{[ROUGE's POV]}
Para kaming mga electric fan na sira at nagtitigan na lang, tapos napangiti kami na parang tatawa na.
Bumuntong hininga ako.
"Buti na lang mas maaga tayong umalis." tapos nagtawanan na lang kami.
"MASAYA PA KAYO?!" galing na boses ang kumawala sa speaker ng robot.
"Pasensya po. Masaya, dahil hindi namin naranasan yung dinanas niyo po. Hindi po kami natawa dahil sa nangyari sa inyo." paliwanag ko naman.
Natahimik na lamang ang lalake.
Pagkaraan ng ilang minuto ay natapos na namin ang imbestigasiyon namin sa bahay na iyon.
Talagang kinilabutan ako sa kuwento ng matanda dahil napakatahimik talaga sa lugar na iyon at 'yong mga sinabi niya lamang ang maririnig.
Pumasok na si Liane at tumungo na kami sa isa pang biktima.
Higit sampung minuto pa ay nakarating din kami. Bumaba na at balik sa pagtatanong.
Hindi ganoong kalala ang mga yupi ng kotse niya. Mas maayos tingnan at hindi masyadong pansin ang mga ito.
Dating mga tanong para sa mga naging biktima.
"Nasa labas ako ng Central no'ng nangyari ang insidente. Nagpunta ako sa aking pamilya sa labas dahil bawal naman na ang 70 taong gulang pataas na mamalagi pa dito sa Central. Mga 9:00 siguro ng umaga na ako nakarating doon sa bahay nila." pagsasalaysay ng babae.
"Saan po 'yon?" tanong ni Liane.
"Sa Eastern Voulude sila nakatira. Malapit sa kumunektang ilog sa Northern Voulude, malayo kasi doon pero 'yon na lang ang pinakamaganda pagtayuan."
"Kailan niyo po 'yan napansin?"
"Noong bumisita ako, uhm.. about three days na rin."
"Sige po maraming salamat. Bibigyan na lang po namin kayo ng update pag meron na kaming nalalaman kung sino 'yong mga gumawa nito."
Ngumiti ang babae at pumasok na sa kaniyang bahay.
Umalis na kami sa 'di malilimutang tour namin sa Central.
Pagdating sa check point, pinakita ko ang ID at puwede nang lumabas.
Mula Western Voulude, kasi doon ang entrance papunta sa Central, hanggang Northern, nagshortcut na ako. Masyadong malayo kung iikot pa kami. Sayang gas, ta's 'di pa magbibigay ng pang-gas si Liane.
Hapon na no'ng nakabalik kami sa opisina. Nagreport na kami kay chief at pinauwi na niya kami.
"Rouge, baka naman... sa sasakyan mo?" parang nagmakaawang aso, tapos 'pag sasapak parang oso. Pero sige, pagbigyan kita kahit ngayon lang.
"Sige na nga, pasok!" tsinupi ko 'yong aso.
"YES!" natutuwang aniya.
Hinatid ko na siya sa bahay niya at pumunta sa palengke para bumili ng mga kakainin ko mamayang gabi, dahil sigurado akong mahaba-habang pagtatrial 'to sa mga kinuha kong kapiraso ng mga sasakyan nila.
Pag-uwi ko, nagluto, naligo, at kumain na ako para masimulan ko na ang aking gawain.
Magnifying glass, mga papel at microscope. Depende kung talagang maliit lang yung nakuha ko.
Nilapag ko ang isa sa mga papel at pinatong ko ang mga kinuha kong mga piraso ng mga sasakyan nila sa Northern Voulude. Lima lahat ang mga nakulekta ko do'n.
Ginamit ko ang magnifying glass para silipin kung meron bang mga discoloration o rust ang mga 'yon.
Napansin ko kasi noong nando'n pa kami sa mga posibleng tinalunan niya, napansin ko ang iba sa mga niyebe na nag-iba. Naging kulay green siya pero hindi mo siya maaaninag ng maayos dahil halos ang iba ay natabunan na ng hindi nagalaw na niyebe o kahuhulog lang.
Ang una hanggang sa pangatlong test ko ay nakita ko sa mga pirasong 'yon ang discoloration ng mga ito na naging kulay violet.
Pero hindi ko alam kung bakit naman magdidiscolorate ang mga 'yon. Do'n ako natagalan. Wala akong ideya kung bakit at paano ito nagbago ng kulay.
Kinuskos ko ang mas malaki ng kaunti sa isa pang piraso. Nawala ang ibang kulay ng mga ito. Natanggal lamang ang kulay ng bahagi na ikinuskus ko.
Binitawan ko ang piraso ng metal at magnifying glass para kunin ang aking cellphone para tingnan ang oras. 7:24 p.m. pa lang naman pala. Pwede pa akong lumabas para tingnan ang mga niyebe doon.
Kailangang makahanap ako ng mga nagkaroon ng discoloration na mga niyebe. Magiging malaking tulong ang mga yo'n sa research ko.
Naghanda na ako ng aking isusuot na pangontra ko sa lamig dahil siguradong maninigas ako mamaya sa labas.
7:26 p.m., pumunta na ako at nakarating ng 7:32 p.m. Bumaba ako kaagad hawak ang flashlight at naghanap sa ilalim ng tulay kung saan maraming mga nakitang bakas si Liane.
Do'n lamang nakatuon ang paningin ko at nagfofocus baka makakita kahit kaunti lang.
Higit sa sampung minuto na akong naghahanap do'n at wala ni isa akong nakita.
"Ano 'yon?" tanong ko sa sarili ko.
Parang meron akong naaaninag na isang anino ng isang tao ngunit hindi ko ito pinansin. Maaaring anino lang 'yon ng puno. Imposible kasing pumunta doon ang isang tao sa napakalamig na ilog.
"Sino namang lalangoy d'yan? Haha." balewalang tanong ko.
Sa baba lamang ang direksyon ng mata ko nang biglang bumulwak ang tubig dahil may nahulog na bato.
Dahan-dahan akong lumingon sa aking likuran kung saan ko narinig ang ingay at napansin kong lumapit ang anino. Kinutuban ako at bumalik sa sasakyan.
Kinuha ko ang isa sa mga extra pang jacket ko sa kotse. Inaninag kong muli ang nakita kong anino. Madilim, kaya ginamit ko na rin ang ilaw na dinala ko. Malayo ang maaabot nito at mas malakas kaysa sa ilaw ng cellphone ko.
Bumaba na ulit ako at nilapitan ito. Inilawan ko ang pa ang parte niya.
"SINO YAN?" tanong ko sa anino.
Mas lumapit pa ako at nakaapak na sa nagyeyelong tubig. Nilalamig talaga ako at nanginginig ako mula ulo hanggang paa.
Nakita ko na ang aking hinahanap. Mas malapit na siya sa akin at kita na ang buong katawan nito.
"ANG LAMIG DIYAN! UMAHON KA NA DIYAN!" pasigaw ko itong sinabi para marinig niya dahil maingay doon dahil sa pag-agos ng tubig sa ilog, mahangin tsaka 'yong mga nahuhulog na mga bagay sa mga tubig.
Walang sumagot, tinawag ko pa siya ng isang beses na medyo mas mahina.
+-+-+-+-+-+(+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+)
See u again on next chpaters...😉