Agad na inakusahan ni Sirenita si Arnie ng malamang isa itong tao
na may kakayahang baguhin ang anyo at maging sirena, hangad na
maibaling ang sisi sa kapabayaan niya at pagka padpad ni Fishna sa
dalampasigan
Neptuno : lapastangan!!! Sino ang nag bigay ng permiso sa iyo na
lapastanganin at akusahan ang itinakda??? Ang galit na bulyaw ni
Neptuno kay Sirenita ng marinig ang sinabi nito, patungkol kar Arnie
Sirenita : siya??? Itinakda??? Nahintakutan naman si Sirenita ng marinig
ang sinabi ni Neptuno at mapag tanto ang totoong katauhan ng babaeng
kaharap, agad nitong hinawakan sa kamay ang anak na si fishna at dali
daling nagtago sa likuran ni Neptuno
Si Arnie naman ay kunot ang noong sinundan ng tingin si Sirenita bago muling
binalingan at tinanong si Neptuno.
Arnie : hmmm Neptuno, nabalitaan ko mula sa bubwit na sirenang iyon na may
intrimitidang ina na...... Nawawala daw ang iyong tinidor??? Trident
Neptuno : ah... Oo tungkol sa bagay na iyan, totoo ang sinabi at itsinismis sa iyo
ng munting sirenang ito, ang agad na sagot ni Neptuno...
Nag aalala nga ako na baka mabalitaan ng aking kuyang si ZEUS na nawawala ang
aking makapangyarihang tinidor.... Siguradong hindi niya magugustuhan at mag aalala siya
Ang nababahalang dagdag pa ni Neptuno
Arnie : ah!!! Si ZEUS ba ikamo??? mmm huwag kang mag alala, kaninang bago ako
nag tungo dito kasama ang bubwit na sirenang iyan, na nagtatago sa iyong likuran , ay
narinig ko ang tila kulog na tinig ni ZEUS galit na galit at hinahanap ang kanyang
makapang yarihang kidlat at makapang yarihang maso.Ang maagap na pakli ni Arnie
upang mabawasan ang pag aalala ni Neptuno.
Neptuno : nawawala ba ikamo ang makapangyarihang kidlat at maso ng aking naka
tatandang kapatid???
Arnie : oo, yun ang aking narinig kanina na sinabi niya, ipinahahanap niya ang pangahas
na nagnakaw ng kanyang maso ( Zeus hammer) at ang kanyang kidlat
Neptuno : malaking kaguluhan ang idudulot nito kapag kumalat ang balitang nawawala
ang aking trident pati na ang hammer at lightning ni Zeus