webnovel

chapter 14 : pagbabalik sa nayon;

nagkanya kanya ng pwesto sila barako adobo pekoy at david upang umidlip kahit ilang oras lang, si kiko naman at si jessie ay naiwang gising upang syang magbantay.

nanatiling nakaupo sa may baytang ng kubo si kiko kung saan tanaw nya ang nahihimbing na pamangkin, si jessie naman ay naupo sa mahabang kahoy sa may lamesang kainan upang doon magpalipas ng oras hanggang umaga habang ang gulok ay nakapatong sa lamesa.

.

.

.

.

tahimik na nakaupo si kiko at jessie habang nakikirandam sa bawat kaluskos sa labas ng kubo, panaka naka ay may naririnig silang parang halinghing ng kabayo sa di kalayuan ngunit sinikap nilang labanan ang takot na nararandaman.

tila ba napakabagal ng pag ikot ng oras, para bang napakatagal bago tumilaok ang manok at sumikat ang araw.

maya maya pa'y nagising at nag inat ng mga braso si Pekoy na nangawit sa di magandang posisyon ng pagkakahiga.

Pekoy; ( tumingin sa kanyang lumang automatic na relo na seiko matapos mag inat) hohum.... mag aalas kwatro na pala?ilang oras din pala ang itinulog ko.

ang sabi ni Pekoy na nooy lumapit sa kalang pangkahoy na gawa sa itinusok na dalawang sanga ng kahoy na korteng tirador at ginagamitan ng kahoy na pinagsasabitan ng takure o kaldero sa pagluluto.

Kiko : mabuti naman at nakapahinga ka ng maayos, pabayaan na muna nating matulog ang iba nating kasama, madilim at delikado pa sa labas kung lalakad na tayo ngayon

Pekoy; bakit ho kakang kiko? may narandaman ho ba kayong kakaiba habang natutulog kami? tanong ni pekoy habang nagpaparaig ng apoy sa kalan

Jessie : naku oo, manaka naka ay nakaka rinig kami ng halinghing at yabag ng kabayo sa may labas ng kubo, sagot ni jessie sa tanong ni Pekoy kay kiko.

nuong una akala ko ay ako lang ang nakakarandam, narandaman din pala ni kakang kiko. napansin ko s'yang humigpit ang hawak sa puluhan ng gulok,pahabol pa ni Jessie

Pekoy : ganoon ba? talaga palang nakakatakot at di pa rin tumitigil ang tikbalang? paano kaya napunta kay Arnie ang sumbrerong puti at mga prutas? tanong ni Pekoy.

Kiko : pare pareho nating di alam.... ang masasabi ko lang, ito ang isa sa mga pangyayari sa buhay ko na di ko malilimutan anang kiko.

Pekoy; sigurado yon kakang kiko! kami man ay ganon din, sangayon ni pekoy. oh sige ako muna'y maglalaga ulit ng kape at ng makainom tayo ng kape may saging pa naman na nilaga, makakapag almusal tayo bago lumakad mamaya.

.

.

.

.

Bandang alas singko isa isa na ring nagising sila adobo barako at Arnie sa maingay na tilaok ng manok. nag umpisa na ring sumilip ang liwanag sa siwang ng dingding na kawayan.

Arnie; hmmmm ( nag iinat ng kamay habang naghihikab) umaga na pala? napatingin si Arnie sa paligid na para bang nagtataka.

Kiko; oh Arnie gising kana pala, bumaba kana dito at magkape may nilagang saging din kumain kana muna at nang malamnan ang itong tiyan bago tayo lumakad pauwi,... tawag ni kiko sa pamangkin ng mapansing gising na ito.

Arnie; (napatingin sa tiyuhin, at noon lamang naalala kung nasaan siya. ) opo sagot niya sa tiyuhin.

makatapos nilang mag almusal, gumayak na ang lahat upang lumakad pauwi. mahaba haba ring lakarin ang kanilang bubunuin sa pagbabalik sa nayon, ngunit masaya ang lahat na makakauwi na