webnovel

Bastard's child

Isang babae na nag panggap bilang lalaki at nakatulog sa bahay ng kanyang kaibigan, pag gising nya ay maayos naman sya pero ng makaalis sya ng pilipinas ay nalaman nya nalang na buntis sya ng hindi alam kung paano nangyari yon kaya unang pumasok sa isip nya na alam ng kanyang kaibigan na babae sya kahit wala syang sapat na ebidensya "Hindi ako sususko, nawala na ang Sam na kilala ko dati, hindi ko na ulit hahayaan pang mawala ang Sam na nabubuhay ngayon"

E_M_HAKDOG · Teen
Not enough ratings
6 Chs

Chapter 2

Sam Pov

Nakarating na kami sa Zoo kasama si Sue na mukhang mas excited pa sa amin

"Hindi namam kayo mukhang excited ehh" Ngumiti lang sa akin si Sue habang si Rhianna ay mahigpit na naka kapit sa akin

"Ma, masyado pong matao" Bulong sa akin ni Rhianna

"Dont worry sweety there are no bad guys here" May ngite kong sabi bago namin ipagpatuloy ang paglalakad. Dumaan ang ilang oras at enjoy na enjoy ng dalawang to sa pag lilibot namin, nakarating kami sa aquarium kung saan enjoy na enjoy talaga ni Rhianna, parang yung tatay nya lang-

"Mom look at this!" Excited na tili nya kaya napatingin ako doon sa tinuro nya at may nakitang isang maliit na isda.

"Sam look at that guy, kamukha nya si Rhianna" Pabulong na sabi naman ni Sue kaya tumingin ako sa paligid hanggang sa makita ko si Rhiannon na nakatingin sa mga isda. Dahil sa pag papanic na makita nilang dalawa ang isa't isa ay lumapit agad ako sa anak ko atsaka ko sya binuhat.

"Mommy, what's wrong po??" Nag tatakang tanong ng anak ko na walang alam na nandito na ang daddy nya sa iisang lugar

"Lets eat now" Sagot ko naman habang nag lalakad

"I want seafood po" Ang pagtatakang tono sa pag sasalita nya ay napalitan ng excited na tono

"As you wish" Sabi ko ng may humawak sa balikat ko kaya napahinto kami habang si Rhianna ay pilit na gustong makita ang napahinto sa amin.

Dahan dahan akong lumingon at ganon na lamang ang pagkagalit ko ng makita ang lalaking hindi ko pinapangarap makita pa.

"Ahh- sorry Miss" Pag hingi nya ng paumanhin kaya tumango nalang ako at naglakad ng malalaking hakbang sa lalaking yon. Salamat at hindi nya nakita ang mukha ni Rhianna

"Mom do you know him?" Tanong sa akin ng anak ko

"Ahh yeah- he's a good friend of mine" sabi ko na ng hindi nah sisinungaling.

"Then why didn't you greet him po? Sabi nyo po kailangan mag sabi ng hello sa kahit na sino man?" Inosenteng sabi nya sa akin

"That mister already forgot about me, don't ever forget what I said okay? If someone hates you or forgot about you, you should not greet them" mahabang sagot ko naman

"Okay po mommy" Parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan ng marinig ang mga salitang yon

"Ate" Pag tawag sa akin ni Sue kaya tumingin ako sa kanya at ngumiti

"Mamaya natin pag usapan ahh" Sabi ko sa kanya

"Sige mag hihintay ako" Sagot nya naman.

Pumasok kami sa isang seafood restaurant at sinisigurado ko na ang kakainin namin ay safe dahil may allergy si Rhianna sa lemon at peanuts.

Pagkatapos naming mag order ay naghintay na kami at kumain, ang anak ko naman ay nag kwekwento sa amin ng mga ginagawa nya kaya napapatawa nalang ako kapag kumokontra si Sue

"Aunt Sue isip bata ka po ba?" Tanong ni Rhianna kaya nabulunan naman si Sue sa pag kain nya habang ako naman ay nag pipigil ng tawa.

"Hindi ahh! Sino nagsabi nyan? " dipensa naman nya

"You sounds so defensive po ehh" Sagot naman ni Rhianna kaya napahinto si Sue at ako naman ay timikhim

"Anna, Aunty Sue just want to play with you" Sabi ko kaya napatango si Rhianna

"Alam ko po mom im just teasing her po" Sagot nya naman sa akin kaya napatawa ako habang si Sue ay napailing nalang pero hindi pa nakalipas ang isang minuto ay namutla si Rhianna bago mawalan ng malay

"RHIANNA!" Sigaw ko dahil sa pag aalala

"Ate baka may nakain sya" Sagot ni Sue

"Sa bag ko tingnan mo kung may gamot pa sya" naiiyak na sabi ko. Nararamdaman ako ang mga titig at mga bulungan sa paligid habang yung isang crew ay tumawag ng ambulance.

"Ate walang gamot dito" Nag papanic na sabi nya na nagpahina sa akin

"Anong nangyari dito?" Tanong ng isang pamilyar na tono kaya napatingin ako doon sa may pinto at nakita ko si Rhiannon, punyetang araw toh

"May allergy sya and i think meron doon sa kinain nya" Sagot ko naman

"What is her allergies?" Tanong naman nya sa akin

"L-lemon and peanuts" Sagot ko naman, napangite ako ng may kinukuha sya sa bulsa nya

"Andyan na yung tatay"

"Pabaya"

Kahit na ganyan ang mga bulungan ay hindi na namin pinansin at pinainom sa anak ko ang gamot, si Sue naman ay tahimik lang habang ako ay todo ang pasasalamat sa kanya

"Your welcome, just be careful sometimes baka next time mamatay na yang anak mo" Sagot nya na nagpatigil sa akin- ano daw-?! Bago pa man ako makapag salita ay tumayo na sya at umalis.

"Ate nakausap ko na yung crew at aksidente nilang nilagyan ng lemon sa kinakainan ni Rhianna" Sabi ni Sue kaya napa buntong hininga ako.

"Bago lang sya ate ehh" Dagdag ni Sue, Syempre na disappoint sya dahil sya ang mag mamana nito.

"No its fine just tell to that person na be careful next time" Labag man sa kalooban ko ay nasabi ko na okay lang sa akin pero parang naaala ang galit ko ng bumalik sa totoong kulay ng balat ng anak ko kaya binuhat ko na sya.

"Goshh sinabi ko na hindi nila dapat lagyan ehh" Reklamo naman ni Sue

"Tama na yan at umuwi na tayo" Sabi ko naman bago tumayo at kuhain ang mga gamit ko pero tinulungan ako ni Sue. Nag sorry naman ang crew sa amin at sa mga costumer at nangakong hindi na ito mangyayari pero isa lang ang tumatak sa utak ko.

Ayon ay ang lalaking yon ang pinakamalaking gago sa buong buhay ko. Tsk Bwisit