webnovel

BARKADA GOALS

Sa isang paaralan ng Star Mist Academy kung saan nabuo ang isang samahan ng apat na lalaki at babae. Kung saan maraming nangyari sa nakaraan sa kanila bago nila ang nahanap at nabuo ang isang tinatawag na BARKADA GOALS, na sa paglipas ng panahon nagbago ang lahat ng binuo nilang pagkakaibigan dahil sa isang malaking pag amin. Ano kaya ang mangyayari sa barkada na binuo nila ng matagal na panahon mawawala na lang ba ito ng parang bula o mabubuo ang isang pagmamahalan na nag umpisa sa BARKADA GOALS.

aprilannaaaa · Teen
Not enough ratings
36 Chs

CHAPTER 2

Nahiwalay ako sa kanila nag kaniya kaniya na muna  kami dahil may bibilihin ako na libro ngayon lang kasi ako nakapunta sa Mall tinatamad ako at higit sa lahat wala akong kasama hindi kasi ako sanay mag isa e ugali ko talaga ang dapat may kasama. Habang naghahanap ako ng libro sa may National Book Store ay binabasa ko na muna ang Decription kukunin ko na dapat yung isang libro ng may kamay rin na kumuha kaya naman napalingon ako nagulat ako sa pagmumukha niya Si Sheena girlfriend ni Aljon.

"Nauna ako eh hanap ka na lang ng iba." Sabi ko magkakilala kami niyan pinagpalit ako at mas pinili siya ni Aljon e.

"Sorry hindi lahat ng nauuna siya ang nakakakuha sa huli." Sabi pa niya

"Sorry for this time alam ko ako na talaga ang una at mananalo."

"Are you sure bakit ka iniwan kung ikaw ang nauna kasi wala yan sa una or sa dulo." Sabi na naman niya

"Wala akong pake." Sabi ko sabay hila ng malakas sa libro naglakad na ako paalis sa harapan niya nakakainis naman hindi naman tungkol sa libro sinasabi niya e kay Aljon ang kapal talaga kahit kailan ng mukha niya magsama silang mga walang kuwenta kakainis.

Umalis ako sa National na walang nabili nainis lang ako roon e nakakasira ng araw yung mga taong nanakit sa'yo makikita mo kung kailan kinakalimutan mo na I hate her bwisit ka Sheena kakainis mukha naman hipon mas maganda pa talaga ako sa kaniya naglakad na lang ako papunta sa may KFC dahil dito ang hintayan namin nakatayo lang ako sa may labas dito na muna ako baka kasi magkita na naman kami tapos nandoon pa si Aljon kasama niya mahirap hindi pa ako lubusan na nakakamove on masakit pa rin hindi ko kasi talaga maloloko ang sarili ko e.

Kakarating lang nung tatlo nagtataka pa silang tatlo kasi wala raw akong dala na supot na may nakasulat na National Bookstore.

"Nasaan yung binili mo na libro? akala ko ba may bibilihin ka limited lang yun nasaan." Tanong ni Lala

"Wala e kulang dala kung pera." Pagsisinungaling ko pero ang totoo badtrip talaga ako kay Sheena.

"Samahan ka na lang namin baka nahihiya ka lang talaga atsaka pahiramin ka namin ng pera pandagdag mo." Sabi ni Jaja

"Sige salamat mga te buti na lang nandiyan kayo." Sabi ko

"Oo na wag na tayo magdrama dahil hindi bagay tara kain na tayo gutom na ako e." Sabi ni Lala

Pumasok na kami sa loob naiwan ako at si Ange yung dalawa ang nag order dahil alam nila na mahiyahin ako umorder kahit saan pa yan na bagay nahihiya ako pero kanina sa National hindi ako nahihiya na badtrip talaga ako haist. Habang naghihintay kami ni Ange ay nag usap na muna kami pareho kasi kami mahilig sa wattpad atsaka sa mga Kdrama kaya magkasundo kami nito noon pa naman magkasundo na kami basta related sa wattpad e.

"Ano ba bibilin mo na libro Anna?" Tanong niya

"Yung kay Binibining Mia mura lang yun di ba gusto ko bumili para kapag may booksigning siya makapag booksign ako samahan mo ako be." Sabi ko

"Oo naman lalo na kay ate Maxinejiji." Sabi naman niya

"Oo sige bibili ka ng He's into Her na books ang dami non." Sabi ko

"Nag ipon naman po ako pambili roon e1 year na po ako nag iipon pambili pangarap ko po talaga." Sagot naman niya

"Okay ikaw bahala."

Nag usap na lang kami about sa wattpad mga nabasa namin na pinag usapan ulit namin basta may pag uusapan lang talaga kami habang naghihintay. Ilang minuto lang din ang nakalipas ay dumating na yung dalawa ang katabi ko ngayon ay si Jaja samantalang si Lala sa tabi ni Ange para din sa apat na tao ang naupuhan namin sakto para sa aming apat.

"Ano pinag uusapan niyo?" Tanong ni Lala

"Hula ko wattpad or kdrama lang yan totoo no?" Sabi naman ni Jaja

"Yup, balak namin pumunta sa booksigning ng Author e dream namin noon pa." Sabi ni Ange

"Samahan namin kayo para gumala." Natatawang sagot ni Jaja

"Loka ka be wag na kayo sumama." Sagot ko

"Grabe atleast support kami sa inyo." Depensa naman ni Lala

"Hayaan mo sila Anna yan ang trip nila e." Natatawa naman si Ange nung sinabi niya 'to.

"Alam niyo kumain na lang tayo puro kayo kalokohan e." Sabi ko

Nauna na ako sa kanila kumain kanina pa kasi kami puro usap e mas matagal pa ang pagkukwentuhan namin kaysa sa pagkain namin sana talaga tumambay na lang kami at nag usap aabutin kami rito ng isang oras totoo yan legit mga besh.

Makalipas ang isang oras ay natapos na rin kami sa wakas sabi ko sa inyo isang oras kami bago umalis sa pinagkakainan namin e.

"Uwi na tayo agad." Sabi ko

"Akala ko ba bibili muna tayo ng libro te, nandito na tayo bumili na tayo." Sabi ni Ange

"Samahan na namin kayo para sabay sabay na tayo." Sabi naman ni Lala

"Hindi, wag na mauna na kayo wala ng tao sa bahay kami na bahala ni Ange baka maboring lang kayo roon, sige na okay lang talaga kaming dalawa." Sagot ko naman sa kanila

"Sure ka ba? Gabi na delikado na kaya ang umuwi samahan na namin kayo." Sabi naman ni Jaja

"Hindi na mga be kaya na namin ito wag na kayo mag alala ayoko lang naman na maghintay kayo ng matagal sa amin." Pilit ko

"Oo mga te sige kaya na namin ito uuwi rin kami." Sabi rin ni Angelica

"Sige kayo bahala basta mag iingat kayo, nakakatakot pa naman sa panahon ngayon." Sagot ni Jaja

"Mag iingat kami wag kayo mag alala." Sabi ko

Wala na silang nagawa kung hindi ang maunang umuwi samantalang kami ni Angelica ay dumeretsyo na sa National Book Store ano oras na rin kasi ngayon alas siyete ng gabi.

Habang naghahanap kami ng libro ay bigla na lang ako naihi nakahanap naman na ako e sadyang naghahanap lang ako ng iba na mabibili ko pero hindi ko na talaga matiis pa kaya naman nagpaalam na muna ako kay Ange.

"Be aalis na muna ako iihi lang ako hintayin mo muna ako sandali lang ako." Paalam ko

"Sige bilisan mo na lang te sige na baka maihi ka pa riyan e." Sagot niya pa

"Sige be."

Naglakad na ako palabas sa National kaso sa kakamadali ko ay may nabangga ako pakshet naman kung kailan naiihi ako ay may unexpected pa na ganap. Tinulungan ko siya sa mga nalaglag na gamit niya nung iaabot ko na sana sa kaniya nabitawan ko ulit.

"Aljon, what the heck!?." Gulat na pagkakasabi ko.

"Co incidence lang siguro sino kasama mo?" Tanong niya as if he cares?

"Wala ka ng pake." Sabi ko tapos ay iniwan na siya bakit ang malas ko ngayon una si Sheena ngayon si Aljon kakaloka naman talaga naiihi na ako kaya kailangan ko na pumunta sa comfort room. Pagpasok ko umiihi na ako salamat naman at nakaihi na ako palabas na ako ng may humawak sa kamay ko kaya naman napatigil ako hindi ko na kailang humarap para isipin kung sino siya alam ko naman sino siya e.

"May kailangan ka pa ba sa

'kin sorry nagmamadali ako ngayon e." Sabi ko nakatalikod siya sa akin.

"Bakit hindi mo ako pinaglaban." Sabi niya

"Ano pa ba ang dahilan para ipaglaban kita kung sinukuan mo na ako at iniwan pa ano pa ipaglalaban ko kung yung taong ipaglalaban ko hindi karapat dapat ipaglaban." Sabi ko sa kaniya

"Mahal kita." Sabi niya humarap ako sa kaniya nakakainis naman kasi e.

"Mahal mo ako mahal mo rin siya hayaan mo naka move on na ako e." Sabi ko umalis na agad ako at bigla na lang bumuhos ang mga luha na kanina pa gusto lumabas pumasok ako sa National Book Store na inaayos ang mata ko para hindi ako masabon ng tanong ni Ange naabutan ko siya na magbabayad na inabot ko lang sa kaniya yung bayad at hinayahan na siya ang pagbayad rito. Ilang sandali lang ay natapos na siya kaya naman lumabas na kami.

"Bakit ka umiiyak? Ayos ka lang ba?" Tanong niya sa akin

"Natamaan kasi ng daliri ko mata ko tapos kinusot ko kaya namumula naiiyak ako sa sakit e." Sagot ko nakita ko naman na halatang naniwala siya kaya naman hindi na ako nagsalita pa ulit.

Nakarating na kami sa bahay pasado alas otso na nauna na umakyat sa kuwarto si Ange samantalang ako naman ay nagpapahinga na muna rito sa baba kakatapos ko lang mag lock ng gate at pintuan.

Habang nagpapahinga may narinig ako na naglalakad hindi ako matatakutin na tao pero this time iba ang kutob ko may magnanakaw siguro tumayo ako at tumingin sa may labas nagulat ako sa pusa.

"Bwisit akala ko naman kung sino pusa lang pala." Sabi ko sa sarili ko tumayo na lang ako at nagsimula na umakyat sa kuwarto ko pagpasok ko kumukha ako ng pangtulog at dumeretsyo sa banyo para maghugas.

Pagkatapos ko sa paghuhugas ko ay bumaba na muna ako sa baba para uminom ng gatas hindi kasi talaga ako sana'y na hindi umiinom ng gatas e kaya kailangan bago ako matulog iinom muna ako ng gatas.