Ang isang ito ay masyadong pretty boy. May pakiramdam din akong hindi maganda sa isang ito. There's something off about this guy!

"Wow, you're brilliant just like your daughter thou I must say she hardly notice the difference between me and my brother. Everyone can't easily tell which is which but you, you're exceptional"

Is he trying to flutter me? Not me young boy!

"Excuse me? I'm way older than you so don't try to hit on me young man"kinalma ko ang aking sarili.

"I apologise, that's not my intention. I'm Devans, Alexander's twin brother. You must be Mrs. Montague?"pagpapakila nito. Bigla kong naalala ang sinabi ni Xander na may kambal nga daw ito. Sandali kong pinag-aralan ang anyo ng nagpakilalang Devans bago ko napagpasyahang ngitian ito.

"How did you know? Did Xander tell you about me?"

"Haha...kind of Madaam... Can I join you?"

"Sure. Please have a seat"Mukha naman itong desenteng tao pero there's something off about him. But I can't tell for now.

"Sorry if I was rude earlier, I was only happy seeing Ms. Montague's mom"

"What is your relationship with my daughter?"walang anu-ano'y tanong ko sa kanya.

"She's my business partner in one of her clothing line"

"I see. Then I'm glad that I've met one of her colleague."

Tumawa ito ng mahina kapagkuwan ay tumingin sa aking mga mata. Kulay asul ang kanyang mata. Di hamak na mas pogi ang son-in-law ko sa kanya! Mukha mang suplado si Xander ay ramdam ko naman ang kanyang sinsiredad sa bawat kilos niya. Maybe that's one of the reasons why my Anna baby fell in love with him. Nabalik ako sa realidad nang biglang magsalita ang kambal ni Xander.

"Tunog foreigner ang isang to"mahinang kong sabi na halos pabulong na.

"Maybe it's because of my accent Madaam, last month I went to States so maybe that's the reason."

"You have a sharp ears hijo..."nginitian ko ng matamis si Devans.

"Thank you, actually I get that a lot from my peers and no big deal Madaam, soon you'll be my mother-in law so what's the big deal?"

Ngumiti na lang ako sa tinuran ni Devans. Mukhang iba ata ang pakahulugan ng isang ito. Umorder na rin ito at sabay kaming kumain. Nauna itong umalis dahil may aasikasuhin pa daw ito. Nagdrive naman ako pauwi ng bahay. Malapit na ang art exhibit ko kaya kailangan ko na ring tapusin ang dalawa pang painting.