webnovel

Army of True Salvation (TagLish)

Hindi mo inakala ang ganitong pangyayari. Nananahimik ka lang, nakikinig sa klase, at bigla na lang nagbago ang mundo. Zombie Apocalypse. Are you ready to survive, fight for your life, and strive in order for you not to die? Are you willing to carry a knife, hold a gun, and kill zombies even though they may be your family, friends, or someone you know? It's your choice. You may choose to survive or if you are too scared, you may choose to die and become a zombie. But if you have chosen to survive... You are already part of the "Army of True Salvation." ~ Credits to Janrae Mendoza for the book cover for Army of True Salvation (TagLish). Want to further show your support? Send me a ko-fi~! ^^ Link: https://ko-fi.com/mysticamy

MysticAmy · Fantasy
Not enough ratings
216 Chs

Couldn't Protect Them

>Sheloah's POV<

Tiningnan ko ang orasan. 7:23PM na ng gabi. Habang nag po-proceed kami papunta sa Tarlac, may mga zombies na nag papakita, at agad namin ito pinatay. Kanina mas maami, at ngayon umuunti na, pero meron parin mga zombies ang natitira. Kaya lang, naubusan kami ng mga bala at nasa kabilang vehicle yung mga stock ng bala namin. May sarili kaming mga bullets, pero hindi namin in-expect na ganito karami kaya sinarado na lang namin yung bintana at mabilis kami nag drive.

Nag sigh ako. "Veon, nag aalala ako." Sabi ko at mabilis parin ang pag mamaneho niya at wala kaming pakealam kung may nasasagasaan kaming zombies. Wala na kaming weapons so this is the best thing we could do.

Nagtaka kami nung biglang huminto yung bus ng parents sa harapan namin at nagulat kami nung bumangga yung bus ng classmates namin sa isang puno at muntikan nang matamaan ang kotse ni tito at ni Sir Erick sa harapan. Tumigil naman agad sina Sir Erick at tinawagan ako ni Shannara.

"May pumasok na zombie sa bus! Nbasag yung isang bintana! Naging zombie yung mga ibang kaklase mo at kumakalat yung contamination dito!" sigaw ni Shannara over the phone at nag panic ako.

"Sheloah, ano'ng nangyari?" tanong ni Veon as calm as possible pero hindi ko siya sinagot.

"Palabasin mo ang classmates natin ngayon na at papasukin mo sila sa buses ng parents!" sabi ko agad at lumabas ako ng kotse kasama ang sword ko.

"Uy, ano bang—" hindi natapos ang dapat sabihin ni Veon at nagulat siya nung nakita niya na may zombies sa loob ng bus ng students. "Shit!" react agad ni Veon at tiningnan niya ako. "Pupuntahan ko ang parents at sasabihin ko na tulungan nilang papasukin ang ibang students. Ako ang bahala sa depensa. Nasa kabilang bus ng parents si Tyler at hindi siya makakagalaw masyado!" sabi ni Veon agad at tumakbo siya papunta sa car ng parents.

Lumabas si tito at si Sir Erick at pinuntahan nila ako. They are equipped with their guns and tumakbo ako papunta sa bus ng students at nakuha nila yung sitwasyon kahit hindi ko sinabi sa kanila at sinamahan nila ako papasok ng bus.

Nung pag pasok ko ng bus, yung ibang students injured at nakita ko si Sheloah na ginagamit na lang ang isang extra gun niya pero halatang tinitipid niya yung bala dahil malapit na itong maubos. Inatake ko yung ibang zombies gamit ang sword ko at nakitulong yung tito ko. Binato ni Sir Erick ang baril niya kay Shannara at agad niiya itong kinuha.

"Gamitin mo 'yan at ilalabas ko ang ibang students." Sabi ni Sir Erick at binuhat niyang palabas ang injured students papunta sa bus ng mga parents. Binato rin ni tito yung baril niya kay Shannara at alam ko na tutulungan niya sa pagbubuhat ng students si Sir Erick. It's better na kami ang aatake at sila ang maglalabas ng mga students.

Dalawa na ang baril ni Shannara at hawak ko ang aking sword ng napakahigpit. Magkadikit ang likod namin at sa harapan namin, anim ang naging zombies sa mga classmates ko at ramdam ko ang lungkot at galit ko. Malungkot dahil ang mga classmates ko naging zombies, galit dahil sa pangyayaring ito, hindi na buo ang 4A.

"I'm sorry… I couldn't protect them." Sabi ni Shannara sa akin but I just shook my head.

"Hindi mo kailangan mag apologize. Gawin lang natin ang dapat nating gawin. Wala na tayong magagawa." Sabi ko at pinatay ko yung isang classmate ko na naging zombie. "They are already dead." I said finally at pinatay na namin ni Shannara yung iba pang zombies.

Killing those zombies who were once my classmates hurt. Kasama sila sa grupo namin. Parten a sila ng buhay ko dahil magkasama kami pero ngayon alam kong wala na sila. Masakit man na ganito ang nangyayari pero hindi ko maiiwasan. Hindi naman pwede na mag drama na lang ako at susuko. Kahit ganito ang nangyayari, kahait ayaw ko man maramdaman ang sakit, kalangan ko parin ito ituloy. Besides…

Hindi nila gusto na magmukmok ako dahil sa disappearance nila.

Pasensya na sa late release, napakabusy po maging teacher. :(

Pero para ganahan mag release, comment kayo, leave a review, send power stones, rate my chapter, and add my story to your library. :D

Salamat sa pagbabasa! ^^

MysticAmycreators' thoughts