webnovel

Army of True Salvation (TagLish)

Hindi mo inakala ang ganitong pangyayari. Nananahimik ka lang, nakikinig sa klase, at bigla na lang nagbago ang mundo. Zombie Apocalypse. Are you ready to survive, fight for your life, and strive in order for you not to die? Are you willing to carry a knife, hold a gun, and kill zombies even though they may be your family, friends, or someone you know? It's your choice. You may choose to survive or if you are too scared, you may choose to die and become a zombie. But if you have chosen to survive... You are already part of the "Army of True Salvation." ~ Credits to Janrae Mendoza for the book cover for Army of True Salvation (TagLish). Want to further show your support? Send me a ko-fi~! ^^ Link: https://ko-fi.com/mysticamy

MysticAmy · Fantasy
Not enough ratings
216 Chs

Prologue

>Sheloah's POV<

Paano mawawala ang mundo?

Sa tingin niyo ba na sasabog ito? Matatamaan ng comet, whatsoever? Paano kung may war... Mawawala ba ito?

Maraming tanong ang lumalabas sa utak natin tungkol sa end of the world pero sa totoo lang... pag sinasabi nila na end of the world, ang lumalabas sa utak ko...

Zombie Apocalypse.

Iniisip ko na ang end of the world ay zombie apocalypse. But I can't help it... siguro naimpluwensyahan ako sa mga video games at sa mga napanood kong animes.

Ini-imagine ko talaga, pa'no kung zombie apocalypse ang end of the world...

You fight zombies everyday. It's a survival.

Don't get the wrong idea na gusto ko magkaroon ng away palagi. I just want some action in life since everything seems so boring!

Kuha ng guns, shoot them all down... hold a knife, slash them by the neck or chest... Kick and punch 'em... papatayin niyo yung zombies by groups tapos papalakihin niyo yung grupo.

Ain't it awesome?

Pero kung mangyari yung zombie apocalypse... tulad rin ba siya ng mga games, animes, at movies na pinapanood natin?

Sa Highschool of the Dead na anime, nagsimula sa school.

Sa anime na Kore Wa Zombie Desu Ka, bawal ang mga zombies sa sun.

Sa game na Left 4 Dead, ang daming kinds of zombies tulad ng Tanker tapos ang mga zombies doon, tumatakbo.

Sa game naman na Call of Duty Black Ops, yung mga zombies doon mabagal muna mag lakad, bago sila mabilis tumakbo.

Tapos sa Zombie House naman at sa Resident Evil, pwede silang gumamit ng weapons.

Sa movie naman na World War Z, ang mga zombies doon, kakagatin ka nila, you turn into a zombie for a span of 12 seconds o kaya 6 or 12 minutes.

Sa Warm Bodies naman na movie, totoo ba na pag kumain ang mga zombies ng brains, mararamdaman nila how it feels to be human again?

Ang daming theories tungkol sa mga zombies. Anime, games, movies... maraming sinasabing theories pero sa description nila ng mga zombies, there's one thing that they share in common.

Zombies react to noises.

Paano kaya pag naging zombie ka... ang cure ba tulad ng sa World War Z na kailangan mag-inject ng sickness para hindi ka nila mapansin?

Para ba maiwasan ka ng zombie, gagawin mo yung parang nasa Warm Bodies na dapat nangangamoy zombie ka?

Marami pa tayong hindi alam tungkol sa mga zombies. Ano nga ba ang alam natin? Wala naman nangyayari na ganito sa mundo natin, eh. Ang mga zombie stories na ginagawa ngayon, ay gawa sa imahinasyon lang.

Pero kung sakali na mangyari ang zombie apocalypse...

Ang mga napapanood ba natin tungkol sa zombies, nakakatulong ba para mabuhay tayo?

Nandito kami ngayon sa school. Fourth year high school na kami. Ako si Sheloah Amy Martinez at nakatitig lang ako sa bintana. First period kasi namin at ayaw ko makinig sa lesson. Ang boring.

I gave myself a sigh at tumitingin ako sa blackboard pero nakuha yung pansin naming no'ng may nagbalibag sa pinto namin. Yung guard yung nagbukas ng pinto at mukhang pagod siya. Mukhang kinakabahan at takot rin si kuya.

Ano'ng problema?

"Kayo yung section na malapit kong takbuhan sa sitwasyong ito," sigaw ng guard at lahat kami nagsi-bulungan. Ano naman ang nangyayari?

Tiningnan ko si Veon, seatmate na close friend ko. Nginitian ko siya. "Sa tingin mo masu-suspend ang klase dahil sa reaction ng guard," tanong ko sa kanya at tumawa siya.

"Pwede... mukhang importanteng bagay," sagot ni Veon sa akin at binalik namin ang tingin naming sa guard.

"Ano'ng problema," tanong ng adviser namin sa kanya at humihinga ng malalim yung guard dahil sa sobrang pagod niya.

"T-tumakas na kayo..." sabi niya at sumandal siya sa pinto.

"Ha? Anong ibig mong sabihin," tanong ng guro namin at biglang tumingin yung guard sa kanya na seryoso na may halong kaba.

"Tumakbo na kayo! May nagbago sa isang guard natin no'ng kinagat siya ng aso kanina," sabi niya at umingay ang klase.

Nagbago yung guard dahil kinagat siya ng aso? Ano'ng ibig sabihin nito? May rabis ba yung aso? Bakit ganito yung nangyayari ngayon? Sa mismong school pa?

"Saglit, kuya ano po--"

Hindi natapos yung sinabi ng aming guro nang bigla may isang tao na humila sa guard at kinagat siya.

Nagulat kaming lahat dahil sumisigaw agad yung guard no'ng kinagat siya. Sumigaw yung adviser namin at agad sinara ng class president ang pinto at narinig naming sumisigaw yung guard. Nakikita namin ang dugo na galling sa katawan niya ay tumatalsik sa bintana namin.

Maraming tao sa classroom namin ang natatakot. Pati ako, gulat.

Hindi ko matukoy kung anong nararamdaman ko. Iniisip ko lang ang zombie apocalypse kanina...

Naging totoo na ba?

Isang guard, nakagat ng aso at nagbago. Tumakbo yung isang guard dito at nakagat siya.

Totoo ba? Nagsisimula na ba ang zombie apocalypse? Saan nanggaling yung virus ng asong 'yon?

Ano na ang gagawin namin?

Thank you so much for reading my story! :D

MysticAmycreators' thoughts