webnovel

CHAPTER 25 ; ITIM NA NILALANG

masayang nagsalo salo ang pamilya ni Arnie, mga kaanak at kaibigan, lingid sa kanilang kaalaman may ilang pares ng mata na sa kanila'y nagmamasid.... mga matang tila ba nagliliyab sa dilim ng gabi.

ITIM NA NILALANG 1 : mahal na prinsipe nagkakasiyahan ang pamilya ng babaeng itinakda! kailan po natin isasagawa ang planong pagkuha sa kanya??? tanong ng nilalang na itim sa kanilang prinsipe na noo'y matamang nagmamasid sa nagaganap na salo salo.

PRINSIPE MATULING; wag kang maingay!!! baka may makarinig sa'yo! hindi tayo maaaring kumilos sa ngayon, narito at kasama nila sa salo salo ang matandang albularyo

ITIM NA NILALANG; patawad po mahal na prinsipe, nag aalala lang po ako na baka maunahan tayong muli ni prinsipe borjo, tuso at mabilis kumilos ang mga tikbalang na yaon

PRINSIPE MATULING; sa palagay mo ba ay hindi ko naisip yan?!? nag iingat lang ako! dahil sa sandaling namalayan ng albularyong iyon ang ating presensya delikado ang lagay natin!!!!

mabuti pa ay puntahan mo ang iba pang mga tauhan at tumulong ka sa kanilang mag manman sa paligid!!! siguraduhin mong hindi kayo malulusutan ng mga tikbalang!!! at mag iingat din kayo sa mga tao!!! utos ni prinsipe matuling sa kanyang alagad.

ITIM NA NILALANG; opo mahal na prinsipe, masusunod po. at yuko ang ulong tumalikod ang itim na nilalang kay prinsipe matuling.

samantala habang kumakain si Arnie ,may narinig s'yang tila nagbubulungan sa di kalayuan ng kanyang pwesto, malapit sa puno ng suha sa may ibaba ng bahay

ARNIE; inay.... may tao po yata sa banda roon.... sa may suha!!! turo ni Arnie sa ina

BETTY; saan??? wala naman akong nakikita tugon ni Betty

ARNIE; duon po sa may suha inay, narinig ko silang nag uusap! sagot ni Arnie na bahagyang sinipat ang madilim na bahagi kung saan naroon ang puno ng suha.

BETTY; anak, huwag kang turo ng turo sa kung saan saan at baka maengkanto kana naman! sawata ni Betty sa anak na kasalukuyang may kung anong inaaninaw sa dilim. ang mabuti pa ay dagdagan mo ang pagkain mo! mahaba ang gabi.....baka gutumin ka!!!

opo inay, sagot ni Arnie at dinampot ang plato nya'ng sartin upang kumuha pa ng makakain