webnovel

CHAPTER 28 : SA KAHARIAN NG ITIM NA NILALANG

nagsibalik ang mga itim na nilalang sa kanilang kaharian

Isang mundo na puro karimlan ang matatanaw .....walang kulay na kapaligiran ang manamasid, maging ang mga puno at halaman na naroroon ay puro itim din ang dahon, katawan ng puno, maging ang bunga

Sa di kalayuan matatanaw ang itim na kaharian, malaking Palasyo na nababalot ng kadiliman.....

pumasok ang ibang itim na nilalang sa loob ng palasyo habang ang iba naman ay naiwan sa labas upang magbantay.

MINISTRONG ITIM NA NILALANG; mahal na prinsipe nakabalik na pala kayo? tanong nito ka prinsipe Matuling na nakasalubong nya'ng nagmamadali papasok sa kanyang malaking silid.

hindi pinansin ni Prinsipe Matuling ang Ministrong itim na tila ba hindi nya ito nakita.

hah hah hah mabuti't mabilis akong nakalayo! humihingal sa pagod na sabi ni Prinsipe Matuling habang palinga linga sa paligid, na tila takot na takot

MINISTRONG ITIM NA NILALANG; ano kaya ang nangyari sa mahal na prinsipe at tila ba takot na takot? napapaisip na tanong sa sarili ni Ministrong itim

maya maya hangos na dumating ang isa sa mga tauhan ni prinsipe itim

ITIM NA NILALANG 2; mahal na ministro, nakita nyo ba ang mahal na prinsipe?

MINISTRONG ITIM; oo nakasalubong ko s'ya na nagmamadali at tila takot na takot, ano ba ang nangyari sa kanya?

ITIM NA NILALANG 3; Hndi namin alam mahal na ministro, inutusan nya kami na magmatyag sa paligid ng marinig namin siyang sumigaw ng malakas!!! tila yata nakakita siya ng halimaw sa mundo ng mga tao! mabilis na pagsasalaysay ng itim na nilalang na si Guardo

MINISTRONG ITIM; ano??? bakit hindi nyo binantayan ang prinsipe? paano kung may masamang nangyari sa kanya??? paano natin ipaliliwanag sa mahal na hari at sa reyna? galit na sigaw ng ministro sa kanyang mga alagad

IPAGPATAWAD NYO PO PO MAHAL NA MINISTRO NGUNIT KAMI AY SUMUNOD LAMANG SA INIUTOS NG MAHAL NA PRINSIPE ( sabay sabay na pahayag ng itim na mga nilalang

MINISTRONG ITIM; dumito kayong lahat!!! ikaw Guardo puntahan mo ang ibang kawal at sabihan mong higpitan ang pagbabantay!!! mahirap na, baka masalisihan tayo ng HALIMAW na yon!!! sabay talikod nito papunta sa silid ni prinsipe Matuling