Tuwang - tuwang lumapit sa hari at reyna ang kawaksi ng palasyo at agad na ipina kita ang screen ng kanyang cellphone.
Kawaksi ng Palasyo : Mahal na hari........ mahal na reyna........ tingnan ninyo ito........ si Arnie nasa YouTube at bidang bida kasama sila prinsipe Borjo Kabatao at Kabayuhan... agad na iniabot nito ang cellphone sa hari upang mapanood nito ang mga video. Di yata't number one sa search list ang kanilang video.
Nanlaki ang mga mata ni reyna Mareana ng makita si Arnie sa video na masayang namamasyal sa karagatan. Prenteng nakaupo sa kabibe habang sarap na sarap sa pag lantak sa isang damakmak na pagkaing nakalatag sa isang bahagi ng kabibe. Ang malaking kabibe naman ay hila hila ng tatlong seahorse????
Ngunit tila yata may mali...... bakit tila si prinsipe Borjo, Kabatao at Kabayuhan ang mga sea horse na iyon na humihila sa kabibe. May titulo pang ( Goddess of the ocean) ang naturang video??? Paanong nangyari ito? paanong naging diyosa ng dagat si Arnie at paanong naging sea horse ang kanyang anak??? ang sunod sunod na tanong sa kanyang isipan ni reyna Mareana na naguguluhan sa pangyayari. Nang biglang gulantangin siya ng malakas na pag tatawa ni Haring Boras.
Haring Boras : ha ha ha ha ha pilya talaga at puro kalokohan ang batang ito...... kaya pala nawala ang ating anak sa ginintuang hardin ay kagagawan niya.... dinala niya ang mga ito sa karagatan ,ang natatawang saad ni haring Boras.
Reyna Mareana : ganoon ba iyon??? ngunit paanong nangyaring naging sea horse ang anak natin at sina Kabatao at Kabayuhan?
Haring Boras : Natural lamang iyon... alalahanin mo, isang lahing tao at kabayo ang anak natin at sina Kabatao at Kabayuhan, natural lamang na maging sea horse sila pag napunta sila sa karagatan upang makahinga at maka langoy sila sa ilalim ng dagat. Ang mahabang paliwanag ng hari.
Reyna Mareana : eh.... si Arnie??? bakit tinawag nilang diyosa ng dagat??? muling tanong ng reyna.
Haring Boras : natural...... wala halos naka aalam sa katauhan ni Arnie... sa dagat siya nakita ng mga tao na sakay ng kabibe at hila ng sea horse kung kaya't inisip nilang isa siyang diyosa ng karagatan...