webnovel

chapter 16 : Pagtataboy 3

Nabigla ang lahat sa biglang pagbangon ni Arnie at sa kakatwang boses nito.

Arnie : Ako si Arnie!!! ito ang kanyang sinabi, ngunit muli siyang binalaan ni Ka tonyo na susunugin kung hindi magsasabi ng totoo

Ka Tonyo : sino ka??? ano ang kailangan mo kay Arnie, muling tanong ni Ka Tonyo

Arnie ; umiiling iling na para bang nalilto ...

ako si prinsipe Borjo !!! ako ang Prinsipeng tagapagmana ng maharlikang angkan ng Centaurus!!! kapagdakat sagot nito.

Ka Tonyo ; sabihin mo sa'kin bakit mo pinagtangkaang kunin si Arnie? ano ang dahilan?

Prinsipe Borjo ; si Arnie ang itinakda na maging prinsesa ng aming lipi, ngunit sa aming mundo hindi lang kami ang naninirahan

marami kami. ibat ibang lipi mayroon ding mabuting lipi at mayroon din namang masasama. gaya ng mga itim na nilalang.

Ka Tonyo ; ano ang kaugnayan ng mga sinasabi mo sa pagkuha mo kay Arnie?!? muling tanong ni Ka Tonyo

Sa aming daigdig, patuloy na naglalaban ang mga puting lipi at itim na nilalang...

alam ng mga itim na nilalang ang propesiya na konektado kay Arnie, kung kaya't gusto nilang kunin si Arnie upang gamitin laban sa puting lipi at upang gamitin sa pagsakop sa mundo ng mga tao!!!