webnovel

Chapter 1

Hay naku, panibagong araw na naman at ika-184 na araw na ang lihim kong pagkagusto sa kaklase kong si Vince. Araw-araw ko siyang tinitignan mula sa malayo. Nahihiya naman akong lumapit baka kutyain lang ako ng iba ko pang kaklase.

Si Vince ang isa sa pinaka gwapong senior high dito sa campus at isa rin sa mga campus idol. Aba e lahat na lang yata nasa kaniya na e. Gwapo, matalino, matangkad, mabait at mapagkumbaba.

Kung maganda lang sana ako ng ipanganak baka di ako mahihiyang lumapit kay crush.

Kaso hindi e, sa kamalas-malasan ang pangit ko noong lumabas.

Morena, hindi katangkaran, kulot at malabo ang mata. Isa lang yata ang maganda sa akin e, yung pagiging matalino ko. Iyon lang ang maipagmamalaki ko. Yeah, isang nerd nga ako.

"Ahhhh!" Napatili ako at napatalon-talon ng may ipis na dumapo sa damit ko.

"Hahahaha!" Napatigil naman ako at napalingon doon sa mga nagtatawanan.

Putik! Sila na naman ba ang gumawa ng kalokohang ito?

Bakit pa ba ako nagugulat e simula ng magtransfer ako dito lagi na lamang ako nilang pinagtitripan.

Last week nga umuwi akong basa dahil tinulak nila ako sa pool noong P.E namin. Mabuti na lang talaga marunong akong lumanggoy.

Sige pa rin sila sa kakatawa.

Sa isip ko, dapat makaganti ako sa ugok na Carlo na 'to.

Napangisi ako ng makita kong dadaan si Ms. Suarez, siya ang matandang dalagang terror teacher namin sa physical science.

Humanda ka ngayon Carlo. Matitikman mo paghihiganti ng nerd na'to.

Nanatili ako sa gilid na pinagtatambayan nina Carlo na sige pa rin sa kakatawa.

Nang mapadaan sa harap namin si Mrs. Suarez ay pasimple ko siyang pinalo sa pwet.

Nanggigigil sa galit na lumingon si ma'am kina Carlo na tawa ng tawa pa rin.

"Who the hell slap my buttocks!?" Sigaw niya kaya lahat napahinto pati na rin ang grupo ni Carlo. Ng walang sumagot tumingin siya sa akin. "Ms. Tuazon, ituro mo sa akin kung sino ang pumalo sa pwet ko?" Dahil na rin sa kaba at feeling na gusto kong tumawa ay tinuro ko si Carlo na itinanggi naman ng huli.

"Ma'am hindi ho ako. Baka siya, siya yung gumawa." Natatakot na depensa niya kay ma'am at ako pa ang tinuro.

Dahil isa akong mabuting estudyante alam ni ma'am na hindi ako magsisinungaling at hindi ko kayang gawin yon (iyon ang akala nila).

"Detention, Mr. Salvador." May diing utos ni ma'am kay Carlo.

"Ma'am--"

"NOW!" nakakabinging sigaw ni ma'am ng aangal pa sana si Carlo.

Nakangisi ko lang siyang tinignan habang naglalakad palayo.

Serves you right, asshole!

Naging maaga ang pagpapauwi sa amin dahil busy ngayon lahat ng teacher, SSG officers, club officers, etc. para sa nalalapit na founding anniversary ng school namin. Kahit first year ko dito sa St. Francis Academy ay nagbasa ako ng mga basic information about sa school na 'to. Every year na gaganapin ang selebrasyon na'to ay nagkakaroon ng parade at sa bawat taon na magpaparada may dress code na sinusunod at ang susuotin ng mga estudyante ay dapat related sa theme na ibinigay ng school head.

Oh By the way, my name is Sasa Belle Tuazon, ang nerd na pangit ng Grade 11 section Diamond.