webnovel

Beauty of Rejection

In the game of softball, there are three bases, three fielders, one short staff, the pitcher and the catcher. Melaine Elizabeth is the catcher in the lychnis group, bihasa at magaling siya sa larong ito. She can catch all the strikes and foul balls, walang mintis niyang nasasalo ito. She's one of the strongest batters in their team. But one thing for sure, She can catch balls but never the heart of Leviticus Romero.

Bl_isfully · Realistic
Not enough ratings
3 Chs

Chapter 1

Chapter 1

Puting kisame ang bumungad sakin pag dilat ng mata ko. Amoy medisina ang naamoy ko, nilibot ko ang kabuuan ng kwarto at may dalawang painting na nakasabit sa ding ding. Napa tingin ako sa isa pang hospital bed at nakita ko si psalm na mahimbing na natutulog.

She looks so tired, her face says it all.

Then my gaze turn into my wrist, may naka kabit na swero dito at namamaga din ang kamay ko.

Dahan dahan akong umupo galing sa paghiga ng sumakit ang ulo ko. Napahawak ako sa ulo ko at may benda na naka lagay. Nagising si sam ng  dumaing ako sa sakit. Nahihilo rin ako kaya hindi ko pinilit ang sarili ko tumayo.

Bumaling ako kay sam ng pisilin nito ang kamay ko. She looks so worried kaya ngumiti ako sa kanya para hindi na mag-alala pa.

"Are you okay? Masakit paba ulo mo? Tatawag ako ng doctor." pag panic na sabi niya.

Bumuntong hininga ako bago siya sinagot. "No need, I'm fine."

She heaved and smiled at me. Nag usap muna kami about sa condition ko, mabuti nalang at hindi malakas ang pagka palo ng ulo ko. Sam told me na si eunice ang pumalo sa ulo ko. Tangina, lagot sakin yun. Pakakainin ko mukha niya ng lupa.

Napag usapan din namin na nakauwi na ng bahay si Elora, wala naman daw na damage sa ulo niya kaya nakalabas kaagad ito. Almost one week narin akong naka higa sa bwesit na hospital na'to, gusto kuna umuwi baka nag aalala na si mama. Ang alam niya lang ay nay field trip daw kuno kami kaya hindi makakauwi, loko talaga si sam.

Maya maya pa ay umuwi na muna si sam para maligo para kumuha ng mga damit na gagamitin niya. I decided to sleep muna habang hinihintay si sam. Papikit na ako ng bumukas ang pinto at niluwa nito si levi.

Himala? May himala? Ba't bumisita ito? Ayaw niya sakin diba?

"What are you doing here?

Napatingin ako sa kanya ng umupo ito sa sofa, hindi niya pinansin ang tanong ko at tiningnan niya lang ako.

Ginagawa niya? Di ba dapat galit siya dahil ako may kasalanan kung bakit nahimatay yung pinaka mamahal niyang jowa? Kumunot ang noo niya ng mapansin na nagtataka akong tumingin sa kanya.

Tumikhim ako bago nag tanong ulit.

"Sabi ko ano ginagawa mo dito kako?" i looked away after i I asked him. Para akong nilulunod ng mga mata niya, hindi ko kinaya para akong inuuhaw sa kaba, ng titig niya.

"Sorry," aniya habang naka titig parin sakin. Why he sounds so sorry ba? Kasalanan ko naman. Pero hindi naman ako pakipot duh.

"Apology accepted."  Tumango lang siya at umalis na.

Habang nag hihintay kay sam inabala ko muna ang sarili ko sa panunuod ng tv. Trolls pinapanuod ko dahil naalala ko ang mukha ni Eunice dito. Gigil na gigil talaga ako habang pinapatay ko siya sa isip ko.

Kumakain ako ng gummy habang nanunuod, bumili pala ng foods si sam pag tingin ko sa mini fridge kanina. Mga sweets lahat binili niya kaya mas lalo akong natuwa. I may be bitch but when it comes to gummy parang nawawala yung galit ko.

Simula high school si sam na palati kasama ko. Siya yung anjan kung kailangan ko ng tulong. We became friends because i protect her from the bullies, she's introvert. She never talk unless you ask.

Napaka mahiyain pa. Pero mag kaiba kami syempre para balance, siya yung tahimik at mabait, at ako naman yung bitchesa at ubod ng kamalditahan.

NAGISING NALANG ako ng may tumapik sa bakikat ko. Nakita ko si sam na pinatay yung tv at tumabi sakin sa sofa.

She smiled at me widely habang dala yung resulta sa ct scan ko.

"Yayy I'm happy! Pwede na tayo umuwi mamaya sabi ni doc. Alis muna ako ha para mag bayad ng bill, I'll be back."

Tumayo ako at niligpit ang pinag kainan ko. I changed my clothes and washed my face. Gosh feel ko ang lanta ng kulay ko.

Kaya pala pumasok kanina yung doctor at tinanggal yung benda sa ulo ko. Finally! Makakuwi narin ako.

I decided to wear my plain white t-shirt at faded jeans. I also comb my hair and tie it into high pony tail, nag lagay din ako ng liptint sa lips ko to hide my pale lips. 

I smiled as i watch my face In the mirror. I packed my things and sat in the sofa.

Bumukas ang pinto at niluwa nun si sam.

Una akong lumabas ng pinto at napatigl ng may naalala ako.

" Wait, san ka kumuha ng pera pambayad sa bill?" nagtataka kung tanong, yumuko siya at napalunok.

"Levi paid your bills." Gulat akong napatingin sa kanya, hindi inaasahan ang sagot niya.

"Really? Asan siya, mag papasalamat lang ako." masaya kung sabi, may munting saya at pag asa sa puso ko ng sinabi ko 'yon.

"No need, ayaw kulang mag kautang loob sa isang desperadang katulad mo." i slightly titled my head to see who's taking. And there i saw Levi's emotionless face. Naka suot na ito ng white t-shirt at khaki shorts.

Parang pinag tuturok ng ilang libong punyal ang dib dib ko sa sinabi niya. Parang may bumara sa lalamunan ko dahil sa katagang binitawan niya.

Napayuko ako dahil ramdam ko ang nag babadyang luha sa mata ko. Pakshet ang sakit. Ganon nalang ba ka baba tingin niya sakin? Kung ano mga naririnig niya sa iba yun na kaagad paniniwalaan niya? Fuck him, then.

Nilagpasan niya ako ng hindi man lang ako tiningnan. Tanaw ko siya habang tumutulo sa mga mata ko ang luha na kanina ko pa pinipigilan.

Sa bawat hakbang niya ay unti unting pagka durog ng puso ko. Para akong pinapatay sa sakit. Di baleng matira ng bat sa ulo kesa ganito.

I smiled bitterly, habang paulit ulit kung naririnig sa isip ko ang katagang sinabi niya.

Hindi ako pumapatol sa desperada

Desperada

Desperada

Desperada? Edi panindigan na. I just love him to the point that I'm willing to commit a mistake just to be with him.