webnovel

PROLOGUE

Naglalakad ako papuntang park mag da-date kasi kami ng boyfriend kong si Josh anniversary kasi namin ngayon may regalo ako sa kanya na bracelet magka pares pa ang bracelet na binili ko.

Habang naglalakad ako ay nakita ko si Josh naka upo sa park.

"Josh!"sabay yakap ko rito.

"Alynna!"

"Josh happy anniversary babe!"

"Happy anniversary din babe" saad niya na malungkot.

"Bakit ka malungkot babe? May problema ba sa inyo?"tanong ko rito.

"Wala naman babe, masaya kaya ako".

"Talaga ba?! Tingnan mo nga itsura mo parang hindi ka masaya?"

"Babe sorry!"saad niya.

"Sorry?! Bakit ka naman nag sorry? ehh wala ka namang ginagawang kasalanan sa akin?!"

"Let's break up!"

"Ano Josh?!"

"Let's break up!"pag ulit niya.

"Bakit may mali ba akong ginawa?! Sabihin mo sa akin at itatama ko iyon lahat-lahat! Huwag mo lang ako hiwalayan!"sabi ko habang umiiyak.

"Sorry Alynna! Ikakasal na ako!"saad niyang umiiyak.

"Ikakasal?! Ako yung girlfriend mo! Tapos mag papakasal ka kung sino sino! Paano yung 7 years Josh! Paano yung 7 years na pinagsamahan natin?!"

"It's arranged marriage Alynna! Si dad nag plano nun hindi ako! Hindi ko gusto mag pakasal kay Jessica! Na bankrupt ang kompanya namin! Kapag si Jessica pinakasalan ko lalago ang kompanya namin! Kapag ikaw papakasalan ko walang mapapala ang kompanya namin"

"Kasi mag kalaban ang mga magulang natin! Ganun ba?!"

"Oo"

"Ok fine! Mag break na tayo! Alam mo sawang sawa na ako! Kasi hindi mo ako maipaglaban Josh! 7 years na tayong nagtatago ng relasyon nating dalawa! Pero ngayon na realize ko, sana hindi na kita minahal! Sana hindi na lang kita nakilala! Puro sana ang nasa utak ko ngayon Josh! Pinagsisisihan ko na hindi ko sinunod si mom and dad na pumuntang Canada para mag aral! Sising sisi ako ngayon Josh! Sising sisi ako!

Iniwan ko siyang mag isa at sumakay ng taxi habang humahagulgol sa iyak.

"Iha, bakit ka umiiyak!"sabing driver habang nag mamaneho.

"Hiwalay na po kami ng boyfriend ko!"

"Ayy huwag mo na siyang iyakan! Hindi mo siya deserve iha, kung ako sayo mag move on kana, bata ka pa naman, marami ka pang makikilala na mga lalaki."payo sa akin ng driver.

"Saan ka nga pala iha?"patanong niya.

"Sa Concepcion uno po sa friendly street po, malapit sa Puregold."

Continue?????