webnovel

Chapter 79: Pag-bawi Sa kidlat At Maso 7

Muling pinulong ni Zeus ang ilang mga tauhan upang mag hanap at mag imbestiga sa pagka wala ng mga naunang nag hanap sa kidlat at maso.

Nais ni Zeus na mabawi ng muli sa lalong madaling panahon ang kanyang kidlat at maso dahil napaka halaga nito sa kanya bilang bathala ng kidlat at kulog.

kasalukuyan niyang pinupulong ang kanyang mga kawal ng lumapit sa kanila si Arnie, kasunod ang tatlong naka daster na bagong " tuli" .

Arnie: Sinasayang mo lamang ang panahon at oras sa pag pulong sa kanila, mapapa hamak lamang silang lahat gaya ng mga nauna.

Gulat na napa lingon kay Arnie si Zeus at Neptuno gayundin ang mga kawal na naro roon sa pulong.

Zeus: Arnie.... ano ang ibig mong sabihin at ipaka hulugan sa sinabi mong iyan???

Arnie: malinaw naman ang aking sinabi ah! Hindi ba at sinabi ko naman sa inyo na mapapa hamak lamang sila kung itutuloy nila ang gagawing pagha hanap at pag iimbestiga??? Ang balik na tanong ni Arnie kay, Zeus.

Ang mabuti pa ay sumama ka sa akin para mahanap mo na ang iyong kidlat at maso. mahabang oras na ang ginugol ko dito sa Olympus, kailangan ng matapos ang chapter na ito ang naka ngiting pahabol pang sagot ni Arnie.

Neptuno: ah!!! ibig mong sabihin ay mayroon ng naisip na bagong ideya ang author???

Arnie: Oo naman, sayang nga lang at hindi ka maka kasama .... Ang naka ngiting tugon ni Arnie kay Neptuno.

Neptuno: ah, walang problema. Mas mabuting hindi ninyo na ako isama sa inyong panibagong adventure, ang nakangiwi namang sagot ni Neptuno na naalala ang kanyang dinanas na karanasan sa pagla lakbay sa portal.

Arnie: ah, okay, ikaw ang bahala. Gusto pa naman sana kitang isama. Ang pabale walang tugon ni Arnie bago muling binalingan si Zeus na tahimik at nakikinig lamang.

Bathalang Zeus tara na at umalis na tayo para matapos na kami sa chapter na ito ang baling na pag aaya nito kay Zeus, pagkatapos ay lumipad na ito sa ere bitbit sa kuwelyo ang tatlong naka suot ng daster. Hindi naman malaman ng tatlo kung paano iipitin ang kanilang daster upang hindi makita ng mga naka tingala sa ilalim ang kanilang bagong tuling...... T........ T