webnovel

Ascending To Madness [PINOY]

Inis si Hiraya sa buong mundo or at least sa mundong kanyang ginagalawan. 'Bida... kontrabida.. pwe! Wala akong pake!' 'Background character... background character... pak you! Ibalik mo lahat ang mga pinaghirapan ko!' Flash! Bumalik muli ang lahat sa dapat nitong ayos.

ItsMagicPencil · Fantasy
Not enough ratings
64 Chs

Kabanata 60: Muling Pagkikita

(Hiraya)

"UWAAAAAA!"

"AAAAAAA??"

Anong nangyari? Fuck... ah shit! My head is spinning.. damn it. Hindi ko naintindihan ang mga sinabi niya, tangina lang. Paano kong maiintindihan? Umiikot ang paningin at kung saan saan nagba-bounce ang tinig niya. FUCK!

Tinitigan ko ang nakangangang bunganga ni babaeng baliw at naalala ang halik ni Mayari, something is really wrong about that kiss. Wala naman akong status na Confused, Poisoned or anything harmful.. pero pakiramdam ko talaga ay may itinatim siya sa katawan ko.

Nag-cast ako ng skill at kinulong sa loob non si babaeng baliw. I can't let this girl loose, papatayin niya lahat ng monsters, bosses at mga players sa dungeon na ito, "Kapag hindi ka umalis sa kulungan na yan, tutulungan kita sa skill upgrade mo and after this dungeon.. pupuntahan natin ang baryo niyo. Naiintindihan mo ba?"

Nakita kong mabilis siyang tumango kaya binuhat ko ang ginawa kong kulungang gawa sa tubig. Mag-iisip nalang ako ng paraan mamaya kung ano ang mas matibay na gamitin para sa kulungan ng baliw nato. Muli kong binalikan ang mga nangyari kanina.

The place is definitely from somewhere not of this world. Para akong nasa space, napakaraming bitwin sa kalangitan pero wala akong nakitang araw o buwan. If I guessed correctly isa iyong lugar na pinamamahalaan ng Moon Goddess, pero ang tanong ay bakit dalawa lang silang nilalang na nakita ko? Dalawa lang ba talaga sila roon or may iba pang nilalang pero hindi ko sila nakikita?

Kung dalawa lang talaga sila sa lugar na iyon ay sayang naman ang sobrang laki at lawak na habitat. Maybe hindi sila pinayagan ni Mayari na lapitan ako? Pero kung ganoon ay bakit? Atsaka isa pa.. that Servant is level 112, a weakass shit if you ask me. Level 25 palang ako pero nagawa ko siyang talunin.. maybe the gods ain't that strong after all.

No.. with that line of thought, para ko naring sinabi na isang baranggay tanod ang nagbabantay sa isang private and personal space ng isang reyna. Hmmm.. was that some kind of test? Yeah, that must be it. Shiz, pinagtatawanan na siguro ako ng Goddess na iyon.. I looked pathetic just fighting an insignificant Servant.

Nabura ang kamay at paa ko with just a minute of fighting, what if may mga sumunod pang Servant na kumalaban sa akin? What if dalawa agad ang kinalaban kong nilalang? Shit.. mahina pa rin ako. Kinagat ko ang dila ko nang mapagtantong masyado kong dina-down ang sarili ko. I just fucking killed a God's Servant!

"Babaeng baliw.. how many times mong puwedeng gamitin ang skill na Ritual?" Huminto ako sa pinakalabas ng building at ibinaba ang babaeng baliw. Nakatingin pa rin siya sa akin na para bang isa siyang asong dadalhin sa bahay ng mga kaibigan niyang aso para maglaro.

"Walong oras, noong una kong ginamit ang skill ay may lumabas din na babae pero hindi niya ako hinalikan gaya sayo. Ang sabi niya lang sa akin ay hanapin kita tapos nawala na siya na parang bula, tapos kanina hindi ko naintindihan ang nangyari dahil biglang nawala sa pokus yung mga mata mo at tumitig ka sa akin ng sobrang talim. Matapos ang isang segundo sumigaw ka kaya sumigaw din ako." Nakatagilid ang ulo niya habang nagsasalaysay, nakalagay din ang hintuturo niya sa kanyang ibabang labi.

A second? Maybe even lower than that, magkaiba nga ang time sa lugar na iyon at ang time sa lugar ng dungeon. I felt like months passed habang nandoon ako at naglalakad sa kumikinang at mabatong trail. Matagal ko ring tinitigan ang mga malamlam na liwanag mula sa mga puno, I don't know how long pero masasabi kong ilang buwan din yun. Don't ask me how I knew the time, simula nang malaman ko ang mga oras kung kailan nagdudura ng halimaw ang isang spawn point ay binibilang ko na ang segundo at oras tuwing may gagawin ako.

Hmmm? HHHMMMM!!

Ding!

[System Warning]

-User's current life span [23 hours 58 seconds]

Napailing ako ng ilang beses, hindi makapaniwala sa ibinigay sa aking warning message. FFFFFFFFFFFFFFF!

This is not happening!

No!

"Moon Lover, bakit ka umiiyak? Hoy! Uuuyyy!"

"Moon Lover!"

"Hoy.."

"ooy.."

Nagdilim ang paningin ko at tinakasan ako ng ulirat.

----

"HAHAHAHAHAHA!"

"Tangina! HAHAHAHAHA.."

"Oooof finally awake are we?"

Shit, where am I? Nakarinig ako ng napakaraming pagtawa kaya ako nagising, susej.. hindi ka ba tinuruan ng magulang mo na huwag maingay kapag may natutulog? Tulog? Shit!

Ah fuck! Nakita ko sa di kalayuan ang isang napakalaking nilalang, sakanya nanggagaling ang walang humpay na pagtawa. Mahaba at natatakpan ng puting buhok niya ang buo niyang mukha, nakayuko siya kaya wala akong makita bukod sa buhok niya at ang koronang ginto sa kanyang ulo. I felt like I was describing a piece of shit.

"How are you my old man?" Diniinan ko ang pagpalad sa mata ko at nang dalhin ko sa harap ng paningin ko ang palad ay duguan iyon. Shiz, bakit ang mata ko pa?

"Well, fuck you for staters..."

"Fuck you!"

"No you fuck you!"

"Bitch!"

"Tama, you're my bitch remember? Cough-"

"Damn it, bakit andito nanaman ako?"

Wala talaga akong napapala kapag kausap ko ang matandang kupal nato, puro mura at mura at mura lang ang usapan namin. What is that? Ngayon ko lang napansin, may isang nakatarak na punyal sa kanyang kaliwang dibdib. Kung hindi pa siya umubo ay hindi ko mapapansin ang dugo sa kanyang bibig, pinunasan niya iyon kaya't nakita ko ang punyal.

Agad akong tumakbo papunta sakanya, inakyat ko ang kaliwa niyang paa papunta sa tuhod at ginamit ang laylayan ng damit niya para akyatin ang kaliwa niyang braso. Nang marating ko ang kaliwa niyang dibdib ay tumalon ako papunta sa armas, inapakan ko iyon ng buong lakas pero hindi man lamang ito gumalaw, the weapon is almost 50 times my size.. at ang tanging nakalabas na lamang sa dibdib niya ay ang hawakan ng punyal. Damn, ibabaon ko pa sana para matuluyan na siya pero hindi ko magawang pagalawin ang punyal.

HAHAHAHAHAHA!

"Stupid mongrel!"

Tumalon talon ako sa armas at pilit na pinagalaw pero nang mapagtanto ko na hindi talaga gumagalaw ang armas ay tinigil ko nalang at naupo ako roon. Kita ko na ang panget niyang mukha, shit.. I don't want to look like him kapag tumanda na rin ako. He's so ugly I couldn't find a better word for it, just damn ugly. Nadagdag lang ang mga pino at parang buhangin na tumatakas sa kanyang mukha.

"Ha! Finally dying are we?" Pang-uuyam kong bigkas.

"Nah, not as fast as you will." Pagbabalik naman niya.

"How's life down there my boy.. cough."

"Fucking lowlife! Arg!" Pinunasan ko ang isinuka niyang dugo sa akin, puwede namang umubo sa ibang direksyon, talagang itinutok pa sa akin! How's life? Napayuko ako, life?

"Tell me what is life again?" Tanong ko.

"Awe, so cute.. cough."

Tangina nanandya talaga, naligo na ako sa dugo ng matandang kupal.. buti sana kung.. damn! I almost forgot! Ininom ko lahat ng nagkalat na dugo sa paligid, nakarinig ako ng ilang notifications kaya naman dinilaan ko lahat ng puwede kong dilaang dugo.

AHAHAHAHAHAHA!

Shit! Tinigil ko ang paghigop at pagdila nang wala na akong makita pang patak ng dugo. Nakakuha ako ng dalawang title at siyam na level. God's Blood is really amazing, ang dugo ni Ma-ay ay kakaunting exp lang ang binibigay pero ang dugo ng matandang kupal.. parang elixer ng experience points. My experience pool is now on the 12 digits and I gained so much stat points, and more importantly.. life span.

Pinunasan ko ang bibig ko at tinitigan ang panget niyang mukha. Maririnig pa rin sa buong paligid ang dagundong ng kanyang pagtawa. Idinilat niya ang kaliwa niyang mata pero agad din iyong nagsara.. nakita ko ang reflection ko roon at hindi ko napigilang mamasa ang mga mata ko.

"Stop being a fucking cry baby! Jesus Chirst, you son of bitch.. paano mo ako mapapatay kung hanggang ngayon napaka hina mo pa rin? Suck a cock, baka kapag ginawa mo yon mas maraming exp ang makuha mo... hahahahaha!"

"Enough with the useless shit. Let's talk for real." Pinunasan ko ang mata ko at tinitigan siya ng mabuti. Ngumiti siya ng konti pero lalo lang akong naasar.

"What's there to talk about? Just kill everybody just like you used to do. A world's worth of experience is not enough to kill me anyway."

Napailing ako sa mga sinabi niya, I don't want that to happen. Muli kong ibinalik ang tingin sakanya at nagsalita, "Sino ka ba talaga? At bakit mo ginawa ito sa akin? I know I've asked this too many times, baka puwede mo nang sabihin sa akin? You're dying anyway.."

"Fuck you! You're dying, buong angkan niyo ang mamamatay bago ako matuluyan hahaha.. Hindi ba't sinabi ko na sayo. I am what I am, and you're my bitch. That's all."

"Puwede bang sumeryoso ka naman kahit minsan lang? Tangina ka talaga e no... alright fine then. Anong nangyari sa Love Story World? Bakit naging RPG?" Sobrang naiilang na ako dahil hindi gumagana ang isang mata ko, tinusok ko yon at binunot.. nag-cast ako ng healing spell at tumubo itong muli matapos ang ilang minuto.

HAHAHAHAHA!

"That wont work, bulag na ang mata mong iyan.. want a trade? That Moon Bitch made a contract with me, sabi niya ikaw ang long lost lover niya pero ang sabi ko isa lang siyang puta na hayok sa tite.. and you see here hahahahaha, she fucking stabbed me with a toy knife.. HAHAHAHAHA!"

Damn, that sure hit the spot. Hayok sa tite, gago! Hindi pa rin niya sinasagot ang tanong ko but the contract they made.. maybe that's the reason kung bakit naging RPG ang LS World. Does that matter? Syempre kailangan kong malaman kung ano ang kontratang sinasabi ng matandang kupal nato.

"Ano namang kontrata ang ginawa niyo?"

"Nothing much to worry about. Atupagin mo muna ang dungeon, paglabas mo.. there will be surprises kaya kung ako sayo ay ubusin mo lahat ng players sa loob. HAHAHAHA give me more souls to play with, akin na lang kasi yang mga nasa likod mo bakit ba ayaw mo ibigay? Not that I can't steal it from you.."

Nakaramdam ako ng kirot sa likod ko, sa gita ng aking gulugod.. ah shit! Ilang sandali lang ay nawala rin ang sakit at lumitaw ang isang babae sa harapan ko, hubo't hubad siya at lumutang ito papunta sa sugat na ginawa ng punyal sa kaliwang dibdib ng matandang kupal.

"Hey, that's mine!" Pinigilan ko ang lumulutang na babae, lumingon ito sa akin at nagkatitigan kami.. umiling-iling ako at tumigil siya sa ere at nagpasyang bumalik sa katawan ko. Ah, that's better.

"What a tease, HAHAHAHA.. go on now, I don't like seeing that face of yours. And oh.. by the way, wag mo nang balakin na patayin si Borhe."

Nabalot ng makinang na ilaw ang buong katawan ko at nang iminulat ko ang mga mata ko ay nakita ko nanaman ang nakangangang bunganga ni babaeng baliw. Hindi na ako ulit sumigaw dahil masakit ang lalamunan ko dahil ampanget ng lasa ng dugo ng matanda kupal. Tumayo ako at tinitigan ang pulang kalangitan sa himpapawid. Those bitches.. pinaglalaruan nila ang katawan at buhay ko, masyado talaga akong mahina.

Too weak to fight back.

Too weak to have my own freedom.

I can't even do shit for myself, kailangan kong mag-rely sa tulong ni Mayari.. kailangan kong dilaan na parang gutom na gutom na aso ang experience points mula sa dugo ng matandang kupal nayon. Kailangan kong gamitin si Ma-ay dahil ayoko nang madagdagan ang pasanin ko sa likod, kailangan ko ring gamitin ang kapatid niya dahil alam kong kahinaan iyon ng MC ng Love Story World.. kailangan kong gamitin ang mga nilalang mula sa ibang dimensyon para magkaroon ng sandatahang lakas.

Kailangan kong gamitin si Makaryo at Magdalya para sila na ang aako sa mga responsibilidad na iiwan ko pagtapos nitong dungeon, kailangan ko ng mga kaibigan para mabawasan ang lungkot at para na rin magsilbing kabayaran sa mga kasalanang ginawa ko.

But everything is just bullshit..

Every last bit of words in this story is bullshit, because wala akong maintindihan sa mga nangyayari at kung bakit ko ito ginagawa.. bakit ako binigyan ng malay, bakit ako nagkaroon noon at para saan... kung sana lamang ay iba nalang ang gumaganap sa karakter ko, andoon pa rin sana ako sa tabi ng bintana at nakatitig sa mga lumilipad na ibon.

Isang payapang tanawin na abot tanaw pero hindi abot kamay.

Salamat sa pag boto @johndrewmac

ItsMagicPencilcreators' thoughts