webnovel

BACHELOR'S PAD

Bachelor's Pad revolves around the men living on a five floor apartment (condo-type) building owned by Maki Frias, an elusive millionaire living at the top floor (But the people living in there doesn’t know he's a millionaire except one. They just know that he's a recluse, with a genius of a brain when it comes to information technology). It is located at the heart of the city but not as noticeable as other residential buildings. The building looks normal on the outside but it is high-tech and modern on the inside with very tight security. That’s why those who prefer extreme privacy and safety wants to live there. But there is a catch. This building is exclusively for men only at ang pwede lang tumira doon ay iyong personal na nirekomenda ng isang residente ng building. Bawal din magpapasok ng babae sa building. That is because Maki Frias is said to be a woman hater that he doesn’t want any woman inside his building. So when a man decides to live there, he must sign a contract that states that he abides that rule. But what if they fall in love?

MarickoYanagi · Teen
Not enough ratings
104 Chs

Chapter 22

LINGGO. Walang pasok si Jane kaya ang balak sana niya ay matulog lang maghapon. Hindi pa rin siya tinatawagan ni Charlie. At sa pagkakataong iyon ay napigilan niya ang sariling tawagan ang binata. Sigurado kasi siya na itatanong lang niya ang tungkol sa Vanessa na iyon at ayaw niyang maramdaman ni Charlie na apektado siya ng babaeng ni hindi pa nga niya nakikita nang personal.

Nakadapa pa rin siya sa kama at babalik na sana sa pagtulog nang makarinig ng katok sa pinto ng kanyang silid. "Jane, buksan mo ang pinto," tawag ng kanyang ina mula sa labas ng pinto.

Napabuga siya ng hangin at bumangon sa kama. Ni hindi na niya inayos ang magulong buhok, tutal ang mama lang naman niya ang haharapin niya.

Mabilis na binuksan ni Jane ang pinto. "Bakit ho—" Bumara sa kanyang lalamunan ang mga sasabihin at namilog ang mga mata nang mapagtanto na hindi lang ang kanyang ina ang nasa labas. Naroon din si Charlie, nakasuot ng simpleng maong na pantalon at puting T-shirt at may amused na ngiti sa mga labi habang nakatingin sa kanya.

"Ngayon, alam ko na kung ano ang hitsura mo kapag bagong gising," nakangiti pa ring sabi ng binata.

Tumawa ang kanyang ina. "Sige, maiwan ko na kayo at may lakad pa ako kasama ang mga amiga ko. Walang iistorbo sa inyo," pilyang sabi pa nito bago umalis.

Nag-init nang husto ang mukha ni Jane, pagkatapos ay tumikhim at muling tumingin kay Charlie na ngayon ay titig na titig pa rin sa kanya at hindi na nakangiti. "Ano'ng ginagawa mo rito?" Bigla siyang nakaramdam ng hiya. Wala siyang makeup kaya siguradong kitang-kita ng binata kung gaano kasimple ang kanyang hitsura.

"I need a date," sagot ni Charlie. Napasinghap si Jane nang hawakan ng binata ang magkabilang balikat niya at ipihit siya paharap sa kanyang silid. "Magsuot ka ng casual at komportableng damit. Jeans and a shirt. We're going to a feeding program with my friends."

"Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?" tanong niya at lumingon. Napagtanto niyang gahibla lang ang layo ng kanilang mga mukha. Nahigit niya ang hininga nang magtama ang mga mata nila ni Charlie.

Bahagyang humagod ang kamay ng binata sa kanyang balikat pababa sa kanyang braso. "Sweetheart, mamaya na tayo mag-usap, kapag nasa harap tayo ng ibang tao at walang kama na ilang pulgada lang ang layo sa atin. And most of all, when you're already wearing a bra," bulong nito.

Namilog ang mga mata ni Jane dahil noon lang niya naalalang spaghetti-strapped nightgown lamang ang kanyang suot. Pinisil ni Charlie ang braso niya bago siya marahang itinulak papasok sa silid at tuluyang pinakawalan.

Nang muling lumingon si Jane ay naisara na ng binata ang pinto.

MABILIS na naligo at nagbihis si Jane. Katulad ng sinabi ni Charlie ay jeans at simpleng blouse ang isinuot niya na pinarisan ng doll shoes. Dahil nagmamadali ay polbo at lipstick lang ang inilagay niya sa mukha. Pagkatapos ay agad na siyang bumaba sa living room kung saan naabutan niya si Charlie na may kausap sa cell phone.

"I have plans today. Tuesday, then." Biglang napatingin sa kanya ang binata nang maramdaman ang presensiya niya at nagpaalam na sa kausap nito.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na may plano tayong puntahan ngayon?" nagtatakang tanong niya nang makalapit sa binata.

Bahagyang ngumiti si Charlie at ipinaikot ang mga braso sa kanyang baywang na tila natural nang ginagawa iyon. "Surprise."

Iyon ang pangalawang beses na ginulat siya nang ganoon ng binata. Napabuntong-hininga na lang si Jane at natagpuan ang sariling nakatitig sa mukha ni Charlie. Pakiramdam kasi niya, ang tagal na niya itong hindi nakikita. Sumikip ang kanyang dibdib dahil sa emosyong pumuno roon. God, she had missed him.

Naging masuyo ang ngiti ni Charlie at umangat ang isang kamay upang maingat na iipit sa kanyang tainga ang hibla ng buhok na tumabing sa kanyang pisngi. Titig na titig din ang binata sa kanya na para bang katulad niya ay na-miss din siya nito. O marahil ilusyon lang iyon ni Jane dahil masyado niyang na-miss ang binata.

"Tara na?" aniya at akmang lalayo pero humigpit ang mga braso ni Charlie sa kanyang katawan at bahagya pa siyang hinigit palapit.

"Wait. Let me look at your face for a while."

Sumikdo ang puso ni Jane at umawang ang mga labi habang pinakatititigan siya ng binata na para bang minememorya ang mukha niya. "Did you miss me?" naiusal niya bago pa napigilan ang sarili.

Natigilan si Charlie at napatitig sa kanyang mga mata. Babawiin na sana niya ang sinabi nang bahagyang tumango ang binata. "I think I did." Pagkatapos ay malutong siyang hinalikan nito sa mga labi bago lumayo at hinawakan ang isa niyang kamay. "Let's go."

Awang pa rin ang mga labi na nagpahatak na lang si Jane sa binata.