webnovel

Chapter 7

Sender: JADE

Pls. tulong ASAP!!!

Gulat na gulat si Andy sa text na natanggap niya mula kay Jade, bigla siyang binalot ng kaba. Nagmamadali siyang kinuha ang susi ng kanyang sasakyan, "Mom, Dad may sasaglitan lamang ako. Promise babalik ako agad." Hindi niya hinintay pa ang tugon ng mga magulang halos takbuhin na niya ang kanyang sasakyan at pinasibad iyon patungong ospital.

Halos sumisigaw sa galit si Dr. Cortez na siyang naka duty sa ER. "What's happening? Bakit dalawa sa nurses natin ang nakainom ng sleeping pills!!! Sinong may kagagawan nito?" Kuyom ang sariling kamao ng Doktor habang patuloy na pinagmamasdan ang dalawang nurse na nakahiga ngayon sa Bed ng ER, at kasalukuyang walang kamalay malay.

Wala namang kaimik imik ang ilang mga nurse na nakamasid lamang, ang ilang kababaihan ay nakaramdam ng matinding pag salamat at lihim na lumuluha sa sobrang takot. Pigil ang panginginig ng sariling mga kamay, nakatungo lamang si Jade at nag-iisip ng marinig niya ang pangalan niya na tinatawag ng doctor.

"Nurse Jade, may ideya ka ba sa kung anong nangyari sa mga kasamahan mo, hindi ba't kayu-kayo ang magkakasama kanina dito sa ER?" Tanong ni Dr. Cortez.

Nanginginig ang boses na sumagot siya sa superior. "Doc ang tanging natatandaan ko lamang po nung nakabalik kami sa nurse station ay may shake na para sa akin at para kay Kristel, hiningi po ni Erica yung para sa'kin kaya po ibinigay ko iyon sa kanya."

Nanlalaki naman ang mata ng Doktor sa kanya. "Ibig mo bang sabihin ay hindi para kay Erica ang ininom niya, bagkus ay para sa iyo? Kung ganoon ay kailangang mapaimbestigahan ito sa lalong medaling panahon. Sumunod ka sa akin sa opisina, kailangan nating pag-usapan ito kaharap ang Admin." At nagpatiuna na itong lumakad palabas ng ER.

Agad nilapitan ni Jade ang isang kasamahan at kaeskwela. "Zoe, maaari ko bang ihabilin sayo sina Erica at Kristel?"

"Oo naman, sige na sumunod ka na kay Doc para maayos ito kaagad." Sagot naman nito, na hinawakan pa ang kanyang dalawang kamay upang iparamdam ang suporta.

Ngumiti siya rito, "Maraming salamat Zoe." At nagmamadali siyang lumakad papunta sa opisina ng doctor. Nang makarating roon ay agad siyang kumatok, inabutan na niyang may ilang maiedad na lalaki at babaeng nakatayo at nakakunot ang noo, lahat sila ay nakatingin sa kanya.

Nagbuntong hininga muna bago nagsalita ang may katandaan ng lalaki, ang Admin ng ospital na si Dr. Reynaldo Sales. "Ms. Anna Jade Chen, tama ba?" tanong nito sa kanya.

Kaagad naman siyang tumango bilang tugon.

"Nabanggit sa amin ni Dr.Cortez na hindi para kay Nurse Erica ang inuming may pambatulog, kundi para iyon saiyo. May ideya ka ba kung kanino iyon ng galing?" tanong nito sa malumanay na tinig.

Agad siyang nakaramdam ng takot, iniikot niya ang kanyang paningin at wala duon ang ama ni Gregory na si Dr.George Reyes. Nag-ipon muna siya ng lakas ng loob bago nagsalita, "Doc hindi ko po talaga alam kung sino ang nag-iwan ng shake para sa amin ni Kristel. Pero pwede po natin malaman mula sa canteen dahil nakasisigurado po ako na duon po binili iyon."

Agad nag-dial sa telepono ang Admin at ilang saglit lamang ay kausap na nito ang cashier sa canteen, ayon sa pagkakarinig niya ay pinapupunta dito sa opisina ang kausap sa kabilang linya. Lahat ng tao na nasa loob ng opisina ay pawang mga walang imik at naghihintay sa pagdating ng cashier mula sa canteen.

Humahangos at halos madapa si Andy ng dumating sa ospital, agad siyang sinalubong ng masamang balita ng security guard ng ospital. Nagmamadali siyang nagtungo sa ER ngunit wala duon si Jade, tanging mga kasamahan at ilang kakilala lamang ang naroon. Lumapit sa kanya si Zoe.

"Doc Andy, kung hinahanap mo si Nurse Kristel naroon siya sa Bed 5 at nasa Bed 4 naman si Erica." Sabi nito, agad niyang pinuntahan si Kristel at sumunod naman si Zoe sa kanya. Habang pinagmamasdan niya ang kaibigan ay ikinukwento naman ni Zoe ang ilang detalye na nalaman niya mula sa mga narinig niyang pinag-uusapan kanina.

Nakakunot ang noo niya habang pinagmamasdan ang kaibigan na kasalukuyang natutulog sa kama. Muli siyang nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga, "Zoe nasan si Jade?" tanong niya ng may pag-aalala sa kaharap.

"Nasa Admin office Doc Andy, siguro kailangan mo muna siyang puntahan. Hindi maganda ang pakiramdam niya kanina, medyo namumutla siya sa sobrang takot." May paggalang niyang sagot dito. Kahit na estudyante pa lamang si Andy ay kailangan na nila itong tawagin ng may paggalang.

"Salamat ng marami, ikaw na muna ang bahala sa dalawang iyan pagnagising. Tama ka ngayon ako kailangan ni Jade." Nginitian niya si Zoe bago tumalikod at may pagmamadaling tinungo ang Admin office kung nasaan ang babaeng minamahal niya.

Malalakas na katok ang gumulantang sa mga taong tahimik na pinanonood ang kuha ng mga cctv camera. "Come in" May kalakasang tugon ng isang Doctor. Agad namang pumasok si Andy ng marinig ang pahintulot mula sa loob na maaari na siyang tuymuloy. Agad hinanap ng kanyang mga mata ang dalaga, ganun nalamang ang kanyang panlulumo ng makita ito sa isang sulok na nakaupo at nagkukuskusan ang dalawang kamay tanda ng matinding takot na nadarama.

Bumati siya sa mga superior niya, "Good evening everyone, sorry to disturb you but I am here for Ms.Chen." magalang niyang sabi sa mga ito na agad namang ibinaling ang paningin sa dalagang nakaupo sa isang sulok.

"How are you related to Ms. Chen, Dr. Yhang?" Director Maximor asked him in lower voice.

"She is my..." Hindi alam ni Andy kung anong isasagot kaya naman tumingin siya kay Jade na tila ba nagpapasaklolo.

Gulat at saya ang naramdaman ni Jade matapos makita si Andy, gusto niyang tumakbo palapit rito at magsumbong ngunit pinigilan niya ang sarili pagkat alam niya na hindi ito ang tamang lugar para gawin iyon. Nanatili nalamang siya sa kanyang pwesto at nakinig sa usapan ng mga superior. Muli siyang nag-angat ng paningin ng magtanong ang director ng ospital kay Andy kung kaano ano siya, kitang kita niya ang mga mata ni Andy ng tumingin sa kanya. Para bang nababasa niya ang ibig sabihin ng mga titig na iyon. Kaya naman siya na ang sumagot ng walang pag-aalinlangan.

Malakas ang kabog ng kanyang dibdib ng tumingin sa director para sagutin ang katanungan nito kay Andy. "He is my boyfriend Director Maximor." Saka niya muling ibinaling ang paningin sa binatang kumikislap ang mga mata dahil sa kanyang isinagot.

"Okay then, you may come with us." Sabi pa nito na nakangiti sa kanilang dalawa.

Nilapitan ni Andy si Jade at hinawakan sa mga kamay, upang sa ganuong paraan ay maiparamdam niya rito ang kanyang pakikisimpatya at lubhang pag-aalala.

Inilapit niya ng bahagya ang kanyang labi sa tainga ni Andy, "Thanks for coming." Anas niya rito.

Isang napakagandang ngiti ang ibinigay ng binata sa kanya. Hindi tumigil sa pag-iimbestiga ang mga nakatatas sa loob ng dalawang oras na pananatili sa loob ng Admin office ay marami silang nakuhang ebidensya. Masyadong maganda ang ospital na iyon para hindi kayanin ang paglalagay ng mga cctv camera sa bawat sulok nito, sadyang itinago at hindi ipinaalam iyon sa mga tauhan. Lahat ng nasa loob ng silid na iyon ay hindi makapaniwala sa nakita at nalaman.

Isang malalim na buntong ang pinakawalan ni Dr. Sales bago tumingin kina Jade at Andy. "Maaari bang ilihim natin ang mga nalaman natin sa ngayon?" tanong nito at mababasa mo sa mga mata nito na may pinaplano ito.

Nagtatakang sumagot si Andy, "Bakit po kailangang ilihim hindi ba tayo gagawa ng hakbang upang maipahuli si Greg. Alam niyo po naman siguro ang mga bad records niya sa mga nakaraan?"

"Yes alam naming iyon. Maaari bang magtiwala kayo sa akin, ikaw Ms.Chen ang target ng anak ni Dr. Reyes kaya sa pamamagitan mo ay mahuhuli natin siya at maipakukulong ngunit kailangan mong makipag tulungan sa amin." Seryosong seryoso ito at tila ba nangungusap ang mga matang nagpapalipat lipat ang tingin kay Jade at Andy.

"Pumapayag po ako Admin, kung ito lang po ang paraan para mawala ang pangambang aking nararamdaman sa tuwing makikita ko si Dr. Greg. At para narin po mabigyang hustisya ang mga nabiktima niya." Tiimbagang niyang sinabi rito.

"Doc Andy, pumapayag ka bang isama namin sa planong ito ang iyong nobya?" Makahulugang tanong ni Director Maximor sa binata.

Pinakatitigan ni Andy si Jade at isa isa rin niyang tiningnan ang mga nakatatas sa loob ng opisinang iyon. Lumunok muna siya ng ilang ulit bago nagsalita, "kung pumapayag naman po si Jade ay wala akong magagawa, ayaw kong hadlangan ang mga plano nyo. Ang hiling ko lamang po sana ay pakaingatan ninyo ang babaeng pinakamamahal ko, natatakot po akong isugal ang kaligtasan niya ngunit kung ito ang paraan upang matahimik siya at mawala ang takot na nadarama eh sino ba naman ako para hadlangan ang bagay na alam kong makapagpapatahimik sa lahat." Mahaba niyang sagot na hindi inaalis ang tingin sa mga mata ng dalaga.

"Bueno ipatatawag ko na lamang muli kayo bukas, matapos naming pag usapan ang planong ating gagawin. Huwag kang mag alala Dr. Yhang lahat ng proteksyon ay gagawin natin para kay Ms. Chen. Sa ngayon siguro ay masmaganda kung iuuwi mo na muna siya, lumalalim na ang gabi at hindi ligtas kung uuwi siya ng mag isa." Sabi pa ng Admin habang hinihilot ang sariling sintido.

"Mag iingat kayo sa pag-uwi, Andy hijo ingat sa pagda-drive ha ikumusta mo nalamang ako sa iyong Daddy at Mommy." Paalaala ni Director Maximor.

"Don't worry uncle, makakarating po. By the way mauuna napo kami sa inyong lahat." Paalam ni Andy si Jade naman ay nakamasid lamang sa lahat at nagbibigay galang sa pamamagitan ng bahagyang pag yuko ng ulo sa mga nakatataas. Inalalayan siya ni Andy patungong ER upang tingnan sana sina Erica at Kristel, ngunit pagdating doon ay sinabi ng attending physician na naipahatid ng pauwi ang dalawa ng magising upang makapag pahinga kaagad.

Kinuha nalamang ni Jade ang kanyang mga gamit at saka sila umalis ni Andy. Tahimik sila sa byahe wala ni isa ang naglakas loob na magsalita, ng makarating sa unahan ng gate ay hindi kaagad kumilos si Andy para bumaba. Bagkos ay humarap ito sa dalaga at ginagap ang mga palad nito.

Nangingilid ang luha nitong nakatitig sa dalaga. "Kailangan mo ba talagang sumali sa plano nila, paano kung may mangyari saiyo. Jade mahal na mahal kita at hindi ko na kakayanin pa kung sakaling may mangyaring masama sayo."

Pinahin ni Jade ang luhang unti unting sumusungaw sa mga mata ng bitana. "Maraming salamat, huwagkang mag-alala lagi akong mag iingat para sayo. M—mahal na mahal rin kita Andy at hindi ko na kakayanin pang mawalay sayo, salamat sa lahat ng pagmamahal at pag aalaga----" Hindi na na Tapos ni Jade ang sasabihin ng biglang humigpit ang paghawak ni Andy sa kanyang mga kamay.

"Ibig mo bang sabihin ay.... Tayo na. sinasagot mo na ba ako?" madamdamin nitong tanong sa dalaga.

Matamis na ngiti ang lumitaw sa manipis at mapulang labi ni Jade, bago ito dahan dahang tumango. Sa sobrang tuwa ni Andy ay niyakap niya ang dalaga at agad na hinalikan sa noo.

"Pano pwede na ba akong pumasok 5minutes nalang masasarhan na ako ng gate?" tanong nito na hindi mawala wala ang ngiti sa mga labi.

Agad namang bumaba si Andy at saka siya ipinagbukas ng pinto ng sasakyan at inalalayan sa pagbaba. Muli niyang niyakap ang dalaga at saka pabirong itinulak papasok ng gate, "See you tomorrow baby I love you so much." Kumakaway kaway pa ito sa dalaga hanggang makapasok sa loob ng boarding house. Tuwang tuwa naman siyang bumalik sa sasakyan at muling pinasibad ang sasakyan pauwe sa mansion upang balikan ang mga magulang.

Sa di kalayuan, sa madilim na parte ng kalsada ay masama ang hilatsa ng pagmumukha ng isang taong nagngangalit ang mga ngipin sa sobrang galit. Ayaw niyang makita na hinahawakan ng iba ang nagugustuhan niya kaya naman sinisigurado niyang bukas na bukas ay hindi na siya papalpak pa magiging kanya ang dalaga sa ayaw man at gusto nito.