webnovel

Beast Tamers: The Legendary Predators

Alpha_00001 · Games
Not enough ratings
3 Chs

1 Ako si Aries

Sa Verdin City, nakatira ang mga pinakamahihirap na pamilya sa mundo ng Ikarus. Napakalayo na ng lugar na ito mula sa Capital City, kaya ang mga tao na nakatira dito ay walang kakayahan na makapunta sa Capital City. Maliban sa malayo, hindi rin kayang bayaran ng mga tao rito ang transportasyon papuntang Capital City, na nagkakahalaga lang naman ng 1,000 Ikareon.

Ikareon - Ang pera na ginagamit sa mundo ng Ikarus. 1 Ikareon ay katumbas ng 1,000 pesos.

Kapag nasa daan kana patungo sa Capital City, hindi pa masisiguro kung makakarating ka pa ng buhay, sapagkat may mga prey na naglipana sa labas ng mga syudad. Ito ang nang aambush sa mga tao na papunta sa Capital City. Kaya hindi lang mahal, delikado pa ang pumunta sa Capital City. Kaya ang ibang mga tao ay mas pinili na lamang na manirahan sa Verdin City at sa ibang mga syudad na malayo sa Capital City.

Kabilang sa mga tao na nakatira sa Verdin City, ay ang pamilya Aurus. At ang ating bida ay ang nag iisang anak ng pamilya. Ito ay si Aries. Ang tatay ni Aries, ay isa sa tatlong predator na namamahala sa Verdin City. Isa siyang Spiritual Predator. Hinahangaan ni Aries ang kaniyang ama at gusto niya paglaki niya ay maging predator din na katulad ng kaniyang ama.

Spiritual Predator - isang type ng predator na may kakayahang tumawag ng mga spirits mula sa ibang dimension, pwede din sabihing isa siyang uri ng summoner. Mga spirit lang na mas mahina sa kaniya o kasing lakas niya ang kaya niyang tawagin para makipaglaban sa kaniya.

Mula nang maitatag ng mga tao sa tulong ng mga predator ang Capital City, ay 15 na mga syudad pa lang ang kanilang naitatayo. Nangangahulugang 15 na mga dungeon palang ang kanilang na terminate sapagkat ang mga dungeon ang ginagawa nilang sentro ng mga syudad. Ang Verdin City ay isa sa 15 na mga syudad at isa rin sa Five Outer City.

Outer City - limang syudad na pinakamalayo mula sa Capital City at may napakataas na panganib mula sa pag atake ng mga prey mula sa mga nakapaligid na dungeons at ruins.

Limang taon palang ang nakalipas nang maitatag ang Verdin City. At ang populasyon nito ay umabot na sa mahigit kumulang 10 libo. At dito ay may 20 predator lang, kasama na ang ama at ina ni Aries. Kaya nabibilang sa lowest rank ang Verdin City ( Rank V ).

Rank - pagkakilanlan ng isang syudad. Binabase sa antas ng attack, defense at support ng isang syudad. Attack ay tumutukoy sa dami ng predator na kayang magterminate sa mga dungeons. Defense ay tumutukoy sa seguridad ng isang syudad mula sa pag atake ng mga prey, lalo na kapag may outburst. at support, tumutukoy sa kakayahang mag sustena sa mga tao at kung anu ang resources na mayroon sa isang syudad.

Kaya sinisikap ng mga syudad na paramihin ang kanilang predator para tumaas ang kanilang rank. Sa Verdin City naman ay nagsasagawa sila ng Predators Awakening Ceremony isang beses sa isang taon. At ang taong ito ang pangalawang taon na isasagawa nila ito. Sa nakaraang taon ay marami ang sumubok subalit 17 lang ang naging predator, kasama na ang ina ni Aries. At iba naman ay nagkaroon ng mana curse at namatay.

Predators Awakening Ceremony - Isang uri ng seremonya kung saan tatayo ang isang tao sa harap ng gate para higupin sa kaniyang paghinga ang mga mana na lumalabas mula sa dungeon. Ito ang magpapagising sa natatagong kapangyarihan sa loob ng katawan ng tao. Ang gate ang magbibigay ng kulay na pagkakakilanlan kung anong uring predator ang isang tao pagkatapos. Puti naman kung hindi naging predator.

Mana Curse - sobrang pagka expose sa mana dahilan para hindi ma control ng tao ang mana sa kaniyang katawan at naging ng sanhi ng pagkawasak ng mga internal organs ng isang tao.

Kaya nilimitahan na ang mga pweding sumubok sa seremonya, ang mga sumubok na sa nakaraang taon ay hindi na maaaring sumubok ngayong taon. Hindi na rin pinapayagan ang mga may edad na lampas sa 30 taong gulang at bababa sa 12 taong gulang.

At ito na ang pagkakataon ni Aries na maging isang predator katulad ng kaniyang mga magulang. Sapagkat bukas na gagawin ang seremonya at iyon din ang pang 12 na birthday ni Aries. Masayang masaya siya nang mabalitaan niya na inilista na siya ng kaniyang mga magulang para sa gagawing seremonya.

Alam niya ang panganib sa gagawing seremonya, at maaaring mamatay siya kapag hindi niya nacontrol ang mana sa kaniyang katawan. Pero determinado parin si Aries na ipakita sa buong mundo na kaya niya ito.

" Ako si Aries, magiging isa akong predator, hindi lang basta predator, ako ang magiging pinakamalakas sa lahat at ililigtas ko sa ang mundong ito mula sa prey " sigaw ni Aries mula sa bintana ng kanilang bahay.