webnovel

Chapter 80: Panibagong Adventure

Lumapit si Arnie kay Zeus at inilahad ang mga kamay upang ibalik ang maso at kidlat. Sukat doon ay biglang lumutang ang maso mula sa kanyang kamay patungo sa...

Laking gulat ni Zeus na kasalukuyang naka lahad ang dalawang kamay ng makitang lumutang ang kanyang maso at kidlat, patungo sa...

Likuran ni Arnie??? Parang may mga isip ito na nagtago sa likod ni Arnie at ayaw bumalik sa dati nilang amo na si Zeus.

Neptuno: ah??? kapatid ko.... ang maso at kidlat mo, nagtatago? Ayaw bumalik sa'yo???

Zeus: Kalokohan!!! ako ang tunay na nag mamay-ari sa kanila, hindi maaaring hindi nila ako kilalanin!!!

Neptuno: hindi kaya.... hindi mo pa lubos na naibabalik ang kontrol mo sa kanila? Ang tanong ni Zeus sa kapatid.

Zeus: marahil nga. Ang sagot nito at humakbang na palapit kay Arnie.

Si Arnie naman na nag aalala dahil baka isipin ni Zeus na gusto niyang agawin ang kidlat at maso ay napa kamot sa ulo na hinarap ang maso at kidlat na nagtatago sa kanyang likuran.

Arnie: Kidlat at Maso... sige na naman, bumalik na kayo kay Zeus. ang pakikiusap ni Arnie sa kidlat at maso.

Para namang naintindihan siya ng mga ito na gumalaw na para bang umiiling at ayaw pumayag.

Zeus: 😬😬😬

Neptuno: 😬😬😬

Prinsipe Borjo: 😬😬😬

Kabatao: 😬😬😬

Kabayuhan: 😬😬😬

Mga tagapag lingkod ni Ares: 😬😬😬

Si Ares na nagka malay na at naka tayo sa hukay: 😬😬😬

Arnie: 😰😰😰

nilingon ni Arnie si Zeus at Neptuno na tila ba nagpapa saklolo upang kausapin ang kidlat at maso.

Neptuno: sige na naman Maso at kidlat bumalik na kayo sa aking kapatid na si Zeus. Ang agad na pang hihimok ni Neptuno sa maso at kidlat, ngunit muli ay gumalaw lamang na tila umiiling ang mga ito.

Arnie: Maso at kidlat.... Hindi ba at alam ninyo na manganganib ang kaharian ng Olympus sa sandaling hindi kayo mabalik kay Zeus???

Parang may isip na tumango ang maso at kidlat.

pwes!!! dahil alam ninyo!!! inuutusan ko kayong bumalik na kay Zeus, tungkulin ninyong tulungan siya na pangalagaan ang kapayapaan sa Olympus. Ang mahabang sermon ni Arnie sa maso at kidlat.

Parang batang napagalitan ng nanay na agad namang sumunod ang maso at kidlat, lumipad ang mga ito pabalik sa naka lahad pa ring kamay ni Zeus.

Pagkatapos noon ay nilapitan ni Arnie si Ares na muling lumundag pabalik sa hukay upang magtago.

Arnie: ikaw Ares.... dahil sa iyong kalapastanganang ginawa, ikaw ay ikukulong ko bilang parusa sa maskarang ito.

( the mask movie ni Jim Carey )

Pagkatapos maikulong sa maskara si Ares muling bumalik si Arnie sa kinaroroonan nila Zeus.

Arnie: Oh, ano??? tara na!!! gutom na ako!!!