webnovel

CHAPTER 61 : PAGSUBOK AT KALAMIDAD 5;

Sa wakas nakabili ng second hand na van at stainless truck si Peter sa bayan pa ng San Fernando Pampanga kahit medyo gabi na.

halos karamihan sa establisimyento sa Manila ay sarado dahil sa epekto ng pag aalburuto ng bulkan taal, maging sa karamihang lugar sa lungsod ng Manila at Quezon City ay umabot ang ashfall.

PETER : mabuti naman at may nabili tayong truck at van, maaari na tayong mag byahe . ang sabi nito sa mga kasama.

Maya - maya pa ay minaneho na ni Peter ang van palayo sa branch ng Toyota car company dealer sa San Fernando, si Yel naman ang nag drive ng van.

Matapos makarating sa isang lugar sa highway pagka lagpas ng toll gate sa San Fernando exit, nag bukas muli ng portal si Borjo. doon iginiya ni Peter ang truck kasunod ang van kung saan pumasok sila sa isang mahaba at madilim na kawalan,.

ilang saglit lamang ay natanaw na ni Peter ang maliwanag na dulo ng void na nag uugnay sa portal na kanilang lalabasan sa mismong likod ng bahay nila sa kaytambog....

Gamit ang portal, naging napaka bilis ng kanilang byahe.

Habang kumakain ng hapunan sila Peter Borjo, Arnie at Yel si Kabatao at Kabayuhan at inilagay na ang lahat ng mga ikakargang gamit sa truck, maging ang mga maleta ng damit at mga kahon ng abubot, mabilis natapos sa pag hahakot ang dalawa dahil sa paggamit ng mahika.....

KABATAO : tapos na tayong mag karga ng lahat halos ng kagamitan, tanging ang lamesa upuan at mga kubyertos na ginagamit sa pagkain, maging ang mga pagkaing dadalhin na lamang ang ikakarga sa truck upang tayo ay makaalis na.....

Ang agad na pag uulat ni Kabatao kay Borjo at Arnie....

si Prinsipe Borjo ay tumingin kay Peter upang hingin ang opinyon at desisyon nito kung anong oras sila aalis.

PETER : maya mayang kaunti ay aalis na tayo, Betty sabihin mo kay Lia na bihisan na ang mga bata, maging si Rosanne Loida at Jr ay sabihan mo na rin na gumayak na.

makabubuting gabi pa tayo dumating sa Olongapo upang walang makapuna sa bubuksang portal doon, ang sabi ni Peter na binalingan din ang asawang si Betty upang maghanda na....

BETTY : Ah oo, tama ka... sige ikaw na muna Arnie ang bahalang mag tabi ng pinagkainan upang mai lagay na rin ang mga iyan sa loob ng truck. Ang bilin ni Betty kay Arnie bago tumayo at pumanhik sa itaas....

Si prinsipe Borjo at si Arnie naman ay tumayo na rin, habang si Yel ay tumulong kay Arnie na linisin ang pinag kainan at dinala sa loob ng truck, pati ang mga upuan at lamesa....

Bago mag alas dose ng hating gabi nakagayak na ang buong pamilya, pati ang mga kaibigan ni Arnie na sina Arriane at Morgana....

Si chibog at Irene ay sinuutan ni Lia ng mahabang manggas na pantulog upang hindi ginawin habang si Rosanne na maliit pa rin ay nakasuot ng jacket at bonnet

PETER : sumakay na kayo sa van, aalis na tayo. Si Kabatao at Kabayuhan ay kasama ko na lang sa truck para may makausap ako upang hindi ako antukin....

Bago sumakay ng van.... malungkot na tiningnan ni Arnie ang kanilang lumang bahay...

ikinumpas niya ang kanyang kamay at unti unting nabalot ng kakaibang liwanag , na tanging si Arnie at mga tikbalang lamang ang makakakita ang kanilang bahay...

tila ito isang shield o panangga upang protektahan ang kanilang bahay para di ito masira sa pagdaan ng mga araw na walang naninirahan dito....

Pagkatapos noon ay sumakay na sa van si Arnie, sa tabi ng kanyang ina at humilig sa hita nito na parang batang nag lalambing

Pumasok na muli sa portal na daanan ang truck at van, ilang minuto lamang at nakarating na sila sa Olongapo, sa mismong kanto malapit sa may bukas na imburnal sa Gil Street, kung saan naroroon ang bahay / apartment ng kapatid ni Peter na si Julia.

Napangiti pa sa sarili si Peter ng maalala ang sinabi na baka antukin siya sa pagmamaneho ng truck ...

ARNIE : itay nakarating na po ba tayo sa ating pupuntahan? ang tanong ni Arnie sa ama matapos makita ito na bumaba na ng truck makalipas ang ilang saglit pa lamang mula ng lumabas sila sa Portal....

PETER : Oo anak, hayan na ang apartment ng tiya julia mo sa tapat ng truck ,at itinuro ni Peter ang tila duplex na dalawang palapag na bahay at may tig apat na pinto ng apartment sa ibaba....

binuksan ni Peter ang gate sa kanang bahagi ng apartment ,pagkatapos ay muling bumalik sa truck upang maipasok ito sa loob ng bakuran.

Noon lamang napagtanto ni Arnie na halos dalawang bahay lamang ang layo ng nabuksang portal sa mismong bahay /apartment ng kanyang tiya.

Umakyat si Peter sa hagdan ng bahay at binuksan ang pinto ng bahay na nasa kanang bahagi ng tila duplex na apartment building.