>Sheloah's POV<
Papunta na kami ng NLEX. Tiningnan ko ang orasan ko at napansin ko na 12:32PM na. Maaga kaming nag lunch. 11:00 sharp, nag lunch na kaming lahat at habang kumakain kami, pinapakinggan namin si Sir Erick, Tito Jun at Tito John kung paano gagawin ang plano.
Si Sir Erick ang gumawa mostly ng plano. Nagbigay ng suggestions si Tito Jun at Tito John and it was his decision to accept those suggestions or not. Seven groups in all, with 6 members each.
For now, sabay kaming lahat pupunta ng NLEX. Pag dating namin doon, lahat kami maghihiwalay by group. No'ng una nagulat kami kung bakit 'yon ang desisyon ni Sir Eric pero sa explanation niya kanina sabi niya na maghihiwalay kami para ma-train kami. Sabi niya rin ang talagang main purpose kung bakit hiwalay kaming lahat ay para hindi kami umasa sa iba kasi pag umaasa raw kami sa iba, hindi na raw gagawa ng effort para lumabat at kung nangyari 'yon, it will result to death.
He wants us to fight even though we feel scared.
Most of us agreed to his plans, pero siyempre, mayroon ding mga tao ang may ayaw dito pero wala silang magagawa. Ang mostly na may ayaw ay ang mga taong palaging takot; walang confidence at umaasa lang sa iba.
Sabi ni Sir Erick kung ayaw nila ang plano, they should step down from their group and become zombies instead and we'd shoot them dead. It was harsh for him to say that pero sabi pa niya kung hindi rin lang madadamay ang iba at masasaktan pa ang iba dahil pa-VIP sila.
Sinabi ni Sir Erick ang meeting place sa Manila malapit sa airport. Kagabi tinawag niya si Glenda, isang healer at isang magaling na artist, na gumawa ng map for each group. Masyadong malaki ang Manila so pagdating namin sa meeting place, we decided to go there as a class, hindi na by group.
Naka indicate sa mapa ang meeting place namin. Naka encircle siya in red pen. May mga ibang routes kaming pupuntahan tapos iisa lang ang destinasyon namin; ang meeting place. Naka indicate rin sa mapa ang mga rota kung saan dadaan ang mga grupo. Since masyado mahirap gumawa ng mapa na sobrang specific, her bestfriend, Pat, also helped in making the maps.
Kasama ngayon ng Strike Team ang Sniper Team. Since hindi kami kasali sa mga groups na ginawa, Sir Erick decided that we protect the Sniper Team. Kasama rin namin ang adviser namin since siya ang in-assign na healer for our group. Si Tito Jun naman kasama rin namin dahil siya ang taga tingin kung malapit na ba kami sa rota o hindi gamimt ng binoculars.
Ang plano rin kasi ni Sir Erick is for the Sniper Team to protect the groups as they can. Habang binabaril nila ang mga zombies, kami naman ang magpoprotekta sa Sniper Team. Ang goal kasi ni Sir Erick is for us to stay alive as much as possible. Sabi niya mas effective tumakbo kaysa sa umatake. Pag may zombies lang na malapit, tsaka lang aatake. Kung maraming zombies ang malapit sa kanila, ang bahala roon ang Sniper Team.
Tumatakbo lahat kamai papunta sa NLEX. May mga zombie na humahabol sa amin pero hindi parin kami tumitigil sa pagtakbo papunta sa unang destinasyon namin bago sa meeting place. Kung may mga zombie naa lumalapit sa amin, tsaka na lang namin sila babarilin. Tinitipid namin ang bullets para hindi kami mabilisang maubusan ng ammos.
Isa rin kasi sa plano ni Sir Erick na protektahan ang pilot. We interviewed him and he said that he previously worked there before he resigned. Nag resign daw siya dahil he wanted to try another job. He also said that the only thing that keeps him going is his family. Right now his inspiration and his reason for living is his daughter, our classmate.
"Malapit na tayo sa NLEX. Everyone, stick to your group," sigaw pa ni Tito John at binarily niya ang zombie na malapit sa kanya.
Tumabi sa akin si Kreiss at Geof. Kasama ko sila sa Strike Team. Nasa harapan naman namin ang iba naming kasama na ang Sniper Team at ang personal healer at look out namin.
Si Veon attacker siya ng group 1. Wala siyang special role pero siya ang nagsisilbing leader ng kanilang group. Si Shannara naman support ng group 3 at healer nila si Isobel. Sa count off nila, pareho silang number three tapos si Tyler naman support rin ng group 6.
Mas marami kaming pinagdaanan kaya alam nila ang mga dapat gawin at ang tamang gagawin; kung ano ang effective na paraan kung paano pumatay ng zombie.
Nilapitan ako ni Veon. "Sheloah," sinabi niya ang pangalan ko at nakatingin parin ako sa harapan habang tumatakbo kami papunta ng NLEX.
I can already see some cars. Halarang may car crash dahil halos lahat ng kotse rito magkadikit. Malapit na nga kami.
"Ano 'yon," tanong ko sa kanya at lumapit siya sa akin para marinig ko siya ng maayos.
"Mag ingat ka," sagot niya lang sa tanong ko at bigla bumilis tibok ng puso ko because I felt his breath on my neck. Kinilabutan ako ng konti.
Nginitian ko si Veon. "Don't worry. Your dream won't happen," sabi ko naman sa kanya at nginitian niya rin ako at pareho kaming tumingin sa harap.