webnovel

Prologue

Naalimpungatan ako nang may tumapik na maliit na kamay sa pisngi ko kasabay ng sunod-sunod na halik sa magkabila kong pisngi at pati sa labi ko, napangiti ako at nauwi sa masayang tawa dahil nakikiliti ako sa ginagawa ng maliit na bata sa akin.

Nagmulat ako ng mga mata ng dahan-dahan at nabungaran ko ang napaka-gwapo kong anak kinabig ko siya at niyakap ng mahigpit.

"Are you awake, Mama?" Malambing niyang tanong saka isiniksik ang ulo niya sa leeg ko.

Para talaga siya ang ama niya kung paano siya maglambing at kung paano yumakap, yong tipong hindi kana makahinga dahil sa mahigpit niyang yakap.

"Yes, baby because you wake me up with your hugs ang kisses." Malambing kong sagot sa kanya napaangat siya ng tingin at nakangiting muling yumakap sa akin.

My son is my life, kahit na muntik na siyang mawala sa akin noon ay lumaban siya para sa aming dalawa.

Siya kasi ang dahilan kung bakit ako naka-recover sa sakit noong mawala sa akin ang kanyang ama.

Mayamaya pa ay bumangon na ako at saka ko binuksan ang TV, ang anak ko ay busy na sa panonood ang paborito niyang palabas pumunta ako sa banyo para maligo at para na rin makababa na kami.

Pinatunog ko ang ipod na nandito sa banyo isang musikang hinding-hindi ko pagsasawaang pakinggan napapikit ako at ninamnam ang may kalamigan na tubig sa katawan ko.

Pagkalabas ko ng banyo ay nakita ko ang baby ko na tutok pa rin sa panonood ng cartoons habang nakadapa na sa unan ko kaya napangiti ako, ito ang gusto ko sa anak ko hindi siya malikot at kapag sinabihan na behave lang ay sinusunod niya ito hindi katulad ng ibang bata na puro kalat lang ginagawa at sa paglalaro lang nakatoon lahat ng oras.

Ang anak ko ay may mga routines rin at ang sabi ni mama habang bata pa ay kailangan na ng disiplina, kaya sa umaga ay hinahayaan ko lang siyang manood habang naliligo ako at pagkatapos ko ay bababa na kami para kumain ng agahan.

Pagkatapos namin ay palililuguan ko na siya at ibibigay na sa nanny niya na isang professional na tutor ito ang nagtuturo sa anak ko na magsimulang magkulay, pag-aralan ang mga letters and numbers.

Napatingin ako sa mga litratong nasa ibabaw ng lamesita at isa-isang muling tinignan, ang mga taong naging malaki ang bahagi sa buhay ko ang bestfriends ko sina Aika, Nia, Maria, Agneta, Shin, Irham, Justine, at ang buong Guren Organization.

Matagal na rin palang panahon mula ng huli ko silang makita yong araw na huling nandito pa siya ang lalaking pinakamamahal ko. Muling nag-uunahang tumulo ang mga luha sa mga mata ko kaya tinakpan ko ang bibig ko para hindi marinig ng anak ko.

Parang gusto ko muling balikan ang unang araw na nakilala ko siya ang unang araw na nagtagpo ang aming mga mata, at ang unang araw na tinawag niya akong 'Sweetheart' ang lambing sa boses niya tuwing babangitin niya ang pangalan ko gusto kong balikan ang araw na iyon ang unang pagkakataon na sinabi niyang ako ang nag-iisang babaeng pinakamamahal niya at ang huling babaeng mamahalin niya habang-buhay.

Paano nga ba kami nagsimulang bumuo ng mga pangarap na sa estado ng mga buhay namin parang suntok sa buwan wika nga sa kasabihan, pero pinilit namin dahil hanggang sa huli ay pinaglaban niya ako kami ng anak namin.

Magsisimula ang kwento namin limang taon na ang nakararaan...