webnovel

BEAUTIFUL SCANDAL

On the night of her wedding, Oshema Yzabella woke up next to a man who is not her husband. Gumuho ang mundo niya lalo na nang matuklasan niya kung anong ginagawa ng kanyang asawa sa kabilang kwarto. Para pansamantalang makalimot, lumayo siya at nagtrabaho. Pero kung hindi nga naman niya hawak ang tadhana, wala siyang magagawa kung anong kababalaghan ang ihahambalang nito sa kanyang daraanan. Sa pamantasan kung saan niya sinimulan ang panibagong buhay ay muling nagtagpo ang landas nila ng pangahas na lalaking nakasama niya sa honeymoon. Ang malala pa ay isa ito sa mga estudyanteng kailangan niyang hasain ang kakayahan. Susuko ba ulit siya at tatakas? O, tanggapiin ang panibagong hamon ng kapalaran kahit ito ay mauwi sa isang eskandalo.

Ashley_Grace_Puno · Urban
Not enough ratings
56 Chs

Chapter 38

"GOT IT," Yzack gestured an approved sign to Jin after getting out from the car. Nagmamadaling pumasok sa mansion ang binata at tinanguan ang mga kasambahay na sumalubong at bumati sa kanya. Some of them are lining up at the hallway. A typical sight inside their home.

"Okaerinasai, Kaichou. (Welcome back, chairman.)" Kazuma met him at the tip of the hallway.

"Tadaima, Kazu. Madamu to Oshema wa dokodesu ka? (I'm home, Kazu. Where's madam and Lady Oshema?)" Tanong niya rito habang niluluwagan ang suot na necktie.

"Cho no hana niwa de. (At the butterfly flower garden)"

"Hai, aregato. (Right, thanks.)" Tinapik niya sa balikat ang bodyguard at nagtuloy sa sinasabi nitong garden.Mabilis niyang nahanap ang dalawang babae sa loob ng garden. Nagtatawanan ang mga ito habang nililinis ang iilang nakapaso na mga butterfly flowers.

Huminto siya sa may bukana at sumandal sa malaking haligi ng stone gate. Napangiti na lamang siya habang pinagmamasdan ang dalawa. What now? Out of place na naman siya sigurado pag isiniksik niya roon ang sarili.

It's almost been a month since Oshema moved in. Ayaw pumayag ng kanyang ina na hindi tumira sa bahay nila ang dalaga. He suspected that it was because she is Randall's girlfriend. Gusto itong makilala ng kanyang ina at makarinig ng kung anu-anong mga kwento tungkol kay Randall sa nakalipas na apat na taong nawalan sila ng balita sa kapatid.

Napailing siya at humalukipkip nang muli ay umaalingawngaw ang malamyos na tawanan ng mga ito.

They get along so well. Maybe a little too well and close. Para bang matagal ng magkakilala ang mga ito na hindi mapaghihiwalay kapag nasa bahay. Mabuti na lang at hindi selosong tao ang step-father niya kasi nababawasan na ang oras ng kanyang ina para sa asawa mula ng dumating si Oshema.

Napasulyap sa gawi niya ang ina. Her eyes lit up. Bumaling ito sa kausap na dalaga at may sinabi. Nagpukol ng tingin sa direksiyon niya si Oshema at ngumiti. Parang may sumipa sa kanyang dibdib at agad nagwawala ang puso niya. Hindi na niya gusto ang inaakto ng kanyang emosyon para sa babaeng ito.

Minsan natatagpuan na lang niya ang sarili na hindi na iniisip si Mikah, where he supposed to be doing it instead of thinking Oshema.He's been restless because of her. He knew she just kept hanging on in spite not knowing Randall's whereabouts because she believed that one day she'll see him again. Tuwing naiisip niya iyon, nagagalit siya. Magkamukha naman sila ng kambal niya pero bakit si Randall pa rin ang hinahanap nito? That's a grieve insult on his part.

Umalis siya sa pagkakasandal sa haligi at pumasok sa garden. Natuon na ulit sa mga bulaklak ang atensiyon ng dalawang babae.

Hinalikan niya sa noo ang ina at inilapit ang mukha kay Oshema. Mabilis nitong tinakpan ang bibig. Natuto na. Madalas kasi niya itong nakawan ng halik. So cute of her. Lalo lang tuloy siyang nanggigigil matikman ulit ang mga labi nito.

"Stupid," anas niyang nag-landing ang mga labi sa leeg ng dalaga.

She squirmed and almost hit him on his face. "Ako pa ang stupid?" Sikmat nito na nagpatawa sa kanya. Her face is turning all red like apples.

Damn, this girl is getting prettier and prettier with each passing day. Nakakabaliw.

"Stop doing that, Yzack." Saway ni Jemma. "How many times do i have to remind you she's your brother's girlfriend. You should respect her."

Nagkibit-balikat siya at ngumisi. "Fuck with that." He snapped cockily.

Napailing na lamang ang kanyang ina. "How's school going?" Tanong nitong bumaling sa nakapaso na butterfly flower at inalis ang mga tuyong dahon sa mga tangkay non.

"As usual, busy. The school festival is up ahead, i need to help with the preparations." Sinulyapan niya si Oshema na ayaw na naman siyang pansinin dahil sa kalokohan niya. Pero alam din nito na hindi siya papayag na basta mabalewala.

Nilapitan niya ito at padaskol na inakbayan. "Let's go have a date tomorrow."

"Pwede ba, Yzack, tigilan mo ako." Sinubukan nitong pumiksi pero hindi makawala.

"Yzack, ano na naman ba yan?" Sabat ng ina.

"It's just a sibling date, Ma." Depensa niya. Bumaling sa dalaga. "Don't be too full of yourself, Oshema. You're not my type." He emphasized every word even if it's a perfect lie.

Inirapan siya nito. At nagpatuloy sa ginagawa. Hindi niya inaalis ang pagkakaakbay rito. Maybe then she's gotten used to it already. No point trashing around actually. He watched her pick the dried leaves from the stem of the plants.

"Wala ka bang pasok bukas?" Tanong ni Jemma.

"Sa umaga mayron, libre na ako sa tanghali. Kaya gagala kami ng future sister in law ko. Right, sis? It's on schedule, anyway." Kinindatan niya ang babae na agad sumimangot. Sarap lang halikan.

"Mikah's mother called me. Di pa rin ba kayo nag-uusap?" Sinipat siya ng nanunuring tingin ng ina.

"She doesn't want to talk to me. She's avoiding me in school. Ayaw kong maghabol para lang kausapin niya." Inalis niya ang kamay sa balikat ni Oshema at hinulog sa bulsa ng pantalon. Tiningala niya ang mapusyaw na langit dahil sa nakalatag na manipis na ulap. One hour left before sunset.

It's been a week since Mikah came back. Ang sabi ay nagkaroon ito ng concert tour kaya biglang nawala. Malinaw na pinagtakpan nito ang ginawa ng kakambal niya para hindi mahabol ng batas.

Nagkikita sila sa school pero hindi sila nag-uusap. Iniiwasan siya ng dalaga. Kapag nagkakasalubong sila ay lumilihis ito ng daan, kung hindi naman ay nagkukunwaring abala sa pakikipag-usap sa mga kaibigan. He wanted to talk to her to clear things out. But he won't force it if she's not ready yet. Wala din siyang oras para sa suyuan na gusto nito.

Bilang chairman ng Yokohama Powers at student council president ng shool niya, madami siyang kailangang unahin. He is working hard while studying. Hindi niya inisip na problemahin pati puso niya.

Or at least that's what he thought. Sinulyapan niya si Oshema. He must take charge on his emotion before this woman dragged him into deeper trouble.

Nakahinga ng maluwag si Shem nang tawagin ni Kazu si Yzack. Ang dami talagang kalokohan ng lalaking iyon. When she's with him, she can't seem to let her guard down and be at ease. Kahit nga may depensa na siya, nakakapasok pa rin ito.

"Hija, may kukunin lang muna ako sa loob." Paalam ni Madam Jemma sa kanya.

"Sige po, tita." Nginitian niya ito ng matamis.

Hinatid niya ng tanaw ang babae na lumabas ng garden. Halos isang buwan na siyang nananatili doon. Napakabait ni Madam Jemma sa kanya pati ang asawa nito. Hindi siya itinuring na ibang tao kundi kapamilya kaya nahihiya na rin siyang makiusap na bumukod.

Sa ngayon ay nagtatrabaho siya bilang shadow teacher sa isang international kindergarten.Kasalukuyan din siyang nag-aaral ng wikang Nihongo. Tatlong araw sa isang linggo ang klase niya sa loob ng anim na buwan. Kapag nakatapos siya ay pwede na siyang magturo sa kahit aling pinakamalapit na paaralan.

Lumapit siya sa bench at naupo roon. Pinagmasdan niya ang buong mansion. It was built in a combined modern and traditional Japanese architecture. With covered hallways, sorrounded by open gardens and guarded with high rised gates. May hot spring at swimming pool.

Natanaw niya si Yzack sa labas ng bukana ng garden. Kasama nito si Kazu. Sumenyas sa kanya ang binata na pumasok na sa loob ng bahay. Di na siguro babalik si Madam. Baka may dumating na bisita. Tumayo siya at humakbang palabas ng garden. Hinintay siya ni Yzack.

"Tumawag si Nancy. Di ka daw niya ma-contact? Where's your phone?" Tanong nito. Sinabayan siya sa paglalakad.

Pumanhik sila sa isa sa mga covered hallways na direktang maghahatid sa kanila sa ground floor living room. Kazu is following them.

"Iniwan ko sa kwarto." Hindi siya umalma nang akbayan nito. Useless lang kasi, lalo lang siya nitong iinisin gaya kanina.

"Mag-return call ka na lang mamaya after dinner." He suggested drawing her closer to him.

"Tigilan mo nga yan, nasasakal ako." Itinulak niya ang braso nito. But he just ignored what she did."Anong sabi ni Nancy?" Tanong na lang niya nang di maalis ang braso nito sa kanyang balikat.

"Kinakamusta ka. Hindi raw sila matutuloy sa bakasyon ngayong summer. It has something to do with Bella. Mukhang pati iyon ay ginugulo ni Rune."

Nawalan siya ng imik. Nong huling nakausap niya si Nancy binalita nito na nagalit ang mga magulang ni Rune sa kanila. Sinabi ng lalaki na gumagawa siya ng kwento para mapagtakpan ang pagtataksil niya. At naniniwala rito ang mga magulang kaya siya at ang pamilya niya ang lumabas na masama. Ang masaklap, patuloy na ginugulo ni Rune ang pamilya niya at ginigipit ang clothing company nila. Maraming investor ang umalis at mga kliyente na hindi na bumalik. Bella is on the verge of bankruptsy now.

"That guy never learned his lesson. I guess he needs some more beating." Binasag ni Yzack ang pananahimik niya.

Napatingin siya rito. "May iba pa bang sinabi si Nancy?"

"Some few updates about Bella. Just a perfect timing because we are thinking to invest there." Kumindat ito sa kanya.

Hindi siya nakahuma. Kung mag-i-invest ang Hayashi Group sa kompanya nila siguradong makakabawi sila. Pero anong mapapala ng ganoon kalaking business empire sa kompanyang sumasadsad na? Baka binibiro na naman siya ng lalaking ito.

"We also have a joint venture with the Aguirre Energies and MARECO. Both a company from Philippines. Daddy said we could use a little visit to Bella the next time we travel."

Her mouth fell open. Talagang di ito nagbibiro? Huminga siya ng malalim at napangiti na lang. Siguradong matutuwa ang Papa niya. She can't wait to break the news to Nancy later. Masyado siyang nahulog sa masayang balita na hindi niya namalayang lumapat na sa labi niya ang mga labi ni Yzack.

"One down for today." Nakabungisngis nitong kantiyaw at tumakbo palayo.

"Yzack!!!" Halos mawasak ang lalamunan niya sa pag-angil. Walang hiya! Ninakawan na naman siya ng halik.

THERE he is. Ngumiti si Mikah pagkasampa sa top deck ng barko at matanaw si Jairuz na nakasalampak sa sahig at nakatingala sa langit. Loose locks of hair from the cap he's wearing are teasing his face, dancing with the gentle breeze.

Maulap ang langit pero mukha namang hindi uulan. This is a perfect time to stroll and unwind.

Inayos niya ang naka-braid na buhok at ang suot na shool uniform. She did not mind even if the skirt is a little too short to handle the wind. Not until Randall turned to her direction and the wind blows roughly, blasting off her skirt upward and showing her bottoms with only red lacy panties.

Napatili siya at mabilis na ibinaba ang skirt. Dumaan lang naman ang hangin na parang bang pinaglaruan siya. Nag-aapoy ang mukhang ibinalik niya ang tingin sa lalaki.

His expression is unreadable. Parang matatawa na nadidismaya. Binawi nito ang paningin at tumayo.

She pull herself together as well and took her graceful steps closer to where he is.

"I don't know if i should laugh at you or scold you after that stupid display of your butt." Nagsalita ito. Inayos ang suot na cap. Kahit parang mas dumami pa ang strands ng buhok nitong nakawala.

"You can laugh if you want." She dared. Nag-apoy na naman ang pisngi. This guy's choice of words is just so degenerated.

"Silly. What are you thinking coming up here wearing that?" He glared at her, posing intimidation.

"This is my school uniform." Depensa niya. Trying not to lose her compose amidst her shuddering knees.

"Para mo na ring sinabi sa hangin na liparin yan para makita ang kaluluwa mo." Kastigo nito.

She pouted. Even if it was meant an insult but she can't afford to get upset. This is what she missed about him. He is very blunt and straight-forward that it's almost painful. Pero hinahanap-hanap niya. Sa limang araw na di niya ito nakita, hindi mapalagay ang isip niya. Ito na lang lagi ang laman ng kanyang utak. Sa school kapag nakikita niya si Yzack, ito ang naaalala niya. His eyes that could constraint her breath. His elusive smile which is priceless. His remarks that can tame even the wildest lioness in the jungle. Setting up a wall between is useless because he only breaks it down easy with a single smile that wasn't even a smile at all.

"Remind me, why are you here again?" He snapped. Hands on his pockets.

Nagpunta siya sa harap nito at ngumiti ng matamis. "Pasyal tayo?"

"No." Di man lang muna ito nag-isip.

Sumimangot siya. "Sige na, sandali lang." Nag-puppy eyes pa siya.

"Did you cut classes?" Masungit nitong paratang.

Buti na lang hindi totoo. "No, we don't have classes this afternoon." Muling nilipad ng hangin ang kanyang skirt pero binalewala niya.

Napatingin ito doon. Maganda kaya ang legs niya. Wala siyang dapat ipag-alala.

"Can you please do something about that skirt of yours?" He looked away.

Napangisi siya. Did he got distracted with her sexy little stuff? She took a step closer. Enough for him to have a much clearer view.

"What do you think you're doing?" His jaws tightened.

"Persuading you." Malambing niyang sagot. Binasa ng dila ang mga labi.

Tumitig ito sa mga labi niya pero wala siyang makitang anumang paghahangad sa mga mata nito. Like he was just only looking a normal phenomena. This guy is so dense.

"That stubborn head of yours will put you in danger someday." Binawi nito ang mga mata at ipinukol sa malayong bahagi ng karagatan. "This place is awesome. Kahit di mo pa ako ipapasyal nakikita ko na mula rito ang ganda ng lugar."

Napalis ang ngiti niya at seryosong iginala ang paningin. The ship is setting dock right at the Yokohama Bay near the baseline of the city coastguard controlled territory. It has an impeccable view of the whole Yokohama magisterial. It's famous landmarks and all proof for being tagged as the Asia's smart city.

"She's here,right? Nandito siya." He whispered underneath his breath and she could feel the longing on those words. The longing to see his girl again.

Pain. That's what she felt like her heart is being twisted inside. Hindi na siya nag-isip pa. She grabbed his hands, giving him no chance to struggle and dragged him off. She ran as fast as she could. Letting the wind wiped the teardrops from her eyes.

She did not want any of this. How she felt right now. How she wanted things to fall into place. But it hurts. Sa mahigit isang buwan na nakasama niya si Jairuz, nagawa nitong baguhin ang isang pakiramdam na sa loob ng maraming taon ay iningatan niya at inalagaan para sa kakambal nito. Ayaw niyang matapos ang lahat sa ganoon lang. She will take her chance. Take the risk even if it would mean she breaks her heart into pieces.

"Slow down, damn it! Watch your steps. We're on stairs!" He yelled.

"Sorry," bahagya niya itong nilingon at binigyan ng tipid na ngiti.

"I'm coming with you, no need to rush."

Tumango siya. Nagagalak sa sinabi nito. Still she wants more. She's being greedy but who cares? She wants to be with him. Sumakay sila ng elevator pababa.

"Let me change, first." Paalam nito pagkalabas nila ng lift mula sa taas.

"No," mabilis niyang ini-angkla ang mga kamay sa braso nito. "Your outfit is good enough." He's got black denim pants, combat boots and a dark blue hooded jacket and gray shirt underneath . Nakarolyo ang mga manggas ng jacket hanggang sa ibaba ng siko nito. Honestly, he looks hotter now.

Mabuti na lang at hindi na ito nagpumilit. Nagpaalam ito sa iilang mga kasamahan sa barko at nagbigay ng iilang instructions bago sila bumaba.

"That uniform really looks good on you, without the wind of course." Komento nito habang naglalakad sila sa sidewalk.

Natawa na lang siya. Wala na siguro itong ibang masabi. But really, ngayon lang niya na-aappreciate ang pagsusuot ng school uniform. For the first time.

"Where's Alex, by the way?" Tanong niya. Di niya nakita ang bodyguard kanina sa mga lugar doon sa barko kungsaan niya ito madalas makita tuwing nagbabantay ito kay Jairuz.

"He's out with Roelle and Ninong William." Kaswal nitong sagot at sinipat siya ng saglit na sulyap.

Tumango siya. Hinatak niya ang binata patungo sa naghihintay na sasakyan. Nandoon ang driver niya at maagap na binuksan ang pinto para sa kanila.