webnovel

Antitoxicated (항독소)

A group of friends were stucked in a situation of a pandemic on the present time. The virus called CB20 spread all over the country. The government and citizens were panicking because of the sudden crisis. While the five of them were searching for a solution, they tries to find a way to cure their boredom. Little did they know, one of them is already a carrier and suddenly showed symptoms. As the others tested negative, they are willing to find a way. Suddenly, one of them found a strange book while lingering around their house. They never knew that the book was a great thing that could change their life and bring them back to their past lives. As they travelled back to the past, an exciting mission and adventure awaits them. What will happen to the people that are part of the mission? What will happen to the world? Will it finally be antitoxicated? [ A story inspired by different korean drama masterpieces.] A novel by me and @crishi_potato

trixvie · Fantasy
Not enough ratings
19 Chs

다섯: Princess Hae Ra

Hyra?

Napatingin sa'kin ang lahat ng mga tagapagsilbi. Bakit ganyan sila makatingin?

Ah wait! Kailangan yata yuyuko rin kaya yumuko na rin ako. Pagtapos noon ay tumingala rin ako agad.

Bakit siya nandito? Paano napunta dito si Hyra?

"Seo Na!" Bigla niya akong tinawag, tumakbo papunta sa akin at niyakap ako. "Buti na lamang at nakita kita ngayon."

Pero Seo Na ang tawag niya sa'kin. Parte ba siya ng misyon? Bakit siya nandito? Mukhang kailangan 'tong malaman ni Lola. Kaya lang nakakainis naman dahil walang cellphone dito, tsk!

"H-Hyra.." Tinawag ko rin siya. "Anong ginagawa mo dito?"

"Tumakas lamang ako upang lumabas sa'king silid. Wala na kasi akong magawa roon." Explanation niya.

"Hindi, ang ibig kong sabihin paano ka nakabalik sa makalumang panahon?" Pagtatanong ko ulit dahil mukhang hindi niya 'ko naintindihan kanina.

"Makalumang panahon? Ano bang sinasabi mo, Seo Na?" Nagtataka niyang tanong. Wait lang..

"Sandali, hindi ikaw si Hyra?" Tanong ko at mukhang mas naguluhan ang ekspresyon ng mukha niya. Mukhang hindi nga siya. Pero sino siya?

"Hyra? Halos katunog na rin ng ngalan ko ang katawagang iyon. Ngunit ako si Hae Ra. Ano bang nangyayari sa iyo, aking kaibigan?" Hae Ra? Ibig sabihin ang katauhan ni Hyra sa Joseon Dynasty ay ang babaeng kaharap ko ngayon..si Hae Ra.

"Hae Ra?" Nagtataka pa ring tanong ko.

"Oo, ako si Hae Ra. Song Hae Ra. Ang iyong matalik na kaibigan. Ang kasama mong nangangarap." Paliwanag niya sa'kin at mukhang nag-aalala siya dahil hindi ko ma-gets ang sinasabi niya.

"Anong pinagsasabi mo? Tigilan mo nga yang prank mo, Hyra! Baka mamaya may dinala kang camera dito ah. Paano ka na nakapunta dito, huy! Tsaka di'ba may sakit ka? Okay ka na?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya at mukhang naguguluhan na talaga siya. Kasi kung hindi niyo naiitanong, vlogger si Hyra. Hilig niya kaming i-prank at nadadala naman kami dahil magaling siyang umarte

Pero itong kaharap ko ngayon, para siyang hindi umaarte, hindi ba talaga siya si Hyra?

"Hindi nga ako si Hyra. Tsaka ano yung sinasabi mong 'parank' at 'kamera'? Hindi talaga kita maintindihan, Seo Na. Ano bang nangyari sa iyo? Noong isang araw lamang ay masaya tayong nagkwe-kwentuhan tungkol sa kasal namin ng kamahalan pero bakit ngayon ay nagka-ganyan ka na?" Malungkot at nag-aalalang sabi niya. Mukhang seryoso talaga siya sa sinasabi niya. Pero ano yung sinabi niya? Kasal?

"Sandali, ikakasal ka na?" Tanong ko at lalong kumunot ang noo niya.

"Oo. Hindi mo naaalala?" Ramdam ko ang kaba niya sa mga sinasabi ko.

"Kanino?" Parang ewang tanong ko.

"Kanino pa ba? Wala namang iba kung hindi sa aking pinakaiibig kong kamahalan." Ang kaba namang kitang-kita sa mukha niya kanina ay biglang napalitan ng kilig. Ay, bipolar din siya? Well, parang si Hyra din.

"Kamahalan? Sino?" Hindi ko naman kasi alam kung sino. Ang dami nilang tinatawag na kamahalan sa buong Imperial Family.

"Hindi mo kilala? Si Prinsepe Ryeong, ang aking mahal." Para naman siya ngayong nasa cloud nine.

So sa panahon din pala na 'to, sila rin pala ni Ryxen.

"Mahal mo siya?" Tanong ko pa at parang nagulat siya.

"Oo naman, mahal na mahal. Bakit ka ba nagtatanong ng ganyan? Hindi ba't dati pa lang ay sa'yo ko na ibinubuhos ang aking emosyon sa tuwing makikita ko ang aking sinta?"Kwento niya ulit. Actually, ganun din si Hyra dati. Kilig na kilig din siya tuwing makikita niya si Ryxen. Hinahampas-hampas pa nga ako noon eh. "Sigurado ka bang ayos ka lang?"

"Ha? Ah eh, h-hindi ko alam." Sabi ko na lang. Naguguluhan pa rin kasi ako. Mukhang hindi siya si Hyra pero sino siya?

"Mu-seun il isseo?" Tanong niya pa. Nag-korean pa pala siya.

*Translation: What's the matter with you?*

"G-Gwaenchanha" Sagot ko na lang.

*Translation: I'm okay*

Bigla naman akong hinawakan ni Jang Yeon sa braso. Oh, nandito siya? Saan siya lumusot at bigla siyang sumulpot?

"Paumanhin, kamahalan ngunit dadalhin ko muna si Lady Seo Na sa kanyang silid." Tumango naman si Hae Ra at dinala nga ako ni Jang Yeon sa kwarto ko.

Halatang nag-aalala rin siya.

"Jang Yeon, bakit mo ako dinala dito?" Tanong ko sa kanya.

"Ano po bang nangyari na naman sa inyo? Ang akala ko po ba'y nakakaaalala na kayo." Sabi niya. Oo nga 'no, pero kasi si Hyra..

"Si Hae Ra.."

"Siya ang inyong matalik na kaibigan, binibini. Matagal niyo nang kilala ang isa't isa, bago pa siya maging isang prinsesa.."Sabi niya na ikinagulat ko. Prinsesa?

"Sa totoo lang noon, kayo pa ang naging daan para magustuhan siya ni Crown Prince Ryeong." Kwento niya pa. So matchmaker ako ganun?

"At ngayon.. malapit na silang ikasal at malapit na ring maging ganap na crown princess si Prinsesa Hae Ra." Nalungkot naman ang mukha niya. "Ngunit iyon ay mukhang mauudlot pa ng pansamatala dahil sa epidemya na kumakalat sa Timog na sadyang nakatatakot."

"Ah ganun ba. Mukhang sumama lang naman ang pakiramdam ko kaya kung ano-ano ang nasabi ko. Sige, baka mamaya, kakausapin ko na rin si Hy--si Prinsesa Hae Ra." Paliwanag ko naman at tumango siya. "Ok--Uhm, ayos lang ba kung matulog muna ako?" Nagtanong naman ako.

"Opo, ayos lang,", Sabi niya at umalis na.

Nahiga na lang ako sa kama. Hays, nakakapagod pala yung ganito tas may mga nangyayari pang hindi mo naman expected. Pero mas ok na rin kaysa yung araw-araw na paulit-ulit lang at walang excitement. Hindi kagaya ngayon, hindi ko na alam kung anong susunod na mangyayari.

Hays, matutulog nga muna 'ko

-- RYXEN LEE / LEE RYEONG --

It's very tiring being Crown Prince Lee Ryeong. He is a very busy person. Ang dami niyang trabaho dito sa palasyo. But all I want just to lie down all day. Pero hindi pwede, may inutos sa'kin ang emperor kahapon na hanapan ko raw ng infos. It's about the outbreak on small provinces.

Ngayon naman, nakatambay lang dito sina Gemson at Dwayne. Hindi na kami ng nagtatawagan ng mga pangalan namin dito since wala namang ibang nakakakita o nakakarinig.

Uhh, I miss watching every Twice vlive. I miss my Dahyunnie. Namimiss ko nang mabuhay sa present life na nag-aabang lang ng update ng twice sa tiktok.

And isa pa, I miss her. I miss the only person who makes me smile. I miss the prettiest in my eyes.

I miss Hyra :(

Kamusta na kaya siya? Does she feel better now? Naalala ko pa nung huli ko siyang nakita, she was so weak. And I hate myself that I cannot do anything for her. I hate myself that she called me her 'hero' for nothing.

"Hoy Ry!" Biglang sumigaw si Gemson. Am I spacing out?

"Huh? Why?" Lutang na tanong ko sa kanila.

"Hay na 'ko, iniisip na naman niyang sumasayaw siya ng Heartshaker sa isip niya." Sabi ni Dwayne at natawa si Gemson. Tss, alam na talaga niya ang favorite twice song ko ah.

"Stop it, Dwayne. I'm not in the mood." Sabi ko na lang para tumigil na sila.

"Psh, lagi naman. Ano na naman ba ang nakapagpawala sa'yo sa mood?" Hirit uli ni Dwayne

"It's none of your business." Supladong sagot ko

"Alam mo, bro, kung may problema ka, sabihin mo na lang. Alam mo na, sa panahong 'to, tayo ang magkakakampi. Tsaka, magkakaibigan rin naman tayo, right?" Sabi naman ni Gemson.

Napayuko tuloy ako. "I miss her.."

Nakita ko namang nagkatinginan silang dalawa.

"If that's Hyra. Don't worry, she'll be fine. Kaya nga tayo nandito at kaya natin tatapusin ang mission natin dito, is because she needs us, right?" Sabi ni Dwayne at napatango na lang ako. May masasabi rin pala 'tong matino.

Bigla namang iniluwa ng pinto ang isang babae..

Maganda yung babae..

Parang mix nina Nayeon at Mina. Pero hindi naman siya mukhang rabbit at penguin. Maganda, ang ibig kong sabihin..

Wait lang..

"Magandang gabi, mga mahal na prinsepe at sa iyo, Master Seo Jeong."

"HYRA?" Sabay-sabay naming sabi.

Hindi kami pwedeng magkamali..

Si Hyra ang babaeng nasa harap namin ngayon.

But..how did she get here?

"Hyra? Yun din ang tawag ninyo sa akin?" Natatawa at medyo nagtatakang sabi niya.

"Anong ginagawa mo dito, Hy? Paano ka nakarating dito?" Tanong sa kanya ni Dwayne.

"Di'ba may sakit ka? Paano ka nakaalis sa hospital? Paano ka napunta sa 1720?" Sabi ni Gemson at mukhang nagulat siya. It seems like hindi niya ma-gets yung sinasabi ni Gemson.

Wait, she is not Hyra?

"Hey, can y--Uhm, pwede bang tigilan niyo muna yan," Saway ko kina Dwayne at Gemson. "Ah, anong kailangan mo?"

Napangiti naman siya. "Kamahalan," Ang ganda talaga niya. I missed her face. "Maaari ba tayong mag-usap? Tila ako'y nananabik sa'yo at sana'y ganun ka rin sa akin."

Halos matawa si Gemson. Siguro dahil masyadong malalim yung mga salitang ginamit niya. Siniko ko naman siya (Gemson)

Magsasalita sana 'ko ng biglang..

"Mga mahal na prinsepe, Master Seo Jeong, pinapatawag po kayo ni Lady Han." Sabi sa'min ng isa sa mga tagapagsilbi.

"P-Pasensya na, kailangan naming pumunta kay Lady Han." Sabi ko kay Hyra, tumango siya at umalis na kaming tatlo.

Sinundan namin yung tagapagsilbi at mukhang pupunta kami sa kwarto ni Zeline--ni Lady Seo Na.

Pagpasok namin ay nakita naming nakaupo sa lapag si Lady Han at si Zeline naman sa kama. Halata ring kagigising lang niya. Ang cute.

"Umupo kayo riyan," At pinaupo kami ni Lady Han. Ano kayang gagawin namin sa meeting na 'to? "Nabanggit sa akin ni Seo Na, na nakita niyo na si Hae Ra."

So, Hae Ra ang pangalan niya dito?

"Si Hyra po?" Pag-uulit naman ni Gemson.

"Oo, si Hyra. Ang kaibigan ninyong si Hyra. Ngunit ang katauhan niya o ang buhay niya sa panahong ito ay si Crown Princess Song Hae Ra. Kung gusto ninyong mapangalagaan at ilayo sa kapahamakan ang kaibigan ninyong si Hyra, protektahan niyo si Hae Ra. Isa siya sa pinakamahahalagang tao sa misyon ninyo." Paliwanag ni Lady Han.

"Pero, siya po si Hyra, diba? Hindi niya kami naaalala?" Tanong ko

"Oo, hijo. Ang kaluluwa niya at ni Hyra ay iisa ngunit ang memorya nila ay hindi. Ang nasa alaala ni Hae Ra ay ang naging buhay niya rito at kayo bilang Seo Na, Seo Jeong, Ryeong at Dong Min. Ngunit sa memorya ni Hyra ay buhay niya rin sa modernong panahon at kayo bilang kung sino talaga kayo sa kasalukuyan." Paliwanag ulit ni Lady Han/ Lola Shania. "Walang alam si Hae Ra sa naging buhay niyo sa taong 2020 kaya iwasan niyo ang pagbabanggit ng mga modernong salita at kung ano-ano pa. Iisipin lang niya na nababaliw na kayo. Tama ba, Seo Na?"

Napayuko naman si Zeline.

"Opo, lola--ah este, Eomma." Sabi ni Zeline.

"Ikaw, Ryeong. Kamahalan. Ikaw ay kasintahan ni Hae Ra sa panahong ito. Nakatakda na kayong ikasal kaya siya rin ay nakatakda na maging Crown Princess sa oras na maikasal kayo." Sabi ni Lady Han at napangiti ako. Kaya pala ganun ka-sweet ang mga ngiti niya sa'kin kanina. Kahit noon pala, girlfriend ko na siya. "Alam ko namang hindi ka mahihirapan dahil may relasyon naman kayo ni Hyra sa modernong panahon."

"Ikaw, Seo Na. Ikaw ang matalik niyang kaibigan. Sa iyo niya sinasabi ang lahat. Ikaw na nga ang nagsisilbing talaarawan niya rito dahil sa sobrang malapit ninyong dalawa. Alam ko rin namang kaibigan mo si Hyra at malapit kayong dalawa kaya sana ay hindi ka mahirapan." Sabi sa kanya ni Lady Han.

"Kayo naman, Prince Dong Min at Seo Jeong. Mga kaibigan kayo ni Hyra at wag ninyo siyang bibiguin. Ang unang hakbang ninyong lima ay mapangalagaan ang kanyang kalusugan upang hindi siya mahawa sa kumakalat na sakit. Sa oras na mahirapan kayo, isipin niyo na lang na para kay Hyra ang labang ito." Sabi niya at napatango kaming lima.

She's right.

This is for Hyra. We love her and we will fight for her.