webnovel

Bakit Siya Pa?

Kahit madalas tinatanggi natin ang isang bagay. Sooner or later malalaman din natin ang totoo. Cause our hearts will never lie. Ilang beses ba dapat masaktan para masabi na tama na? Ilang beses ba dapat umiyak para masabi mong pagod ka na? Ilang beses ko kailangang magpakatanga para marealize mong may ako, na kahit paulit ulit mong saktan, paiyakin at baliwalain eh handa pa rin kitang mahalin? Ako si Ma Hazel Candelaria, ang babaeng nagmamahal sa lalaking alam kong kaibigan lang ang turing sa akin, si Jerome Calliego. Alam ko na sa pagmamahal ko na to ay masasaktan ako kasi may mahal siyang iba at bestfriend ko pa. Pero hinding-hindi ko pagsisisihan yun. Samahan niyo ako sa kwento ko at ang taong mahal ko...

MissSaoirseLove · Urban
Not enough ratings
34 Chs

CHAPTER 18

HAZEL'S POV

Ang sakit ng ulo ko pagkagising dahil sa hang over ko. Naparami ata ako ng inom kagabi. Napatingin ako sa wallclock ko dito sa kwarto. 10: 34 na, it's already lunch na pala.

Nag suklay na lang muna ako ng buhok saka bumaba. Mamaya na ang maliligo dahil kapag naligo ako agad na may hang over ako diretso burol na agad ako panigurado. Si Aaliyah yung nagsabi sa akin na wag daw muna maliligo kapag may hang over dahil masama daw.

Pagkarating ko sa kitchen ay naabutan kong kumakain na si Mamita ng lunch. Lumapit ako sa kanya.

"Good morning, Mamita," sabi ko sabay beso sa kanya.

"Good morning, Dear," sabi nito. Imbis na umupo na ako sa tabi ni Mamita ay lumapit ako sa ref para kumuha ng fresh milk. Nag salon na ako sa baso at saka umupo sa tabi ni Mamita.

"Why you drunk so much last night? I thought you wouldn't drink too much," tanong ni Mamita habang kumukuha ako ng pagkain ko.

"Eh napasobra ako ng inom ng alak, Mamita eh. Sorry hindi na ulit ako maglalasing sa susunod," paghingi ko ng pasensya. Nagsimula na akong kumain.

"Ewan ko ba sayong bata ka," sabi ni Mamita at sumubo na ng kinakain niya.

By the way, hindi pa pala nakakabalik sa Italy si Mamita dahil gusto daw muna niya dito sa pilipinas hanggang sa makagraduate na ako. Kaya siya ang kasama ko dito tuwing weekend and kapag hindi siya nakikipagkita sa mga amiga niya.

"You have a boyfriend na ba?" tanong ni Mamita napansin niya ata na kanina pa ako tahimik.

"Wala pa po," tanging sabi ko. Kumunot noong tumingin siya sa akin.

"Why? You have a beautiful face. You are also smart and sexy too. Bakit ni isa ba ay walang nangligaw sayo kaya wala kang boyfriend?" tanong ni Mamita. Bumuntong-hininga ako bago nagsalita.

"Meron naman pong nanliligaw sa akin pero hindi ko sila type. May mahal na kasi akong iba kaya wala akong sinagot kahit isa sa kanila," seryosong sabi ko.

"Who is the luckier man that captured your heart?" tanong ni Mamita ulit.

"Let's not talk about him, Mamita," sabi ko at inubos na ang pagkain sa plato ko. Inubos ko na rin yung fresh milk ko sa baso at saka tumayo.

Naglalakad na sana ako palabas ng dining area ng marinig kong magsalita si Mamita kaya napalingon ako sa kanya.

"Kung hindi ka makakahanap o magkakaroon ng boyfriend bago sumapit ang birthday ko. Ako ang maghahanap ng boyfriend mo, sa ayaw o sa gusto mo," May diing sabi nito. Hindi ako umimik sa halip ay nakatingin lang ako sa kanya na nakatingin sa akin.

"Gusto kong ipakasal ka sa lalaking mahal mo, Dear. Basta ay ipakilala mo siya sa akin bilang boyfriend mo at hindi ako hahadlang dun. Kapag hindi mo siya na ipakilala sa akin bago sumapit ang birthday ko, ipapakasal kita sa isa sa mga apo ng amiga ko," sabi pa nito at tumayo sa kinauupuan niya. Lumakad ito papalapit sa akin at inangat ang ulo ko para tumingin sa kanya.

"Gusto ko maging masaya ka, ayaw kong maging mag-isa ka lang habang buhay, Dear. Ayokong nakikita kang umiiyak at nasasaktan dahil sa isang lalaki kaya habang maaga pa ay ipakilala mo na siya sa akin. Pag-isipan mo ang sinabi kong ito sayo, Dear," sabi ni Mamita at lumabas na ng kitchen.

Lumabas na ako ng kitchen at nakita kong nasa saka si Mamita kaya umakyat na lang ako sa kwarto ko at pag-isipan ang mga sinabi sa akin ni Mamita.

Pagkarating ko sa kwarto ko ay umupo ako sa kama at sumandal sa headboard.

Ano bang pwedeng gawin ko para maipakilala si Jerome kay Mamita para kami nalang ang ikasal?

Hindi naman papayag si Jerome kapag sinabi ko sa kanya? Mapipikot lang siya.

Bumuntong-hininga ako. Bahala na. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kung gawin.

KINABUKASAN...

"Hoy, Hazel. Kanina ka pa dyan tulala at hindi umiimik ha. May problema ba? Baka makatulong kami," sabi ni Kath.

"Oo nga, hindi ka pa umiimik simula kaninang umaga," sabi ni Jerome.

Nandito kasi kami ngayon sa SSC office. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin mawala sa isip ko yung mga sinabi ni Mamita sa akin kahapon. At hindi pa rin ako nakakaisip ng paraan para hindi ako maikasal sa apo ng amiga ni Mamita.

Halos lumilipat yung utak ko kanina habang nagkaklase. Hindi ko maintindihan yung lecture ng Prof namin kanina.

"Hoy Hazel, nakikinig ka ba?" sabi ni Kath kaya napalingon ako sa kanya.

"Ha? May sinasabi ba kayo?" takang tanong ko.

"Ang sabi ko, may problema ba? Kanina ka pa tahimik at tulala dyan," sabi niya.

"May iniisip lang," tanging sabi ko.

"At ano naman yan?" tanong ni Jerome.

Naglakad siya pa palapit sa akin sabay upo sa lamesa ko. Tss. Itong lalaking to talaga may upuan na may upuan sa lamesa pa talaga uupo. Hinayaan ko na lang siya. Si Kath din ay lumapit sa akin at umupo sa upuan na nasa harap ng table ko. Sasabihin ko ba sa kanila o hindi. Bahala na nga.

"May sinabi sa akin si Mamita kahapon. Kapag wala daw akong maipapakilala sa kanya na boyfriend ko bago ang birthday niya ay ipapakasal niya ako sa ibang lalaking mapipili niya. Kaso next week na ang birthday ni Mamita wala akong maipakilala kay Mamita na boyfriend ko, ayokong maikasal sa taong hindi ko naman kilala ng lubos," sabi ko.

"Problema yan. Ang hirap makahanap ng boyfriend sa isang linggo lang," sabi ni Kath.

"Si Garrett ang ipakilala mo. Tutal may nararamdaman naman siya sayo diba? Bakit hindi na lang siya?" sabi ni Jerome. Natahimik ako sa sinabi niya.

Yes, may nararamdaman nga si Garrett para sa akin dahil siya mismo ang umamin sa akin last year. Matagal na daw niya akong gusto since 1st year college pa. Pero bigla na lang siya nawala na parang bula matapos niyang umamin sa akin 2 months ago. Hindi na siya nagpakita sa akin pero hindi siya lumipat ng University. Siya na yung umiwas sa akin. Alam niya kasing hindi ko kayang iparamdam sa kanya pabalik katulad ng nararamdaman niya para sa akin, na hanggang pagkakaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya kaya siguro ay siya na ang umiwas.

"Oo nga si Garnett na lang," pangsang-ayon ni Kath sa sinabi ni Jerome.

"Kath, alam mong hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay kay Garrett. Alam mo din na kahit isa ay wala akong sinagot sa mga manliligaw ko noon. Alam mo yan," sabi ko kay Kath.

"Oo nga pala friend lang kayo ni Garrett." sabi ni Kath.

"So ano ng balak mo?" tanong ni Jerome. Nagkibit balikat ako.

"Hindi ko alam," sagot ko.

****************

Ilang araw na lang ay birthday na ni Mamita, wala pa rin akong maipapakilala sa kanya. Ayokong maikasal sa lalaking hindi ko naman kilala. Bakit kasi ngayon lang sinabi ni Mamita to eh?

Kakatapos lang ng class ko today. Naglalakad na ako papunta sa parking lot.

Bubuksan ko na sana ang pintuan ng kotse ng biglang may tumawag sa akin.

"Hazel!" sigaw ni Jerome sa pangalan ko kaya napalingon ako sa kanya.

"Oh bakit?"

"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong niya.

"Tungkol saan?"

"Tungkol sa paghahanap mo ng boyfriend na ipakikilala mo sa Mamita," sabi niya.

"What about that?" naguguluhang tanong ko.

"May nahanap ka na ba?"

"Wala pa," sabi ko.

"I can pretend to be your boyfriend," seryosong sabi ni Jerome.

"A-Are you serious?" paninigurado ko.

"Yes, I really serious about this. Matagal ko ng pinag-isipan simula ng sabihin mo na kailangan mo ng boyfriend na ipakikilala sa Mamita mo," sabi nito.

"W-Why are you doing this?" nauutal kong tanong sa kanya.

"Dahil kaibigan kita kaya ko to ginagawa. Ikaw na ang may sabi na ayaw mong maikasal sa lalaking pipiliin ng Mamita mo para ipakasal sayo," sabi ni Jerome.

"H-Hanggang kailan natin gagawin to?"

"Hanggang sa bumalik ang Mamita mo sa Italy," sabi ni Jerome. Napailing ako.

"Next year pa babalik ng Italy si Mamita," sabi ko.

"Wala akong pakialam kung umabot man ng isang taon tong pagkukunwari natin. Ang mahalaga lang ay hindi ka maikasal sa iba," seryosong sabi ni Jerome. "So payag ka ng magkunwari akong boyfriend mo?" tanong niya. Tumango ako.

"O-Oo payag na ako," nauutal kong sabi.

"So kailan mo ako ipapakilalang boyfriend mo sa Mamita mo, My Girl?" tanong niya sabay akbay sa akin.

Napaiwas ako ng tingin dahil naramdaman kong umiinit yung pisngi ko sa kilig nang dahil sa sinabi niya. Ang sarap namang pakinggan ng mga sinasabi. Sana totohanan na lang ang lahat.

"Sunday morning, pumunta ka sa bahay. Ipapakilala kita sa kanya," sabi ko.

SATURDAY...

Sabado na ngayon at bukas darating si Jerome para sabihin na kay Mamita yung pagpapanggap namin. Okay lang naman yun sa akin basta makakasama ko siya ng isang taon.

Nagbabasa ako ngayon ng libro na halos makakalahati ko na dahil kanina pa ako nagbabasa.

*KNOCK KNOCK KNOCK*

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok.

"Come in. It's open," sabi ko. Bumukas na yung pinto ng kwarto ko at pumasok si Kath. Sinarado ko muna yung librong binabasa ko.

"Hazel?" tawag ni Kath pagkasarado niya ng pinto at lumapit sa akin.

"Yes?"

"About Jerome. Yan ang ipinunta ko dito," sabi ni Kath. Napakunot noo ako.

"What about him?" takang tanong ko.

"Though hindi ko pinapansin. I know you know Jerome loves me," sabi ni Kath. Alam niya?

"Sinabi sakin yun ni Jerome nung araw ng kasal ko," sabi niya ng mapansing hindi ako sumagot. Great. Maybe he wanted to stop that wed--

"I know what you're thinking. Pero hindi yon ang dahilan. Gusto lang niyang sabihin sakin dahil hindi na raw niyang gustong itago yon. Pero Hazel I'm not here to discuss about his love for me. Ang gusto kung pag-usapan ay ang pagpapanggap niyo na may relasyon kayo para lang hindi ka ikasal ng Mamita mo sa iba," sabi ni Kath.

"Paano mo nalaman na we're just pretending?" takang tanong ko.

"Narinig ko kayo ni Jerome na nag-uusap at ang sabi niya ay magpapanggap kayong may relasyon para hindi ka maikasal sa iba," sabi ni Kath.

"Kath, alam ko na concern ka lang samin. I hate to say this but it's really none of your business," I said. Nagsisi kaagad ako ng makita ko ang hurt sa mata ni Kath.

"I know that Hazel. Alam kong nakikialam ako pero gusto ko lang kayong tulungan and I have a suggestion."

"I'm sorry Kath. Hindi ko naman sinasadya na magalit sayo. Actually I'm more angry at myself," sabi ko.

Nakakaunawang tumango si Kath at ngumiti.

"Hazel. I know you love Jerome," sabi ni Kath. Nanlaki ang mga mata ko.

WHAT?! How? Obvious ba masyado?

"Kath..."

"Hindi ko naman sasabihin sa kaniya eh, of course not... anyway... I think dapat pumayag ka kapag pumayag siya sa pagpapakasal sa inyo."

"Alam mo ba ang sinasabi mo Kath? Unang una parang pinipikot ko na si Jerome. Second hindi niya ako mahal."

That's the problem. Kasi hindi niya ako mahal. Kung sana nga lang...

"Don't it even matter? Kung mahal ka niya or hindi. I know hindi maganda ang sinabi ko.Pero hindi mo naman kailangan magpakasal sa kaniya agad.Kailangan mo lang ma-engage sa kaniya. Like you're marking your territory. And about that love thingy. Alam kong matututunan ka din niyang mahalin."

"Pero--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nagsalita ulit si Kath.

"Masyado ka kasing mabait. Pero Hazel... You need to follow your heart. Mahal mo si Jerome and ano naman kung maikasal ka sa kaniya? Mahal mo siya and he'll learn to love you too. Be selfish for once, Hazel."

Selfish? Yeah... Kath's right.

I love him and I'll do anything for him.

Nakangiting tumingin ako kay Kath.

"Still, wag mong sasabihin sa kanya. Gusto kong matutunan niya akong mahalin," nakangiting sabi ko.

"HAHAHAHA. Sure... I won't say a thing," sabi ni Kath at tumayo na siya at lumabas na ng kwarto ko.

Nakangiti parin ako hanggang sa makaalis na si Kath.

KATH'S POV

Tama naman si Hazel. Hindi dapat ako nakikialam. Pero I can't help it. Hindi naman mahirap yung pinagawa ko kay Hazel. Si Jerome lang ang problema.

Kailan niya kaya marirealize na hindi na niya ako mahal?

I know love. And I know someone if they're in love. Dahil ako mismo nararanasan yon ngayon.

Alam kong mahal ako ni Jerome. May napapansin na rin ako non pero madali ko lang nakakalimutan dahil kaibigan ko lang talaga ang turing ko kay Jerome. I guess part of me knows na meron siyang ibang feeling sakin.

Pero I know he don't love me now like he though he is. Everything he looks at Hazel. I can see a change.

Pero hindi ako puwedeng makialam sa part na yon.

Jerome need to discover himself.

KINABUKASAN...

HAZEL'S POV

Nandito ako sa kwarto ko at kanina pa ako gising, tinatamad kasi akong bumaba kaya tinatapos ko na lang pagbabasa ng librong binabasa ko kahapon. Ilang page na lang ay matatapos na akong magbasa.

*KNOCK KNOCK KNOCK*

Napatingin ako sa may pinto ng may kumatok. Sinarado ko yung libro saka tumayo at binuksan ang pinto.

"Yes?"

"Ma'am Hazel, nasa baba po si Sir Jerome. Hinahanap ka po," sabi ni Nellie. Tumango na lang ako at umalis na siya. Lumabas na ako ng kwarto at bumaba na.

"Ready?" tanong ko. Tumango lang siya.

Pumunta na kami sa dining area at nakita kong nagsisimula ng kumain si Mamita. Lumapit ako sa kanya at bumeso.

"Good morning, Mamita," sabi ko.

"Good morning, Dear," sabi nito. Nagtatanong na tumingin siya kay Jerome. "And who's this guy?" tanong nito na nakatingin kay Jerome.

Nagkatinginan kami ni Jerome. "Si Jerome po, Mamita. B-Boyfriend ko," nauutal na sabi ko.

"Nice to meet you, Jerome," sabi ni Mamita at tumayo para makipagshake hand kay Jerome at bumeso na rin.

"Nice to meet you din po," magalang na sabi ni Jerome.

"Let's eat," sabi ni Mamita kaya Umupo na kaming dalawa ni Jerome, umupo siya tabi ko.

"Where's Mom and Dad, Mamita?" tanong ko at nagsimula nang kumain.

"Maaga silang umalis kaya hindi ako na kasabay sa kanilang magbreakfast," sabi nito. Tumango na lang ako.

"Akala ko ba wala kang boyfriend, Dear?" tanong ni Mamita. Nagkatinginan kami ni Jerome sa tanong ni Mamita. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

Tumingin na ulit ako kay Mamita ng may naisip na akong isasagot sa kanya.

"A-Actually po, Jerome and I are secret in a relationship. Kaya po sinabi kong wala akong boyfriend nung tinanong niyo po ako," pagsisinungaling ko.

"Kahit po sa mga friends po namin ay hindi namin sinabi tungkol sa relasyon naming dalawa ni Hazel," sabi ni Jerome.

"Ilang taon na ba kayong secret in a relationship?" tanong sa amin ni Mamita.

"2 years," sabay na sabi namin ni Jerome.

"Matagal tagal na din pala kayong may relasyon. Meaning papayag kang maikasal kay Hazel, Jerome? Napag-usapan na namin tong dalawa last week, oras na may ipakilala siya sa aking boyfriend ay siyang papakasalan niya," sabi ni Mamita. Napatingin ako kay Jerome na nakatingin din sa akin.

Kinuha ko na lang ang basong may tubig at agad uminom.

"Ano papayag ka bang maikasal kay Hazel, Jerome?" tanong ulit ni Mamita kay Jerome. Hinintay ko naman yung magiging sagot no Jerome.

"Opo payag po akong pa kasalan si Hazel," sagot ni Jerome.

Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko inaasahang papayag siyang maikasal kami. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano. Alam kong nagkukunwari lang kaming may relasyon pero ang maikasal kami hindi na biro yun.

Tumayo na ako dahil tapos na din nan akong kumain. Dali dali akong labas ng dining area. Narinig ko pang tinawag ako ni Mamita pero hindi ko siya nilingon. Naramdaman kong may sumusunod sa akin pero hindi ko na lang pinansin dahil alam kong si Jerome lang yun.

Dumiretso ako sa kwarto ko at agad umupo sa kama. Umupo sa tabi ko si Jerome.

"Akala ko ba kunwarian lang to? Hindi biro ang magpakasal, Jerome," naiiyak na sabi ko. Hindi ako umiiyak dahil ayaw kong maikasal sa kanya, ang totoo niyan ang saya ko dahil pumayag siya sa pagpapakasal sa amin. I'm crying because of tears of joy.

I stifled a gash when I feel Jerome's arms around my waist. I can feel his hot breath on my right ear.

"J-Jerome?" nauutal na banggit ko sa pangalan niya.

"Sshh, wag kang umiyak," sabi niya.

"Bakit sinabi mo yon kanila Mamita? Nagpapapikot ka ba talaga?" sabi ko sa kanya.

"Hindi ko naman sinabing magpapakasal tayo kaagad. We can make our engagement publicly para malaman ng mga tao ang totoong status natin. Pag nangyari yon hindi na parang hindi na natin sinuway ang mga Mamita natin. After some time we can call things off," sabi niya. Lalo lang ako napaiyak.

Pilit kumawala ako sa kaniya pero pinipigilan niya lang ako.

"Let's stay like this for a while," sabi niya.

Yes. Just for a while...

Then maybe...

Pagnakapag-isip na ako.

Makagawa ako ng paraan para matuloy ang kasal.

Tama si Kath.

I have to make a move and get the man I love.