webnovel

Chapter 8

RILEY POV

Naka tingin pa rin ng malamig saken si Sir. Lucas at hinihintay ang sagot ko.

"Lucas. Tawag ni Sir. Isaac dito.

Lumingon naman si Sir. Lucas kay Sir. Isaac at nakahinga naman ng maayos si Riley dahil hindi na eto naka tingin sa kanya.

"Anong balita sa kaso ni Sofia? Tanong ni Sir. Isaac dito.

"Hindi pa rin mahuli ang suspect. Walang emosyong sagot ni Sir. Lucas dito.

"It's been a years simula ng mangyari kay Sofia yun hanggang ngayon hindi pa rin mahuli ang gumawa sa kanya. Salaysay naman ni Sir. Isaac.

"Ayokong pag usapan yan. Ani naman ni Sir. Lucas.

Hindi ko naman sinasadyang makinig pero masyado akong malapit sa kanila kaya naririnig ko pa rin eto. Na-curious ako sino ang Sofia na tinutukoy nilang dalawa.

"Yeah, sorry man. Ani ni Sir. Isaac.

Hindi naman sumagot si Sir. Lucas at ininom lang ang wine na binigay ko sa kanya. Lumipas ang ilang oras at tuloy pa rin ang party at sa mga oras na eto ay medyo maingay na gawa na marami na ang dumalo sa sinabing event.

"Puntahan ko lang si Mr. Santiago. Ani ni Sir. Isaac kay Sir. Lucas dahil kinakawayan siya neto.

Hindi umimik si Sir. Lucas at tuluyan ng umalis si Sir. Isaac sa pwesto namen.

"Slave. Malamig na tawag saken ni Sir. Lucas.

"Y-yes sir? Utal na tanong ko naman sa kanya.

Hindi ko alam pero sobrang kaba ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon.

"Bakit hindi mo sinunod ang utos ko? Malamig na tanong saken neto pero hindi eto naka tingin saken at naka tingin lang eto sa hawak niyang baso.

"S-sorry sir, h-hindi ko naman po siya kinausap umalis din po agad ako. Kinakabahang paliwanag ko dito.

Lumingon eto saken at tinignan ako ng isang malamig na tingin.

"Mag usap tayo mamaya. Malamig na sambit niya at inalis ang tingin saken.

"Y-yes po sir. Kinakabahang sagot ko.

Nanatili lang akong nakatayo sa gilid niya at hinihintay ang utos niya. Maya maya lang ay dumating din si Sir. Isaac at may kasama etong dalawang magandang babae.

"Lucas. Tawag ni Sir. Isaac dito.

Lumingon naman si Sir. Lucas kay Sir. Isaac.

"May papakilala ako sayo. Ani ni Sir. Isaac.

Lumapit naman ang isang babae kay Sir. Lucas at umupo sa tabi niya.

"Hello I'm Chelzy. Pakilala ng babae kay Sir. Lucas at nilahad ang kamay neto.

"Lucas. Malamig na sambit ni Sir. Lucas at hindi tinanggap ang kamay ng babae.

Awkward naman na binaba ng babae ang kamay niya at umayos na lamang ng upo sa tabi ni Sir. Lucas.

"Riley upo ka dito. Tawag saken ni Sir. Isaac at tinap ang bakanteng upuan sa gilid niya.

Tinignan ko si Sir. Lucas at wala etong imik o reaction man lang.

"A-ayos lang po ako sir. Sagot ko dito.

Hindi nagsalita si Sir. Isaac at tumayo eto upang lapitan ako.

"S-sir a-ayos lang po ako. Ani ko ng hatakin niya ako at pina-upo sa bakanteng upuan na nandun.

"Kanina ka pa naka tayo concern lang ako sayo baka nangangalay ka na. Ani neto sabay hawak sa kamay ko.

Nakaramdam naman ako ng hiya at mabilis na binawi ang kamay ko na hawak niya.

"T-thank you po sir. Nahihiyang sambit ko dito.

Nilingon ko si Sir. Lucas at masamang naka tingin eto saken at tila may pahiwatig siya na kung hindi ako titigil ay makikita ko ng maaga ang tatay ko.

"So Riley kumain ka na ba? Tanong ni Sir. Isaac saken.

"H-hindi pa po. Totoong sagot ko dito.

"H-huh? Bakit? Takang tanong naman neto saken.

"A-ah eh ok lang po busog din naman po ako. Nauutal na sagot ko dito.

Nilingon ko muli si Sir. Lucas at diretso lang etong naka tingin saken.

"Wait kuhaan kita ng pagkain. Ani ni Sir. Isaac.

"W-wag na po sir. Pigil ko dito at hindi ko sinasadyang hawakan ang kamay neto.

Napatigil naman ako sa ginagawa ko at naka tingin lang ang babaeng katabi niya.

"S-sorry. Paumanhin kong sambit dito.

"It's ok, wait lang kuhaan lang kita. Ani niya at tuluyan na etong umalis.

Dahan dahan naman akong lumingon sa pwesto ni Sir. Lucas at mali ata ang desisyon ko na lingunin siya. Dahil sa mga oras na iyon ay nakatingin saken to habang nama tikop ang kamao neto na nasa ibabaw ng lamesa.

"Are you done? Malamig na tanong saken neto.

"P-po? Kinakabahan kong tanong din sa kanya.

Tumayo eto at pinigilan naman siya ng babae pero tinignan lamang niya eto ng malamig na tingin at bumitaw din. Naglakad eto patungo sa likod ko at yumuko ng bahagya at bumulong na sanhi ng pag taas ng balahibo ko at bilis ng tibok ng puso ko.

"Ayoko sa lahat sinusuway ako, sumunod ka saken naghihintay na ang parusa mo. Bulong niya saken.

Napalunok ako ng laway at lumakad na eto palayo saken habang ako naman ay na estatwa sa kinauupuan ko at hindi maka-imik.