webnovel

Bakit Siya Pa?

Kahit madalas tinatanggi natin ang isang bagay. Sooner or later malalaman din natin ang totoo. Cause our hearts will never lie. Ilang beses ba dapat masaktan para masabi na tama na? Ilang beses ba dapat umiyak para masabi mong pagod ka na? Ilang beses ko kailangang magpakatanga para marealize mong may ako, na kahit paulit ulit mong saktan, paiyakin at baliwalain eh handa pa rin kitang mahalin? Ako si Ma Hazel Candelaria, ang babaeng nagmamahal sa lalaking alam kong kaibigan lang ang turing sa akin, si Jerome Calliego. Alam ko na sa pagmamahal ko na to ay masasaktan ako kasi may mahal siyang iba at bestfriend ko pa. Pero hinding-hindi ko pagsisisihan yun. Samahan niyo ako sa kwento ko at ang taong mahal ko...

MissSaoirseLove · Urban
Not enough ratings
34 Chs

CHAPTER 31

JEROME'S POV

2 WEEKS LATER...

Nandito ako ngayon sa mansion namin at kakatapos ko lang magshower. Nakabihis na din ako babalik agad akong hospital. Lumabas na ako ng kwarto ko. Pagkababa ko ng hagdan ay didiretso na sana ako palabas ng mansion para pumuntang hospital ng may humawak sa damit ko.

"Tito Je, I want to see Tita Hazel," cute na sabi ng pamangkin kong si Alexander, anak ni Kuya Raven at Ate Sam. Umupo ako para makapantay kami.

"But Xander, hindi pa nagigising si Tita Hazel," sabi ko.

Dalawang linggo na ang lumipas ng mabaril si Hazel. Hindi pa siya nagigising simula nung muntikan na siyang mamatay.

"Kahit hindi pa nagigising Tita Hazel, gusto ko pa rin siyang makita," pamimilit ni Xander.

Nakita kong bumaba na si Ate Sam galing sa kwarto nila ni Kuya at lumapit sa amin. Umupo siya sa sofa.

"Isama mo na. Hindi ka makakaalis kapag hindi mo sinunod ang gusto niyan," natatawang sabi ni Ate Sam. Napahinga na lang ako ng malalim at hinawakan na ang maliit na kamay ni Xander at tumayo na.

"Basta magbehave ka don," sabi ko kay Xander.

"Yes, Tito Je," masiglang sabi ni Xander. Nakita kong napiling na lang si Ate Sam dahil sa ka kulitan ng anak niya.

"Alis na kami, Ate Sam," paalam ko. Bumitaw muna si ander sa pagkakahawak ko at lumapit sa Mommy niya at humalik sa pisngi.

"Take care, Baby Xander," Pagkasabi nun ni Ate Sam ay limabas na kami ni Xander ng mansion at sumakay na sa kotse. Agad kong pinaandar ang kotse ko papuntang hospital nila Hazel.

Pagkarating sa hospital ay agad kaming dumiretso sa room ni Hazel. Kumatok muna ako bago kami pumasok ni Xander. Pagpasok namin ay kumakain pala sila Tito Laurence at Tita Chrizel.

"Good morning, Tito, Tita," bati ko sa kanila.

"Good morning din, Jerome. Kumain ka na ba?" sabi ni Tita.

"Mamaya na lang po, Tita," sabi ko. Bumitaw sa pagkakahawak ko si Xander at lumapit kanila Tita.

"Good morning po," bati ni Xander at humalik kanila Tita at Tito.

"Nakakatawa ka talagang bata ka," gigil na sabi ni Tita at marahang kinurot ang magkabilang pisngi ni Xander.

"Why are you here, kiddo?" tanong ni Tito.

"I want to visit, Tita Hazel po," sabi ni Xander.

"Sige puntahan mo na si Tita Hazel mo," sabi ni Tito.

Lumapit na si Xander kay Hazel na tulog pa rin. Kailan kaya siya magising?

"Tita Hazel, wake up ka na, please. Diba magbobonding pa tayo with Tito Je?" sabi ni Xander kaya napangiti ako. Gustong gusto talaga ni Xander na palaging kasama si Hazel.

"Hayaan mo, Baby Xander. Paggising ni Tita Hazel at pagnakalabas na siya dito, pupunta tayo sa lahat ng gusto mong puntahan," nakangiting sabi ko kay Xander.

"Really, Tito Je?" masiglang tanong niya.

"Yes, wait na lang nating magising si Tita Hazel," sabi ko. Tumango naman siya at tumingin na kay Hazel.

Napatingin din ako kay Hazel. Ang ganda niya talaga kahit natutulog siya, hindi nakakasawang titigan siya.

"She's beautiful like an angel, Tito," sabi ni Xander.

"Yes, baby," sabi ko.

*******************

Pagkahatid ko kay Xander sa mansion ay bumalik agad ako ng hospital dahil ako ang magbabantay kay Hazel.

Hindi muna ako pumunta sa room ni Hazel dahil may dadaanan muna ako. Pagkarating ko sa kwarto ng kapatid ni Dan ay kumatok agad ako. Yes, nailipat na dito sa hospital ang kapatid ni Dan at naoperahan na din last week.

Pinagbuksan naman agad ako at pinapasok ni Dan. Tumingin sa akin ang kapatid na babae ni Dan.

"Kamusta ka na?" tanong ko sa kapatid na babae ni Dan.

"Okay na po ako at gumagaling na din yung sugat na ng parteng inoperahan sa akin at dahil po iyon sa tulong niyo. Maraming salamat po," sagot niya.

"Walang anuman, dapat nga ay hindi ka sa akin nagpapasalamat. Dapat sa fiancee ko dahil siya ang may pangako sa kuya mo na tutulungan ka, tinupad ko lang ang gusto niya," sabi ko.

"Nasaan po ba siya, para makapagpasalamat ako sa kanya?" tanong niya.

"Nasa kabilang kwarto, hindi pa siya nagigising," sabi ko.

"Ganun po ba? Kapag nagising na lang po siya?" sabi niya ng nakangiti.

"Sige, alis na ako. Kinamusta lang talaga kita," paalam ko.

"Sige po," sabi niya. Lumabas na ako at pumunta na sa kwarto ni Hazel

KINABUKASAN...

Napadilat ako dahil may kamay na mahigpit na humahawak sa kamay ko. Napaangat ako ng tingin at tumingin kay Hazel. Nagkurap kurap ako ng mga mata ko dahil baka na nanaginip lang ako o namamalik mata. Totoo ba tong nakikita ko? Gising na siya? Gising na si Hazel.

"Your awake. Ang tagal mo ding tulog, Hon," sabi ko at hinalikan ang kamay niya. Napangiti naman siya.

"Gaano ba ako katagal na tulog?" tanong niya.

"2 weeks," maikling sabi ko.

"Ganun katagal. Grabe ang tagal ko namang natulog, kaya pala namiss kita kahit tulog ako," sabi niya. Natawa naman ako ng mahina.

"I miss you too," sabi ko.

"Sila Mom at Dad?" tanong niya ng mapansin niyang wala ang mga ito.

"Wala sila dito dahil pinauwi ko kagabi. Papunta na din siguro yun dito," sabi ko. Tumango naman siya.

"Alis muna ako. Tawagin ko yung doctor mo para sabihin na gising ka na at check up-in na din," paalam ko. Tumango naman siya. Hinalikan ko muna siya sa forehead bago ako lumabas.

HAZEL'S POV

Pagkatapos akong check up-in ay lumabas na ang doctor.

Ilang minuto ang lumipas ng bumukas ulit ang pintuan ng hospital room ko at pumasok ang mga magulang ko. Agad silang lumapit sa akin at niyakap ako.

"Akala ko mawawala ka na sa amin. Hindi ko kakayain kapag nangyari yun," umiiyak na sabi ni Mom. Humiwalay na sila sa pagkakayakap sa akin at umupo sa tabi ng hospital bed.

"Mom naman, umiiyak ka na naman. Diba sabi ko, ayokong nakikita kang umiiyak dahil ang importante ay buhay ako," sabi ko kay Mom. Tumigil na din siya sa pag-iyak. Napatingin ako kay Dad.

"Dad, hindi ka na naman siguro pumasok sa company ng mahigit dalawang linggo no?" natatawang tanong ko.

"Ay Anak, totoo yang sinabi mo. Halos dito na nga yan nagtrabaho, kaya lahat ng kailangan niyang trabahuhin dinadala na ng secretary niya dito," natatawang sabi ni Mom. Si Dad naman ay napakamot na lang sa batok niya.

"Tama na nga yan, kumain ka na lang na bata ka," sabi ni Dad at tumayo na para asikasuhin ang pagkain ko.

"Dad, hindi na ako bata. Mag-aasawa na nga ako next month eh," inis na sabi ko. Tumingin pa ako kay Jerome habang sinasabi yun. Hindi ako pinansin ni Dad at pinagpatuloy na ang ginagawa niya.

Nang tapos na si Dad sa paghahanda ng pagkain ko ng lumapit si Jerome kay Dad.

"Tito, pwedeng ako na po ang magpakain kay Hazel?" tanong ni Jerome kay Dad.

"Sige," sabi ni Dad at binigay na kay Jerome yung pagkain ko.

Lumapit na si Jerome sa akin at umupo sa tabi ng kama ko. Naglagay na siya ng pagkain sa kutsara at tinapat sa bibig ko. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ginawa mo naman akong bata, Hon. Akin na nga yan, kaya kong kumain mag-isa," sabi ko.

"No, ako ang magpapakain sayo," sabi ni Jerome. Wala na akong nagawa kundi ang isubo ang pagkain.

"Very good, Hon," nakangiting sabi ni Jerome.

"Ewan ko sayo," sabi ko.

Sinubuan na niya akong sinubuan hanggang sa maubos ko ang laman ng plato ko.

Napatingin kaming lahat sa may pinto ng bigla itong bumukas. Napangiti ako dahil si Kath at PJ ang pumasok. Nag-uusap pa silang dalawa kaya hindi nila ako napansin.

"Paniguradong matutuwa si Jerome at lalo na si Hazel kapag nagising na siya, ang ibabalita natin sa kanila," sabi ni Kath.

"Ano naman ang ikatutuwa ko, Katherine?" sabi ko ng nakatingin sa kanya. Napatingin siya sa akin at nakita kong nagtutubig ang mga mata niyang lumapit sa akin at niyakap agad ako.

"Labas muna kami, Sweetie," sabi ni Dad kaya tumango na lang ako.

"Hazel... I'm glad that your awake," umiiyak niyang sabi.

"Stop crying, Kath. Akala ko ba natutuwa kang gising na ko, bakit ka umiiyak?" nang-aasar na sabi ko kay Kath na nakayap sa akin at naririnig ko pang umiiyak siya.

"Hazel naman eh, nakuha mo pang mang-asar. Hindi pa ba nasasabi nila Tita at ni Jerome ang nangyari sayo," sabi niya at humiwalay na sa pagkakayap sa akin. Kumunot naman ang noo ko.

"What do you mean, Kath?" naguguluhang tanong ko.

"So hindi mo pa alam... Hindi mo alam na nagflatline ka sa OR," sabi ni Kath.

"Totoo ba yun, Hon? Pero bakit buhay pa ako ngayon?" tanong ko kay Jerome.

"Oo, totoo ang sinabi ni Kath. Pumasok pa ako sa OR para masigurado ang sinabi ng doctor, naabutan kong nagflatline ka nga. Bumalik lang ang heartbeat mo ng sinabi kong mahal na mahal kita," kwento ni Jerome.

"Hinimatay pa nga si Kath ng mawalan niyang wala ka na at may nalaman kaming good news," sabi ni PJ.

"Anong good news?" tanong ko.

May kinuha si Kath sa slingbag niya at inabot sa akin. Nagtaka naman ako na envelope ang ibinigay niya sa akin.

"Ano to?" takang tanong ko.

"Buksan mo na lang para malaman mo," sabi ni Kath. Ginawa ko naman yung sinabi niya.

Pagkabukas ko ay nilabas ko yung laman at nanlaki ang mga mata kong tumingin kay Kath.

"Sologram? Buntis ka?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo, 6 weeks na," nakangiting sabi ni Kath. Kaya pala siya namumutla nung pumunta kami sa bahay nila ni PJ dahil buntis na pala siya nun.

"Congrats, Kath," nakangiting sabi ko.

"Thank you, Hazel," sabi niya.

"Congrats pare, nakabuo agad," asar ni Jerome kay PJ sabay akbay.

"Oo nga eh. Ayan mo makakabuo ka din pagkatapos ng kasal niyo ni Hazel, dapat walang labasan ng kwarto para siguradong makakabuo talaga," natatawang sabi ni PJ kay Jerome.

"Sige sige, para twin agad," lokong sabi ni Jerome. Loko tong fiancee ko ah, yun agad ang pinag-uusapan.

"Tigilan niyo nga yan at saka paano ka nakakasiguro na ikaw ang pakakasalan ko, Calliego?" tanong ko kay Jerome. Natawa naman yung mag-asawa sa sinabi ko.

"Paano ka daw nakakasiguro dude, baka magrun away bride yang si Hazel kapag hindi mo sinagot," natatawang sabi ni PJ.

"Dahil mahal mo ko, kaya sigurado akong ikaw ang magiging Mrs Calliego ko," sagot ni Jerome na ikinapula ng pisngi ko. Ang lakas talaga nitong magpakilig.

"Tama ako diba, nagbablush ka na," natatawang sabi ni Jerome. Tumango na lang ako dahil para nang kamatis yung pisngi ko sa sobrang pula.

Marami pa kaming pinagkwentuhan ni Kath at yung dalawang lalaki naman ay nagkukwentuhan din.

****************

Nanunood kami ni Jerome ng TV dito sa hospital room ko. Magkatabi kami ni Jerome na nakaupo dito sa hospital bed, nakasandal ako sa dibdib niya kaya rinig ko yung tibok ng puso niya. Wala sila Mom at Dad dahil umuwi muna sa mansion.

"I love you, Hon," sabi ni Jerome. Nag-angat ako ng tingin at tumingin sa kanya na nakangiti.

"I love you too, Hon. Forever," nakangiting sabi ko. Unti unti niyang nilapit yug mukha niya sa mukha ko para halikan ako ng hindi natuloy dahil biglang bumukas yung pinto, kaya sabay kaming napatingin dun.

"Tita Hazel," masiglang sabi ni Xander at patakbong lumapit kaso hindi siya makalapit dahil mataas ang hospital bed at nakayakap din sa akin si Jerome.

"Bawal kang lumapit kay Tita Hazel," asar na sabi ni Jerome sa pamangkin niya.

"Tito Je... Please," sabi ni Xander. At bakas sa tono ng pananalita niya ay malapit na siyang umiyak.

"No. Bawal," sabi ni Jerome. Napailing na lang ako sa kalokohan ni Jerome.

Pumasok na si Kuya Raven at Ate Sam dito sa kwarto kaya patakbong lumapit si Xander sa Mommy niya at umiyak.

"Siraulo ka talaga, pinaiyak mo yung bata," sabi ko. Bumaba na siya sa hospital bed.

"Baby, why are crying?" tanong ni Ate Sam sa anak at umupo pa para makapantay ang umiiyak na si Xander.

"Mommy... ayaw po akong palapitin ni Tito Je kay Tita Hazel," sabi ni Xander. Lumapit si Jerome kay Xander at agad kinarga.

"Joke lang, Baby. Hindi ka pa nasanay sa akin," sabi ni Jerome at lumapit na sa akin at inupo sa tabi ko si Xander.

"Tita Hazel, I miss you po," sabi niya at niyakap ako. Niyakap ko din siya.

"Miss mo na ko? Nasaan ang mga kiss ko kung namiss mo nga ako?" tanong ko sa kanya at pinaghahalikan na ako.

Pagkatapos niya akong paghahalikan sa mukha ko ay ngumiti siya sa akin. Tumingin ako kay Jerome na halatang naiinggit sa ginagawa ni Xander. Naalala kong hindi nga pala natuloy yung kiss namin kanina dahil dumating itong si Xander.

"Baby boy, mukhang may naiinggit. Gusto din niyang ikiss si Tita Hazel," sabi ko kay Xander.

"Who?" tanong niya. Ininguso ko si Jerome.

"Hayaan mo siyang mainggit, Tita. Inaaway niya ako kanina," sabi ni Xander.

"Kawawa ka naman, Bro. Hindi ka na makalapit sa fiancee mo," natatawang sabi ni Kuya Raven kay Jerome.

"Anong hindi?" sabi ni Jerome.

Tumayo sa pagkakaupo niya sa sofa at lumapit sa akin. Umikot siya at pumunta sa kabilang side ng hospital bed. Hinawakan niya yung magkabilang mukha ko at hinalikan ang labi ko. Nanatili lang akong nakadilat at nakatingin sa kanya.

"Iba ka din, Bro," sabi ni Kuya Raven.

Nang marinig ko yun ay agad ko siyang hinampas sa braso dahil naalala kong katabi ko si Xander. Humiwalay naman siya at ngumiti.

"Natuloy din," natatawang sabi niya.

"Loko ka, kitang may bata dito eh," sabi ko.

"Wala akong pakialam kong may audience pa tayo, eh sa kanina pa kita gustong halikan," sabi niya.

"Ewan ko sayo," sabi ko.

A MONTH LATER...

Isang buwan na ang makalipas at lahat ng tao ngayon ay busy dahil sa kasalang magaganap bukas.

My Wedding.

Nandito ako sa hotel na paggaganapan ng reception at dito din ako aayusan para sa malapit lang sa simbahan. Kasama ko sila Mom at Tita Cherry dito sa hotel room.

Si Jerome, ayun pinagbawalan ng Mama niya na makipagkita sa akin kahit magkatapat lang ang room namin. Sobrang excited na ako para bukas dahil ikakasal na ako sa lalaking mahal na mahal ko.

"Hazel! Ano ba naman yan? Ikot ka ng ikot... nahihilo na ako," sabi ni Kath.

Yes, nandito si Kath pero lilipat din siya sa kabilang kwarto.

"Magsalita to.. Ikaw nga nung ikakasal ka para kang hihimatayin," sabi ko sa kanya at umupo sa tabi niya. Natawa naman siya

"Sabagay, natanggal lang yung kaba ko nun ng nakausap ko--" napahinto siya at tumingin sa akin at napangiwi. Natawa na lang ako.

"Nung kinausap ka ni Jerome? When he confessed?" sabi ko. Dahil alam kong yun yung sasabihin niya.

"Hazel..."

"Para tong sira, hindi naman ako magagalit eh at saka alam ko naman kung anong sinabi sayo ni Jerome don. Come to think of it, ni minsan hindi ako nagalit sayo dahil mahal ka ni Jerome non. Pero aaminin ko, sobra akong nagseselos," sabi ko.

"At least ikaw na ang love na love niya ngayon. At kami, friends pa rin katulad ng dati. Like nothing change," nakangiting sabi niya. Niyakap ko siya.

Napahiwalay kami ng marinig kong nagring ang phone ko sa lamesa at tumunog yung ringtone ko. Ginawa ko kasing ringtone yung kinanta ni Jerome na 'Walang Papalit'. Actually favorite song ko na to.

Kinuha ko na ang phone ko at napangiti ng makita ko ang pangalan ni Jerome. Tumayo na si Kath.

"Hazel, alis na ako at pupuntahan ko na ang asawa ko. Nakakainggit kayo," sabi niya.

"Sige," natatawang sabi ko at kumaway pa siya habang papaalis. Sinagot ko na yung phone ko.

"Hello, Hon?" sabi ko.

(Hon, I miss you,) sabi niya sa kabilang linya

"Ewan ko sayo, kahapon lang tayo hindi nagkikita," sabi ko.

(Kahit na. I MISS YOU! I MISS YOU)

"Oo na," sabi ko.

(Miss mo na din ba ako?)

"Oo naman, namiss na kita," sabi ko.

(Excited na ako para bukas, Hon,) sabi niya.

"Weh di nga?" hindi naniniwalang tanong ko.

(Oo nga, dahil bukas Mrs Jerome Calliego ka na.)

"Yeah, a dream come true."

(Hon?) tawag niya

"Hmmmm?"

(I love you.)

"I love you too," sabi ko.

(Bye, Hon. See you tomorrow.)

"Sige, bye. See you tomorrow," sabi ko at I ended the call.

*****************

Napatingin ako sa wall clock nitong hotel room dahil hindi pa rin ako dinadalaw ng antok, 9:30 pm na.

Napatingin ako sa wedding gown ko na halos sakupin na ang buong kwarto dahil sa sobrang haba at laki. Actually hindi ako ang pumili ng gown ko kundi si Mom at Tita Cherry ang pumili at nagustuhan ko naman. Mukhang mahihirapan nga lang akong maglakad.

"Anak, bakit hindi ka pa natutulog? Maaga ka pang aayusan bukas," sabi ni Mom na kakapasok lang dito sa kwarto.

Tatlo kasi ang kwarto nitong hotel room na kinuha ni Dad para sa amin nila Mom. At ang buong hotel ay narareserved para sa kasal ko kaya kahit anong pasukan mong hotel room ay pwede.

"Hindi pa po ako inaantok, Mom," sagot ko. Lumapit sa akin si Mom at umupo sa tabi ko.

"Excited ka na ba para bukas?" nakangiting tanong ni Mom. Tumango naman ako.

"Yes, Mom. Matutupad na din sa wakas yung pangarap kong maikasal sa lalaking mahal ko, Mom. Akala ko impossibleng mahalin din niya ako dahil may mahal siyang iba non pero tignan mo ang ginawa ng tadhana. Ikakasal na ako sa kanya bukas," sabi ko.

"Masaya ako para sayo, Anak. Masaya ako dahil ikakasal na ang nag-iisang anak ko. Magkakaroon ka na din ng sarili mong pamilya kasama ang lalaking mahal mo," naiiyak na sabi Mom. Niyakap ko siya.

"I love you, Mom," sabi ko.

"I love you too, Anak," sabi ni Mom at ginantihan ako ng yakap.

Pagkahiwalay namin sa yakap ay ngumiti siya sa akin at inihiga na ako.

"Sleep well, Anak. Good night," sabi ni Mom at inayos ang pagkakakumot sa akin. She kiss my forehead.

"Good night din, Mom," sabi ko at ipinikit na ang mga mata ko. Dahil sa pagmulat ng mga mata ko bukas ay ang special na araw sa buong buhay ko, ang ikasal sa lalaking minamahal ko ng buong puso.