webnovel

CHAPTER 8: I'M TIRED

MARCO'S POV:

Wow nakakapanibago lang nasasapian ba itong lalaking ito at humiling na lutuan ko. Siya lang din ang unang pumansin sa akin pero kahit anong pakulo mo Mr. Sandford. Natapos na rin ako sa pagluluto tsaka ko inilapag yung mga niluto ko sa dining table at nagsimula na itong sumandok. Grabe ang awkward lang ganito pala yung pakiramdam kapag kasabay mo siyang kumakain nakakailang lang..

" Wag mo akong titigan, parang tinutunaw na ako sa sobrang pagkatitig mo." sabi nito habang humihigop ito ng sabaw. Hindi ko na lang siya pinansin at itinuon ko na lang din ang atensyon ko sa kinakain ko. Susubo palang sana ako ng bigla niyang basagin ang katahimikan na bumabalot sa loob ng dinning area. Na ikinagulat ko na man ito dahil muntikan ko ng maitapon yung sabaw.

" Pwede ba magpalit ka ng damit and don't show your face to my friends when you wear like that." malumanay nitong utos sa akin. Bakla….. ang lolo niyo nagseselos na yata sige Kohen tignan natin ngayon kung saan aabot ang pasensya mong P*tang ina ka.

" Ayoko nga okay naman itong suot ko tsaka bahala ka sa buhay mo." sagot ko ito sa kaniya at lumabas sa dining area na dala-dala yung plato ko at mangkok tsaka dumeretso sa Clubhouse ng mansion.

Saktong sakto naman ang pagdating ko sa loob ng Clubhouse dahil nandun pa rin yung nga kaibigan ni Kohen at kasalukuyang naglalaro ito ng table tennis. Lumapit ako sa kinauupuan ni Gwen ngayon para dun ipagpatuloy ang kinakain. Nakakainis siya parang walang nangyari kagabi ah kung umasta ngayon parang concern task bahala siya sa buhay niya. Gawin niya ang gusto niyang gawin.

" Mukhang masarap ang kinakain mo ngayon?" paningit ni Gwen

" Di naman masyado sakto lang kumain Kana ba?" tanong ko sa kaniya tsaka umiling naman ito.

" Kaya nga kami nandito para makikain sinabi ko kasi sa kanila na masarap kang magluto kaya nga nagdala pa kami ng kunting makakain rin." paliwanag nito at ikinararangal ko.

😭

" Ah kaya pala, may natira pa dun sa loob pakikuha na lang tinatamad na kasi akong pumasok sa loob." utos ko sa kaniya pero ang totoo ayaw ko lang makita si Kohen.

Hindi naman ito nagtagal dahil agad din itong dumating na may dala-dalang pinggan lumapit sila sa akin at inilagay din nila ang dala nilang roasted chicken, ngunit sa di kalayuan naman nakatayo si Kohen sa sliding door at nakatingin sa amin. Bigla din itong umalis ng mapansin niyang nakatingin ako s kanya.

" Kayo huh!? Di niyo sinabi agad?" tanong ko sa kanila habang busy sila sa pagkain.

" Eh? Alam mo naman itong si Zhyane daming alam na kalokohan. Pero nasaan si Kohen bakit hindi man lang makisama sa atin." sabi ni Gilbert tsaka kumagat sa thigh ng manok. Hindi ko alam ang isasagot ko ngayon sa kanila, akala ko kasi hindi na nila ito papansinin.

" Ah si Kohen, wala tapos na rin kasing kumain malamang nasa silid na niya ito. Alam niyo naman siya diba?" pagsisinungaling ko s kanila na ikinatango naman nila.

Dapat lang sa kaniya bakit nung naghahabol ako pinansin ba niya ako.

Agad din kaming natapos kumain at napagpasyahan namin ni Gwen na kami na lang maghuhugas sa mga pinagkainan namin. Dahil wala din akong masyadong gagawin ngayon stay out kasi yung katulong namin kaya walang ibang maghuhugas ngayon kundi ako lang.

Pumasok na kaming dalawa sa loob na dala-dala ang mga hugasin at saktong sakto naman nasa sala si Kohen at busy ito itong nakatutok sa pinapanood nitong series sa isang Netflix.

Nakangiting nakatingin sa akin at nakikita ko sa kanyang mga mata ang pagkalungkot nito ngunit biglang kumunot ang noo nito ng makita niya si Gwen na papasok palang hindi ko na ito pinansin at dumeretso na lang sa kusina. Nakatayo parin si Gwen sa harap ni Kohen at mukhang nag-uusap itong dalawa ng masinsinan.

" Gwen ano na? Yang hugasin chismosa ka din palang tu*mol ka?" pagsigaw ko kay Gwen at napatingin din Kohen sa akin na nakikita ko sa kaniya ngayon ang pagkainis tsaka nakarinig ako ng may binato ito sa dingding.Napangiti na lang ako dahil sa napatunayan kong nagseselos ngayon si Kohen.

Sige Marco Dyne inisin mo lalo.

Napatingin ulit ako sa kinaroroonan nito ngunit wala na ito sa kinauupuan niya malamang nasa silid na niya ito, ganoon lang naman siya lang palagi kain, nood, tulog, trabaho ganiyan umiikot ang buhay ng lalakeng yun. Kaya dapat lang sa kaniya na maramdaman din niya ang mga pinaparamdam niya sa akin noon.

Ilang minuto ang makalipas ng natapos na rin kaming nakapaghugas ni Gwen at napagpasyahan na rin nilang umuwi muna sa kanilang tahanan dahil na rin kinakailangan daw sila ng kanilang mga magulang. Nagpaalam na ang mga ito tsaka nagsialis na, napa-buntong hininga na lang ako ng mapansin kung maging tahimik na naman ang mansiyon.

Paakyat palang sana ako ng hagdan ng makita ko siyang natayo ito sa taas at mukhang ako ang hinihintay nitong makaakyat, tinawag niya ang pangalan ko ng makatapat ako sa kanya na mas lalong ikinakabog ng dibdib ko.

" Marco, mag-usap naman tayo?" pagtawag nito sa akin. Ngunit hindi ko ito pinansin nilagpasan ko lang ito ngunit agad niyang ipinulupot ang kamay nito sa aking baywang dahilan para masubsob ako sa dibdib nito.

Marco shemay... Wag kang magpapaapekto sa kaniya isipin mo kung gaano ka niya sinaktan.

" Ano ba Kohen, bitawan mo nga ako! Hindi ka pa ba masaya? Magagawa mo na lahat, malaya ka ng makapagdala ng mga babae rito. Dahil ako sawang sawa na ako sa kakahabol sayo!" galit na sagot ko sa kaniya tsaka agad ko itong tinulak ngunit sadyang mahigpit ang pagkakayakap nito sa akin.

" Hindi, bakit ko naman gagawin yun Marco? Kasal naman tayo diba?" malungkot nitong sagot.

" Ano kasal? Nagpapatawa ka ba P*tang ina Kohen oo nga kasal nga tayo pero sa papel lang. Kaya bitiwan mo ako!" pagpupumiglas ko.

" May pinagmamalaki kana ba kaya ganiyan ka ngayon? Si Gwen ba, siya ba ang dahilan." mangingiyak na tanong nito sa akin tsaka pumiglas ito mula sa pagkayakap nito sa akin.

Hindi ko na lang ito pinansin kahit umiyak pa ito sa harapan ko at agad akong pumasok sa loob ng kwarto ko. Masakit man isipin na nasaktan ko ang damdamin nito pero nararapat lang din sa kaniyang maramdaman iyon dahil ilang beses na rin niyang pinagmukha sa akin. Napaiyak na lang ako bigla ng marinig ko pa itong kumakatok sa pintuan ng aking silid.

" Please.... Marco please?" tanong nito habang kumakatok ito.

Marco wag mong bubuksan wag kang nagpapaawa effect diyan, isang malaking patibong sasaktan ka ulit nito.

Napahiga na lang ako sa kama ng maramdaman kong huminto na ito. Hindi ko akalain na ang isang Mafia Boss ay iiyak dahil lang sa akin. Kailangan kong libangin ang sarili ko ngayon, kailangan kong makalimot na rin. Kaya't naisipan kung tawagan na lang si Gwen para yayaing lumabas gusto ko kasing gumala ngayon dahil kailangan ko rin ito kahit minsan lang mangyari sa buhay ko.

Di naman pwede si Fredo kasi may inaasikaso rin ito, kung si Kohen naman ang isasama ko ngayon hindi naman pwede kasi masama pa rin ang pakiramdam ko sa kaniya.

" Hello Marco, what's bring you call there something wrong?" nag-aalalang tanong ni Gwen mula sa kabilang linya. Napatawa na lang ako sa inaasal niyo minsan kasi nagiging OA na rin ito minsan.

" Hahahahaha... Ano ka ba? Your over acting Gwen I call you kasi gusto ko sanang magpasama sayo kung pwede ka."

" Akala ko kasi may nangyari masama na naman sayo tsaka pwede naman kitang samahan wala din naman akong appointment ngayon." sagot nito.

" My gosh.. thanks Gwen baka nakakaistorbo na rin ako sa'yo ngayon. Kita na lang tayo mamaya sa mall." sagot ko sa kaniya.

" Hindi hihintayin mo na lang ako diyan sa inyo baka may mangyari pa sa'yong di maganda, hindi ko na talaga mapapatawad sarili ko." paliwanag nito.

" Wag na Gwen I can handle it."

" No I insist, mapapatay ako ni Kohen kapag may nangyari sayo."

" Haytsss... May magagawa pa ba ako. Oo na hihintayin nakita okay I hang-up this call see you later." pagpapalam ko sa kaniya.

" Sige, see you later Marco." paalam nito tsaka niya ibinaba ang tawag.

Mag aala-una na ng hapon kaya't napagdesisyunan ko na lang maligo na at ilang oras din ang itatagal ko sa loob ng banyo hoy.... Wag kayong ano diyan tinungo ko ang walking closet ko para kumuha ng damit na maisusuot ngayon nakasanayan ko kasi sa loob ng banyo magpalit. Isang oversized white tshirt na may naka-print na salitang bahaghari ngunit sa baybayin ito sinulat at isang kulay black na denim cargo. At isang puting sapatos Ito ang napili kong isusuot ngayon.

Tumingin ako sa pulsuhan ko at saktong sakto alas tres pasado na din pala grabe ang tagal ko sa loob ng banyo. Kinuha ko yung belt bag ko na iniregalo sa akin ni Fredo tsaka agad na nilisan ang aking silid. Napatingin ako sa pintuan na katapat ng kwarto ko, nandiyan pa rin ba si Kohen o lumabas na rin ito.

" Hello, Mr. Sanford you look damn handsome." pagbati ni Gwen ng makababa ako ng hagdan kanina pa ba siya dito.

" Thank you for the compliment Mr. Vaughn at bago ko nga pala makalimutang sabihin you look damn hot in your outfit." sagot ko sa kaniya na ikinapula naman niya.

Totoo yung mga sinabi ko sa kaniya na ang init niyang tignan dahil sa suot nitong t-shirt na kulay puti tapos fitted black jeans na pantalon at kulay puti na Converse.

" Pagkaalam ko di naman natin pinag-uusapan kanina kung anong isusuot na sapatos." tanong ko sa kaniya. Halos parehong pareho kasi ang naisuot naming sapatos.

" Yohh.. hindi ko agad napansin." hindi makapaniwalang sagot nito.

" Hahahahaha.... What a coincidence tara na baka maabutan pa tayo ng traffic ngayon." pag anyaya ko sa kaniya. agad naman itong lumapit si Gwen at napatingin ako sa second floor kung saan nakatayo si Kohen at namumula ang mga mata nito. Tumulo ang mga luha nito at napayuko na lang ng mapansin niyang inakbayan ako ni Gwen.

Pagkalabas namin sa labas ng mansion agad bumungad sa akin ang isang kulay orange na FRAZER-NASH namir na sport car at gaya dati pinagbuksan ako ng pintuan ng kaniyang kotse tsaka inalalayan na makapasok sa loob nito dahil sa sobrang ambaba.

Tahimik naming binabagtas ang maluwag luwang pang daanan, kahit isa walang bumasag sa katahimikan na nanaig sa loob ng kaniyang kotse hanggang sa ipinasok ito sa basement parking ng mall. Agad naman kaming nakapasok sa main entrance dahil kilala nila si Gwen na dahilan para magsigawan naman ang mga ilan ilang tao na papalabas sa exit dahil sa kasama ko ngayon.

" Kyaaaah.... Nandito si Papa Gwen!" sigaw ng babaeng tama lang ang tangkad nito. Ngunit hindi man lang pinansin ni Gwen dahil sa nagmamadali rin kami.

" Sh*t public place pala ito nakalimutan kong magsuot ng cap." panimula nito habang naglalakad kami sa loob ng mall.

" And wait alam ba to ng asawa mo?" agad naman akong tinanong.

" Ah... Yun aasa ka doon Gwen wala ngang pakialam sa akin."

" WHAT!, Paano mo naman nasabi eh kapag mag-alala ito kulang na lang mapatay kaming mga kaibigan niya." sagot naman niya.

" Hayy... Ganito kasi yan siya dapat ang kasama ko ngayon kung may pake talaga yung gag*ng yun. At kung tutuusin parang ikaw yung asawa ko at hindi siya dahil nasa tabi mo ako lagi at hindi siya." malungkot na sagot ko sa kaniya at pinatong naman niya ang kamay nito sa buhok upang guluhin.

" Malay mo may rason lang kung bakit hindi niya magawa gawa ang tungkulin niyang pangalagaan ka niya. Pero kinilig din ako sa sinabi mong parang asawa mo na rin ako. Ayieeeh". Sagot nito na ikinangiti ko naman.

" Rason? Siguro may rason nga siya kaya di niya kayang gampanan ang pagiging asawa nito sa akin. Tsaka alam kung nu'ng simula pa lang na hindi na niya ako magugustuhan at iba ang gusto nito."

" Mas masaya nga ito sa Shantal Dawson na yun kaysa sa tunay niyang asawa eh.. ano pa ba ang laban ko dung p*tang i*ang babae na yun." mangingiyak na pagsagot ko sa kanya.

Napa Laki naman ang nga mata ni Gwen ng marinig niya ang lumabas na nga hinanakit ko tungkol sa asawa kong gago." What do you mean Kohen have a girlfriend and his girlfriend name is Shantal." Takang tanong nito sa akin tsaka bigla na akong niyakap.

" Tahan na di mo deserve na masaktan, tsaka malulutas mo rin itong problema na to?" dagdag pa nitong tanong sa akin.

" Mahabang kwento." sabi ko sa kaniya tsaka pekeng ngumiti.

" Wala akong pake kung mahabang istorya ang importante malaman ko, tell me how come you said Kohen have girlfriend?"

" Naalala mo ba nung sinabi ko sayo na bisitahin ko si Kohen sa kumpanya nito." panimula ko at agad naman itong tumango.

" Oo naalala ko." tipid nitong sagot.

" So ayun na nga pumunta na nga ako sa opisina ni Kohen at nagulat ako kung ano ang nakita ko sa loob ng silid na yun."

" Nakita ko siyang may kahalikang babae." sabi ko at hindi ko na lang namalayan na agad tumulo ang luha ko na agad naman niya itong pinunasan gamit ang kanyang panyo. Pinagtitinginan na kami ng mga tao dahil sa kalagayan namin at baka sabihin nilang nakipaghiwalay si Gwen sa akin. Baka isipin ng mga tao na mapabalita itong si Gwen.

Napatingin ako ng biglang hawakan ni Gwen ang kamay tsaka hinila papasok sa elevator. Hindi pa rin maalis ang mga tingin ng mga tao sa amin yung mga iba sinasabi nilang.

" Ahhh... Ang cute nilang dalawa"

" Ayieeeeh. Sabagay pareho silang gwapo."

" Ay sana all kayo na?"

Yan ang mga naririnig ko sa mga nadadaanan namin mga tao. Napa Sunod na lang ako kay Gwen hanggang sa makarating sa ikatlong palapag ng mall at pumanhik sa loob ng Tom's world.

Sumaya pa rin ako kahit paano dahil laging nandyan si Gwen para samahan ka palagi. Siguro maging maswerte yung taong nagmamahal kay Gwen dahil hindi ito mahirap mahalin, dahil lahat ng katangian ng lalaki meron sa kaniya maliban sa pagiging mahangin na minsan. Kaya din siguro napalapit ang loob ko dahil na rin siguro sa araw araw nitong paghahatid sa akin.

Mahuhulog na yata ako sa kaniya!

________________________________________

A/N: Chapter 8 is already Done omg ano tong kaganapan na this mahirap na May masasaktan.

Oh.. mas lalong naging intense na ang kaganapan.

Dapat lang Marco iparamdam mo rin kay Kohen ang mga ipinaranas sayo.