webnovel

Chapter 78: Malaking Pagkakamali 4

Neptuno: ah... ang mga tikbalang??? Nakarating sa Atlantis ang itinakda ng dahil kay fishna, ngunit ang mga tikbalang ay dinala niya sa Atlantis gamit ang portal.

Ewan ko, siguro ay nais niyang pag laruan ang mga ito??? o naiinip siya sa Atlantis kung kaya at dinala niya ang mga ito roon.

Zeus: Anong pag laruan??? Paano???

Neptuno: Nang dumating ang mga tikbalang sa Atlantis sa pamamagitan ng portal sila ay naging seahorse. Ginawa niyang sasakyan sa karagatan ang tatlong ito sa pamamasyal sa karagatan ng Caribbean.

Zeus: ha ha ha ha ha ginawang sasakyan? seahorse??? ha ha ha ha ha gusto ko ang sense of humor ng dalagang iyan, magaling siyang magpa tawa...

Neptuno: Nasasabi mo lamang iyan dahil hindi mo pa kilala kung gaano siya ka kulit at sobrang mag biro. Ewan ko lang kung maka tawa ka pa kung ikaw ang naisipan niyang biruin.

Zeus: ah.... marahil naman ay sobra lang kayong nanibago na may mortal na nagbibiro sa iyo. Ang mabuti pa ay lapitan natin siya at sabayang kumain. Tila ginutom ako sa panonood sa kanya, magana siyang kumain.

Lumapit ang mag kapatid kay Arnie sa pwesto nito sa kusina, humingi din sila ng maka kain sa mga tagapag lingkod. Labis na ikina tuwa ng mga tagapag lingkod ang kanilang ginawa, bihirang humingi ng pagkain ang mga ito, lalo na ang pumasok sa kusina. Naka ngiting sinulyapan nila si Arnie na maganang kumakain ng pan limang bandehado na ng pagkain.

Habang kumakain ang mag kapatid ay patuloy sila sa pagku kwentuhan. Panay naman ang pag du dulot ng mga tagapag lingkod ng pagkain sa mga ito na labis ding ikina tuwa ni Arnie.

Ng matapos kumain nag punta sa bulwagan ang mag kapatid, naiwan sa kusina si Arnie na hindi pa rin tapos kumain.

Zeus: Nagagalak akong naisipan mong mamasyal muli dito sa Olympus, matagal tagal na rin mula ng huli kang pumarito. At ngayon, kasama mo pa ang itinakda. Mamaya ay magpapa handa ako ng isang malaking piging upang maipa kilala ko siya sa lahat ng mga bathala at sa aking mga anak.

Neptuno: hindi na kailangan kapatid ko, alam kong may suliranin ka at iyon ang dahilan ng aming pagparito. Nais ka naming tulungan sa pagha hanap ng nawawalang kidlat at maso.

Zeus: Alam mong nawawala ang aking kidlat at maso?

Neptuno: narinig ni Arnie ang galit mong tinig na hinahanap ang iyong maso at kidlat. kamakailan ay naiwala ko ang trident, si Arnie ang tumulong sa aking mahanap ito.