webnovel

BARKADA GOALS

Sa isang paaralan ng Star Mist Academy kung saan nabuo ang isang samahan ng apat na lalaki at babae. Kung saan maraming nangyari sa nakaraan sa kanila bago nila ang nahanap at nabuo ang isang tinatawag na BARKADA GOALS, na sa paglipas ng panahon nagbago ang lahat ng binuo nilang pagkakaibigan dahil sa isang malaking pag amin. Ano kaya ang mangyayari sa barkada na binuo nila ng matagal na panahon mawawala na lang ba ito ng parang bula o mabubuo ang isang pagmamahalan na nag umpisa sa BARKADA GOALS.

aprilannaaaa · Teen
Not enough ratings
36 Chs

CHAPTER 8

Hinatid na ako pauwi ni Mike tumanggi naman talaga ako sa kaniya kanina kaso nagmukha na kaming MU sa pagtatalo namin kaya umoo na ako para matapos ang usapan.

"Salamat sa paghatid kahit pinagkamalan pa tayong couple." Natatawang sabi ko sa kaniya

"Okay lang yan, atleast hindi naman totoo e. Anyway rito ka na ba talaga?"

"Yup, dito na talaga yun mauuna na ako pumasok para sure na rito talaga."

"Sige."

Ngumiti ako sa kaniya at pumasok na sa loob narinig ko na lang yung paalis na motor nagulat na lang din ako sa mga kaibigan ko na nasa may harapan ko na pala.

"Eh!? anong mga itsura yan." Sabi ko

"Aminin mo may ka date ka." Sabi ni Anna

"Wala abnormal." Sagot ko

"Wag kami." Sabi ni Lala

"Bahala kayo pagod ako mauuna na ako sa taas." Sagot ko

Hindi ko na hinintay ang sagot nila umakyat na ako at pansamantala na muna umupo sa may kama ko. Tiningnan ko yung librong binili ko habang wala pa naman ako ginagawa at magawa.

Makalipas lang din ang dalawang oras ng pagbabasa ko ay naisipan ko na maglinis at matulog 1/4 na rin yung nababasa ko okay na yun minsan lang din kung magbasa ako samantalang noon super hobbies ko ngayon hindi na konti na lang talaga. Nag ayos na muna ako at kumuha ng madadamit ko na pantulog kaso papasok na ako sa banyo ng makarinig na lang ako ng tawag sa may labas na sigurado ako ay isa sa mga kaibigan ko, kaya naman agad agad ko binuksan ang pinto at nakita ko si Lala.

"Ano kailangan mo?" Tanong ko

"May ginagawa ka ba?" Tanong niya

"Maghuhugas bakit?"

"Aalis kasi kami eh, bibili kami para sa dinner namin hindi ka bumili ng ulam e."

Bigla ko na lang napalo yung noo ko yun pala ang inaalala ko sa may mall.

"Sorry nawala sa isip ko e." Sagot ko

"Sabihin mo kinalimutan mo iniisip mo siguro yung lalaking naghatid sa'yo aminin mo." Pang aasar ni Lala

"Tigilan mo ako wala yun makulit lang talaga at ayaw niya pakabog kaya pumayag na akong magpahatid sa kaniya."

"Buti nagsabi ka rin malalaman yan ng tropa pero seryoso rito ka lang busog ka naman siguro sa kilig e." Pang aasar na naman niya sa akin

Napailing na lang ako sa kaniya

"Abnormal ka talaga kahit kailan e, bahala na kayo maglock kayo kasi ako matutulog na talaga." Sagot ko

Pagkatapos sinara ko na ang pinto aasarin na naman ako ng mga yun e lakas mangtrip kapag pinagtripan juskoo pikon buti na lang hindi ako gumaganti. Nagpatuloy na ako sa pagpunta sa banyo at nag umpisa na maghugas.

Pagkatapos ko ay nag umpisa na akong humiga at pumikit ng magvibrate ang cellphone ko gosh nasa tabi ko lang kasi atsaka isa pa text lang naman eh.

From: 09677056521

Hi babe! Good evening,eat your dinner :)) I labyuu 😘

Pagkabasa pa lang alam ko na kanino galing kay Mr.Stranger kakainis masyadong sineryoso e. Pero wala naman din sa akin atsaka landian lang naman walang seryosohan.

To: O9*********

Hi! Done already, you too eat na rin. Labyahhh :))

Tapos send it at pinatay na ang tawag malakas na kutob ko na tatawag siya kaya habang maaga unahan ko na  siya atsaka wala rin ako sa mood para makipag usap ngayon kailangan ko magpahinga at kailangan ko matulog para bukas. Pupunta pala kami sa school kailangan na namin magtake ng exam haist ito si stressed nag uumpisa na naman dumating sana makaya ko naman at the end of school year.

Nag umpisa na akong humiga ulit at pumikit na rin.

-

Maaga pa lang nagising na ako hindi ko alam bakit kasi ala singko pa lang tapos gising ka na agad self siguro dahil na rin sa maaga pa lang tulog na ako ganoon talaga siguro.

I'll check my phone first para makita kung nagtext si Mr. Wrong send 10 message ang na receive ko galing sa kaniya.

10 message from 09677056521

Hey?

Huh? Tumatawag ako bakit hindi kita matawagan.

Kumusta na ikaw?

Hindi mo na ba ako love, huhuhu

:((

Wag ka magpalipas sa pagkain mo.

Mamahalin pa kita, wag ka susuko.

Sige na sleep na rin ako wag ka na magpupuyat. :))

I love youu mwaps 😘

Goodmorning babe, hope to see you soon. Eat your breakfast first, take care ily.

Sige na text me na lang ulit :))

Pagkabasa ko ay nagreply ako ng isang mahaba sayang load.

To: 09********

Hi babe, goodmorning pagod ako kaya maaga pa lang natulog na agad ako sorry :)) keep safe as always, wag magpalipas mamahalin pa kita. Hope to see you soon also mwaps 😘

Then send it sa kaniya tapos lapag na ulit ng cellphone ko, kinuha ko na agad ang tuwalya at nag umpisa na maglakad papunta sa banyo at mag umpisang maligo.

Pagkatapos ko ay dumeretsyo na agad ako sa may baba naabutan ko nag aayos na yung tatlo para sa almusal namin.

"Goodmorning." Bati ko

"Morning." Sagot nila

"Halaa! Bakit walang good?." Sabi ko tapos ay upo sa may upuan ko.

"Edi Goodmorning." Sabi ni Anna

"G na g, ang aga aga e." Sagot ko

"Naiinis kasi talaga ako e, pero hayaan na natin." Sabi ni Anna

Hindi na lang ako nagreact pa at nag umpisa na lang kaming apat kumain para makapunta na kami sa school ilang araw na lang pasukan na namin yiee excited na talaga ako pumasok.

"Yung totoo baliw ka na Jaja, pangiti ngiti ka riyan." Sabi ni Lala

"Excited lang talaga ako pumasok." Sagot ko

Hindi ko naman kasi alam na nakangiti na pala ako.

"Kinikilig yan siguro kahapon may naghatid sa kaniya e." Sabi ni Anna

"Abnormal, wala yun." Sagot ko

"May lovelife ka na ulit Jaja, proud bestfriend." Sabi pa ni Ange

"Ewan ko sa inyo, magready na kayo para maaga na tayo makapunta at maaga makauwi." Sabi ko

Tapos na rin ako kumain kaya tumayo na ako at niligpit ang pinagkainan ko dumeretsyo na rin agad ako sa may sala dahil alam ko aasarin na naman nila ako about sa kahapon mga abnormal talaga kahit kailan e. Paano ba naman si Mike sinabi ko na wag na ihatid dahil maissue mga kaibigan ko kasalan niya ito e kainis.

Nagcellphone na lang ako habang wala na naman akong magawa. Habang nagscroll ako ay naisipan ko na muna tingnan ang fr ko nakita ko name ni Mike kaya confirm agad tapos ay scroll muna ulit ganoon talaga kapag hindi ka famous. Turn off na dapat ako ng data ng may mag message sa akin pagtingin ko si Mike.

Mike: Yow, puwede mag tanong?

J: Sige ano ba yun?

M: Saan ka nag aaral?

J: Mag eenroll pa lang ako sa Star Mist Academy, kapag pumasa roon kami why?

M: Totoo yan, doon din kasi kami e.

J: Makikita ko yung pangit mo na mukha, sana hindi ako makapasa ibabagsak ko.

M:Grabe ka naman, nakakasakit ka ng heart. Pero okay lang yan makakakita ka ng gwapo araw araw ayaw mo pa nun.

J:Nasusuka ako sa'yo Mike, ang hangin giniginaw ako HAHAHAHAHA

M:Grabe talaga siya sa akin e, pero maiba tayo ano course mo?

J:Curse one Hihihihi

M:Ehh? Tatawa na ba ako sa joke mo:((

J:Tangina mo, hindi yan joke 😕

M:Hindi ba, pero seryoso ano talaga ang course mo?

J: Hindi pa ako sigurado, bahala na ikaw ba?

M: Masscom e, o di kaya architect.

J:Ah, sige bye na muna.

M:Sige ingat ka.

J:Salamat pre.

M:😊

Seen na lang ginawa ko tapos off data na alam ko naman patapos na yung tatlo kaya kailangan mag ayos na rin ako para ready to go na kami.

Kakarating lang namin ngayon sa school at super na amaze kami sa ganda niya wow lang talaga sa ganda, hindi ko talaga iisipin na may mga students na nag aaral tapos mga tarantado lang, walang manners at hindi alam salitang respeto may maencounter ako na ganoon na student lagot sa akin hindi ako papatalo sabi yan sa akin ni mama at papa.

"Tara na sa loob, pinagtitinginan na tayo ng mga tao rito e." Sabi ni Anna

"Nakakaamaze lang talaga kasi e." Sagot ko

"Me too, ang ganda ng combination ng color ang ganda sa labas pa lang." Sabi ni Ange

Magsasalita pa lang ako ng magulat na lang ako ng may bumangga sa akin na kinainis ko talaga pagtingin ko rito ay si Mike pala may kasama rin tatlong lalaki.

"Ano ba parang tanga naman e." Sabi ko sabay hampas sa balikat

"Nakaharang ka kasi Miss e." Pagsusungit nung lalaki na naka itim.

"Kausap ka ba? Hindi ka naman kausap e." Pagtataray ko.

"Close ba kayo niyan pre?" Tanong nung isa pa na lalaki

"Oo pre, kahapon lang talaga." Sagot ni Mike

"Okay, let's go." Sabi na lang nung isa.

"Sige na mauuna na kami sa'yo pre, see you na lang." Tapik pa niya sa balikat ko.

"Wala ka ba balak magsorry, lalo na yung kaibigan mo na rude." Sabi ko

"Sorry, atsaka sorry din sa ginawa ni James Mark." Sabi niya

"Apology accepted, sige na bye." Sabi ko

Nauna na sila samantalang yung tatlo ay nakatingin lang sa akin hindi ko na lang pinansin pa at naglakad na papasok sa school bahala sila mag isip ganyan naman talaga mga utak nila sanay na ako sa kanila.

"May dapat ka ba ikuwento sa amin?" Sabi ni Anna

"Huh!? anong ikukwento ko?" Sabi ko

"Alam mo na yun, kailangan pa ba namin sa'yo sabihin." Sabi ni Lala

"Pwede ba tigilan niyo ako masyado kayong issue mga kupal talaga kayo." Sabi ko tapos nauna na maglakad.

Nakasunod lang sila sa akin bahala sila riyan mga literal na abnormal kasi kahit kailan pagdating sa may principal office ay sinabi sa amin ang mangyayari paano at kung ano ano pa na bagay.

"Ano kukunin niyong course?" Tanong ko pupunta na kami sa mga room na naka assign para sa amin.

"Hindi ko pa alam naguguluhan pa talaga ako if Architect or Masscom." Sagot ni Anna bigla ko na lang naisip si Mike.

"Baka maging kaklase mo si Mike." Sabi ko

"Mike? Sino yun?" Sabi nilang tatlo

"Yung kausap ko kanina, plano kasi nun mag masscom o kaya architect eh." Sabi ko

"Ah, wala akong pake sa'yo lang naman lalatek yun." Natatawang sabi ni Anna

"Kadiri ka naman naglalatek amputa, jeje lang." Sabi ko

Nagtawanan na lang yung dalawa samantalang si Annalyn ay deadma lang. Ilang minuto lang din ay nakaisip na agad kami ng course na kukunin namin.

Si Annalyn masscom kasama niya si Angelica, samantalang ako sa fashion designer tapos si Lala sa pagluluto ang kinuha niya katulad ng pangako niya sa tatay niya noon na magiging chef siya.

Pumunta na kami kung saan ang course namin naiinis ako kasi mag isa ako habang si Anna at Ange magkasama hindi ko kasi bet ang pagluluto marunong ako magluto pero hindi ko naman pangarap iyon kaya heto kinuha ko yung course na alam ko sa sarili ko maeenjoy atsaka kaya ako nag fashion designer kasi may botique si Mama sa akin din naman ipapamana e at isa pa support naman ako ni mama  kaya sisipagin ako mag aral yes naman suwerte ko kasi supportive sila.

Ilang sandali lang ay nakarating na ako pumasok na agad ako sa loob at umupo banda sa dulo kapag wala talaga akong close ay sa may dulo ako umuupo ayoko rin makipag usap kasi loyal ako sa mga kaibigan ko sila lang talaga ang hindi loyal sa akin charot lang makalipas lang din ang ilang minuto ay nag umpisa na kaya naman nagfocus agad ako sa pagsagot gusto ko makapasa para naman kahit papaano hindi na hassle maghanap ng school malapit na rin kasi talaga magstart ang class e. Hindi na ako nag isip pa at nagsagot na lang.